one week later . . .
yesha's pov
tapos naman ang classes namin ngayon kaya lumabas na ako ng aming room. papunta ako ngayon sa aming locker dahil ibabalik ko yung mga gamit ko doon. ang pangit naman kasi kapag sa desk lang. tsaka madami pa.
may classes pa yata sina jaxvier. mas nauuna kasi kami natatapos kesa sa kanila. pero chat ko nalang. alam ko namang nakasilent yung phone nun. para lang mabasa niya. hehehe.
-
jaxvier park
active now
yesha:
babeeeeeeee
yesha:
hellooooooo
yesha:
tapos na class ko hehehe <3
jaxvier:
hi babeeee :>
jaxvier:
sa amin din babe hehe
yesha:
ay talagaaaa??? ang
aga naman yata???
jaxvier:
oo babe, nandito kami sa science lab
lahat may ginawa kaming experiment
jaxvier:
pero papaalis na din ako dito,
tapos naman
jaxvier:
nasaan ka ba babe??
yesha:
babe papapunta ako
sa locker ngayon
yesha:
magkita nalang tayo
doon sa harapan ng faculty hehe
jaxvier:
sige babe.. gusto na
din kitang makita eh ;)
yesha:
yieeee >.< makikita mo naman ako
yesha:
sigeeee madali lang ako sa locker ha
jaxvier:
okay babe papunta na
din ako sa faculty :>
jaxvier:
i love youuuu ♡
yesha:
ISJDWJIDJSJSJS babe
talagaaaaa
yesha:
i love you tooooo ♡
-
napangiti nalang ako nung tinago ko yung phone ko. sweet naman kasi ng boyfriend ko.
malapit na ako sa locker. pero kaya lang.. naiilang ako.. hindi ko alam kung ano ang dahilan. nararamdaman kong parang may nakatingin sa akin.
napailing nalang ako at hindi ko nalang inisip yun. binilisan ko nalang yung paglalakad ko sa locker room. pero hanggang ngayon, may sumusunod pa din sa akin.
hindi ko mapigilan na mapalingon nalang. bigla naman akong kinabahan na may lalaking sumusunod sa direksyon ko. bakit.. masama yung kutob ko?
mas binilisan ko nalang yung paglalakad ko. masyado akong kinakabahan ngayon. sunod pa din nang sunod 'tong lalaki na 'to. gusto ko sana siyang pigilan. pero.. what if may gawin siya sa akin?
kinuha ko nalang yung phone ko para i-chat si jaxvier. parang iiyak na talaga ako dito. natatakot na ako.
-
jaxvier park
active now
yesha:
babe!
jaxvier:
hi babe hehe
jaxvier:
andito na ako sa
faculty, nasaan ka na?
jaxvier:
ang tagal mo naman yata ah
yesha:
babe please sundan mo
ako dito sa locker
yesha:
please.. bilisan mo babe
yesha:
natatakot na ako
jaxvier:
BAKIT BABE? ANONG NANGYARI?
jaxvier:
PAPUNTA NA AKO DIYAN
jaxvier:
HINTAYIN MO AKO AT BIBILISAN KO
jaxvier:
ANONG NANGYAYARI?
seen by yesha.
yesha is typing . . .
-
nagtatype ako ng irereply ko kay jax nang bigla may humila sa akin. sobra naman akong natakot. sisigaw na sana ako para humingi ng tulong pero huli na dahil may tinakip siyang pampatulog sa baba ko sa dahilan na nahihilo na ako at hanggang sa nawalan na ako ng malay.
jaxvier... nasaan ka na?
-
yesha ahn
active 3 minutes ago
jaxvier:
bABE?? NASAAN KA NA??
jaxvier:
NANDITO NA AKO SA LOCKER
jaxvier:
WALA KA NAMAN BABE
jaxvier:
HINANAP NA KITA DITO
jaxvier:
BABE WAG KA NGANG
MAGBIRO NG GANYAN
jaxvier:
KINAKABAHAN AKO
jaxvier:
NASAAN KA??
jaxvier:
MAGREPLY KA NAMAN
jaxvier:
OFFLINE KA NA PALA
jaxvier:
NAG-AAAALALA NA
AKO BABE.. SAAN KA NA?
-
jaxvier's pov
tangina. natatakot na ako ngayon. saan na ba si yesha? nandito na ako sa locker at wala naman siya dito. hindi ko maiwasang matakot dahil hindi siya active at wala siyang reply sa mga tanong ko. nag-aaalala na ako dito at sana hindi lang siya nagbibiro.
"babe?! nasaan ka?!" sigaw ko dito. hindi na ako natutuwa at sinubukan ko pa din siyang hanapin dito. pero hindi ko siya nakita.
napatingin ako ulit sa phone ko at mas lalo lang naman akong kinabahan nung nakita kong wala pa siyang reply. sana naman.. walang nangyari sa kanya at mali 'tong iniisip ko!
pero maya-maya.. nabigla akong may humila sa akin at may naglagay ng panyo sa baba ko sa dahilan na unting-unti akong nahihilo. tangina.. ano na naman 'to? anong kalokohan na naman 'to?
gusto kong magising sa katotohanan kaso hindi ko magawa dahil sobra yung epekto ng pampahilo. gusto ko sanang lumaban. kaso hindi ko kaya at hindi ko magawa. nakakahina sa dahilan na parang nawawalan na ako ng malay.
"magkikita din kayo ng abunjing bunjing mo."
-
bwct sorry na HAHAHA