Loving My Brother #1: Thrale'...

Oleh ziryanggg

182K 7K 704

Bakit ganoon? Bakit ako nakakaramdaman nito? Nakadidiri. Nasasaktan ako because he can't love me back? So ov... Lebih Banyak

I love you, kuya.
Prologue:
Chapter 1:
Chapter 2:
Chapter 3:
Chapter 4:
Chapter 5:
Chapter 6:
Chapter 7:
Chapter 8:
Chapter 9:
Chapter 10:
Chapter 11:
Chapter 12:
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15:
Chapter 16:
Chapter 17:
Chapter 18:
Chapter 19:
Chapter 20:
Chapter 21:
Chapter 23:
Chapter 24:
Chapter 25:
Chapter 26:
Chapter 27:
Chapter 28:
Chapter 29:
Chapter 30:
Chapter 31:
Chapter 32:
Chapter 33:
Chapter 34:
Chapter 35:
Chapter 36:
Chapter 37:
Chapter 38:
Chapter 39:
Chapter 40:
Chapter 41:
Chapter 42:
Chapter 43:
Chapter 44:
Chapter 45:
Chapter 46:
Chapter 47:
Chapter 48:
Chapter 49:
Chapter 50:
Chapter 51:
Chapter 52:
Chapter 53:
Chapter 54:
Chapter 55:
Chapter 56:
Chapter 57:
Chapter 58:
Chapter 59:
Chapter 60: Confession
Chapter 61:
Chapter 62:
Chapter 63:
Chapter 64:
Chapter 65:
Chapter 66:
Chapter 67:
Chapter 68:
Chapter 69:
Chapter 70:
Chapter 71:
Chapter 72:
Chapter 73:
Chapter 74:
Chapter 75:
Chapter 76:
Chapter 77:
Chapter 78:
Chapter 79:
Chapter 80:
Chapter 81:
Chapter 82.
Chapter 83:
Chapter 84:
Author's note:

Chapter 22:

1.5K 75 1
Oleh ziryanggg

Thrizel’s POV

Mag-isa akong naglalakad sa hallway. Papunta sa aking silid-aralan, malayo pa ang aking lalakarin dahil nasa ibang edipisyo ako. Inutusan lang naman ako ng guro na nasalubong ko kanina. Angas ‘no? Puro pa ako pagtatanong sa mga estudiyante dahil hindi ko talaga alam. Hindi makapal ang mukha ko para gawin iyon nang paulit-ulit. Kaya sa susunod, ayoko nang sumunod.

Pero may isa pa, ramdam kong kanina pa ako sinusundan ng lalaking ‘to. Pamilyar ang kaniyang mukha pero hindi ko maalala kung anong pangalan niya, ano bang kailangan nito sa akin? Para malaman, nang paliko ang daan, mabilis akong pumunta roon. Tumayo ako ng tuwid at handang harapin ang lalaki, nagcross arm pa ako. Hindi ako nagkamali, sa mismong harap ko ito napahinto, nakaharang ako sa kaniyang daan.

"Anong kailangan mo, Phryx Recas?"

Naalala ko ang kaniyang pangalan nang makita ko ang kabuohan ng kaniyang mukha. Yeah, tama si kuya, gwapo nga ito ngunit walang ka-ayos ayos. Ang suot na uniporme ay lukot lukot. Ang kaniyang buhok ay walang suklay, malaki ang kaniyang eye bags at palagi siyang nakatikom. Pag-iisipan mo itong baliw lalo na’t bigla kang hahawakan tulad nang ginawa niya sa akin.

Ano bang hinahabol sa akin ng lalaking ‘to?

"Don’t blocking my way." Bigla ako nitong tinabig, nagulat ako roon. What? Siya lang talaga ang lalaking nakakapanakit sa akin! Gaya ng pagkulong niya sa akin sa pader!

"Hoy, Phryx Recas, ang dami mong atraso sa akin!" Sigaw ko rito. Salamat naman at nasa dulo kami ng hallway, walang gaanong makakarinig sa amin.

Huminto siya at muling tumingin sa akin. "Anong mga atraso ko sa ‘yo?"

"Please, be a gentleman, lagi kang nakakasakit."

"Sino ka ba?"

"I’m Thrizel Wrent, ang hinahanap mo dati kay Thrale Wrent!"

"Wala na akong pakialam sa ‘yo, sino ka ba para bayaran ko ang sinasabi mong atraso? Masyado kang nagpapatawa." Rinig ko ang kaniyang pagsinghal.

"I hate you." Diretso kong sabi.

"Ano naman? Wala nga akong pakialam sa ‘yo, alangan maapektuhan ako riyan."

Nakikipag-usap siyang nakayuko, minsan ay nakatalikod. Ayaw na ayaw niyang tumingin sa aking mukha. Siguro ay nakasanayan niya na ang gano’n pero wala naman itong pakialam sa akin. Bakit ko pa ba ito binibigyan ng pansin?

"Okay." Sagot ko nalang. Naglakad na ako. Nang makarating sa kaniya ay binangga ko ang balikat nito. Wala siyang naging tugon. Dapat lang, ilang beses niya na akong sinaktan. Nakakainis.

Napaisip ako habang naglalakad. Si kuya Thrale ay kaya akong i-under. Si Ryke ay kaya akong paamuhin. Si Dominic ay kaya akong pag-isipin nang pag-isipin. Si Elkhurt ay kayang kunin ang curiosity ko at si Phryx ay kaya akong saktan physically. Hindi ba p’wede iyang mga personality niyo ay mapunta lang sa iisang tao? Ang hirap kapag ganiyan, literal.

Nakarating naman agad akong silid-aralan. Wala pa ang aming guro. Nilapitan ko si Amira na nakaupo sa kaniyang upuan. Abala ito sa pagsasagot kaya mas pinili ko nalang sumandal at tumingin sa bintana. Isang buwan nalang ang aming pasok, malapit ko na ring matapos ang school year na ito. Thanks.

Kung magbabakasyon na, wala na naman akong gagawin sa bahay kun’di ang pa-ikot ikot lamang. Kung magbabakasyon ako sa iba? Ay, pupunta pala rito si Link kapag natapos ang pag-aaral niya. Buti naman at may iba akong makikitang mukha sa bahay. Kahit papaano ay sumasang-ayon sa akin ang mga ganitong pangyayari.

Nang magbreak time, sabay kaming lumabas ni Amira, lagi naman. Alam kong magkakasalubong namin si kuya, tama ako. Mag-isa lamang ito, sinulyapan niya ako at nilagpasan. Wala naman na iyong kaso sa akin, dapat masanay na akong gano’n.

Nakarating naman agad kaming cafeteria. Naagaw ni Ryke ang aking atensyon dahil sa paglapit niya. Niyaya niya kami sa p’westo niyang kinuha. May mga pagkain na rin, halatang kanina niya pa kami hinihintay.

Nilagyan niya ang plato ko ng pagkain at nagtanong. "How’s your class?" Seryoso nitong tanong. Hindi niya ako binalingan. Tinitigan ko siya sa kaniyang mga mata, katulad din nila kuya at Dominic si Ryke, maraming babaeng naghahabol. Ewan ko ba, kung bakit nakapaligid silang lahat sa akin. Ano ba papel nila sa buhay ko?

"Ayos naman." Nakangiti kong sagot. "Ikaw ba?"

He’s my suitor, bago ko may ibang nararamdaman kay kuya, alam kong si Ryke ang gusto ko kaya pumayag akong magpaligaw. Si Ryke dati ang laging nasa isip ko, sa kaniya ako kinakabahan at kinikilig. Gusto ko ulit mangyari iyon, ay’ko na sasapaw ang kay kuya. Dapat na kay Ryke na ang atensyon ko, I don’t want to hurt him.

"Let’s eat." Kumain na kaming tatlo. Wala ni isa sa aming gustong dumaldal. Pati si Amira na madaldal ay tahimik lamang. Kanina ko pa rin siya napapansin, parang ang tamlay nito kanina pa. What’s wrong with her? May problema ba ito?

Natapos kaming kumain. Sabi ko kay Ryke ay huwag na kaming ihatid sa silid-aralan. Kailangan kong matanong si Amira, ramdam kong malalim ang iniisip ng aking kaibigan.

"Osige." Sagot ni Ryke. "Ingat, lablab." Paalam nito saka na umalis. Ngiti na lamang ang tinugon ko sa kaniya.

Nang mawala siya sa aking paningin, tinanong ko na si Amira. "What’s your problem, Amira?"

Sa pagtatanong ko, nawala siya sa pagkatulala. Nagulat na humarap sa akin, hindi niya yata inaasahan na magtatanong ako.

"Uh, wala, why?"

"Spill it."

"Napuyat lang ako sa dami nating activities."

"Seriously?" Hindi ako sigurado sa kaniyang sagot. "Spill it, Amira."

"Ano ba, Thrizel? Napuyat lang talaga ako. Nakakapagod din kasing mag-aral, baka bukas ay ayos na ako."

"Make it sure."

Bumalik na kami sa klase naming dalawa. Pumasok ang isa naming guro, may i-aannouce ito sa aming klase. "Do you know what an exchange student is? Student exchange is the exchange of students in two different schools to observe the progress that is happening in another school." Nakikinig lamang kami. "Ang mga kukunin ay iyong mga active sa klase." Napatingin ako kay Amira dahil sa loob ng silid na ito, siya ang aktibo. "Sa grade 9 level kami kumukuha. So ngayon, mamimili ako ng tatlo sa klase natin. Isang lalaki at dalawang babae." Tumingin ito kay Amira. "Miss Aquillion, ikaw ang gusto ko."

Tumango na lamang si Amira dahil kahit ano namang tanggi niya kay ma’am ay kukulitin pa rin siya nito. Tinawag na ni ma’am ang isang lalaki, tama ang pagpili niya, matalino talaga iyon. Sunod na tumingin si ma’am, doon sa babaeng nasa harapan, hindi kagandahan pero matalino rin.

Kita kong ngumiti siya sa aming guro at nagsalita. "Pasensya na, ma’am." Nagseryoso ang kaniyang mukha. "Bakit hindi niyo po kunin si Ms. Wrent? Tutal mas mataas naman ang grado niya kaysa sa akin, aktibo rin naman siya sa klase."

Nangunot ang aking noo sa kaniyang sinabi. Anong trip nito? Nagsalita ako. "Dapat ay matuwa ka nalang dahil ikaw ang napili. Ililipat mo pa sa akin ang obligasyon mo, masyado akong abala para diyan." Ngumiti ako ng peke. Mataas nga ang aking mga grado pero ayoko ng mga ganiyan. Dagdag gawain, iisipin ko palang tinatamad na ako.

"Ms. Wrent, sang-ayon ka ba na ikaw nalang ang kukunin ko?"

Sumagot ako agad. "I’m too busy, ma’am and I also have a problem at home, mukhang hindi ko siya mapagtutuonan ng pansin. Marami namang matalino sa loo—" Napahinto ako sa pagsasalita nang bigla akong hawakan ni Amira sa kamay. Walang emosyon ang kaniyang mukha pero alam ko ang kaniyang pinaparating. Wala akong ibang nagawa kun’di ang bumuntong hininga. "Sure, ma’am, kaya ko naman."

Natuwa naman ang aming guro sa harap. Sinabi niya na sa amin kung kailan gaganapin iyon, kailan matatapos. Nang matapos siyang magpaliwanag, nag-umpisa na siyang magturo. Nasa gitna ako ng pakikinig nang magsalita si Amira.

"Are you in love with Thrale?" Bigla akong kinabahan sa kaniyang pagtatanong. Kaya ba ito wala sa mood dahil napapansin siyang may kakaiba sa akin? I forgot, inlove pala si Amira kay kuya. Bakit hindi ko man lang iyon naalala? Should I say sorry to her? Wala akong kamalay-malay nasasaktan ko ang aking kaibigan.

"I’m sorry." Iyon ang lumabas sa aking bibig.

"Sorry?" Nangunot ang kaniyang noo. "Are you?"

"I’m not sure."

"Make it sure." Gaya niya sa sinabi ko kanina sa kaniya.

"Are you jealous?" Diretso kong tanong, walang pag-aalinlangan. Hindi naman masama kung magtatanong ako.

"Hindi, tuleg." Base sa kaniyang mga mata, mukhang hindi nga. "Nag-aalala lang ako sa ‘yo, masyado kasi kitang kilala, Thrizel. Nahahalata ko ang mga kilos mo. Always remember na mali ang gano’ng pakiramdam."

"Alam ko naman."

"Kapag ipinagpatuloy mo, maraming masasaktan.  Nandiyan si Ryke, alam kong mahal ka niya, ramdam ko iyon. Nandiyan naman si ate Anissa, she loved Thrale very much, masasaktan iyon ng sobra." Huminga siya ng malalim. "At siyempre mas nag-aalala ako sa ‘yo, kaibigan kita na parang kapatid, ayaw kitang masaktan." Ngumiti siya. "Para na akong timang, basta tandaan mo sinabi ko sa ‘yo? Huwag mong kalimutang mag-isip kapag tungkol sa ganiyan. Minsan kasi nagagawa natin kahit alam nating mali.”

I’m thankful because she became my bestfriend.

Itutuloy...

Lanjutkan Membaca

Kamu Akan Menyukai Ini

1.4K 72 8
SHE HAD ALWAYS BEEN A SWEET GIRL, NELL McNULTY. COMPASSION LEARNT FROM HER MOTHER, AND A TENACITY INHERITED FROM HER F...
1.8K 82 27
[ Batwoman and Catman story] "The Bat And The Cat, It has a nice ring. Let's get into some trouble" (Contains Mature Content)
743K 22.5K 66
it all started when jimin followed a savagesuga on instagram. the rest is basically history. - where jimin is oblivious to the fact min yoongi is a...