Loving My Brother #1: Thrale'...

Par ziryanggg

183K 7K 704

Bakit ganoon? Bakit ako nakakaramdaman nito? Nakadidiri. Nasasaktan ako because he can't love me back? So ov... Plus

I love you, kuya.
Prologue:
Chapter 1:
Chapter 2:
Chapter 3:
Chapter 4:
Chapter 5:
Chapter 6:
Chapter 7:
Chapter 8:
Chapter 9:
Chapter 10:
Chapter 11:
Chapter 12:
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15:
Chapter 16:
Chapter 17:
Chapter 18:
Chapter 19:
Chapter 21:
Chapter 22:
Chapter 23:
Chapter 24:
Chapter 25:
Chapter 26:
Chapter 27:
Chapter 28:
Chapter 29:
Chapter 30:
Chapter 31:
Chapter 32:
Chapter 33:
Chapter 34:
Chapter 35:
Chapter 36:
Chapter 37:
Chapter 38:
Chapter 39:
Chapter 40:
Chapter 41:
Chapter 42:
Chapter 43:
Chapter 44:
Chapter 45:
Chapter 46:
Chapter 47:
Chapter 48:
Chapter 49:
Chapter 50:
Chapter 51:
Chapter 52:
Chapter 53:
Chapter 54:
Chapter 55:
Chapter 56:
Chapter 57:
Chapter 58:
Chapter 59:
Chapter 60: Confession
Chapter 61:
Chapter 62:
Chapter 63:
Chapter 64:
Chapter 65:
Chapter 66:
Chapter 67:
Chapter 68:
Chapter 69:
Chapter 70:
Chapter 71:
Chapter 72:
Chapter 73:
Chapter 74:
Chapter 75:
Chapter 76:
Chapter 77:
Chapter 78:
Chapter 79:
Chapter 80:
Chapter 81:
Chapter 82.
Chapter 83:
Chapter 84:
Author's note:

Chapter 20:

1.7K 76 0
Par ziryanggg

Thrizel's POV

Sobrang tahimik ng aking kwarto nang magsalita si kuya. "Thrizel." Humarap ako sa kaniya. Nagulat ako dahil nakatingin ito sa akin. Hindi ko mabasa ang kaniyang nasa mata, anong gusto niyang iparating?

"K-Kuya, bakit po?" Utal kong tanong dito.

Napatingin ako sa kamay niyang ngayon ko lang naramdaman na nakahawak sa aking braso. Tinitigan ko siya sa kaniyang mga mata, aaminin kong ngayon ko lang ito natitigan nang matagal.

Maya-maya lang ay lumuwag ang hawak niya. Pinilig niya ang kaniyang ulo at umayos ng upo. "Are you not yet sleepy?"

Hindi ako sigurado sa kaniyang tinanong. Alam kong may iba pa siyang gustong sabihin sa akin. Hindi ako sumagot, tiningnan ko siya sa mga mata muli ngunit pilit niyang iniiwas ang kaniyang paningin. Nagtaka ako dahil napahilamos siya ng kaniyang mukha, parang problemado.

"Spill it." Kalmado kong sabi. "Anong problema?"

"You."

"What do you mean ako?"

"No, I mean." Nangunot ang kaniyang noo, sinuri ako nito. "Bakit may-argh, fuck!" Huminga siya nang malalim at muli tumingin sa akin. "Kilala ko ang kilos mo, bakit parang may ka-parehas ka? Bakit parang-fuck it, I forgot that you are my sister!" I don't understand him, anong sinasabi niya? Akala ko ako lang ang naguguluhan dito, pati rin pala itong si kuya. Anong sinasabi niyang may kaparehas ako? Na kapatid niya ako? Anong pinupunto nito?

"We're siblings, kuya, what's wrong with you?"

"Kanina, ibang babae ang tingin ko sa 'yo."

"Sino naman?"

"Hindi ko siya kilala." Lumamig ang kaniyang boses. "Patayin mo na 'yan, ayokong mag-ingay at baka magising pa 'yang mga 'yan." Tumayo siya ngunit hinawakan ko ang kaniyang pulsuhan. Nagtataka siyang tiningnan ako nito. "Why?"

"M-Magkatabi kami ni Ryke?"

Tumingin siya sa kama, kita niya ngang magkatabi ang dalawa. "Yes, he's your suitor."

"Yes, he's just my suitor."

"Do you want me to sleep next to you?"

"No, guest room nala—"

"Anissa is her—"

"What? Akala ko ba nasa kwarto mo siya."

"I'm just her suitor, mas mabuting sa guest room muna siya matulog." Tinanggal niya ang kamay kong nakahawak. "P'wede namang tumabi ka nalang kay Anissa."

"Dito nalang ako." Saka ako bumalik sa pagkakahiga.

"Sure?"

"Yes." Naramdaman kong hinawakan niya ang aking ulo at hinalikan sa buhok. "Good night, my princess, ngayon lang ako mabait, bukas tama na dahil huling gabi mo na 'to." Pinalo ko ito sa braso dahilan para humalakhak siya.

"Good night, kuya, lablab." Kumaway na siya at lumabas ng aking kwarto. Mahihiga na sana ako kaso gano'n nalang ako gulatin ni Elkhurt, nasa tabi ko na 'to habang nakatingin sa akin na may nakakalokong ngiti, kahit kailan talaga.

"Narinig ko usapan niyo." Sabi nito at tumingin sa nilabasan ni kuya. "Alam mo iyang si Thrale, napapraning talaga 'yan minsan, hindi ko na nga iyan maintindihan. Like kanina, sabi niya may ka-parehas o tingin niya sa 'yo ay ibang babae. Tsk, tsk." Umiling iling ito at muling nagsalita. "Isa lang sulosyon niyan, magtawag na kayo ng psychiatrist, nababaliw na 'yan."

"Seryoso ka?"

"Ako ngang kaibigan niya ay hindi kabisado ang kaniyang ugali, ewan ko nalang kay Anissa pero sabagay, mabait naman si Thrale kapag sa babaeng mahal niya." Napatingin ako kay Elkhurt dahil sa kaniyang sinabi. Ano kayang feeling kapag boyfriend mo si kuya? Masarap ba? Hindi ba siya nananakit ng damdamin ng babae? Gentleman ba siya?

"Matulog ka na nga." Humiga na ako sa kama. Tumagilid ako mula sa kaniya. Ramdam ko namang humiga na siya, hindi ko na ito pinansin at natulog na.

Nagising ako kinabukasan ay ako nalang ang nakahiga. Lunes pala ngayon, may pasok kami, anong oras na ba? Hays, late na ako, hayaan na.

Tumayo na ako at lumabas ng kwarto, pumunta akong kusina, nakita ko si mom. "Good morning, mom."

"How’s your sleep, baby?"

"Ayos po, kumusta ang lakad niyo?"

"Gano’n din naman. By the way, late ka na sa klase mo, hahabol ka ba?"

"Hindi na po." Sumandok ako ng aking pagkain at umupo. "Si kuya po ba pumasok?"

"Hindi, anong oras na rin nagising ang kuya mo. Hinatid niya rin kasi si Anissa sa hospital." Yeah, may sakit ang nanay ni ate Anissa. Ang bait nga no’n e, priority niya ang kaniyang nanay. Hindi niya pinapabayaan kahit nahihirapan siya pagsabayin ang pag-aalaga at pag-aaral. Patay na kasi ang tatay ni ate Anissa at nag-iisang anak lang siya. Ewan ko kung nanghihingi siya ng tulong sa kamag-anak nila pero nandiyan naman si kuya para bantayan ng mabuti si ate Anissa.

Ang sweet nila sa totoo at dapat ko nang tanggapin na magiging girlfriend na ni kuya si ate Anissa. Ang tagal niya na rin kasing nanliligaw roon. Ang daming nakasuporta sa kanila at naghihintay kung kailan sila magiging official, dati kinikilig ako sa kanila. Ewan ko ngayon, parang kalmado lang ako.

Nawala ako sa pag-iisip nang magsalita si mom. "Ang lalim yata ng iniisip mo, Thrizel?" Nag-aalala ang kaniyang mukha.

Pinilig ko ang aking ulo at ngumiti sa kaniya. "About school works po, pasensya po."

"School works?" Napaharap ako sa nagsalita, walang iba kun’di si kuya. Nandito na pala siya, sa sobrang lalim ng pag-iisip ko hindi ko na naramdaman nakauwi na siya.

"Ah, yes, ang daming activities." Sumubo ako ng kanin at doon nalang tinuon ang tingin.

"Nawawalan ka ba ng interes sa pag-aaral, anak?"

Agaran akong umiling kay mom. "No, mom, hindi po."

"Pansin ko kasi nitong mga nakaraang araw, parang ang lalim ng mga iniisip mo, what’s wrong, baby? You can tell me." It’s because of kuya, mom, hindi ko rin po alam sa sarili ko.

"Ayos lang po talaga." Kumain nalang ako nang kumain. Nang matapos ako ay diretso akong banyo para maligo at magsepilyo. Nang matapos, humiga ako sa kama, kinuha ang aking telepeno. Tinawagan ko si Amira.

"Thrizel?"

"Are you in class now?"

"No, walang teacher, why?"

"Dahil na naman nararam—"

"For Thrale?"

"Yes."

Tumikhim siya. "Ramdam ko kagabi, pinagmasdan ko kayong dalawa. Sa tutuusin, ikaw lang ang may nararamdamang iba, Thrizel. Alalahanin mo, bawal iyan, saka respeto sa nililigawan ni kuya Thrale, Thrizel. Paano kapag nalaman niyang nagkakagusto ka kay Thrale?" Rinig ko ang kaniyang buntong hininga. "Hindi lahat ng gusto mo, nakukuha. So ngayon, tanggapin mong magkapatid kayo, magkapatid naman kasi talaga kayo. Tama na iyang pag-iisip mo ng kung ano-ano. Ikaw lang ang naaapektuhan."

Ako lang naman talaga ang naaapektuhan.

"Sure." Matabang kong sagot. "Praning nga lang ako, imposibleng may gusto ako roon."

"Kanino ka naman may gusto?" Bumukas ang pintuan ko. Si kuya na naman. Hindi ba siya marunong kumatok?

Bigla kong pinatay ang tawag at humarap sa kaniya. "K-Kay Ryke." Diretso kong sagot dahil kapag hindi ako nagbanggit ng pangalan. Alam kong kukulit-kulitin niya ako.

"That’s nice." Sagot niya at may hinagis sa akin. Bracelet ko, kaya pala hindi ko ito napansin habang kumakain ako dahil nawawala. "Dapat sa kaniya ka lang may gusto, Thrizel. Don’t hurt his feelings, huh? Hindi porque ikaw ang babae, dapat ikaw lagi ang inaalala. May nararamdaman din ang lalaking iyon, hindi siya manhid."

"What?" Tanong ko agad. "Siya lang naman kasi tala—" Pinutol ko ang aking sasabihin nang malaman ko ang aking sinabi. Gusto ko ba talaga siya? Siya lang ba talaga? "Bakit ka nga pala nandidito?"

"Pinapatanong ni mom kung sasama ka ba raw doon papunta kay tita."

"Ayaw."

"Sure?"

"Ano bang gagawin natin doon? Saka may pasok tayo, ah?"

"They recently announced na walang pasok caused by the storm." Dahil sa sinabi niya ay napatingin ako sa aking bintana. Paulan. "Iyan, hindi ka kasi nanonood ng balita."

"Sino namang kasama natin?"

"Tayong tatlo." Lumabas na siya at sinara ang pinto. "Bilisan mo."

Napahinga ako nang malalim at nagtalukbong ng comforter. Bahala siya riyan, mamaya na ako kikilos, hmp. Umidlip muna ako kapag kasi talaga nahihiga ako ay inaantok. Hindi rin katagalan ay bumangon. Nagkukuskos pa ako ng mata nang may makita akong pigura ng tao na nakaupo sa aking bintana.

"Kuya, anong ginagawa mo riyan?" Seriously? Diyan talaga siya sa bintana ko tatambay? P’wede namang sa balkonahe e.

Hindi siya sumagot kaya tinalasan ko na ang aking paningin, nanlaki ang mata ko nang makumpirma ko kung sino ito.

"Hoy, Dominic, anong ginagawa mo rito?" Halos pabulong kong tanong dahil kapag may nakarinig sa amin at pumasok, baka kung anong isipin.

"Walang klase." Bumaba siya at nilibot ang paningin sa loob ng kwarto ko. "Kaamoy mo."

"Pero wait, paano ka nakapasok? May aso kaya kami sa gate saka matataas ang bakod namin!"

"Lahat ng gusto ko ay nakukuha ko, Thrizel." Seryoso niyang sagot.

"E, paano ka nga nakapasok?"

"Ang bait ng aso niyo e."

"Hoy, anong ang bait ng aso namin?! Sobrang tapang no’n! Ni hindi ko nga iyon mahawakan dahil nakakatakot."

"You don’t know me so stop acting like this." Tiningnan ako nito. "Kaya kong magpaamo ng hayop gamit lamang ang kamay ko."

"We?"

"Gusto mo paamuhin kita?"

"Fck you." Dahil sa mura ko ay napahalakhak siya.

Itutuloy...

Continuer la Lecture

Vous Aimerez Aussi

7.4K 259 19
Everyone has an ideal man, ideal boyfriend but not me. Posted : May 26, 2021 - May 26, 2021 Pic is not mine... Credits to the rightful owner. Unedited
743K 22.5K 66
it all started when jimin followed a savagesuga on instagram. the rest is basically history. - where jimin is oblivious to the fact min yoongi is a...
10.3K 601 26
3 stories... At 3 different places, different stories unfolding in Thailand... "Hey Mr.! Finish it or I will make you bathe in this honey and you wil...
308K 18.4K 40
You live in a different time zone Think I know what this is It's just the time's wrong