The Sweetest Escape

By endlesslaugh

318K 8.6K 485

Isang libong piso, anim na pares ng damit, makeup kit, isang toothbrush, at cellphone na walang load lang ang... More

Prologue
One
Two
Three
Four
Five
Six
Seven
Eight
Nine
Ten
Eleven
Twelve
Thirteen
Fourteen
Fifteen
Sixteen
Seventeen
Eighteen
Nineteen
Twenty
Twenty-one
Twenty-two
Twenty-three
Twenty-four
Twenty-five
Twenty-six
Twenty-seven
Twenty-eight
Twenty-nine
Thirty
Thirty-one
Thirty-two
Thirty-four
Thirty-five
Thirty-six
Thirty-seven
Thirty-eight
Thirty-nine
Forty
Forty-one
Forty-two
Forty-three
Forty-four
Forty-five
Forty-six
Epilogue
Thank You!

Thirty-three

4.4K 153 13
By endlesslaugh

Migs

“Anong ginagawa mo dito?”

Ako dapat ang magtatanong. Nagulat na lang ako noong nagsalita yung kasama ko. Hindi ko makita yung buong mukha niya dahil nasa likod ako pero dahil hawak ko ang balikat niya, ramdam ko yung pagtigas ng mga kalamnan niya. Hinagod ko pababa ang kamay ko para pakalmahin siya, at gumana naman.

Napansin ni Claire ang ginawa ko. Pagkaangat ng tingin niya sa akin, para siyang naninisi. Ewan ko ba kung bakit ganoon na lang ang reaksyon niya.

Inangat ni Claire ang bitbit niya. “Pwede bang makisalo? Nagdala ako ng cake.”

Ngumuso ako sa pinanggalingan namin. “Nandoon ang may birthday. Ikaw na ang bahalang mag-abot.” Itinulak ko uli si Hannah papasok.

Lumakad si Claire para harangan kami. “Gusto kitang makausap, Migs.”

Bumuntong-hininga si Hannah at humarap sa akin. “Pakainin mo muna siya. Tirahan mo na lang ako ng cake.” Yung mga salitang binitiwan ni Hannah ay may konsiderasyon pero yung tono ng pagsabi niya ay sumasalungat sa maganda niyang hangarin. Parang ayaw niya talaga akong iwanan pero heto siya’t binibigyan ako ng go signal.

At dahil hindi rin naman ako makakatanggi kay Claire, pumayag ako sa utos niya. “Pramis, sayo yung one-fourth.”

Pinanlisikan niya ako ng mata. “One-half. Who knows kung kelan pa uli ako makakatikim ng cake?” Pagkatapos niyang sabihin iyon ay kay Claire niya itinuon ang nanlilisik niyang mata. Nakita kong itinaas ni Claire ang kanang paa niya at ipinangkamot niya sa kaliwang binti. Gawain niya iyon kapag hindi siya mapakali. Iyon rin ang ginawa niya bago niya sabihin sa akin na may iba na siya.

Nang nakalayo na si Hannah, pinagbuksan ko siya ng pinto ng bahay at pinauna siyang pumasok. Inabot niya sa akin ang hawak na kahon at dumiretso sa sopa. Napatigil ako sa ginawa niya. Yung porma ng pag-upo niya sa loob ng bahay, naka-Indian sit doon sa parte ng sopa na lagi niyang inuupuan, ay lagi kong naiisip dati. Tanggap na siya ng pamilya ko kaya may lugar na siya sa bahay namin. Pero ngayon parang mali yung lugar niya. Hindi na kailanman magiging kanya ang spot na iyon.

Tinapik niya yung espasyo sa tabi niya kung saan ako lagi umuupo. Umiling lang ako’t humalukipkip. Hindi na rin akin ang lugar na iyon. Matagal na akong walang lugar sa tabi niya. Siya pa mismo ang nagtulak sa akin palayo.

“Diretsuhin mo na ako. Marami pa akong gagawin.”

Kinagat niya ang mga labi niya. “Hiwalay na kami.”

Nanatili akong walang imik.

Sumulyap siya sa akin tapos bumaba uli ang tingin. “Gusto ko lang malaman mo.”

“Okay.”

Inangat niya ang tingin niya. Namumuo na ang mga luha roon. “Miguel, mahal pa rin kita.”

Pumikit ako at kinagat ang dila ko. Anong hiling ko na marinig ko muli ang mga salitang iyan mula sa kanya. Pero dati iyon. Iba na ang sitwasyon. Hindi na ako yung Miguel na para kay Claire. Ako na yung Miguel na para kay Hannah. Siguradong-sigurado ako roon.

Kanina, habang tinutulungan ko siyang kumawala sa mga ala-ala niya, naramdaman ko yung pag-iba ng aura niya. Sa unang pagkakataon, hindi niya ako nilabanan na tulungan siyang makatakas. Pinatuloy niya ako’t tinanggap yung kaya kong ibigay. At para sa aming dalawa ni Hannah, isang malaking hakbang na iyon.

Tutulungan ko siyang puksain yung mga nilalabanan niya at alam kong tutulungan din siya ng mga kapatid ko. Nakita ko iyon sa mga mata nila habang pinapakalma ko si Hannah kanina. Kaming tatlo, hindi kami perpekto. Katulad ni Hannah, mayroon pa ring mga lamat sa pagkatao namin pero matagal na naming natutunan na hangga’t sinusuportahan at patuloy na inaangat namin ang isa’t isa, sa aming tatlo, naroon na yung masasabi kong unconditional love at acceptance. Maswerte rin kami dahil napapaligiran kami ng extended family namin.

Napadilat ako nang may humawak sa pisngi ko. Nang makita ko ang mga mata niya, gusto ko uling pumikit. Lagi akong hindi mapakali kapag umiiyak siya. Once, ako yung taong nangakong magpoprotekta at magpapasaya sa kanya. Yinakap ko siya at hinayaang mabasa ang manggas ko.

Mga ilang minuto ang lumipas, humiwalay din siya. Tumingin siya sa dibdib ko at ipinatong ang kamay niya sa parte kung nasaan ang puso ko. “Wala na ako rito.”

“Nandiyan ka pa rin. Sa tagal ng pinagsamahan natin, imposibleng mawala ka pa. Ikaw ang lahat ng una para sa akin. Ikaw din sana ang huli. Alam kong hindi ako naging madali lalo na noong umalis ka. Sinundan pa rin kita. Pero salamat sa pagtulak mo sakin. Dahil kung hindi, wala si Hannah ngayon sa tabi ko.”

Akala ko tumahan na siya pero sa mga salitang binitiwan ko, tumulo na naman ang mga luha niya. “Sana hindi na lang kita pinakawalan.”

Nanatili na akong tahimik at hinayaan siyang iiyak lahat ng saloobin niya. Ang tagal namin sa loob ng bahay dahil sa tuwing matutuyo na ang luha niya, may makikita siya na makakapagpaiyak sa kanya. Para naman maalis ko ang isip niya sa mga iyon, kinuhanan ko siya ng handa ni Kiel at nangamusta sa pamilya niya.

“At least pwede pa rin ba nating tapusin ito bilang magkaibigan? Ayokong mauwi yung drama ko sa wala,” request niya nang maubusan kami ng kakamustahin.

“Iyon din naman ang gusto ko.” Siniguro ko na ayos na siya nang tumayo ako. “Babalik na ako sa labas.”

Tumayo rin siya. “Uuwi na ako.”

“Huwag muna. Magpakita ka muna sa kanila. Batiin mo muna si Kiel.”

Nagdalawang-isip muna siya bago pumayag.

Bago lumabas, kumuha ako ng kalahating parte ng cake para kay Hannah. Halos umapaw na yung cake sa ginamit kong plato kaya kinailangan ko pang gamitin ang parehong kamay dahil baka biglang may malaglag.

Pinagbuksan ako ni Claire ng pinto. Makitid lang ang pasukan at nang lalabas na, sabay kaming gumalaw kaya naman muntik ko nang mabitawan ang hawak kong plato. Dali-dali naman ako sa pagsagip nito na siya ring ginawa ni Claire. Sabay kaming tumawa dahil sa matagumpay na pagligtas namin sa cake.

Hinanap ko si Hannah at nakita siyang nakaupo sa lamesita ng mga pinsan at kaibigan nilang nag-iinuman. Katabi niya si Rica. Malayo pa lang ako, kita ko na yung simangot sa mukha niya.

Doon ako tumabi sa kabilang gilid. “Order niyo, Ma’am.” Inilagay ko yung cake sa harap niya.

Tinitigan niya lang ito. Tapos ako. ‘Di ko alam kung bakit pero nainis ako sa nakita ko. Sinara niya na naman ang sarili niya sa akin. “Uuwi na ako.”

“Ihahatid na kita.”

Pinigilan niya ako sa pagtayo. “Hindi na. Mag-celebrate na muna kayo. Bigla lang sumama yung pakiramdam ko.”

Nag-alala naman ako bigla. “Ihahatid na lang kita tapos babalik na lang ako, ayos ba ‘yon?”

“Magpapahatid ako kay AJ.”

Alam kong iniiwasan niya ako dahil kay Claire pero kung iniisip niya na madali siyang makakatakas sa akin, nagkakamali siya. “Hindi ka maihahatid ni AJ.”

Nagsisimula na siyang magalit. “Bakit?”

“Kwento para sa ibang araw. Kakainin mo ba yung cake, iuuwi na kita, o makikipagtalo sa akin, Hannah?”

Tumingin siya sa cake. Tapos inabot niya iyon kay Mak. Pinag-agawan ng mga manginginom ang iilang kutsara’t tinidor para makakain ng cake. Kay Hannah dapat yun eh.

“Tara.”

“Magpaalam muna tayo.”

Alam kong iyon ang huli niyang gustong gawin pero sumama siya sa akin at pinuntahan si Kiel. Nandoon si Claire at AJ, nagkukwentuhan at nagtatawanan. Sabay-sabay silang lumingon nang makita kaming paparating.

“Uuwi na kami. Happy birthday uli.” Hinila ko si Kiel papalapit at tinapik siya sa likod. Ginulo ko ang buhok ni AJ. Pagdating kay Claire, hindi ko alam kung ano ang gagawin.

Siya na ang umaksyon para sa aming dalawa. Yinakap niya ako sa sinabing, “Salamat,” saka ako pinakawalan.

“Happy birthday,” ang huling bati ni Hannah tapos nauna na siya papunta sa motor.

“Trouble in paradise?” tanong ni AJ.

Ginulo ko uli ang buhok niya. “English yun, kapatid!”

“Tsk. Kuya naman eh! Sundan mo na si Hannah!”

Nakaupo siya sa motor at nakatingin sa sahig nang madatnan ko siya. “Bakit ka galit? Si Claire ba?”

Suminghal siya. “Walang ginawa si Claire para magalit ako.”

“Edi ako? Anong ginawa ko?”

Umiling siya.

“Sabihin mo na Hannah. Ayokong umuwi nang hindi natin naaayos ‘to.”

“Ako, okay? Ako ang problema.”

“Anong pinagsasasabi mo?”

Bigla siyang tumayo at kinuha yung helmet. “Ayoko munang pag-usapan, Migs. Umuwi muna tayo. Please. Give me space.”

Ayokong binibigyan siya ng space. Pero ibinigay ko pa rin sa kanya.

Pauwi, hindi ako dumaan sa shortcut. Medyo binagalan ko rin ang takbo ko para hindi kami makauwi agad. Gusto ni Hannah ng space at ito ang ibinibigay ko sa kanya. Pagdating namin sa bahay, mag-uusap kami.

Gusto kong isipin na nagseselos siya sa amin ni Claire pero wala sa pinapakawalan niyang aura ang pagseselos. Ramdam kong totoo nga nang sinabi niyang siya ang may problema. Kung ano, siya lang ang makakapagsabi.

Sandali kong binitawan ang kanang manibela at hinawakan ang kamay niyang nakapulupot sa may tiyan ko. Bilang sagot, yinakap niya ako ng mas mahigpit. Sa ginawa niyang iyon, medyo nabawasan ang bigat sa dibdib ko. Okay pa kami. Kung ano man ang bumabagabag sa kanya, sasabihin niya sa akin.

Ititigil ko dapat ang motor sa harap ng bahay kaya lang may kotse doon na naka-park. May bisita ang Kakang Isko? Imposible. Gabi na, tulog na ang Kaka.

Iniangat ni Hannah ang pagkakasandal ng ulo niya sa balikat ko. Ramdam na ramdam ko ang pagkagulat niya sa nakita. Ilang segundo siyang nakatitig sa kotse. Kung hindi ko pa siya uutusang bumaba, ‘di pa siya matatauhan.

“Sino kaya ‘to?” bulong ko.

Tahimik ang kasama ko.

Nagtungo ako sa harap ng kotse at napansin ang isang pigura na nakasandal dito. Nakatingin siya sa pintuan ng bahay kaya hindi niya kami napansin noong una. Nakita niya siguro ang anino ko kaya napatayo siya sabay hinila ang earphones na nakasalpak sa tenga niya.

Lumapit siya sa akin. “Excu—Hannah?”

Nilingon ko si Hannah na tumigil sa paglalakad. Unang beses kong makita iyon sa itsura niya pero mukha siyang… guilty. Tumingin siya sa magkabilang direksyon na tila naghahanap ng lugar na mapagtatakasan.

“Hannah,” nagmamadaling lumapit yung lalaki sa kanya.

Hinarangan ko siya. “Sandali lang, pare. Sino ka ba?” Ngayong medyo malapit na siya, nagawa kong pagmasdan ang hitsura niya. Mas bata siya sa inaakala ko.

“Anong sino ako? Boyfriend niya ako! Sino ka ba?”

Parang lumampas sa tenga ko ang mga sinabi niya. Tinabig niya ako at pati siya lumampas sa harang na ginawa ko para makapunta kay Hannah. Parang bumagal ang takbo ng lahat, o bumagal lang ba ang tibok ng puso ko? Hindi ako makapaniwala sa biglang takbo ng mga pangyayari. Parang hindi ako makahabol.

Tumingin ako sa direksyon ni Hannah at saktong nakita kong yinapos siya ng boyfriend niya. Nagtama ang tingin namin at doon ko naintindihan lahat.

Naloko na naman ako ng isang babae. Ang tanga ko naman.

Continue Reading

You'll Also Like

32.3K 1.4K 58
"I would hate to be you when people find out what this story is about." - ABC
26.7M 1M 72
He's a 29-year-old mayor of the town and she's a 19-year-old orphaned student. Jackson became Frantiska's legal guardian before anything else. Their...
3.4M 47.5K 61
Audriana Celine have this perfect, at the same time, not-so-perfect boyfriend named, Xavier Chase. They have this perfect, at the same time, not-so-p...
122K 5.9K 74
"OH MY GOSH SINO KA?! Bakit mo ko ginagaya! Hoy!" Gulong gulo ang isip ko habang nakatingin sa lalakeng nasa harapan ko. Bawat buka ng bibig ko ay na...