Tierra Alta Series #1: Silent...

Per ayiyaa

2.3M 36K 15.2K

Tierra Alta Series #1 | Silent Whisper of the Heart Emerencianna's life changed after her father decided to g... Més

Warning
Simula
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Kabanata 41
Kabanata 42
Wakas
Announcement

Kabanata 29

49.8K 697 228
Per ayiyaa

Kabanata 29

Tainted Image

Today is the last day of filming. Everyone yelled cheerfully and clapped their hands when the photographer and videographer announced that we were done. We were able to complete the shoot successfully despite weeks of absolute stress and exhaustion. They'd also congratulated me on a job well done, and I reminded them that they'd put in a lot of effort for this shoot as well. That's why we were able to make it through.

"Lahat ay sasama dapat! Walang uuwi o magdadahilan na may pupuntahan. Celebration na rin natin ito dahil natapos din tayo sa wakas." Sigaw ng head ng marketing department.

Nagkayayaan kasi ang lahat na mag bar para makapag-unwind matapos ang dalawang linggong mahigit na shoot. Everyone was really stressed and exhausted because when Icen didn't like the outcome of something, we had to work hard to change it according to how he wanted it, which meant that we all had to start all over again.

When it comes to work, Icen is very meticulous and serious. He wants everything to be perfect, even the smallest things. He always wants everyone to work at their best because he only accepts high-quality work. And after only a few weeks of working for him, I realized he was really difficult to please.

Inabot din ng ganon katagal dahil kahit kaya ko pa naman ay hindi nito hinahayaan na tuloy-tuloy lang kami sa pagshoshoot. Palagi ako nitong pinagbebreak ng mahabang oras. Nakakahiya dahil nasasayang ang oras ng lahat pero hindi naman sila makaalma dahil si Icen pa rin naman ang masusunod.

Nagtalo pa ang mga ito kung saang bar magpupunta pero sa huli ay napagdesisyunan nilang sa malapit na lang na bar magpunta para hindi hassle sa byahe.

"Miss Samonte, bawal tumanggi, ah? Kailangan mong sumama dahil ikaw ang star of the night natin!" Sulyap sa akin ng isa sa mga naroon dahil kanina pa ako tahimik.

Wala na sana akong balak pang sumama sa kanila at gusto ko na lang umuwi para makapagpahinga dahil napagod talaga ako sa makailang take para sa videoclip kanina.

"Oo nga! Sumama kana! Minsan lang naman ito, Miss Samonte." Sigunda nang head ng marketing sa tono na hindi ako pwedeng humindi dahil hindi nila ako titigilan.

Wala naman akong nagawa kundi tumango na lang kaya naghiyawan sila. Natawa naman ako sa mga naging reaksyon nila dahil ang iba ay napasuntok pa sa hangin.

"O, sige na! Mag ayos na kayo para makaalis na tayo. Friday ngayon kaya malamang maraming nagkalat na yummy bachelor roon! Sa mga single d'yan, magsilandi na kayo mamaya." Payo ng baklang photographer na naglalagay na ngayon ng foundation sa kanyang mukha.

Nagtawanan naman ang lahat sa sinabi nito at sumang-ayon sa kanya. Ang iba nga ay nagsimula na ring mag ayos ng kanilang mga sarili.

Binalingan naman ako ng tingin ng babaeng malapit sa akin.

"We will go to the restroom to freshen up. Want to come with us?" She offers after getting her pouch inside her bag that looks like a makeup kit.

Tumanggi naman ako dahil hindi naman na ako mag-aayos pa. Okay na ako sa itsura ko dahil hindi ko naman binura ang ginawang makeup sa akin ng makeup artist.

"Hindi na. Okay na ako. Thanks." I refused politely.

Tumango naman ito at niyakag na ang tatlo pang babaeng kasama.

"I told you she would refuse you. She's feeling entitled just because she's close to our boss. If I know, she's just using her face and body to attract wealthy men to get her for the big projects." Bulong ng isa sa mga kasama ng babaeng nagyaya sa akin.

"Naghirap kasi kaya ganyan, kapit sa mga lalaking mayayaman. Ang alam ko rin kaya niya lang pinakasalan ang asawa niya dahil sa pera. Oportunista talaga."

Napalunok ako sa mga narinig ko pagkatapos ay nagbaba ng tingin. Kinuha ko ang cellphone sa loob ng bag ko at inabala roon ang sarili. Nanginginig ang mga daliri ko habang pumipindot sa screen. Kung ano-ano lang ang pinagpipindot ko para lang abalahin ang sarili. Alam kong hindi lang ako ang nakarinig ng usapan nila pati na rin ang ibang malapit sa kanila ay narinig iyon dahil napatingin ang mga ito sa akin.

Hindi ko man gustong pakingan pa sila ngunit umabot pa rin ang mga boses nilang nagtatawanan sa pandinig ko. Natigil sa pagpindot ang daliri ko sa sunod na sinabi ng isa sa kanila patungkol sa akin. Mariin kong nakagat ang ibabang labi hanggang sa malasahan ko ang dugo roon.

"Kapag lumaki talaga sa luho hindi kakayaning maghirap kaya kahit ang katawan gagamitin hindi lang maghirap. Paano kaya pinalaki 'yan ng mga magulang, no? Sabagay, buhay pa naman ang mga magulang niyan ganyan na daw 'yan. Pinababayaan lang at hindi dinidisiplina." Naiiling na sambit ng babaeng nagyaya sa akin.

I slowly put my phone down on my lap when they finally got out of the room.

Bigla akong nawalan ng ganang sumama pa pero ayoko namang may masabi ang iba sa akin kapag nagback out ako kaya kahit labag sa loob ko ay sumama pa rin ako sa kanila.

When we arrived at the bar, we immediately occupied the vacant table. And since we couldn't fit into just one table, the others had to sit at different tables. They quickly ordered five buckets of beer as soon as we sat down. Nakahinga ako ng maluwag nang sa ibang table umupo ang grupo ng babaeng nag-alok sa akin na sumama sa kanila sa restroom.

My eyes scanned the entire bar and it was already full. Late naman na rin kasi kaya talagang marami na ring tao. Several people are wildly dancing in the middle of the dance floor. Some of them are no longer dancing and are already making out in front of everyone, putting on a free show for us, but no one pays attention to them because everyone is preoccupied with their own business.

One of the guys at our table raised his glass.

"This is for Miss Samonte's excellent performance!" He proudly said while keeping his eyes on me.

Naghiyawan naman ang lahat sa sinabi nito kaya pati ang nasa ibang lamesa ay napatingin rin sa table namin sa lakas ng tawanan ng mga kasama ko. Tuksuhan pa ang naganap bago nila itaas ang kanilang mga baso kaya kahit nahihiya ay tinaas ko na rin ang sa akin.

"May asawa na 'yan si Miss Samonte kaya wala ka ng pag-asa d'yan! Humanap ka ng single! Kunwari ka pa d'yan! Alam naman naming type mo itong si Miss Samonte unang kita mo pa lang. I'm sorry to burst your bubbles, but she's already off the market!" Nang aasar na sambit ng babaeng nakaupo sa tapat nito.

The man chuckled awkwardly and shook his head. Biglang namula ang magkabilang pisngi niya.

"Hindi ko naman nililigawan! Stop it, guys! Nakakahiya na kay Miss Samonte." Natatawa paring sabi niya habang nakatingin sa akin.

Maliit naman akong ngumiti sa kanila. Hindi komportable na ako ang paksa ng usapan.

"Actually, wala naman akong asawa." Paglilinaw ko sa kanila para mawakasan na ang mga maling akala nila tungkol sa akin.

They all looked at me after I said that. Their expressions were stunned, as if they couldn't believe what I just said. It took a long time for them to recover from the shock.

"B- But you have a child, right?" Maingat na tanong ng baklang photographer namin nang makabawi sa pagkabigla. Titig na titig sa akin katulad ng iba.

"Meron nga pero wala akong asawa. I've never been married either." Sabi ko pagkatapos ay dinampot ang baso ko sa ibabaw ng lamesa at dinala iyon sa mga labi para simimsim roon.

Nang muli ko silang sulyapan ay laglag ang kanilang mga panga habang nakatingin pa rin sa akin na para bang tinubuan ako ng dalawang ulo.

"O- Oh, akala t- talaga namin ay may asawa kana dahil iyon ang bali-balita tungkol sayo." Nahihiyang sambit ng lalaking nasa tapat ko.

Umiling naman ako. "I have a son, but I'm not married." Muling paglinaw ko.

I used to not care what other people said to me, what they might think of me, or what write-ups were circulating in the newspaper and on the internet, but I'd had enough of false allegations. I want them to know that none of those articles about me are true. I want to clear my name. I want to rebuild my image and, of course, my family name. I want to clear my parents' name.

"Fake news naman pala! At dahil d'yan ihahanap ka rin namin ng lalaki! Wait, wala ka naman sigurong boyfriend, no? Walang magagalit?" Paniniguro pa ng photographer.

I giggled at his girlie tone as I shook my head at the same time.

"Wala rin." Natatawang sabi ko na kinahiyaw nila.

"Grabe! Sa ganda mong 'yan single ka? Pero I'm hundred percent sure na lalabas ka ditong may boylet!" Inikot niya pa ang mga mata niya sa paligid. "See? Daming gustong lumapit sayo! 'Di lang makaporma kasi marami kang kasama. Mamaya pag punta mo sa dance floor luluhuran ka talaga ng marami!" Nginuso niya pa ang iilang table na malapit sa amin.

Wala sa loob ko namang pinasadahan ng tingin ang mga nginuso niya at doon ko nakita ang grupo ng mga lalaking nag-iinuman sa kalapit naming lamesa. May kasama pa ang iilan sa kanila na babae at naka akbay sila roon. Nakita kong narito nga sa table namin ang mga mata nila. Nahuli ko pang naubo yung isa sa mga lalaking may inaakbayan na babae nang magkatinginan kami. Mabilis kong inalis ang mga mata sa lamesa nila.

Pagpihit ko sa kabilang lamesa naman nadako ang mga mata ko at halos maubo rin ako nang kindatan ako ng lalaking nakatinginan ko. Tinaas pa nito ang hawak na baso sa akin kaya sinundan ng mga kasama niya ang tinitingnan niya at napunta nga sa akin ang mga mata nila. Naiiling na lang akong umiwas ng tingin sa kanila.

"Ayoko na! Nagmumukha akong chipipay sayo, Miss Samonte! Hindi ko matanggap na walang pumapansin sa ganda ko! Dapat pala hindi na natin sinama si Miss Samonte! Wala tayong matatake home nito! Ginandahan ko pa ang makeup! Wala na talaga!" Biro ng baklang nagmakeup sa akin kanina.

Tipid lang ulit akong ngumiti at sumimsim sa alak na laman ng baso ko. Hiyang-hiya na dahil puro ako na lang ata ang pinag-uusapan nila. Hindi sila natigil sa kakahiyaw at kakaasar sa akin. Table ata namin ang pinaka maingay dito kaya agaw na agaw namin atensyon ng mga kalapit naming lamesa.

Nagtanong pa sila sa akin ng ilang personal na bagay at dahil sa kagustuhan kong linisin ang pangalan ko sa mga maling balitang kumakalat tungkol sa akin, walang pagdadalawang isip kong sinasagot ang mga tanong nila. Hindi rin nagtagal ay nawala sa akin ang usapan at napunta naman iyon sa ibang bagay. Nanatili lang ulit akong tahimik sa upuan ko at paminsan-minsan ay nakikisali sa kanila.

"Alright! Walang tatayo dito hanggang hindi nauubos ang mga alak na narito. Aba, mahal din ang mga ito, ah! Mamaya na kayo lumandi! Bawal sayangin ang alak! Grasya rin 'yan!" Pigil ng isa pang bakla dahil ang iba ay gusto ng kumawala at pumunta sa dance floor.

Maraming umalma roon pero wala ring nagawa kahit ako na nakakaapat na bote na ay hindi nakalusot. I feel dizzy, but I know I can still carry myself. Sa tagal kung hindi umiinom mukhang hindi na sanay ang katawan ko dahil nakaramdam na agad ako ng hilo sa apat na bote pa lang.

"Sayang at wala si Sir Icen." Nilingon ko naman ang photographer namin na talagang hinayang na hinayang.

"Huwag kang manghinayang, bakla, dahil kahit sumama si Sir Icen ay hindi ka naman makakaharot roon. Hindi siya napatol sa may lawit." Pangbabara sa kanya ng babaeng katabi ko.

Madrama naman itong suminghap pagkatapos ay pilit na inaabot ang babaeng katabi ko pero hindi niya maabot dahil nagtago ito sa likod ko at mukhang nag-aalala itong baka masaktan niya ako kapag pinagpatuloy niyang abutin ang babae.

"Bwisit ka talaga! Panira ng gabi! Pasalamat ka at nariyan ka sa likod ni Miss Samonte." Matalim ang matang turan nito na tinawanan lang ng babae.

"What? Nagsasabi lang naman ako ng totoo. Sa akin kana lang kasi. Ibabalik kita sa daang matuwid." Pinasadahan pa nito ng dila ang ibabang labi habang namumungay ang mga matang nakatingin sa baklang photographer namin pagkatapos ay umurong pa ito ng kaunti at marahang pinasadahan ng palad ang hita nito.

Malakas namang napatili ang photographer namin at marahas na pinaalis ang kamay ng babaeng katabi ko sa kanyang hita. Namumutla nitong pinagmumura ang babaeng katabi ko na tawa naman ng tawa.

Lalo tulong umingay ang table namin dahil sa tawanan at tuksuhan.

"Kadiri kang babae! Kinikilabutan ako sayong ingrata ka! At walang nagtatanong sa opinyon mo, boba!" Pahisteryang sigaw ng photographer ko at nandidiring nakatingin sa babaeng katabi ko.

Hindi natapos ang bangayan nila kaya lahat kaming narito sa lamesa ay tawa lang ng tawa habang pinapanood sila. Nang makaramdam akong kailangan kong magpunta ng cr tumayo ako at nagpaalam sa kanila.

Nagulat pa ako nang hilain ng baklang photographer ang palapulsuhan ko bago pa man ako tuluyang makaalis pagkatapos ay pinaikot niya ako habang hawak niya pa rin ako sa palapulsuhan at nakaupo pa rin siya. Nakanguso niya akong pinasadahan ng tingin.

"Why so perfect, girl? Anong sekreto mo? Bakit ang ganda-ganda mo? Tapos perfect pa rin ang hubog ng katawan mo kahit nanganak kana? Unfair talaga!" Nakasimangot na turan niya habang hindi inaalis ang tingin sa akin.

"Diet lang." Natatawang sabi ko naman.

"Inggitera ka talagang bakla ka! Retoke need mo, bakla, hindi diet! Hindi kasi tatalab!" Sigaw naman ng babaeng kanina pa nang-iinis sa kaniya.

Inirapan naman niya ito at hindi na sinagot.

"Unang kita ko pa lang talaga sayo inggit na ako, girl! Kaya talagang hindi na ako nagtataka kung bakit kinuha ka ni Sir Icen bilang modelo kahit hindi naman talaga kami kumukuha ng model kapag may launching kami ng bagong sasakyan." Nakasimangot pa ring patuloy niya.

My smile slowly faded away after hearing what he just said.

"H- Hindi pa kayo kumukuha ng model k- kahit kailan? Ito ang u-unang beses?" I asked to make sure what I heard was right.

He gave me a quick nod while still staring at me with his lips pursed. My lips slowly parted at what I learned, then I glanced at him again.

"Nagbibigay ba ng sasakyan ang company niyo?" Mabilis ang pintig ng puso kong tanong.

Kumunot ang noo niya.

"Of course not! May discount lang kapag bibili kami pero walang libre. Ano ka ba naman? Sa panahon ngayon wala ng libre lalo pa at sasakyan. At never din akong bibili ng sasakyan sa company namin dahil, girl, kahit ibenta ko ang dalawang kidney ko ay hindi pa rin sapat!" Natatawa naman niyang sagot sa akin.

My mind went blank for a few seconds, staring blankly at the floor, before I found my voice.

"S- Sige, cr lang ako. I need to take a leak." Mabilis na paalam ko sa kanila pagkatapos ay lumakad na paalis, hindi na hinintay pa ang sagot nila.

As I went inside the restroom, I immediately went to the sink and opened the faucet, then washed my face with cold water running from it. I really want to slap myself for my stupidity. From then until now, I was still a fool. I didn't learn from my past! Tinukod ko ang magkabilang kamay sa lababo pagkatapos kong hilamusan ang aking mukha. Pinagmasdan ko ang sariling repleksyon sa salaming nasa harapan ko.

Everything is steadily becoming more and more apparent in my mind. The job that was given to me was not from Icen, and even the car was not from him! It was all from Israel!

Ano 'yon? Payment? Is that a payment for all the damage he did to me? Guilt? Naguguilty siya sa ginawa niya sa akin noon kaya tinutulungan niya ako ngayon? Kasi naghirap ako? Ganon ba 'yon? Pulubi na ang tingin niya sa akin? At pinaniniwalaan din pala niyang nag-asawa ako ng mayaman dahil naghirap ako matapos bumagsak ng mga negosyo ng pamilya namin!

Anger slowly welled up in my heart. He thinks of me so lowly. He was no different from the other people who believed that I was capable of throwing away my dignity in order to live a luxurious lifestyle.

I swallowed the lump that was building up in my throat as my eyes turned red. I took a few deep breaths to calm myself so that I wouldn't think of going to their house at this hour to make a scene, especially since I couldn't forget that he was also the one who took my mother's bank. Baka nga inipit niya pa si Tito Aldous para mapunta sa kanila ang bangko!

Sa isiping iyon ay lalong nagpuyos ang kalooban ko sa galit. Kinuha niya ang bangko pagkatapos ay tutulungan niya ako? Akala ata niya sa pagbili niya sa bangko ay makakatulong siya sa amin!

I took out my makeup kit from my bag and began applying color to my face once again. I took out my dark red lipstick and coated my lips with it. Then I untied my hair to free it from the bun. Hinayaan kong malayang nakalugay ang mahaba kong buhok.

I examined myself in the mirror using my lifeless eyes, making sure that I wouldn't appear pitiful in other people's eyes, but as I looked at myself in the mirror, I saw a helpless, dumb, and useless daughter and mother. My lips tremble as the sides of my eyes water.

Hanggang ngayon ay niloloko pa rin niya ako. Humingi siya ng tawad sa akin dahil guilty siya sa ginawa niya sa akin noon pero ito na naman siya... ginamit niya pa ang kapatid para lang matulungan ako na hindi ko naman hinihingi. Kung sa palagay niya ay mababayaran niya ang lahat ng sakit na idinulot niya sa akin sa pamamagitan ng pagtulong niya sa akin ay nagkakamali siya. Hindi ko kailangan ng tulong niya.

Two women entered the ladies' room at the same time, and their eyes quickly landed on me. I didn't even bother to look at them as I walked out the door. Ang isa sa kanila ay kabilang sa grupo ng babaeng nag-alok sa aking sumama sa kanila na magrestroom kanina.

Nadaanan ko pa ang table nilang magkakaibigan paglabas ko. I noticed that they were looking at the bar counter, or should I say, at the man sitting alone there.

"Lapitan mo na." Bulong ng isa habang tinutulak at pilit pinatatayo ang babaeng may gusto ata roon sa lalaki.

"Chance mo na 'to! Ano ka ba? Mamaya maunahan ka pa ng iba. Yayain mo ng sumaway." Pag-uudyok pa ng isa pang kaibigan nito.

I turned my gaze back to the man who was sitting alone at the bar counter. I smirk when a thought crosses my head. I combed my long hair with my fingers as I got closer to the man and sat beside him. I noticed their eyes widening as I spoke to the man. I shifted my gaze from them and returned my gaze to the man I was speaking with.

"Want to dance with me?" I asked the guy in a flirty tone.

Pinasadahan naman niya ako ng tingin habang kunot ang kanyang noo ngunit hindi nabura noon ang matamis kong ngiti sa mga labi. Pinanatili ko ang ngiti pagkatapos ay pinagkrus ko ang mga binti ko. Sinundan niya ang galaw ko. Dumako ang mga mata niya sa mga hita kong lumantad sa kanyang mga mata dahil umangat ang skirt na suot ko.

Inisang tunga niya ang basong may lamang alak bago ako muling sinulyapan.

"Sure!" Pagpayag niya at hinila ako patayo.

This man will most likely not date that girl. This man appears to have high standards, and the woman who likes him does not appear to meet his high standards. Ramdam ko pa rin ang galit na galit na titig sa akin ng grupo ng mga babae. Well... sorry not sorry. Kung hindi nila dinamay ang Mommy at Daddy sa usapan nila at ako na lang ang pinagsalitaan nila ng hindi maganda ay mapapalampas ko pa. Hindi ko sana maiisip ang kalokohan na ito.

Ibinalik ko ang mga mata sa lalaki. Pinasadahan ito ng tingin. The man was still wearing his black suit. It looked like he had come here straight after work. His hair was already disheveled, as was his tie. He looks like he might be problematic about something. Well, who cares about his problem? Everyone has that.

I looked closely at the man's face. He has thick brows that frame his hypnotic dark eyes, a straight nose, and a pair of rosy lips, all of which complement his hard features. Even though I could still feel my heart racing rapidly as a result of the nervousness of his presence, the influence of the alcohol on me overpowered it.

The man's presence exudes a sense of dominance and reverence. And I will not deny that he really made me conscious about my appearance.

Inilagay ko muna sa table namin ang bag ko bago ako tuluyang sumama sa lalaki sa dance floor. Kaunti na lang din ang mga natira sa table namin dahil ang iba ay nasa dance floor na. Ang kanilang mga bibig ay umawang nang makita nila ang lalaking kasayaw ko. Nginitian ko pa sila pero hindi nila ako nagawang ngitian pabalik dahil nanlalaki pa rin ang mga mata nila sa kasama ko.

Nagkibit-balikat naman ako sa mga naging reaksyon nila pagkatapos ay ibinalik ko na sa kasayaw ang mga mata ko. Maya't-maya akong tumitingin sa table ng grupo ng mga babae para mang asar at katulad kanina ay matalim pa rin ang kanilang mga mata sa akin habang ang mga mata ng babaeng may gusto sa kasayaw ko ay puno ng selos at panghihinayang.

"You look familiar. Have we met before?" He asked while carefully examining my face.

"No? If I had met you before, I would probably not have forgotten your face, Sir." Nakangiting sambit ko. Nang-uuto.

Well, it's partly true. He's really handsome, and if I had met him before, I probably would have not forgotten him.

He burst out laughing when he heard what I said. As he continues to chuckle, his perfectly white set of teeth becomes visible. Natawa na rin tuloy ako dahil sa kanya.

"Now I recall where I first saw your face." Aniya nang humupa ang kanyang tawa.

"Ha? Saan?"

Umiling lang siya sa akin at hindi na ako sinagot.

Ang masaya naming kuwentuhan habang patuloy na sumasayaw ay naputol nang may malabakal na kamay ang humawak sa braso ko at malakas akong hinila palayo sa lalaking kasayaw ko.

Napasinghap ako sa gulat. Kamuntik pa akong matumba kung hindi lang ako bumagsak sa malapad na dibdib ng humila sa akin. Inis ko namang hinarap ang bastos na humila sa akin ngunit ang inis ko ay napalitan ng gulat at pagtataka.

"What are you doing here?" Kunot-noong tanong ko.

Magaling na ba ito?

"I should be the one who's asking you that. What the fuck are you doing?" Igting ang bagang niyang tanong. His eyes were bloodshot, and he seemed ready to kill.

Pinilit kong kalasin ang kamay niya sa braso ko ngunit hindi ako nagtagumpay. Nanatiling malabakal ang kamay niyang nakahawak sa akin.

"Hey, Israel---" The man was immediately cut off by Israel's murderous voice.

"Fuck off, Ryland! What are you doing to her?" Mariing tanong nito habang ang mga mata ay nag-aapoy sa labis na galit.

"We're just dancing! Calm the fuck down! You're making a scene! Jesus!" Sagot naman ng kasayaw ko at sa paraan ng pag-uusap nila alam kong magkakilala sila.

"Dancing? You're touching her! Gago ka!" Marahas na sigaw ni Israel na nagpatalon sa akin sa gulat. Mahigpit na nakakuyom ang kayang kamao at gusto pa atang hablutin sa kwelyo ang kasayaw ko at undayan ito ng suntok.

Napailing ang kasayaw ko pagkatapos ay napamura na lang.

"Malamang nagsasayaw kaya talagang hahawakan ko sa baywang!" Katuwiran nito.

Mas naging madilim ang anyo ni Israel matapos sabihin iyon ng lalaki. His jaw tightly clenched as his eyes grew darker and bloodshot.

"You son of a fucking bitch!" His voice thundered violently, and he was ready to seize the man's collar when I swiftly stepped in front of him, covering the man.

His tightly-clenched fist froze abruptly in midair after I blocked his way. His wild eyes softened when his eyes settled on me. He slowly lowered his shaking fist and averted his gaze away from my face.

Sa lakas ng boses nito ay napatingin na sa amin ang ibang sumasayaw at pati ang ibang nasa table. Nahihiya ko naman itong pilit na hinihila na palayo sa lalaki. Malakas ko itong hinihila ngunit dahil mas 'di hamak na malakas at malaki siya kesa sa akin hindi ako nagtagumpay.

"Ano ba? Nakakahiya ka! Lumabas kana!" Mariing sambit ko sa kanya.

Nag-iwan pa siya ng matalim na tingin sa kasayaw ko bago ako kinaladkad palabas. Pilit ko siyang sinasaway na bitawan ang braso ko pero hindi niya ginawa. Patuloy lang ang paghila niya sa akin at wala ni isang humarang sa kanyang dinaraanan sa dilim ng kanyang mukha. Kuryoso lamang nakatingin ang iba sa amin at nagbubulungan.

Nang mailabas niya ako ay doon ko lang nagawang magmatigas sa hawak niya. Hindi ko iginalaw ang mga paa ko papasok sa loob ng kotse niya.

Galit ko siyang tiningala.

"Ano sa tingin mo ang ginagawa mo?" Gigil na tanong ko sa kanya.

Maraming nakakita sa ginawa niya kanina kaya malamang laman na naman ako ng usapan. Laman na naman ako ng mali-maling balita. Yung pangalang pilit kong nililinis ay lalo na namang dudumi dahil sa paghila niya sa akin sa harap ng maraming tao.

Malakas niyang isinara ang pinto ng passenger seat pagkatapos ay tiim bagang akong hinarap. Hindi pa rin binibitiwan.

"Ikaw? Ano sa tingin mo ang ginagawa mo sa ganitong klase ng lugar? You're a married woman! Why are you still fucking flirting with other men? Sa pinsan ko pa talaga!" Marahas siyang napasuklay sa buhok niya habang puno ng frustration ang kanyang boses.

"Anong ginagawa ko dito? Naghahanap ng mayamang lalaki kasi 'di ba kinuha mo yung bangko ng Mommy ko? Para naman mabili ko pabalik." Malamig na sagot ko sa kanya.

Lalo siyang nanggalaiti sa galit sa naging sagot ko sa kanya.

"Bullshit, Emerencianna! Gusto mo yung bangko na maibalik sayo kaya mo ito ginagawa? Sure! I'll give it back to you for free, but you need to divorce that bastard in return." He furiously said while staring directly into my eyes.

Pagak naman akong natawa sa gusto niyang gawin ko. Para akong sinampal ng paulit-ulit nang marinig ko galing mismo sa kanyang bibig na ganito kababa ang tingin niya sa akin. Para sa pera ay ibababa ko ang sarili at itatapon ang dignidad ko.

Nagsimulang manikip sa labis na sakit at galit ang dibdib ko.

"There are men who are richer than you. So why would I settle for less?" Nanunuya ang tono ko.

Nagpasalamat ako dahil hindi nanginig ang boses ko nang sabihin ko iyon.

Natigilan siya sa sinabi ko at nawalan ng lakas ang kanyang kamay na nakahawak sa akin kaya madali ko iyong nakalas sa braso ko. Tinalikuran ko siya pero hindi pa man ako nakakailang hakbang nang muli niyang hilain ang braso ko at marahas akong iniharap sa kanya. Nag-aalab na mga mata niya ang sumalubong sa walang buhay kong mga mata.

"Are you sure that you can find someone who is richer than I am? Even if you find one, I will still not give back to you your mother's bank. If you do that fucking idea of yours, I'll make sure that you can't have it for the rest of your life." He said it in a menacing voice that made me feel furious again.

I slapped him hard, but he didn't even move or flinch. He just remained motionless while staring at me with his burning eyes.

"You're really evil!" Naluluhang sigaw ko sa kanya.

Tumango-tango naman siya sa akin.

"Yeah, that's right. If you really want your mother's bank back, divorce your useless husband. But if you really don't want to divorce that fucking asshole because you two have a child, then I'll agree to be your other man. I'll give the bank to you then, but you can't sleep in the same bed with him or have any sexual relationship with him." Puno ng asidong alok niya sa akin na para bang isa lamang akong bagay na nagustuhan niyang bilihin.

Tears heavily streamed down my cheeks, and when he saw that, he swallowed hard and turned his eyes away from my face.

Nandidiri akong lumayo sa kanya matapos kong baklasin ang kamay niya sa braso ko. Kabit. Gusto niya akong maging kabit niya. Nakakasuka. Nakakadiri. Hindi ko makayanan ang mga nakakadiri at nakakasukang gusto niyang mangyari bago niya ibalik sa akin ang kinuha niya.

"You really disgust me, noon hanggang ngayon. You're shameless." Puno ng galit ang mga mata kong walang kakurap-kurap na nakatingin sa mga mata niya nang sabihin ko iyon.

Tinalikuran ko siya at muling pumasok sa loob ng bar. Ang mga mata ng mga kasama ko ay napunta sa akin nang makita nila ako. Walang kibo kong kinuha ang bag ko sa upuan. Hindi nila nagawang magtanong pa dahil sa luhang hilam sa magkabilang pisngi ko. Nanatili lamang silang tahimik at nakatingin sa akin.

Sinulyapan ko sila. Tipid na ngumiti.

"Mauna na ako. I need to go home now." Paalam ko sa kanila dahil ayokong maging bastos kung aalis akong hindi nagpapaalam.

They slowly nodded their heads at me.

"S- Sure! Ingat k- ka, Miss Samonte."

Tumango naman ako sa kanila at tuluyan ng umalis. Paglabas ko ng bar ay naroon pa rin si Israel kung saan ko siya iniwan. Walang nagbago sa ayos niya. Nakita ko ang gulat sa kanyang mga mata nang balikan ko siya.

Malakas kong ibinato sa dibdib niya ang susi ng sasakyan. Mabilis niya naman iyong nasalo.

"Why are you giving this to me?" Nagtataka pang tanong niya.

"Alam kong sayo galing ang sasakyan. Hindi ko kailangan niyan dahil kaya kong bumili ng sarili kong sasakyan." Malamig na sabi ko pagkatapos ay tuluyan na siyang tinalukuran para makaalis.

At katulad kanina ay muli na naman niya akong hinila papunta sa sasakyan niya kaya galit ko siyang hinarap. Akmang hahampasin ko siya nang masalo niya ang kamay ko.

"I'll take you home." Marahan na ang boses niya ngayon.

"I don't need you to take me home! I want you to leave me alone! Bitawan mo ako!" Piglas ko pero hindi niya ako binitawan.

Gusto ko itong saktan. Gusto ko siyang pagsusuntukin ngunit hindi ko magawa dahil alam kong hindi pa ito ganon kagaling kahit wala na ang cast sa dibdib at binti niya.

"Get in." Utos niya pero hindi ko sinunod.

"Now way! Can you leave me alone? Gumaling ka lang sinimulan mo na naman akong guluhin. Mas gugustuhin ko pang sumakay sa ibang lalaki kesa sayo! Bitawan mo ako!" Pagwawala ko.

A new wave of anger set in his piercing eyes after I said it. The dark scowl on his face hardened his already hardened features.

"Get in." His voice was quiet and almost menacing as he impatiently pointed his car in front of us, losing his temper.

"Stop commanding me like you're my damn boss! Hindi pa ako uuwi! May pupuntahan pa ako!" Pagdadahilan ko para tigilan na niya ako.

He ignored me and didn't pay attention to what I was saying when he noticed my outfit. His forehead deeply furrowed, adding more lines on his forehead as his piercing eyes unashamedly examined my halter backless crop top and bandage mini skirt.

When he noticed that my cleavage was showing because of what I was wearing and realized that I wasn't wearing a brassiere but simply a nipple cover, he let out a low grunt and exhaled heavily. He raised his head slightly as his eyes suddenly pressed tightly shut, angrily loosening his necktie as if he couldn't breathe.

Namumula sa galit siyang nagbukas ng mga mata sa akin.

"I said get in!" His voice thundered, and it was like I had already pushed him to his breaking point.

I winced because of that. Mas lalong nagalit sa pagtaas ng boses niya.

"What's your problem? Don't you dare try to raise your voice at me again, asshole! Sinabi ko ng hindi pa ako uuwi! May pupuntahan pa ako kaya umalis kana!" Pagtataboy ko sa kanya habang patuloy paring tinatanggal ang kamay niya sa akin, inis na inis na.

Muli siyang humugot ng malalim na hininga at tila ba naubos na ang katiting na pasensya niya sa akin.  Ubos na rin naman ang pasensya ko sa kanya!

His lips were tightly pressed together as he was still firmly but gently holding my arm.

"Uuwi na ako... kaya ihahatid muna kita." Kalmado na ang boses niya ngayon pero hindi ang kanyang mga mata.

"E'di umuwi ka! Nasa akin ba ang mga paa mo na kapag hindi pa ako uuwi ay hindi ka rin makakauwi?" Nanggagalaiting wika ko.

Kumunot ang kanyang noo.

"Saan ka 'ba pupunta? Ihahatid kita roon kung ganon, pagkatapos ay hihintayin kita para maihatid kita pauwi." Suhestiyon niya pang labis na kinaputol ng kakaunting pasensyang natitira sa akin.

"Sabi ng hindi ako magpapahatid!"

"Gabi na. Bakit hindi ka pa uuwi? Saan mo pang balak pumunta?" Marahan niyang tanong.

"Wala kang pakialam!" Sigaw ko.

"Umuwi kana."

"Uuwi ako kung kailan ko gusto, kung gusto mong umuwi mauna ka! Tatay ba kita?" Gigil na sambit ko sa kanya.

He's wasting my time!

"Saan ka pupunta at hindi ka pa uuwi?" Ulit niya sa kanina niya pang tanong.

"Bwisit! Manlalaki! Bakit? Gusto mo ring sumama?" Napipikang wika ko.

This time, his features have changed. It has become more dangerous. Nawala na ang kunwaring pagiging kalmado niya. Plastik!

"Get in or else..."

"Or else what?" Matapang na tanong ko dahil kanina pa talaga akong napipikon sa kanya.

"Or else I will fucking smash my lips into yours so everyone will think that we have a relationship. You choose." Mariing sabi niya sa nagbabantang tono.

My eyes immediately widened, staring at him as my lips slowly parted. Nang makabawi ako ay matalim ko siyang muling sinulyapan.

"Akala mo ay matatakot mo ako sa walang kwenta mong pagbabanta? Bitawan mo na ako!" Piglas ko sa kanya.

"You think I will not do it?" Seryosong tanong niya.

I swallowed hard when I realized that he was serious. It wasn't only a threat, and he would really do what he said to me.

"Nahihibang kana talaga!" Gigil na sabi ko dahil alam ko sa sarili kong kinakabahan ako sa banta niya. Natatakot ako baka gawin niya nga!

Binitawan niya ako at isinuksok niya ang kanyang mga kamay sa bulsa niya. Hinihintay ang magiging desisyon ko.

Napailing ako pagkatapos ay lumakad ng ilang hakbang paatras palayo sa kanya.

"Umalis kana. Hindi ako magpapahatid sayo." Pinal na sabi ko.

I slowly moved my feet backward again when he started walking his way towards me. Lumingon ako sa paligid at may nakita akong mangilan-ngilang tao roon. Nakatingin ang mga ito sa amin at mukhang kanina pa kami pinapanood.

"Oo na! Oo na! Sasakay na!" Gigil akong nagmartsa papasok sa loob ng kotse niya at malakas na ibinagsak pasara ang pinto nang makaupo. Walang pakialam kung masira ko pa ang pinto ng mamahalin niyang sasakyan.

Ilang beses akong nagpakawala ng irap sa kanya sa labis na inis at galit.

Continua llegint

You'll Also Like

24.5M 714K 34
She was kidnapped by the mafia prince, Lander Montenegro, at the age of five. He stole almost half of her life, so it's only fair that he repays her...
Euphoria Per blackyelle

Literatura romàntica

147K 1.8K 47
Rosy Series # 1 Elisha Louise Villaverde is the sweet, sporty, bubbly, and unica hija of the Villaverdes. She's living the best of her life but she d...
1.5M 17.8K 39
Second installment of Organización Intrepída series Atty. Elisse Serafine Mendoza and Pres. Zach Lavin Altieri Story. Elisse Serafine Mendoza is a pe...
1M 29.6K 44
It was one fine morning at Konsehal Casimiro Zaragoza's office-nang may dumating na isang babae at ipinapaako sa kaniya ang anak nito. Pero paano ni...