Chapter 36 part 1
Pagkarating na pagkarating sa restaurant ay walang sinayang na sandali si Jesica. “Vincent, I want to talk to you about…”
“Let’s eat first, hindi ako nagdinner kagabi.” Putol nito sa sasabihin ni Jesica.
“We can talk while we’re eating.”
“Jessie, I want to enjoy our breakfast. Aba, hindi araw- araw na kasama kitang kumain.” Sabay kindat ni Vincent.
Napasimangot si Jesica, hindi niya gusto ang mga ikinikilos ni Vincent. Mula kagabi pa ay malambing na ito sa kanya at natatakot siya para sa sarili.
Halos hindi magkandaugaga si Vincent sa pag-aasikaso kay Jesica. Masyado itong attentive sa mga pangangailangan ng dalaga. “Alam mo naturingan kang chef pero mukhang hindi ka kumakain sa tamang oras.”Sabi ni Vincent sa pagitan ng pagsubo.
Nanatiling tahimik si Jesica, hindi na lamang niya pinansin ang sinabi ng kaharap. Ayaw niyang magsimula ng argumento sa binata ang tanging gusto niya ay maisaayos ang tungkol sa anak nila.
“Vincent, baka pwede na tayong mag-usap… I have a meeting with my supplier later.” Sabay tingin ni Jesica sa kanyang relo. Pinapahiwatig niya sa kausap na may mga importanteng bagay pa siyang aasikasuhin.
“Jesica, gusto kong… kunin ang custody..”
“No! I wont allow that!” Sabay hampas ni Jesica sa mesa, sa ginawi niya ay nakakuha sila ng atensiyon mula sa mga katabing mesa.
“Then talk to your lawyer kung ayaw mong pumayag sa gusto ko.” Pilit na tinitimbang ni Vincent ang damdamin ng dalaga, gusto niya ring malaman kung hanggang saan kayang ipaglaban ni Jesica ang kanilang anak.
“Oh God! Vincent nag-iisip ka pa ba?” nanghihinang bulalas ni Jesica.
“Ang gusto ko ay makasama ang anak ko. Maraming taon ang ninakaw mo sa akin, ang mga panahon na dapat kasama ko ang anak natin.” Panunumbat ni Vincent.
“I am allowing you to visit her anytime, ano pa ba ang gusto mo dun?”
“That’s not enough Jesica. Hindi ako kontento sa ganung set-up.”
Napabuntong hininga si Jesica mukhang may kongkretong desisyon na si Vincent. Nakikita niyang hindi niya makukuha ito sa taas ng boses. “Sa tingin mo mas makakabuti na pag-usapan ito sa korte?” Malumanay na ang boses ni Jesica.
“Kung yun ang paraan para makuha ko ang anak natin, wala na akong pagpipilian.” Balewalang tugon ni Vincent.
“You’re selfish Vincent, hindi mo iniisip kung ano ang magiging epekto nito kay Venice.” Umiiling na wika ni Jesica.
Lihim na napangiti si Vincent sa sinabi ni Jesica, mukhang ito na ang tamang pagkakataon para sabihin dito ang totoo niyang plano. Sa totoo lang ay hindi naman niya kayang gawin yun lalo na sa anak. Naranasan niya kung gaano kahirap ang mawalan ng magulang kaya ang gusto niya mabuo ang kanyang pamilya.
“Vincent nakikiusap ako na huwag na natin palalain ang sitwasyon. Kung may magagawa lamang ako para mabago ang desisyon mo sabihin mo lang.” Patuloy na pakiusap ni Jesica.
Tinitigan ni Vincent si Jesica at kitang kita niya sa mga mata nito ang paghihirap. Kanina pa niya pinipigilan ang sarili na daluhan at yakapin ito ng mahigpit para mabawasan ang paghihirap nito.
“Kaya mo bang gawin ang lahat para sa anak natin?” Alanganing tanong ni Vincent.
Marahang tumango si Jesica. “I will sacrifice everything…alam mo yan.”
“Then marry me para sa anak natin.”
Muntik ng mahulog si Jesica mula sa kinauupuan ng marinig ang sinabi ni Vincent. “Huwag mo akong subukan Vincent baka pagsisihan mo yan.” May halong pananakot sa boses ni Jesica pero ang totoo lang ay siya ang natatakot ng mga sandaling yun.
“I’m serious, kung kaya mong mag sacrifice para sa anak natin ako kaya kong ibigay ang lahat para sa kanya. I want her to experience to have a complete happy family. What do you think?”
Lalong lumala ang problema ni Jesica. Napahawak siya sa kanyang noo dahil parang biglang sumakit ang ulo niya sa mga pinagsasabi ni Vincent. “Are you insane? Hindi pagpapakasal ang solusyon sa problema natin.”
“For me, this is the best solution and besides mas makakabuti sa iyo kung magpapakasal tayo.” Umaasa si Vincent na mapapayag niya si Jesica.
Panay buntong hininga ang maririnig kay Jesica. Mahabang katahimikan ang namagitan sa kanila bago muling nagsalita si Jesica. “Hindi ko kayang magpakasal sa isang taong hindi ko mahal. Vincent, huwag na natin dagdagan pa ng isa pang pagkakamali ito dahil sa bandang huli pareho lang nating pagsisisihan.”
Parang binagsakan ng langit si Vincent sa sinabi ni Jesica, hindi niya akalain na tatanggihan nito ang alok niyang kasal lalo na para sa anak nila. “Kung hindi mo sana nilagyan ng drugs ang alak natin hindi sana magkakaganito..”
“Hanggang ngayon pala yan pa rin ang iniisip mo? Vincent, paulit ulit na lang tayo at paulit ulit ko ring sasabihin sayo na hindi ako ang naglagay ng kung anumang drugs sa ininom natin.” Inis na sabi ni Jesica.
“Sa tingin mo paniniwalaan ko yan? May tao na akong inutusan para mag-imbestiga ng tungkol dun at sa oras na napatunayan ko na may kinalaman ka sisiguruhin kong mawawalan ka ng karapatan sa anak natin.”
Hindi na lamang nagsalita si Jesica dahil alam niya sa kanyang sarili na biktima rin siya kaya wala siyang dapat ikatakot sa pagbabanta ni Vincent.
“Kaya bago ko matuklasan ang totoo mas makakabuti kung pumayag ka ng magpakasal tayo.” Pamimilit ni Vincent.
Dahil sa inis ay hinamon ni Jesica ang binata. “Magpapakasal ako sayo pero gusto kong hiwalayan mo muna si Mia.” Matapang na turan ni Jesica.
_________________
A.N.
Enjoy reading guys and please don't forget to vote and leave your comments ^ ^
Thank you :)