Love Me Till The End

Af Hello_Virgo_

1.1K 73 586

Mae Mercado is a UST Architecture student. She made the decision to finish her plates at school before the de... Mere

PROLOGUE
01
02
03
04
05
06
07
08
09
10
11
12
13
15
16
17
18
19
20
21
22
23

14

59 3 48
Af Hello_Virgo_

Weeks had passed, May pasok na ulit kami kaya busy na naman ulit. Maganda ang nangyari nung mga nakaraan dahil umuwi ako sa 'min at doon natulog dahil sabi ni papa wala naman kaming pasok kaya magpahinga ako at malapit na rin siyang bumalik sa ibang bansa dahil nagbakasyon lang siya ng 3 months dito. Lagi kaming lumalabas ni Nathalie para bumili ng Ice cream. O kaya naman, Nasa living room lang kami, nanonood o naglalaro.




Eze and I talked through text that time. Hindi na kami nagkita pagkatapos nung gabing 'yon dahil umuwi rin siya sa bahay nila. Minsan ay nag fa-face time pa kami kaya pag nakikita siya ni Nathalie na kausap ko, Inaagaw niya sa 'kin yung phone ko para makapag hi kay Eze.




Maaga akong nagising dahil puro tulog lang naman ang ginawa ko magdamag at susunduin ako ni Eze ngayon. Pagbaba ko ng parking, nakita ko na agad yung kotse niya kaya pumasok na 'ko. Hindi pa ako nakakaayos ng upo, hinila niya na ako para mayakap. Gulat ako pero yumakap din ako pabalik agad.




"I missed you" Bulong niya habang nakayakap pa rin. Ngumiti ako at hinigpitan ang yakap sa kanya, "I missed you too" Sabi ko bago kumalas sa yakap niya.




Nag drive na siya pagkatapos non habang nagpapatugtog ako. Nagconnect ako ng bluetooth sa kotse niya dahil na-bored ako. Hindi ko naman siya pwedeng daldalin dahil nag ddrive siya kaya magpapatugtog na lang ako.




Pagkadating namin sa school, Nagtalo pa kami dahil Ihahatid niya pa daw ako!




"Huwag na! Baka ma-late ka pa!" Pagpigil ko





"I still have 30 minutes before our class" Pakikipag laban niya kaya bumuntong hininga ako at tumango na lang. He held my hand and intertwined it together with his, the reason why I smiled.




Nang makarating kami sa tapat ng room ay bumitaw na ako sa paghawak niya. Susunduin niya daw ako kaya tumango ako at ngumiti bago pumasok ng room. Pag upo ko, kinuha at binuksan ko ang phone ko dahil may nag text.




From: Papa

Ano oras uwian mo bukas?




To: Papa

4 pm po. bakit pa?




From: Papa

Birthday ng lola mo sa sabado, gaganapin sa isang private resort. Susunduin ka namin bukas mga 6 pm para makapag ayos ka ng mga damit mo dahil hanggang linggo daw doon.



To: Papa

Sige po.




Binaba ko na agad yung phone ko at nagpahalumbaba na lang habang inaantay na mag start yung klase. Napaangat lang ulit ng maayos yung ulo ko nang pumasok si kacy na nakangiti at namumula ang dalawang pisngi.





"Anyare sa 'yo?" Nagtatakang tanong ko.




Parang doon lang siya nabalik sa katinuan at napatitig sa 'kin saka nagtatatalon at niyakap ako nang mahigpit.




"Ano meron? Ba't ang saya mo? Teka, hindi ako makahinga!" Sabi ko kaya binitawan niya ako.





"Naalala mo? Yung kinekwento ko sa 'yo na crush ko simula high school?! Yung mahal ko?! Yung sinundan ko dito?!" Ang lakas ng boses niya kaya napatingin sa 'min ang iba naming blockmates.






"Oh? ano meron?" Nagtataka kong tanong.





"I saw him in front of our classroom! Oh my god! Is he looking for me?! Binati ko pa siya at tinanong kung anong ginagawa niya rito dahil MED ang course niya kaya bakit naman siya mapapadpad dito? 'di ba?" Tanong niya kaya napatango ako "Alam mo kung ano sinabi niya?" Tanong niya ulit


 


"Hindi" Sagot ko.




"Tanungin mo 'ko!" Sabi niya kaya tumawa ako. Pwede naman niyang sabihin kahit hindi ko tinatanong. Si kacy talaga, oh!





"Ano 'yon?" Sinunod ko na lang yung sinabi niya dahil mukhang ang saya-saya niya. Ayoko naman sirain 'yon.




"Andito daw kasi yung babaeng gusto niya! OMG! gusto ko sanang tanungin kung ako ba 'yon kaso nahihiya ako!" Sabi niya kaya natawa ako "Gusto kong mag assume dahil wala naman tayong blockmates na close siya, I'm so sure of that! Hindi naman masamang mag-assume diba?! Lagi ko rin iniistalk yung Instagram niya dahil mas madalas siyang mag-post doon kesa sa Facebook tsaka the last time I checked ay nag deact siya ng acc niya! At sigurado akong wala siyang girlfriend dahil naghiwalay na sila nung girlfriend niya noong 1st year college pa lang siya!" Sabi niya at inalog-alog pa ang balikat ko. Grabe sobrang updated.





"Speaking of Instagram, We haven't follow each other on Instagram pa pala! Follow kita mamaya! Followback mo 'ko, ah!" Sabi niya kaya ngumiti ako at tumango saka bumalik sa upuan ko dahil pumasok na yung prof namin.


 


Nag focus lang ako buong klase sa prof namin hanggang sa mag break-time. Nagpasya kaming kumain na lang sa KFC kaya pagkaayos ko ng bag ko ay tumayo na ako dahil hinila na ako ni kacy palabas.





Habang nakapila, Bigla naman nag-vibrate yung cellphone ko kaya tinignan ko kung sino yung nagtext.





From: Eze

Lunch. Have u eaten?





Napangiti ako habang nakatitig sa cellphone ko. "Huy! Ano order mo? Ba't nakangiti ka dyan?" Tanong ni kacy.





"Uhm..wala. Chicken Chops tas Fries gusto ko" Sabi ko kaya tumango siya at sinabi na sa babae pati yung order niya. Tumingin uli ako sa phone ko saka nag type ng irereply.





To: Eze

Kakain pa lang, Ali. Hbu? Did you eat na?





Agad naman siyang nag reply.





From: Eze

Yes. I'm studying with Alex right now.


 


Magtytype na sana ako nang bigla siyang nagsend ng picture. It was alex and him, Nakangiti sila pareho.





To: Eze

Cute nyo HAHAHAHAHA




From: Eze

Ikr




Ang yabang amp!





To: Eze

Si Alex lang pala




From: Eze

:(




I smiled. Ano ba, huy!


To: Eze

K.


From: Eze

HAHAHAHA Eatwell, baby.


Seen.




Pagkatago ko ng phone sa bag, hinila na ako ni kacy papunta sa upuan dahil iseserve na lang daw kaya nag antay pa kami ng kaunti hanggang sa ma-serve na yung order namin at kumain.




Habang kumakain, bukambibig ni kacy yung crush niya. Mukhang kinikilig pa rin at gustong- gusto niya talaga yung lalaki dahil yun daw ang dahilan ba't siya nag-aral dito at pinilit niya pa raw ang parents niya na dito siya mag-aral.





"Teka, sino ba kasi yung crush mo? Ano ba name?" Curious na tanong ko dahil sabi niya ay MED student. Baka kakilala ni Eze. Para mapa-reto ko.





"Hmm..secret! Saka ko na sasabihin sa 'yo pag naconfirm ko na, na ako yung gusto niya!" Masayang sabi niya.





"Sige" sagot ko at kumain ulit ng fries.





"Ay, wait!" Nagulat ako nang bigla siyang mapasigaw.





"What?" Nakakagulat naman 'to!





"Let's follow each other na!" Sabi niya.




"Hmmm..sige. yun lang pala gaga ka" Sabi ko kaya natawa siya.





Sinabi ko sa kanya yung username ko kaya mabilis niyang tinype saka kami tumayo para bumalik na sa classroom.





KacyanneQ. followed you on Instagram!




I immediately followed her back. "Oh, finofollow niyo na pala yung isa't-isa?" Gulat na tanong ni Kacy.




"Who?"

 



"Yung crush ko. Buti ka pa nafollow back! Ako halos 5 years ago na simula nung finollow ko siya. 'di pa rin ako nafollow back!" Sabi niya, nakasimangot.




"Huh? Hindi naman ako nagfo-follow ng lalake sa Instagram unless kilala ko or sila unang nag follow." I said. Totoo naman. hindi ako nagfofollow ng kung sino-sino dahil iba na panahon ngayon, Maraming gumagawa ng fake account.




"Hay, Sana all! Hanggang ngayon, nakamessage request pa rin ako sa kanya kase hindi niya ako finofollow back. Ni hindi nga sineseen, eh!" Pag rarant niya





"Huh? You messaged him?!" Gulat na tanong ko. Pano niya nagagawang mag first move?




"Oo" Sabi niya at nahihiyang ngumiti.





"Ano minessage mo?" Natatawa kong tanong. Pano 'yon?


 


"Sabi ko gusto ko siya. Ah, basta! madami pa! Highschool pa 'yon! Ngayon hindi na ako nag memessage sa kanya araw-araw kase hindi naman niya sineseen tsaka nahihiya na 'ko" Sabi niya kaya tumawa ako.





"Grabe! buong buhay ko, hindi ko pa nagagawang mag first move sa lalake" Sabi ko habang naglalakad kami.





"Really? Buti ka pa! Ang laki talaga kasi ng pagkagusto ko doon kaya ganon! Sa tuwing tinitignan ko yung mga chat ko sa kanya, Na cicringe ako kase maraming emoji sinend ko noon!" Nahihiyang sabi niya. hindi ko napigilang tumawa nang malakas dahil sa sinabi niya. Iniimagine ko pa lang, parang hindi ko kayang pigilan ang tawa ko.





"By the way, Ang ganda mo dito" Nakangiting sabi niya at tinuro yung huling post ko at nilike pa 'yon.




Saka ko lang naalala na hindi ko pa pala napopost yung picture ko pati namin lahat ng mga kaibigan ko tsaka yung sa kasama sila Eze. Mamaya na lang siguro. Ang ganda pa naman ng pagkakakuha sa 'min doon. Binuksan ko naman ang Instagram ko para tignan kung may post sila. Silang lahat  nakapag post na pala halos kami na lang pala ni Eze ang hindi pa. Naging busy kasi kami pagkatapos. Ngayon ko lang din naalala na hindi ko pa pala nase-send sa kanya yung picture niya! Nakalimutan ko! Hindi kasi ako pala cellphone noong nakaraang linggo, puro kami laro ni nathalie o kaya tinutulungan magluto si papa.




"Thank you" I smiled. Nawala bigla ang ngiti niya habang nakatingin sa picture ko at nagtitingin sa comments kaya nagtaka ako.





"Oh, ano meron? Ba't nawala ngiti mo?" Takang tanong ko.





"Uh..wala" Sabi niya at ngumiti nang tipid.





Pagpasok ng room, umupo na agad ako sa upuan at sinuot ang white hoodie ko dahil malamig saka ako umayos ng upo ulit saka ako kumuha ng dalawang hair clip dahil natutusok na ng mga buhok ko sa gilid ng noo ko ang mata ko kaya nag lagay ako ng hair clip sa magkabilang gilid ng noo ko habang inaantay yung prof na dumating. Pagkatapos, Wala pa naman kaya nag cellphone muna ako. Nag post pala ng story si Eze, Agad ko naman viniew 'yon. Naramdaman kong nag init yung pisngi nang makita kung ano 'yon. Picture 'yon na magkaholding hands kami habang naglalakad papunta sa classroom kanina. Nakatalikod ako dahil nauuna akong maglakad dahil first time niya lang daw akong ihahatid sa classroom kaya hindi niya alam kung saan o sadyang pinauna niya lang ako para makuhanan niya 'to?


 


Tinago ko na agad yung phone ko dahil dumating na yung prof ko. Ang ganda tuloy ng mood ko habang nagtuturo yung prof namin hanggang sa matapos yung klase.


 


"Class dismiss" Sabi ni Ma'am Fernandez habang inaayos yung gamit bago umalis.





Tinago ko muna yung notebook ko at inayos yung mga gamit bago umalis ng room.





"Oh, Hijo, What are you doing here?" Rinig kong tanong ni Ma'am Fernandez kaya napaangat ang tingin ko saglit at nakitang nakatayo si Ma'am Fernandez sa pintuan habang may kina-kausap. Binalik ko rin agad ang tingin ko sa bag ko.





"I'm waiting for my girl, Tita" Napaangat ulit ang tingin ko nang may marinig akong pamilyar na boses.





"Hoy, Intayin kita?" Naagaw lang ang antensyon ko nang kalabitin ako ni kacy.





"Una ka na. May susundo sa 'kin" Sabi ko at ngumiti.





"Huh? Sino?" Tanong niya.


 


"My suitor" I proudly said.





"Huh?! Weh? Sino?" Sunod-sunod na sabi niya.





"Pakilala kita soon!" Nakangiting sabi ko.





"Sure! Una na 'ko, ah?" Paalam niya kaya tumango ako.





Pagkatapos kong ayusin ang gamit sa bag ko ay naglakad na 'ko palabas. Napatigil lang ako nang makitang andun pa si kacy at mukhang magkausap sila ni Eze sa tapat ng room. Kahit naka uniform lang siya, Ang attractive niya pa rin tignan!





"Hey," Eze greeted.





"Hi" I smiled.





"Magkakilala kayo?" Tanong ni kacy.





"Yes," Sagot ni Eze. Magsasalita na sana ako para ipakilala si Kacy kay Eze but I stopped when I felt Eze's hand on my waist, pulling me closer to him. Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko dahil pakiramdam ko namumula ang pisngi ko at hindi ako makapag salita.




"She's the one I was referring to earlier.." Sabi niya. Napatingin ako sa kanya nang may halong pagtataka. Huh? Anong tinutukoy sinasabi niya? "The girl I like" he added and gave kacy a small smile. Nagulat ako sa sinabi niya at napalingon pa saglit sa mga dumadaan.

 



Pakiramdam ko lalo lang namula ang pisngi ko nang makitang may nakatingin sa 'min at nakangiti na parang kinikilig. Pag tingin ko naman sa likod ko, Nakita ko si Christof na nakatingin sa 'min.





"Christof" I greeted.





"Hi," Bati niya pabalik at binigyan ako ng ngiti.





"Uh..Eze. Si Kacy at Christof" Pagpapakilala ko "Kacy, Christof, Si Eze" I smiled at them.





"Siya ba yung manliligaw mo?" Tanong ni kacy.





I nodded. "Yes" Ngumiti ako.





Eze offered his hand to Christof. Agad naman 'yon tinanggap ni Christof.





"Sup, bro! Ikaw ata yung dahilan ba't nakasimangot 'to si Mae nung nakaraan, eh!" Mapang-asar na sabi ni Christof saka tumingin sa 'kin at ngumisi. Agad nanlaki ang mata ko "Hoy gago!" Sabi ko kaya tumawa si Christof.





Eze looked at me. Mukhang na-gets niya yung tinutukoy ni Christof kaya napasimangot ako at tinignan ng masama si Christof. Bukas ka sa 'kin Christof Haiden!

 




Bumaling ang tingin ko kay kacy na nakayuko "Kacy? Okay ka lang?" Nag-aalalang tanong ko. Napaangat ang tingin niya sa 'kin at tinignan kami isa-isa. Napatagal pa ang tingin niya kay Eze bago ulit tumingin sa 'kin at ngumiti nang tipid "Yes. Una na 'ko, ah?" Paalam niya "Take care" I said. Tumango lang siya saka umalis.





"Una na rin ako, Mae, Eze." Paalam ni Christof at ngumiti sa 'min "Mag-ingat ka" Sabi ko at kumaway. 



Nag thumbs up lang siya sabay tumango saka tumingin kay Eze at mahinang tinapik ang balikat "Ingatan mo, ah!" Sabi ni Christof. Parang siraulo, kaya ko naman lagi ingatan sarili ko! Pinagsasabi netong kumag na 'to?






"I will" Eze answered and gave Christof a small smile bago siya umalis.





Nang mawala sa paningin namin si Christof. Tumingin naman siya sa 'kin at ngumiti saka pinisil ang pisngi ko "Cute" He said, then he offered his hand. Agad ko naman hinawakan 'yon. "Let's go?" He asked. I nodded. He intertwined our hands together saka kami naglakad paalis. Gusto niya pang kuhain ang bag ko pero sabi ko ay huwag na dahil kaya ko naman.





"Hi Eze!" Napatigil kami saglit sa paglalakad nang may tumawag sa kanyang tatlong babae. Halatang MED din ang course dahil puting puti ang uniform.




He waved his hand a little at ngumiti ng tipid. Inalis ko yung kamay ko na hinahawakan niya habang naglalakad kami nang hindi siya tinitignan. Hinawakan niya ulit 'yon at tumawa ng kaunti kaya sinamaan ko siya ng tingin.





"Hi Eze!" I mocked the girl who greeted him.





He laughed saka hinigpitan ang hawak sa kamay ko "Anong nakakatawa?" Masungit na tanong ko.





"Why are you jealous? I just waved my hand." Pag dedefend niya "Ikaw kasi whenever someone greeted and approaching you, sinusungitan mo lang" Sabi niya kaya napairap ako.




"K" Sabi ko at naglakad.





"Hi Mae!" Napatigil lang ulit kami sa paglalakad nang may lalaking tumawag sa 'kin. Oh, I know him! Magkatabi lang ang room namin!





"Hi! Kumusta? Tapos na plates?" Nakangiting tanong ko. Hindi pinapansin yung katabi ko.





"Yeah, my hand hurts! How about you? Oh, boyfriend mo?" Tanong niya.




Malapit na.





Sasabihin ko sana kaso huwag na dahil hindi ko pa alam kung kailan yung 'malapit' na 'yon. So I just smiled.





"I'm already done with my plates pero may isa pa akong tatapusin. Kurt, This is Eze" pagpapakilala ko.


 


"Hi bro" Kurt offered his hand to Eze at mabilis naman tinanggap ni Eze 'yon then he gave Kurt a fake smile. Gusto kong tumawa dahil halata na peke yung ngiti niya.


 


"I'm going. See you around, Mae" Sabi ni Kurt saka tumingin kay Eze at tinanguan ito. Nang makalayo na si Kurt, I heard Eze whispered something kaya tumawa ako. The reason why he glared at me.






"What? You said sinusungitan ko pag may bumabati sa 'kin? Hindi ko na nga sinungitan, eh" Pag dedefend ko saka hinila na siya paalis.





"Sungitan mo na lang" Rinig kong bulong niya kaya tumawa ako nang malakas. Tawa lang ako nang tawa hanggang sa makapasok kami ng kotse niya.





"Stop laughing" Sabi niya kaya tinakpan ko na yung bibig ko para hindi nako tumawa.





"Where do you want to eat?" He asked.





"Pwedeng sa mall na lang? May bibilhan kasi ako na gift tas may bibilhin din ako sa National Book Store" Sabi ko.





"Sure, love" Tumango naman siya saka ngumiti. I-aandar niya na sana yung kotse pero napatigil siya nang biglang tumunog ang phone niya.





"Hello? Manang?" Rinig kong sabi niya.




Tumingin ako sa gilid ko to give him privacy.


 


"Okay po" Rinig kong sabi niya saka binaba ang phone at tumingin sa 'kin.





"May problema?" I asked.





"Is it okay kung may dadaanan muna tayo? I need to pick up someone" He said.





"Oo naman" Sabi ko at ngumiti. "Sino ba?" I asked curiously.




He just smirked bago pinaandar yung kotse. Nagpatugtog na lang ulit ako sa kotse niya habang nagdadrive siya. 30 minutes yung tinagal ng byahe namin, nagtataka ko pa siyang tinignan nang pumasok kami sa isang village, Ang lalaki ng bahay! Malaki yung bahay namin pero mas malaki yung ibang bahay dito! Halatang mayayaman talaga!





Tumigil lang kami sa tapat ng isang malaking bahay na modern yung design at beige yung color ng mahabang gate. May bigla namang lumabas na matandang babae sa gate na 'yon at may hawak na batang maputi na naka sky blue shirt na may design at black shorts na walang emosyon ang mukha sa kanang kamay niya. Agad ko siyang namukaan, Eze's little brother! Agad naman bumaba si Eze para tulungan yung matanda na ipasok yung bata sa kotse niya at ayusin yung seatbelt.





"Naku, Hijo! Pasensya na at naabala pa kita. Kailangan na kasi namin mag grocery at hindi ko naman siya maisasama dahil alam mo naman, nung nakaraang sinama namin siya, muntikan siyang mawala dahil nagtatatatakbo at hindi namin nahabol at nahanap kaagad. Dapat ay ihahatid siya sa office ng mommy mo kaso may importanteng meeting daw kaya ikaw na lang ang tinawagan namin" Sabi ng matanda.




"It's okay, Manang. No worries" Sabi ni Eze at nginitian ang matanda. Bigla naman nalipat ang tingin sa 'kin ng Matanda kaya nginitian ko siya.





"Good Afternoon po" I greeted her.





"Good afternoon, Hija." She smiled at me too. " Ang ganda at cute mo naman sa suot mong hair clip!" She compliment kaya ngumiti ako lalo "Thank you po"

 



"Nakakahiya, mukhang naabala ko pa kayo sa alis niyo" Nahihiyang sabi nung matanda.





"Hindi, Okay lang po." Sabi ko dahil kakain lang naman kami ni Eze.





"Oh siya, Mauna na kami, ah! Salamat" Sabi nung matanda at binigyan pa ng mapang-asar na ngiti si Eze saka tumingin at ngumiti ulit sa 'kin bago umalis. Pagkaayos ni Ezekiel sa kapatid niya ay umikot na siya papuntang driver's seat





"Hi!" Bati ko sa kapatid niya. Ang cute! Magkamukhang magkamukha sila ni Eze! Pero mas mahaba ang pilik mata niya kesa kay Eze. Mukhang nagulat siya kaya nakatitig lang siya sa 'kin gamit ang magaganda niyang mata.






"I'm ate Mae" Pagpapakilala ko at inalok ang kamay sa kanya. Kinuha niya naman 'yon at siya pa ang nag galaw ng kamay namin. Hindi ko na napigilang pisilin ang pisngi niya ng mahina. The reason why he giggled kaya napangiti ako. "You? What's your name?" Tanong ko habang nakangiti.





"My name is Aden Oliver" Sagot niya habang nakangiti. Ang ganda ng name!

 



"Hi Aden" Sabi ko.





"Hi ate.." Parang nakalimutan niya pa yung name ko kaya napaisip siya at napatingala ng kaunti "M-mae?" Patanong na sabi niya kaya tumango ako "Hi ate mae" He smiled. Pinisil ko ulit yung pisngi niya. That's why he giggled again.





"How about me? You won't greet me?" Biglang sabi ni Eze sa kapatid niya.





"No," Sagot ni Aden sa kuya niya at nag cross arm pa saka yumuko "You did not keep your promise. You didn't buy me cotton candy like you gave to ate" Nagtatampong sabi ni Aden at nag pout pa. Nagtataka akong tumingin kay Eze.


 


"Huh? Yung sa E.K?" Tanong ko kay Eze.





"Yes. I saw him last week looking at your picture while smiling-" Aden answered.





"Aden" Seryosong tawag ni Eze para pigilan yung kapatid niya. Tinakpan ko yung bibig ko para pigilang tumawa.


 


Eze sighed "I'm sorry, I had emergency that night that's why I didn't go home. You know that I'm busy with my studies, right?" Sabi ni Eze at tumingin sa'kin kaya umiwas ako ng tingin dahil baka hindi ko na mapigilang tumawa.





"Fine." Sabi ni Aden at tumingin sa'kin. I was surprised na naiintindihan niya na busy yung kuya niya kaya hindi siya nabilhan at hindi siya nagsabi ng linyahan ng mga spoiled na kilala ko "Will you keep your promise now, Kuya? I really want cotton candy" Aden told him and looked at his eyes, Hoping for him to say yes.





"I'll buy you cotton candy" I smiled. Ang cute ng batang 'to! Sarap lamutakin yung pisngi! Parang kay Nathalie lang.





"Really?" Biglang lumiwanag yung mukha niya kaya tumango ako.


 


Umalis na kami pagkatapos non at dumiretso na kami sa mall. Pagbaba namin. Agad na tumakbo si Aden papunta sa'kin at humawak sa kamay ko saka ako hinila papasok ng Mall. Nasa likod namin si Eze na nakasunod sa amin.





"Saan tayo kakain?" I asked.

 



"Saan mo gusto?" Tanong niya pabalik.





"Where do you want to eat, Aden?" Tanong ko na lang sa kapatid niya. Baka dito may makuha akong sagot.





"Samgyup" He answered.





"Samgyup" Sabi ko rin kay Eze kaya natawa siya saka tumango. Nag apir naman kami ni Aden kaya tumawa kami pareho.





"Good Evening po Ma'am, Sir" Bati sa 'min ni Ate.





"Good Evening" Bati rin ni Eze. Ngumiti lang ako sa babae.





"Anak niyo po?" Tanong sa 'min at tinuro si Aden na nakatingin sa paligid.





"No, Kapatid niya" Tanggi ko agad at tinuro si Eze.





"Oh, I'm sorry. Akala ko po anak niyo" She smiled saka tinuro yung upuan namin.





Pag-upo ko at ayos ng bag sa gilid ko, Nagulat ako nang pag-harap ko ay nasa tabi ko na si Aden na nakangiti sa'kin kaya ngumiti ako.





"I want to sit next to you" He said kaya tumawa ako at tinignan si Eze na nakatingin sa amin pareho.





"Ayaw ka na niyang tabihan" I teased at sumimangot kunwari. He just rolled his eyes kaya lalo akong natawa.





Pag dating ng food ay nagsimula na namin itong lutuin at kainin. Sinusubuan ko na lang si Aden dahil hindi pa siya marunong humawak ng chopstick. He tried. Dapat ay masusubo niya na pero nalaglag kaya nagkaron ng dumi sa gilid ng labi niya kaya tumawa ako at kumuha ng tissue para punasan at sinabing susubuan ko na lang siya.


 


Naramdaman kong nakatingin sa 'min si Eze kaya nilingon ko siya at tinaasan ng kilay. Agad naman siyang umiwas ng tingin at pinag patuloy ang kain.





Pagkatapos namin kumain ay tinaas niya na yung kamay niya para ibigay na sa kanya yung bill.


 


"Hati tay-" Hindi ko pa natatapos yung sasabihin ko ay binigay niya na sa lalake yung card niya saka ako nginisian kaya napairap ako!


 


"Let's go" Aya niya pagkatapos ibalik yung card niya. Binuhat niya pababa si Aden sa upuan dahil masyadong mataas yung upuan para sa kanya.





Paglabas namin, Dumiretso na kami sa National Book Store dahil may bibilhin ako. Paubos na kase agad yung favorite ko na ballpen na binili last month kaya kailangan ko na bumili ng bago. Bumili rin si Eze ng highlighters. Halos lahat ng kulay na makita niya, nilalagay niya sa basket namin! Parang si Ashley lang!





Pag si Ashley naman kasama ko mamili dito, Nahahawa ako sa pagiging magastos niya! Minsan pa, papapiliin niya ako sa dalawang books na nakita niya tapos pag pumili naman ako, Bibilhin niya pa rin yung isa! Parang gago lang!


 



May tinuro naman na mga color-coloran na pang lalaki si Aden sa kuya niya, Kinuha naman ni Eze 'yon.





"Are you going with them tomorrow night at the club?" He asked.





"No, Susunduin ako nila Papa bukas. Aalis kami bukas ng gabi." Sabi ko kaya tumango siya. Hindi ko pa pala nasasabi kela papa na may manliligaw na ako! Pag-uwi na lang siguro dahil baka tanong-tanungin ako ng mga tita at tito ko sa side ni papa! Baka hindi ako makasagot nang maayos dahil ngayon lang naman ako pumayag magpaligaw. Bumuntong hininga ako at tumingin na lang ulit sa mga makakapal na notebook na may mga cute na design sa harap namin.





Kumuha ako ng dalawa, tinitigan ko pa kung ano yung mas gusto kong bilhin. Irita ko yon nilagay sa basket dahil hindi ako makapili kaya bibilhin ko na lang pareho. Eto yung ayaw ko eh! Pag nakakita ako ng mga cute na notebook, hindi ko mapigilang bilhin kahit andami dami ko ng ganito! Tapos hindi ko naman gagamitin dahil nanghihinayang ako galawin!


 


May tinuro ulit si Aden na book kay Eze. Napabuntong hininga si Eze saka kinuha sa kamay ni Aden yung libro at nilagay sa basket. Ngumiti naman si Aden sa kuya niya saka bumalik sa tabi ko at hinawakan ang kamay ko.





Umalis muna si Eze saglit dahil may tumawag sa kanya. Dala-dala niya pa yung basket. kaya nagtitingin-tingin na lang muna ako sa mga books section. Nakakita ako ng The song of Achilles. Meron na ulit sila! Kumuha ako para kay Ashley dahil noong nakaraang punta namin dito ay naubusan na siya. Kaya medyo malungkot siya pag-uwi namin dahil gustong-gusto niya talaga bumili. Eto na lang ireregalo ko sa kanya sa pasko! Tutal, malapit naman na mag Christmas!





"Do you like Kuya, Ate?" Napatingin ako kay Aden nang bigla siyang mag-salita. Ngumiti ako at lumuhod para mag ka level kami dahil wala pa sa bewang ko ang tangkad niya.


 


I nodded kaya ngumiti siya "Do you love him?" Tanong niya uli kaya napatitig ako sa kanya saglit bago umiwas ng tingin dahil pakaramdam ko namumula yung pisngi ko. Hindi ko alam kung sasagutin ko ba siya o hindi pero mukhang gusto niya talagang malaman at hinihintay niya talaga yung sagot ko.





"Yes" I said kaya lalong lumaki yung ngiti niya. "Shhhh" Sabi ko at tumawa ng kaunti. Tumango naman siya at tinakpan pa ang bibig para ipahiwatig na safe sa kanya yung sinabi ko kaya tumawa ako at pinisil yung pisngi niya.






"What are you guys talking about?" Para akong binuhusan ng malamig na tubig nang marinig si Eze sa likod ko. Oh my god! Narinig niya ba kami? Narinig niya ba yung sinabi ko?!


 


Agad akong tumayo at napatingin sa hawak niya. Binayaran niya na yung nasa basket! Buti na lang hindi ko nalagay yung book dahil medyo mahal! "N-narinig mo kami?" Kinakabahang tanong ko.





Umiling naman siya kaya nakahinga ako ng maluwag. Hay! Buti naman! Hindi ko alam ang iaaakto ko ngayon sa harap niya kung narinig niya!





"Let's go?" He asked kaya tumango ako kahit kinakabahan pa rin. Tumingin naman ako kay Adan na inosenteng nakatingin sa aming dalawa kaya hinawakan ko yung kamay niya para umalis na.




Pumasok kami saglit sa Forever 21 dahil bibili ako ng regalo sa lola ko. Bumili ako ng dalawang damit na tingin kong bagay sa kanya at bag. Pagkatapos ay umalis na rin kami kaagad.





Habang naglalakad, napatingin ako bigla sa kabilang side namin nang may makita akong nagtitinda ng cotton candy na malalaki. Mabuti na lang at hawak-hawak ni Eze yung kabilang kamay ni Aden kaya bumitaw ako saglit at mabilis na naglakad papunta sa nagtitinda non. Pagkabalik ko, nakita ko sila na nakatayo at hinahanap ako kaya dumaan ako sa gilid kung nasaan si Aden.





Kinalabit ko siya kaya agad siyang napatingin sa'kin. Lumiwanag lalo ang mukha niya nang ibigay ko sa kanya yung cotton candy. Kinuha niya sa'kin 'yon nang nakangiti siya. Ang cute talaga!


 

"Thank you!" He kissed me on my cheek.





Napatingin ako kay Eze na nakangiting nakatitig sa 'min. Pagkatayo ko, nakatingin pa rin siya sa'kin





"Let's go" He offered his hand, smiling.





Agad ko naman hinawakan 'yon "Tara na" Sabi ko at naglakad na.


 


Gabi na ng makalabas kami sa Mall. Pagkaubos ni Aden ng cotton candy niya, Agad siyang nakatulog. Mukhang napagod. Hindi na ako nagpatugtog sa kotse niya dahil baka magising pa yung bata. Una namin siyang ihahatid bago ako. At traffic pa kaya ang tagal ng usad namin.





Hawak-hawak pa rin ni Eze yung kamay ko habang nag d-drive siya. Tahimik lang akong nakatingin sa gilid ko dahil nakaramdam ako ng pagod at antok.





Napatingin lang ulit ako sa kanya nang halikan niya yung kamay ko "Tired?" He asked. Tumango ako at ngumiti ng tipid saka umiwas ng tingin dahil sa ginawa niya. Napagod ako pero masaya naman yung araw na 'to.


 


Nang matanaw ko na yung bahay nila, Nasa labas na yung matandang babae kanina at parang inaantay kami na dumating.


 


She Immediately smile when she saw us. Bumaba si Eze para buhatin na lang yung kapatid niya dahil tulog pa rin.






"Naku, salamat hijo!" Sabi nung matandang babae saka tumingin sa'kin at kinawayan ako. Ngumiti naman si Eze sa kanya bago yumuko para tanggalin yung seatbelt ni Aden para mabuhat niya na.


 


Nang buhatin niya na, napadilat saglit si Aden at parang naguguluhan kung asan siya.





"Good night, Aden" Sabi ko at ngumiti sa kanya.





"Good night, Ate" He waved his hand habang nakapikit siya. Mukhang inaantok pa. "Don't worry....Kuya loves you too" Wala sa sariling sabi niya.

Fortsæt med at læse

You'll Also Like

40.6M 1.1M 42
When Arianna marries billionaire Zach Price to save her family, she doesn't expect to fall in love with a man who'd always consider her a second choi...