Artius Academy :The Unknown G...

Por salemnly

45.4K 1.3K 64

"Time has come, I need to conquer it all" Isang babae na gustong makalaya at makita ang totoong mundo. Ngunit... Mais

author's note
Artius Academy: The Unknown Girl
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54

Chapter 55

439 8 11
Por salemnly

Chapter 55:

"Diamond POV"

Pinagmamasdan ko ang paligid at mukhang lahat ng nandito ay inaasam asam na ang selebrasyong mangyayari mamaya. 

"Nandito ka na naman?" takang tanong ni Clint. Hindi ko na siya tiningnan at ramdam ko naman na umupo sa gilid.

"Mas nakikita ko ang paligid dito." sabi ko. Nasa may pinakatuktok kami ng Akademya. Noong isang araw ko lamang natuklasan ito. Nakikita ko ang kaganapan sa baba lalo na sa pamilihan at pasyalan. Mga taong abala sa pagbebenta at pagbili. Nagmamadali na din sila siguro dahil kailangan nilang mag-ayos para mamaya. Kailangan kasing kumpleto ang lahat at kung mahuli ka ay hindi mo matutuklasan ang mangyayari mamaya lalo na't may paniniwala ang mga ito na may basbas na magaganap hindi lamang sa ikakasal kundi sa mga dumalo. 

Isa rin itong selebrasyon ng pasasama-sama ng mga nasa ibang sulok ng kaharian. Dahil sa kalayuan at delikado rin minsan ay abala ang ibang mag-imbak at maensayo para sa pagahhanda kung sakaling may maganap na hindi inaasahan. Kaya naman maraming napapaganda at gwapo kapag may ganitong selebrasyon. Minsan lamang nilang makita ang taga ibang kaharian.

Sinasabi nilang swerte ang pagdalo at pagkakita sa isang prisepe o magiging hari na ikasal lalo na sa prinsesa o magiging reyna at dahil dalawa silang prinsesa at prinsepe na ikakasa at may malakas na kapangyarihan malakas din ang magiging kapit ng swerte sa mga tao dito. 

"Bakit nandito ka pa?" tanong niya "Hindi mo ba balak pumunta mamaya?"

"May balak," sabi ko "Ngunit hindi naman dapat ako ang mag-ayos " sabay ngiti ko sa kanya saka tumayo

Sabay kaming bumaba at pagpasok namin sa aming bahay ay abala silang lahat. Dapat ay pupunta kami sa palasyo ngunit sabay-sabay nalamang daw kami at pinauna na namin ang ikakasal sa kanilang palasyo. Mas magandang hindi muna namin sila makita kahit saglit, ganun din silang dalawa.

"Bakit hindi pa kayo nagbibihis?" takang tanong ni Corwin na nakatingin sa salamin

Sasagutin ko sana ng biglang may humigit saakin at nakita ko nalanag ang sarili ko na inaayusan nina Harmonie. Sa bilis ng pangyayari ay hindi na ako nakagalaw pa. Hinayaan ko nalang sila sa kanilang ginawa at mukhang nasisiyahan naman sila.

Bumaba na ako ng makapagbihis at ako nalang pala ang iniintay nila. "tara na," sabi nila at nauna. 

Samutsaring papuri na ang narinig ko kanina habang inaayusan nila ako mabuti naman at wala ng puri ang sinabi saakin. "Your good," rinig kong sabi ni Clint 

"your good" panggaya ko sabay irap sa kanya. Sa daming alam ni Clint baka mamaya ay dumugo ang ilong ko sa iba't-ibang lenggawahe na alam niya. Saka lamang naman ako natuto ng ingles kung napapunta sa mundo ng tao. Iyon ang pagkakaalam ko dahil gumagamit ng kapangyarihan upang mas maintindihan ang ibang lenggawahe.

Sumakay na kami sa karwahe at lumipad naman ang pegasus. Kita ko ang mga disenyong kanilang inihanda at mga kawal na  nagbabantay sa bawat sulok. Napakaimportante nga naman ng araw na ito na hindi dapat masira ng kahit na sinoman. Gamit pakiramdam ko ay naramdaman kong may nakamasid saamin at alam kong sa pakiramdam na iyon ay walang nakakahalata sa kaniya kahit sino o kalaban pa man. 

Gumagamit sila ng mahiwagang kapangyarihan at ginagamit lang nila ito kung may importanteng okasyon. Kakampi ito kaya nagagalak ako na malaman na handang-handa ito at may seguridad na naibibigay. 

Ngunit alam ko sa sarili ko na kung malakas ang mahika na gamit ng kalaban ay mararamdaman nila ito.

Nakarating na agad kami sa palasyo at may nakaabang saamin na siyang maghahatid saamin sa isang kwarto. Kahit hindi kami ang ikakasal ay importante kami sa araw na ito. Isa rin kasi kami sa magbibigay bendisyon sa bagong kasal, upang bigyan sila ng malakas at masayang kapangyarihan at pamumuhay.

Makailang oras ay tinawag na kaming lumabas. Nasa pinakataas kami at kita namin ang pagsasalubong nina Hadwin at Ingrid. Halatang masaya silang nagsama patungo saamin. Nasa gitna namin si Magi ang siyang magbebendisyon sa kanilang kasal. Siya ang pinadala ng kataas-taasan. Isa siyang kalahating babae at kalahating lalaki. 

Nang makarating sila sa harapan namin ay kita ko ang patuloy na pagluha ni Ingrid. Lahat ng mga dumalo ay masayang itinaas ang kanilang mga kamay kasabay ng paglabas ng mahika ni Magi na siyang sumisimbolong kasal na ang dalawa. 

Napangiti naman ako ng lumutang ang dalawa at nagliwanag. Isa ang ibigsabihin nito, mas lumakas sila at mabibiyayaan sila ng anak ngayong taon. Nagpalakpakan naman ang mga tao ng makita nila ang pagbabago ng kanilang bagong reyna at hari ng dalawang palasyo.

Ramdam ko ang paglakas ng kanilang enerhiya at bigla nalamang naglaho si Magi pagkatapos ng seremonya. 

Nagkakatuwaan ang tao sa baba habang ang reyna ay umiiyak. 

"Ingrid's POV"

Hindi ko inaasahan na magiging ganito ang araw na ito. Napakagaan sa pakiramdam. Simula nang lumutang kami kanina at ang pagbabago ng aming itsura ay parang may naramdaman akong kakaiba. Hindi ko kaagad ito masabi kay Hadwin at alam kong gusto niyang magsaya ngayon. 

Ramdam kong lumakas din ang aking kapangyarihan. Hindi pa ako mismong reyna dahil hindi pa ako nakokoronahan ngunit nasaksihan ng lahat ang aking kasal kaya para sa kanila ay isa na akong reyna ng dalawang kaharian.

"Masayang pagdiriwang, Reyna" sabi ng mga nakasalamuha ko at ngumiti lamang ako sa kanila saka pumunta sa mga kaibigan ko. 

Nakangiti naman nila akong tiningnan. 

"Ibang- iba ang awra mo ngayon," biglang sabi ni Diamond na siyang palaging tahimik. 

"Maraming salamat," sabay ngiti ko. 

"Hindi ako makapaniwalang kasal ka na" natatawang sabi ni Harmonie. 

"Miski naman ako." natatawang sabi ko "Hindi ba talaga pumunta si Azriel?" malungkot na sabi ko.

Umiling naman si Corwin, "Hindi na rin namin napuntahan sa palasyo ngunit pinadalhan namin siya ng sulat." 

"Ang kanyang Ama naman ay nakita namin kanina ngunit matapos ang seremonya ay mabilis silang umalis kaya't hindi na namin nakausap pa" dugtong na sabi ni Harmonie. 

"Okay lang, bibigyan nalang namin siya ng seremonya namin " sabi ko. "Kumain na ba kayo?" tanong ko at tumango naman sila.

Bilang isa hari na itininuturing si Hadwin ngayon ay sobrang abala niya sa pakikisalamuha. Napapangiti nalamang ako dahil dati ay pangarap ko lamang ito na naudlot ngayon ay tuluyang natupad.

Ang isang tao na nararapat kong pasalamatan ay wala rito at hindi ko na makikita pa. 

Nagsaya naman ang mga tao sa baba habang ako naman ay pinaki-usapan na magpahinga. Pumayag naman ako dahil isa iyong tradisyon upang kinabukasan ay mas malakas ako. 

"Diamond's POV"

Hindi alam ni Ingrid na sumunod ako sa kanyang paghahatid. Siguro'y dahil sa pagod ay hindi na niya ako napansin. Sinilip ko naman siya sa loob at nakita kong mahimbing siya natutulog. 

Pumikit naman ako at mabilis na nilagyan siya ng barrier. Iba ang pakiramdam ko kaya naman sinundan ko siya. 

Lumabas na agad ako at nilagyan din iyon ng barrier. Malalaman ko kung may nakapasok bang masama dito. Napamulat naman ako ng marinig kong nagkakagulo sa baba at mabilis ako tumakbo habang iniwan ang kwarto ni Ingrid. 

Alam kong malakas ang pakiramdam niya ngunit nakasara ito ngayon dahil sa pagod at biglang lakas ng kapangyarihan niya. 

"Anong nangyari?" taka kong tanong kay Clint ng makita kong sinanggahan nila si Hadwin at pinaalis na ang iba lalo na ang ibang Reyna at Hari. 

"May nakapasok at pinipigilan na ito ng iba ngunit muntikan ng mataaman ang isang dumalo ng pana" seryosong sabi niya.

Pumikit naman ako at ramdam ko sa labas ang mga kalaban nila. Napailing ako saka tumayo ng tuwid. 

"Huwag niyo labanan. Mamatay ang mga lumalaban. Wala tayong maggawa" sabi ko kay Clint at lalo na sa mga lumalaban sa labas

"Anong ibig mong sabihin?" 

"May kumokontrol sa kanila at isa lamang itong distraksyon-"

Nanakit naman ang braso ko at nanlalaking matang napatingin ako sa kanilang lahat. Kita ko ring nakatingin na sila saakin

"Bakit?" tanong ni Hadwin

"Si Ing-" hindi ko pa natatapos ang sasabihin ko ng biglang tumakbo si Hadwin at sumakit ang kamay ko. Sinundan naman sila nina Corwin sa taas.

Napaupo ako sa sakit ng braso ko. May inilabas si Clint at pinahid iyon saaking braso ngunit hindi agad nawala ang sakit. Tinabig ko siya saka ako pumukit. 

Inisip ko na nasa katawan ako ni Ingrid at nakita kong may paso ang braso niya at ang kamay. Kita ko naman sa malayo ang kumokontrol noon. Gamit ang kapangyarihan ko ay inilabas ko sa isip ko ang diamond at ipinatama iyon sa tao sa may puno. Nawala naman ang sakit sa braso ko at kamay ngunit ramdam ko ang panginginig ko dahil ngayon ko lamang ito ginawa. 

Hindi pwedeng maputol ang pagpapahinga ni Ingrid. Narinig ko naman ang pagpasok nina Hadwin at mukhang gigisingin nila kaya mabilis pa sa kidlat ay nakaharang na ako sa kanila kahit nanghihina. 

Nagulat naman sila sa biglang pagpunta ko.

"h-huwag," sabi ko na nanghihina "a-ayos na... h-huwag niyo s-iyang.." napaubo ako at lumabas doon ay dugo. Masyado ko atang naggamit ang kapangyarihan ko. "g-gisingin. h-hindi p-pwede" sabi ko at kita ko sa mga mata nilang magtatanong pa sana sila ngunit huli na nag lahat ng matumba ako.



"3rd POV"

 "Magaling magaling" natatawang sabi ng isang lalaki

Distraksyon ang solusyon sa lahat at dito magsisimula ang lahat. Isip isip nito sabay halakhak.

"Sa susunod, susugod tayo!"

------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

:)





Continuar a ler

Também vai Gostar

248K 8.8K 113
HOURGLASS SERIES #2 Ang akala ni Alecxie ay namatay siya. She feels the pain of dying, but instead of really dying, she was being reincarnated in th...
2.4M 184K 109
In Olympus Academy, the first and only school to house Filipino demigods and mythological creatures, students are divided into four classes: Alpha, B...
7.8M 248K 70
ʚ PUBLISHED UNDER PSICOM ɞ ʚ Wattys 2016 Winner: Writer's Debut ɞ Crewd Academy, a mystifying school where Selendria had innumerable questions on her...
148K 3.8K 43
| COMPLETED | | UNEDITED | Adriana Pierce, a girl who just fainted from overwork. When she woke up, she suddenly came from another world. And it's no...