The Royal Academy

By IssiaHermosa

11.1K 786 852

TO BE PUBLISH UNDER TDP The Academy where in order for you to survive is to be strong and smart. A battle bet... More

DISCLAIMER
PROLOGUE
CHAPTER 1: Mystery Card
CHAPTER 02: Mysterious Message
CHAPTER 03: Almost
CHAPTER 04: First Day
CHAPTER 05: Tension
CHAPTER 06: Warm Up
CHAPTER 07: Ramp Show
CHAPTER 08: Her
CHAPTER 09: Plans
CHAPTER 10: First Blood
CHAPTER 11: Missing
CHAPTER 12: Escape Plan
CHAPTER 13: Sunday Mourning
CHAPTER 14: News
CHAPTER 15: Stories
CHAPTER 16: Gracey
CHAPTER 17: Back to normal?
CHAPTER 18: Meeting
CHAPTER 19: The News
CHAPTER 20: Sudden Change
CHAPTER 21: Killer Search
CHAPTER 23: Another Goodbye
CHAPTER 24: Another Message
CHAPTER 25: Book and Blood
CHAPTER 26: Library
CHAPTER 27: Is this Black?
CHAPTER 28: Conclusions
CHAPTER 29: Mission Success
CHAPTER 30: Bazaar
CHAPTER 31: Confrontation
CHAPTER 32: Close to
CHAPTER 33: History
CHAPTER 34: Closer
CHAPTER 35: The truth
CHAPTER 36: Among Us
CHAPTER 37: Questions and Answers
CHAPTER 38: Hide and Seek
CHAPTER 39: Two down
CHAPTER 40: Fourteen to go
CHAPTER 41: It was her?
CHAPTER 43: Beginning of the end
CHAPTER 44: Black reveal
CHAPTER 45: Mask
CHAPTER 46: One Last Chance
CHAPTER 47: Cries
CHAPTER 48 : Accusations
CHAPTER 49: Black's Revenge
THE FINAL CHAPTER

CHAPTER 22: Detained

52 8 14
By IssiaHermosa

"May sira ba sa ulo yang si Keziah?" tanong ni Jhulcris kay Kristine nang makita nila itong pinipigilan ang mga kasamahan na nakahawak kay Eunice.

"Baliw talaga siya," bulong naman ni Mica na kakabalik lang mula sa front desk ng dorm.

"Ikaw napakasama mo, magkaibigan nga kayo ni Celine. Tara na nga." Hinila na nito si Kristine paalis sa lugar. 

Si Mica naman ay tumuloy na sa kuwartong pinagiwanan kay Celine. "Celine," tawag niya rito ngunit walang sumagot mula sa loob.

Tinawag niya pa ito ng ilang beses nang magpasyang hanapin nalang ang seniors na kasama nila.

"Nakita niyo ba si Celine? Nakasara kase yung kuwarto na papasukin dapat namin kanina," tanong nito sa mga seniors na kakagaling lang sa banyo.

Akmang sasagot ang mga ito nang mapansin si Celine na kakalabas lang sa kuwarto, agad naman siyang nilapitan ni Mica. 

"Kanina pa kita tinatawag, bakit naglock ka?" tanong ni Mica.

"H-ha? A-ano kase, s-sira yung pintuan kaya lumabas na 'ko. Buti nalang may dala akong susi, w-wala naman kahit ano don, tara na," tuloy-tuloy na sagot ni Celine saka hinila si Mica sa isang kuwarto.

"Nakita mo ba si Keziah kanina, sis nakakatakot siya. Baliw nga ata yung babaeng yun," madramang kuwento ni Mica habang naglalakad sila sa hallway.

"Tapos na silang mag-inspect diyan," wika ni Hayna na papasok palang sana sakanyang kuwarto nang makita ang mga ito na aakyat sana sa itaas.

"Oh tapos na pala sila diyan, tara na," pagaaya ni Mica kay Celine at nagpatianod nalang ito nang hilain siya ng kaibigan.

Sabay-sabay na nagbalik ng mga susi ang mga SSC officers ng bawat seksyon, "Saan dadalhin si Eunice?" tanong ni Sheena.

"Sabi ni Reynalyn do'n daw sa isang kuwarto dito sa girl's dorm, sa 8th floor. May bakanteng kuwarto, bantayan nalang daw natin, bali shifting tayo," sagot naman ni Nielma.

"Eh ano na susunod nating gagawin, ngayong alam na natin na siya yung isang napadalhan ni Black?" tanong naman ni Chryssa.

Lahat naman sila ay napaisip sa tinanong na iyon ni Chryssa.

"Diba sinabi ni Reynalyn, kapag hindi nagawa ang pinapagawa sakanyang pumatay it means, someone will return the favor. So ang susunod nating hahanapin ang papatay naman kay Eunice," paliwanag ni Cindy.

Nagkatinginan naman silang lahat, "Pero sino muna dapat ang papatayin ni Eunice?" tanong ni Kristine.

Kinuha naman ni Trisha ang nakuhang tela mula sakanyang bulsa at nilapag ito kasabay ng itim na dagger knife sa coffee table na nasa pagitan nila.

"Katulad to ng nakuha kina Tope at Grace diba?" tanong ni Jhulcris.

"Bakit namumukhaan mo? Aminin mo na kase, ganito rin ba ginamit mo kay Venice?" magkasunod na tanong sakanya ni Trisha.

"Wala nga akong kinalaman sa nangyare sakanya," sagot naman nito.

"Oh eh saan mo nga galing yang sugat mo?" tanong naman ni Diana.

"Pati ba naman sugat ko paghihinalaan niyo rin, hindi ba puwedeng naaksidente ako habang naglalaro tayo noon sa amazing race," iritang paliwanag niya.

Natahimik naman ang lahat dahil sa mainit na sagutan ng tatlo.

"Tama na muna yan, magfocus muna tayo sa kung anong meron tayo para makaalis na tayo dito lahat," pagbasag naman ni Zenith sa katahimikan.


"Kamusta ang pinapatrabaho ko sayo?" tanong nito sa studyanteng nasa harapan ng kanyang office table.

"Mission success," sagot nito saka binalingan ng tingin ang katabi, "Kung bakit naman kase sa nilagay mo dun sa mga box ng sapatos niya ayan tuloy hindi niya pa nakikita, alam mo namang tatlong araw lang dapat mapatay niya na yung Rachelle na yun."

"Oh well I don't care anymore kung hindi niya nakita, just do your job, lalo na nakita pa ng baliw niyang kaibigan mamaya siya pa sumira sa plano ko," wika naman ng taong prenteng nakaupo sakanyang swivel chair.

"Ano ng sunod mong plano, if I know sinadya mong ilagay doon ang note para makita ng mga magiinspect," dugtong pa nito habang napapangisi.

"Oo naman, para masolo ko siya sa pinagdalhan sakanya," sabi naman nito saka tinignan ang orasan niya.

"Its time to work," simpleng sabi nito bago nagpaalam sa dalawa, na ikinatango naman ng dalawa at pinanuod itong lumabas ng opisina.


Tahimik na ang buong paligid at wala ng ilaw sa buong campus bukod sa mga lamp post at ilaw sa loob ng bawat dorm, simple at walang malisya ito nang makapasok sa girl's dorm.

Nginitian naman niya ang front desk staff bago nagtuloy-tuloy sa elevator. Nakahoodie jacket ito na itim at sa front pocket niyon ay ang hawak niyang maliit na kutsilyo.

Pagdating niya sa 8th floor at iisang ilaw lang ang nakita niyang bukas at iyon ang ilaw sa tapat ng kuwartong pinaglalagyan ni Eunice.

Napangisi siya sa nakitang isang bantay roon, at si Chryssa iyon.

"Tignan mo nga naman, gusto ata niya samahan yung kaibigan niya sa libingan. Pero hihintayin ko nalang siguro ang oras niya," bulong nito sa sarili.

Naging mabilis ang kilos nito papunta sa nakatalikod na si Chryssa at niyakap ang braso niya sa leeg nito at tinutukan ng kutsilyo.

"Shh, huwag kang maingay baka isunod kita kay Grace," bulong nito sa dalaga saka ito nilakad papunta sa tapat ng banyong nakabukas.

Kinapa nito ang susi sa bulsa ng palda ni Chryssa at tama ang hinala niya na nanduon nga ang susi, "Masyado kang mahina, hindi ka tatagal dito," wika nito kay Chryssa bago ito malakas na itinulak papasok sa loob ng banyo at sinara iyon saka nilock mula sa labas.

"Palabasin mo ko dito!" sigaw ni Chryssa.

"Laters baby," nakangising wika nito.

Binuksan na niya ang kuwarto at nakita niya si Eunice na tulala lang sakanyang kinauupuan kama. Mukhang hindi naman nito pinansin ang pagpasok niya kaya pinatay niya ang ilaw at binuksan ang night vision glasses niya.

Nakita niyang nataranta ang babae at tila nawawala na ito sakanyang sarili na animo'y takot na takot sa dilim.

"S-sino ka?" kinakabahang tanong ni Eunice habang kumakapa sa dilim.

Tumayo si Eunice at maingat na lumakad papunta sa pinakasulok na bahagi ng kuwarto, walang ibang gamit roon kundi ang iisang kama lang na hinanda para sakanya. Pinanuod naman siya ng taong nakangisi lamang sakanya.

"Eunice, Eunice, Eunice. Sayang naman, sana sinunod mo nalang, ang dali lang naman patayin ni Rachelle," nakangising wika nito at siyang naupo sa kama habang nakatanaw sa takot na takot na si Eunice.

"A-anong k-kailangan mo? H-hindi ko alam ang sinasabi mo," nauutal na sabi nito.

"Osige, ako nalang magpapaalala sayo, kung sino at ano ka," nakangising wika nito saka tumayo para lapitan si Eunice at mabilis itong sinampal sa kaliwang pisnge na ikinadaing nito.

"Hindi mo ba naalala kung sino ang sinampal mo ng ganyang kalakas, nang dahil lang sa natapunan ka ng juice?" tanong nito kay Eunice.

"Eh ito," saka itinulak si Eunice ng malakas dahilan para mapasubsob ito sa sahig.

Walang nagawa si Eunice kung hindi ang umiyak na ikinairita naman ng taong nanulak sakanya, "Huwag kang umiyak nakakairita, bakit noon hindi ka naman umiyak sa puntod niya."

Pinantayan naman niya ng upo si Eunice at mariing sinabunutan ito dahilan upang mapadaing si Eunice sa sakit, "Tulong!"

"Tulungan niyo ko!" paulit-ulit na sigaw nito hanggang sa sampalin siyang muli ng kasama.

"Ganito pala yung pakiramdam ng makaganti, now I know. Ano naalala mo na? Kung sino ka sa likod ng maamo mong mukha?" tanong nito.

Ngunit imbes na sumagot ito ay nagpatuloy lang ito sa pagiyak, "Ano sumagot ka."

Ngunit nang hindi sumagot si Eunice ay mas lalong diniinan nito ang pagkakahwak sa pisnge niya, "Sumagot ka Eunice!"

Hinintay naman siya nito ng ilang segundo ngunit lalo lamang nairita ito kaya pinulot na niya ang binitawang kutsilyo at unti-unting ginalusan ang makinis na mukha nito. Napasigaw naman si Eunice sa sakit ngunit wala siyang magawa dahil hawak siya nito sa mukha.

"Ano naalala mo na ba? Naalala mo na ba kung paano mo siya pinatay? Kayo ng kasama mo," seryosong tanong nito.

"Tulong," halos namamaos na wika ni Eunice.

"Pakawalan mo nako," pagsusumamo nito na ikinatawa naman ng kasama.

"Thats it! Mukhang naalala mo na, ganyang-ganyan siya nagmakaawa sainyo Eunice," madramang wika nito.

"Ngayon," sabi nito habang hawak pa rin ang mukha nito.

"Sabihin mo sakin, naalala mo na ba kung anong ginawa mo noon?" tanong nitong muli.

"I'm sorry," paos na wika ni Eunice.

Natahimik naman ito at tinanggal ang pagkakahawak sa mukha nito bago tumawa ng malakas.

"Nagpapatawa ka talaga Eunice, sino nga ulit yung pinatay mo? Sige yan nalang sagutin mo," tanong nito muli ng seryoso.

Umiling naman ito, "Hindi ako yun," sagot nito.

"Talaga ba?" hindi makapaniwalang tanong nito at tumango naman si Eunice.

Tumango-tango naman ito at niyakap siya, "I believe you," wika nito.

"Sino ka ba?" tanong ni Eunice.

"Take a wild guess," paghahamon nito.

Nang maramdamang kumalma na ng kaunti si Eunice ay pabigla nitong isinaksak sakanyang sikmura ng tatlong beses ang kutsilyong hawak.

"Goodnight Eunice," nakangising wika nito.

"Kez---"


* * *

IH


Continue Reading

You'll Also Like

177K 574 5
Hindi ko alam kung ano ba talaga ang totoo o hindi. Maybe I like you, but that's not enough trusting you, Rielle. You're too mysterious. Hindi ko ala...
695K 47.2K 44
Crime and murder podcaster Wren Lozarte is desperate to earn money for her ailing uncle so she accepts a strange but high-paying offer from a mysteri...
234K 8.6K 80
Worst Section [Fire #3] "Na protektahan nyo nga ako.. na protektahan nyo ba sya?" "Nasaktan sya na nag sinungaling kayo sakanya.. at napagod sya sayo...
9.9M 169K 66
Meet Janine Park, the leader of the strongest girl gang in the Gangster World. But somehow, someone wanted them DEAD. They hid in the small part of P...