The Sweetest Escape

By endlesslaugh

318K 8.6K 485

Isang libong piso, anim na pares ng damit, makeup kit, isang toothbrush, at cellphone na walang load lang ang... More

Prologue
One
Two
Three
Four
Five
Six
Seven
Eight
Nine
Ten
Eleven
Twelve
Thirteen
Fourteen
Fifteen
Sixteen
Seventeen
Eighteen
Nineteen
Twenty
Twenty-one
Twenty-two
Twenty-three
Twenty-four
Twenty-five
Twenty-six
Twenty-seven
Twenty-eight
Twenty-nine
Thirty
Thirty-one
Thirty-two
Thirty-three
Thirty-four
Thirty-six
Thirty-seven
Thirty-eight
Thirty-nine
Forty
Forty-one
Forty-two
Forty-three
Forty-four
Forty-five
Forty-six
Epilogue
Thank You!

Thirty-five

4.4K 136 11
By endlesslaugh

Hannah

Hinihintay kong dalawin ng antok. 'Di ako sanay na wala si Migs sa tabi ko. Paikot-ikot ako sa kama dahil ang laki ng espasyo. I can't believe pati sa pagtulog, naging dependent ako kay Migs. Kelan pa ako naging clingy?

Alam kong naka-scowl ako dahil na rin sa magulo kong emosyon. I honestly don't like my thoughts. Hindi ito yung mga madalas na iniisip ni Hannah. Pero sino nga ba ang tunay na Hannah? Sa kasalukuyan, wala na akong ideya.

Tumayo ako para magtungo sa mga kuwadra. Nang daanan ko ang kwarto ko, narinig ko ang mahinang paghilik ni Rhys. Ayaw ko sana siyang patuluyin sa bahay pero wala siyang mapupuntahan. Dapat pala hinayaan ko na lang siya sa labas. Siya 'tong sulpot nang sulpot tapos ako ang mamomroblema sa kanya.

Gusto niya akong kausapin kanina pero isinantabi ko muna siya. Wala pa ako sa mood makipag-usap kaya sinabi ko sa kanyang pagod ako at gusto ko munang matulog. Nakita kong nainis siya sa pag-brush off ko sa kanya. Sasagutin niya dapat ako pero sinara ko yung pinto sa mukha niya.

Paglabas ko ng pintuan sa kusina, sinalubong agad ako ni Ares. Tinapik ko ang ulo niya. "Nakakainis yung amo mo. Ayaw akong komprontahin. Sino ang tumatakbo sa aming dalawa ngayon? Jerk."

Tumahol si Ares. At least may karamay na ako.

Si Danny ang nadatnan kong nagbabantay sa kamalig pagdating namin doon ni Ares.

Napatayo siya nang makita ako. Humarang siya sa daan. "Gabing-gabi na, Hannah. Bumalik ka sa bahay."

Pinanlisikan ko siya ng mata. Iyon lang sapat na para tumabi siya at papasukin ako.

Tulog halos lahat ng mga kabayo. Pagtapat ko sa kulungan ni Shasta, nagtama agad ang tingin namin. Naglakad siya palapit sa akin at inilabas ang ulo.

Lumapit ako at in-outstretch ang dalawang kamay ko para haplusin ang nguso niya. Nang nasanay siya sa hawak ko ay ipinatong ko ang pisngi ko sa mukha niya, patuloy pa rin sa paghagod yung kamay ko. "Ano nang gagawin ko?"

He huffed.

"Natatakot ako dahil gusto kong tumakbo. Hindi ko ata kayang i-handle yung sitwasyon at isinisigaw ng isip ko na iwanan na lang at huwag nang balikan. Kaso naiisip ko si Migs. Unfair sa kanya. Ayoko na ng feelings, Shasta, nakaka-drain. Paano nakaka-survive ang normal na tao sa ganito?" Napatawa ako sa realisasyon pero walang halong humor. "Nakakaya ko kapag pisikal pero kapag emosyonal sinusukuan ko. There's something wrong with me."

Tumango si Shasta.

Inilayo ko ang mukha ko sa kanya at ipinakita ang simangot ko. "Hindi ka dapat sumasang-ayon. Dapat sinasabi mo sa akin na normal lang ako at lahat ng tao dumadaan sa ganito at kung ano mang nangyari ay magagawan ko ng paraan. 'Di ka effective na kausap."

Na-miss ko tuloy si Migs. Yung tanging tao na makakatulong sa akin para masolusyunan ito, iniwanan ako.

Nagalit na tuloy ako. Fine, aayusin ko ito pero makakatikim din si Migs ng laban mula sa akin. Hypocrite! Pagkatapos niyang iparating sa akin sa mga salita't kilos niya na nasa tabi ko lang siya lagi sa tuwing kailangan ko ng suporta, heto siya ngayon. Malayo. Dahil lang sa isang misunderstanding.

Sa isip ko, ipininta ko siyang perpekto. Sure, may mga flaws pa rin siya pero kaya kong i-set aside ang mga iyon dahil kahit yung mga flaws, nag-contribute sa perfection niya. Only, he isn't. Katulad ko meron siyang scars. At alam kong yung kanya ay muling nabuksan nang makita niya kami ni Rhys. Naisip niya yung ginawa sa kanya ni Claire.  Ang una niyang reaksyon ay layuan ako kahit na pinilit kong magpaliwanag.

Because he doesn't trust me.                 

Yung bagay na walang pagdadalawang-isip kong ibinigay sa kanya ay hindi niya kayang ibalik sa akin.

Iyong galit ko ay napalitan ng sakit. Doon ko napatunayan na may puso pala talaga ako. Kasi parang biglang may nag-crack sa dibdib ko.

Tahimik pala kapag nadudurog ang puso mo. Ang buong akala ko, malakas ito. Yung parang lagi nilang ginagawa sa movies. Tunog ng glass na nabasag. Yung tipong pumipinting sa tenga even after it's over. Pero parang bumulong lang ito. Isang mahina at malinis na split. It broke for a second. Pero yung sakit, one hundred times worse.

Nakaramdam ako ng pangangati sa may dulo ng ilong ko. Alam kong matagal na simula noong huli akong umiyak pero alam na alam ko pa rin ang pakiramdam noon. I was pretty sure I'm about to cry.

Pinabayaan kong dumaloy ang isang patak sa pisngi ko. Iyong luha na iyon ay para kay Migs at para sa mga bagay na hindi ko nasabi sa kanya, sa mga bagay na ginawa niya para maramdaman ko kahit saglit na mahalaga ako, at higit sa lahat, for the thing that was almost ours pero hindi na matutuloy.

"Hannah?"

Great. Yung kaisa-isang moment na umiyak ako, nakita pa niya.

Humiwalay ako kay Shasta at pinunasan ang pisngi ko. Tumayo ako nang tuwid. I can't believe I've changed a lot. Kaya nga lang hindi ko kailangan ang change na iyon ngayon. Kailangan ko ng mga depensa ko para sa labang haharapin ko para kausapin si Migs.

Buti na lang at pumasok ako sa loob ng kulungan. May pangharang ako sa kanya. "Ayaw ko pang makipag-usap sa'yo."

Bumuntong-hininga siya. "Alam ko. Pero I'm sorry."

Kinagat ko ang loob ng bibig ko. Gusto kong magsabi ng masasakit na mga salita. Gusto kong doblehin yung sakit na nararamdaman niya. "Sana sinabi mo sa akin. I showed you my scars. Sana ipinakita mo rin sa akin yung iyo."

"Hindi ko alam na ganoon pala. Noong nasa sitwasyon na tayo, doon ko lang napagtanto na kung masasaktan uli ako baka hindi ko kayanin. Mas masasaktan ako kung ikaw yung gagawa, Hannah."

He's saying the right words. But they are not the words I want to hear. Kaya ipinilit ko talagang 'wag damdamin ang mga sinabi niya.

"Nakausap mo na ba siya?"

Umiling ako.

Frustrated siya sa katahimikan ko. "Kailan mo siya kakausapin? Para maayos na natin ang problema natin."

Matigas ang mukha ko nang napagdesisyunang harapin na siya. My bitch mask is back. "Wala tayong dapat ayusin, Migs. Wala namang tayo."

Kadalasan kapag mga ganitong salita na ang binibitawan ko, laging merong counter si Migs na lighter words. Words that would make the situation better. Pero alam kong nasaktan ko siya sa mga sinabi ko. Ang unang instinct ng katawan kapag nasugatan ay ang umiwas kapag may nagtangkang humawak dito kasi baka mas lumala yung sugat. "Lagi kong sinasabi sa'yo yung mga bagay na deserve mo sa buhay mo matapos ang mga pinagdaanan mo. Totoo pa rin iyon. Kaso dapat mo ring malaman na may karapatan din ako. Desente akong tao. Deserve ko yung tipo ng pag-ibig na ibinibigay ko, at kung hindi ikaw yung susukli roon, edi masaya na ako't tapos na 'to. Ibibigay ko pa naman sa'yo ang lahat."

Tumalikod siya sa akin. Tinalikuran ko rin siya. Narinig ko yung yabag ng mga paa niya palabas.

Pinagkatiwalaan ko siya. Sinasabi ko na nga ba na ganito lang ang ginagawa ng pag-ibig. It gives other people the power to hurt you. Mas masakit dahil si Migs ito. Siya lang ang taong may kakayanang saktan ako dahil siya lang yung kaisa-isang taong hinayaan kong makapasok sa mga depensa ko.

Nakapagdesisyon na ako at walang makakapagpabago nito.

Hindi na ako muling magpapadala sa mga lalaking katulad ni Migs na nagagawa kang tunawin gamit ang isang ngiti. Yung mga lalaking dadalhin ka sa date at isasayaw ka sabay sa lumang tugtugin. Yung mga lalaking hahagkan ka sa pagtulog at babantayan ka hanggang sa mga panaginip mo. I thought I've known dangerous men. Si Migs pala ang pinaka-dangerous. Wawasakin niya ang puso mo ng hindi mo namamalayan.

Akala ko pa naman alam ko na ang ibig sabihin ng pag-ibig.

Well, ayoko na. Never again.

❈    ❈    ❈

Nadatnan niya ako sa ilalim ng puno ng mangga kung saan ginu-groom ko ang isang kabayo. Hindi ko kilala kung kanino iyon. Siguro sa isa sa mga batang nagte-train.

"Horses. I thought na kaya ka nagpunta rito ay para mag-relax. Not to work."

"Well, hindi lahat ng tao tinutustusan ng daddy nila kaya ang ilan sa atin kailangang magtrabaho para may makain," mapait na sagot ko. Pagkatapos ng naging gabi ko, ayaw ko pang humarap sa tao.

Nagkaroon ng linya sa noo niya na parang hindi siya makapaniwala sa sinasabi ko. "Sabi mo sa Lolo mo yung lugar. Ba't ka niya pinagtatrabaho?"

Nagpamewang ako at tinuro ang buong kalupaan ng rancho. "Nakikita mo ba ang lahat ng iyan? Lahat ng nasasagap ng mata mo ay magiging akin. Sabi ni Lolo kailangang pagtrabahuhan ko muna bago niya ibigay," pagsisinungaling ko.

Imbis na sa paligid niya idaan ang tingin niya, ibinaba niya iyon mula ulo ko hanggang paa. "You look different. Good different."

Parang gusto kong takluban yung katawan ko. Wala kasi akong suot na makeup, isang bagay na hindi ko pinakita sa kanya. Alam ko rin na naging firm ang katawan ko matapos ang mga mahahabang paglalakad at mabibigat na pagbubuhat na ginawa ko. Idagdag pa ang gupit ng buhok ko, ang layo ng itsura ko sa babaeng iniwanan niya sa harap ng pinto ng bahay ng Lolo ko three weeks ago.

Three weeks? Ang iksing panahon pero ang dami nang nangyari.

Binitawan ko ang hawak na brush. "Bakit ka nagpunta rito, Rhys?"

"I texted you, babe. I called you. Pero hindi ka sumasagot. Concerned lang ako."

Inirapan ko siya. Sa kabuuan ng pagsasama namin, never siyang naging concerned. "Ano'ng kailangan mo sa akin?"

Buti't diniretso niya ako. "Kailangan ko ng date sa birthday party ni Daddy."

"Iyon lang? Magsama ka ng iba mong girlfriend."

"Hannah, ikaw na lang ang girlfriend ko."

"Himala, pinagsawaan ka na pala." Pinulot ko ang brush at bumalik sa kabayong napag-iwanan ko.

Pinasok niya ang mga kamay niya sa bulsa niya. "That's not it. I left them. I just want you."

Utter disbelief. Iyan ang alam kong nakapinta sa mukha ko. Sa lahat ng naging boyfriend ko, si Rhys ang alam kong pinakagago kaya para sabihin niya iyon, napatigil talaga ako. Wala rin ako sa mood na pag-usapan ito. Drained na ko. "Too bad. Sa pagkakaalam ko kasi, break na tayo."

Naguluhan siya. "I did not break up with you."

Napasinghal ako. "No you didn't. Ako ang nakipag-break sa'yo. Yung oras na pinaandar mo ang kotse mo pabalik ng Maynila, wala na tayo. Get a clue, Rhys! Bakit kita hindi nire-replyan o sinasagot? Dahil tapos na tayo." Gusto kong maawa sa kanya sa ginagawa ko dahil kagabi ko nalaman kung ano ang feeling na mapunta sa receiving end ng ganitong usapan.

"Dahil ba doon sa lalaking kasama mo kagabi?" naiinis niyang sagot.

"Huwag mo siyang isama sa usapan. Labas siya rito."

Lumapit siya sa akin, ini-intimidate ako gamit ang height niya. "Akala mo tanga ako dahil sa hindi ko nakita yung implications ng katahimikan mo. Nagkakamali ka. I see the way you look at him, Hannah."

"Your eyes are fooling you. Mali ang mga nakikita mo."

Mapait ang tawang lumabas sa mga labi niya. "You can't fool me anymore! Huli na kita. Lagi kang nagsisinungaling sa akin. Sabi mo sa akin wala ka nang father. Imagine my surprise noong may sumalubong sa akin na lalaki noong enrolment at hinahanap ka."

Naramdaman kong nawala ang lahat ng ng dugo sa mukha ko. "Anong sinabi mo?"

"Your father? Hindi ka pala nagpaalam sa kanya na pumunta ka rito. Nag-aalala siya para sa'yo."

Lumunok ako. "Sinabi mo ba kung nasaan ako?"

"Of course. If he's going to be my future in-law, I need to stay on his good side. I even offered him a ride but then sabi niya may aasikasuhin muna raw siya," proud na proud siya sa pagkukwento niya. Nang makita niya ang mukha ko, bumagsak ang ngiti niya. "Hey, are you okay?" Lumapit siya sa akin at hinawakan ako sa braso.

Agad akong lumayo sa kanya. "Huwag mo akong hawakan!"

Yung kabayo sa tabi ko, napatayo sa hind legs nito dahil sa outburst ko. Umatras si Rhys kaya kinuha ko ang opportunity na iyon para tumakbo pabalik ng bahay.

Ang bilis ng tibok ng puso ko at alam kong hindi iyon dahil sa pagtakbo. I want to catch my breath pero feeling ko kapag ginawa ko iyon, it will be too late. Nanginginig ang mga kamay ko habang hinihila ko yung drawer ko at itinatambak ang gamit ko sa kama ko. Hindi ko alam kung anong uunahin ko.

Bag. Damit. Makeup kit. Toothbrush. Wallet. May nakalimutan pa ba ako?

Dress. Dumako ang tingin ko sa parte ng kuwarto kung saan ko sinabit yung damit na regalo ni Migs. Gusto kong balikan ang gabing iyon. I want to lock them away para ipaalala na kahit isang beses, nagkaroon ako ng isang perfect moment. Pero alam ko rin na nabubuhay ako sa isang panaginip. Para akong binuhusan ng isang timbang may malaming na tubig. I've just woken up to reality.

Kinuha ko yung dress, shoes, earrings at bracelet at inilagay sa drawer na binakante ko. Sinara ko ito. Tapos binuksan uli at kinuha yung kabiyak na hikaw at inilagay sa bulsa ko.

Cellphone.

Nagdalawang-isip ako. Nagsisisi. Dapat talaga idinikit ko sa sarili ko ang cellphone ko para mas maaga akong nakapaghanda. Kaso alam kong kahit anong paghahanda ay useless.

Kinuha ko ang phone na nasa side table. Isa lang ang message na naroon and something tells me na alam ko na kung kanino galing iyon. Ayaw kong basahin. But I just have to make sure...

Alam ko na kung nasaan ka. Huwag na huwag mo nang isiping tumakas. Baka mas mapalala ka pa. 

Continue Reading

You'll Also Like

3.4M 47.5K 61
Audriana Celine have this perfect, at the same time, not-so-perfect boyfriend named, Xavier Chase. They have this perfect, at the same time, not-so-p...
26.9K 1K 62
Love is a strong feeling. Kapag nagmahal ka, hindi pwedeng medyo mahal mo at hindi rin pwedeng hindi ka sigurado. Kapag nagmahal ka dapat mahal na ma...
6.8K 442 30
Duology #2 When you thought its finally over but never. Kate Jasmin De Vera, isang masipag at ulirang anak. Lahat gagawin niya para sa kanyang pamily...
334K 4.8K 23
Isang kasunduan sa pagitan ni Jocas EspaƱola at ng ina ni Josef Malavega ang dahilan ng kanilang kasal. Dalawang taong sinubukang mamuhay nang matiwa...