Emperor's Obsession (Hiatus)

By ScarletAkiraFiona

150K 6.6K 727

"Always remember the Demon inside me always sleeping but if you trying to wake up her then say hello to Hell... More

☪️Disclaimer☪️
☪️PROLOGUE☪️
☪️ CHAPTER 1☪️
☪️ CHAPTER 2☪️
☪️ CHAPTER 3☪️
☪️ CHAPTER 4☪️
☪️ CHAPTER 5☪️
☪️ CHAPTER 6☪️
☪️ CHAPTER 7☪️
☪️ CHAPTER 9☪️
☪️ CHAPTER 10☪️
☪️ CHAPTER 11☪️
☪️ CHAPTER 12☪️
☪️ CHAPTER 13☪️
☪️ CHAPTER 14☪️
☪️ CHAPTER 15☪️
☪️CHAPTER 16☪️
☪️ CHAPTER 17☪️
☪️ CHAPTER 18☪️
☪️ CHAPTER 19☪️
☪️ CHAPTER 20☪️
☪️ CHAPTER 21☪️
☪️ CHAPTER 22☪️
☪️ CHAPTER 23☪️
☪️CHAPTER 24☪️
☪️ CHAPTER 25☪️
☪️ CHAPTER 26☪️
☪️ CHAPTER 27☪️
☪️ CHAPTER 28☪️
☪️ CHAPTER 29☪️
☪️CHAPTER 30☪️
☪️ CHAPTER 31☪️
☪️ CHAPTER 32☪️
☪️CHAPTER 33☪️
☪️ CHAPTER 34☪️
☪️ CHAPTER 35☪️
☪️CHAPTER 36☪️
☪️CHAPTER 37☪️
☪️CHAPTER 38☪️
☪️CHAPTER 39☪️
☪️CHAPTER 40☪️
☪️ CHAPTER 41☪️
☪️CHAPTER 42☪️
☪️CHAPTER 43☪️
☪️ CHAPTER 44☪️
☪️ CHAPTER 45☪️
☪️ CHAPTER 46☪️
☪️ CHAPTER 47☪️
☪️ CHAPTER 48☪️
☪️CHAPTER 49☪️
☪️ CHAPTER 50☪️
☪️CHAPTER 51☪️
☪️ CHAPTER 52☪️
☪️ CHAPTER 53☪️
☪️ CHAPTER 54☪️
☪️ CHAPTER 55☪️
☪️ CHAPTER 56☪️
☪️ CHAPTER 57☪️
☪️ CHAPTER 58☪️

☪️ CHAPTER 8☪️

3.1K 156 26
By ScarletAkiraFiona

HELLIA POV:

"Ahh yun ba? Ganito kasi yun... makinig ka ah." tumango-tango ako at lumapit pa sa kanya na parang handa na akong makinig.

"Kaya light brown kasi para sa mga commoner yung mga ordinaryong istudyante yung walang rank sa acadamy. Sila yung tipong pinagtitripan ng mga pinamumunuan ng apat na emperors."

Pinatabingi ko ang ulo ko habang nakatingin sa kanya ng may pagtataka.

"Huh?" with question mark pa sa ulo ko yan.

Hindi ko kasi magets. Anong Emperors? Akala ko ba mafia, Assassin, gangster ek ek basta ganon.

"Hindi mo gets? Haist. Ipapaliwanag ko sayo ng mabuti basta wag kang sasabat." Nagreklamo naman ako sa sinabi nya.

"Eh pano kung magtanong ako hi-"

"Hep hep sabi ko wag kang sasabat." napabusangot naman akong napahalumbaba at handa ng makinig sa kanya.

Hindi muna ako sasabat para maintindihan ko.

"Ahem! Ahem! Ito na." napanliit ang mga mata ko sa ginagawa nya mukha syang tanga sa ginagawa nya.

Akala mo naman mag s-speech sya sa harap ko.

"Ganito yun... sa acadamy na to may apat na Emperor sila ang mga leader pero itong apat hindi sila magkakasundo kaya nagkanya kanya sila at kumuha ng mga tagasunod." Napatango-tango akong nakikinig kay Nine tulad ng sabi nya wag daw akong sasabat.

"Ang grupo ng Mafia na pinamumunuan ni Damion Van Doren yung uniform nya is bloody red pero sa mga tauhan nya is red lang kung baga sya ang pinakakaibang kulay."

Teka..

Bloody red? parang nakita ko yun kanina. Saan nga ba?

Hmmm.

Ahh alam ko na yung maniac kanina pero baka namamalikmata lang ako kung bloody red ba o natural red lang ang nakita ko kanina hindi ko naman kasi sya masyadong tiningnan kanina.

Nakalimutan ko agad kung ano ang kulay ng suot nya.

"Then sa grupo ng Assassin ay pinamumunuan naman ni Flynn Windsor. Ang uniform naman nya is black while sa mga kasamahan nya is black na may halong white parang hindi gaanong kablack parang ganon." tumango naman ako sa pagpapaliwanag nya.

"Sa Gangster naman ay pinamumunuan ni Zero De Loughrey." pagkarinig ko ng zero ay agad akong nagreact.

"Si itlog." saad ko sabay inalis ang kamay ko sa aking baba.

"Huh anong itlog?" tanong nya pero umiiling-iling lang ako baka kasi ibang zero ang tinutukoy nya pero posibling din si itlog kasi kakaiba ang suot nya.

"Ok ipagpapatuloy ko na. Si Zero De Loughrey ang uniform nya is White while sa mga kasamahan nya is Dirty White. Sa Savior naman pinamumunuan ni C-Mysterious at ang kulay ng uniform nya is Blue while sa mga kasamahan nya ay light blue."

Huminto muna sya para uminom ng tubig.

"Done na ako pwede ka ng magtanong." aayy tapos na pala sya kala ko may kasunod pa.

"Hindi mo binanggit yung tungkol sa uniform namin or akin. May leader ba din ba kami?... Sa savior ka nabibilang right kaya light blue ang suot mo?" sunod sunod kong tanong.

"Whoa whoa wait lang. About sa light brown na uniform nyo wala kayong leader kung baka kayo ang invisible sa acadamy at yung laging inaapi pero na nasa mga savior yun kung ililigtas ka nila. Pero ako handa akong lagi kang iligtas." taas babang kilay nyang nakatingin sa akin.

Psh may kuya naman ako para lagi akong iligtas.

"Pero diba dapat marunong lahat na makipaglaban o depensahan ang kanilang sarili?"

Marunong naman akong depensahan ang aking sarili sa mga lalake kailangan mo lang sipain ang itlog nila at tumba agad HAHAHA.

"Hmm hindi lahat, kahit nga mga savior walang magawa. Subrang swerte mo kung ang savior na yun ay subrang tapang tulad ko." nakangiteng sabi nya at pinalaki nya pa ang nasa katawan nya na parang kaya nya lahat.

Napakayabang. (-....-)

"Ewan ko sayo... Ayy mga pala sabi mo ang leader nyo ay si C-Mysterious. Bakit C-Mysterious ang name nya?" nagtataka kong tanong.

Posibling may ganong pangalan. Buang siguro ang nanay nagpangalan nun.

"Ahh yun kasi hindi sya nagpapakita ng mukha then yun ang sabi nya sa amin, yun daw ang itawag namin sa kanya pero... Wala na sya dito sa acadamy aalis muna daw sya sa personal na rason." medyo naging malungkot ang boses.

Siguro jowa nya yung leader HAHAHA.

"Pano sya nakalabas?" tanong ko sa kanya.

"Syempre gamit nya ang kanyang paa." napapoker face naman ako.

Pilosopo amp. Kung ibalibag ko kaya to tinatanong ng maayos eh.

"Hehehe bawat leader kasi may mga gate pass kaya pwede silang lumabas pasok." napaisip naman ako hmm.

"What if kung ako ang magiging leader ng mga commoner?" tanong ko sa kanya.

Ang pangit ng word na 'commoner'.

Pero posibleng magkaroon ako ng gate pass at pwede akong lumabas anytime.

"Psh impossible. Prrff ako nga hindi naging leader tapos ikaw HAHAHA." tinaasan ko sya ng kilay.

"At tsaka bawal ang babae na maging leader." dugtong nya pa.

Napatayo naman akong seryoso ang mukha. Patutunayan ko na pwedeng maging leader ang isang babae.

Tumingin ako ng seryoso kay nine.

"Anong klaseng gate pass pala yun?" tanong ko pero tinawanan nya ako.

Anong nakakatawa sa sinabi ko? Kanina pa to. Happy pill nya ako eh. (-...-)

"Hindi mo alam yun HAHAHAHA (serious mode)* Hindi ko din alam eh." napatampal ako ng noo.

"Haist. Makatulog na nga lang." padabog kong saad.

Wala syang kwentang kausap tsk. Papunta na ako sa kwarto pero tinanong nya pa ako kung saan ako pupunta pero hindi ko sya pinansin.

Naligo muna ako dahil amoy kili-liki na ako HAHAHA. Wag kayo...mabango parin ako kahit amoy kili-liki.

Pagkatapos kong maligo ay nagbihis ako ng pajama at pinatuyo ang buhok. Bawal matulog daw matulog na basa ang buhok. Ewan ko ba kung sino nagpasimuno nun.

Nang matapos nang matuyo ang buhok ko ay sinuklayan ko naman. Habang nagsusuklay ako nakaramdam ako ng lamig kaya napatingin ako sa may bintana.

Nakita ko naman na bukas ito.

Tumayo ako habang nagsusuklay saka pumunta sa tapat ng bintana.

"Shit!" nagulat ako ng may biglang sumulpot na lalake pero nakahanging ang ulo nya kung baga nakabaliktad sya.

Nagkatitigan kaming dalawa at napasin ko ang kadiliman sa kanyang mata.

Napaatras ako ng bigla syang gumalaw agad nanlaki ang mga mata ko dahil nagpakahulog sya kaya agad akong pumunta sa bintana at sumilip sa baba pero wala na akong nakitang tao.

Tumingin ako sa kaliwa at kanan pero ganon din wala akong nakita.

Bakit nga ba ako nag-aalala? Kaya naman nila ang sarili nila.

Nagkibit balikat na lang ako at sinarado ang bintana saka pinulot ang suklay ko sa sahig na nahulog kanina at sumalpa na lang kama.

Bakit parang subrang lungkot ng mga mata nya?

Continue Reading

You'll Also Like

4.3M 120K 110
Nemesis Louie Montero is a class S assassin who was given a mission to marry the mafia boss of a certain organization that would help them rise from...
7M 236K 50
Erityian Tribes Series, Book #4 || Taking spying to an extraordinary level.
25.1M 627K 51
A girl that has a lot of names.The lady with different faces and a gangster known for ages.She's calm,fearless and ABNORMAL?! What will happen if t...
196K 8.2K 16
Vander #2 Cooler Vander 01042020 Genre: action, romance Cover image not mine. Credits to the rightful owner.