Meet My Boyfriend: Ana's Ace...

By Lyfavie

102K 1.7K 353

[ONGOING STORY] [Cliche story coz life is cliche] Dala ng pagkakamali at pagsisinungaling, ay naituro ni Ana... More

Meet My Boyfriend: Ana's Ace
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17 - Part one
Chapter 17 - Part two
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26

Chapter 9

3.2K 63 17
By Lyfavie

CHAPTER NINE

"People love revenge. It's sweet. And most of all, it will never get you fat."

                                  -ewan ko. Natandaan ko lang ito mula sa saan. XP

Pakiramdam ni Ana, grand entrance ang pagpasok nila ni Ace sa Cool-Jives. Paano ba naman kasi, pagtapak na pagtapak pa lang nila sa loob, parang orchestrated na tumingin lahat sa pintuan at tumigil ang lahat sa kanilang ginagawa.

Si Ace naman ay dire-diretso lang sa paglalakad paloob at tila ba walang pakialam sa surroundings nito. Sumunod na lang si Ana dito. Hindi na rin niya pinansin ang mga taong nagbubulong-bulungan. Hindi naman nila siya kilala eh. Bahala silang magtaka at mag-assume.

Tumigil sila ni Ace sa pinakadulong billiards table. Sinalubong sila ng dalawang lalaki.

“Ace, pare!” Bati nung lalaking brown ang buhok kay Ace.

Yung isang mukhang Korean ek ek naman ay tumango lang ng makita si Ace at napakunot-noo ng makita siya. “Ito na ba si Ana?”  tanong nito kay Ace.

“Yeah, siya na nga.”

Tuwang-tuwang lumapit kay Ana yung lalaking brown ang buhok. “Ikaw pala si Ana. Sa wakas nahanap ka na rin nitong si Ace. Akala namin imagination lang nito na may nameet itong Ana nun sa Paradise. Totoo ka naman pala.”

Ano ako, fiction?  Ana's sarcastic remark on her head.

“Bakit mo naman nasabi yun aber?” tanong na lang ni Ana instead.

“Dahil tinakbuhan mo daw siya nun sa Paradise. At hindi ka rin sumipot nun sa usapan. Kaya naisip namin baka imagination ka lang pala nitong si Ace.”

“Oo nga. Isa pa, sinabi nitong GF ka na daw niya. Meron ba namang GF na pinaghahanap pa lang ng BF?”

Sabay na tumawa ang dalawa.

“Ha! GF ko na nga yang si Ana, kahit tanungin niyo pa siya," hamon ni Ace sa dalawa.

“Siyanga nga?” kumpirma naman nung mukhang Koreano.

Natetempt si Anang sumagot ng HINDI. Kaya lang masisira ang plano niya kung sakali. Itaga man sa bato, kailangang si Ace ang mismong mag-give up sa kanilang dalawa.

“Ah, oo. BOYFRIEND ko na nga yang si ACE.”

“See?” mayabang na wika ni Ace sa dalawa.

“Parang ang sarcastic ng pagkakasabi niya eh," doubtful pa ring tugon nung brown ang buhok.

“Ganyan lang talagang magsalita yang si Ana. Parang laging sarcastic at galit," palusot pa nitong si Ace. Tinignan niya ng masama si Ace. Siraan ba siya nito sa mga kaibigan?

“Saan kayo nagkita nitong si Ace?” batong tanong kay Ana nung Korean looking.

“Dun sa Anne Heights.”

“Anne Heights? Eh galing kami dun kanina ah. Ang sabi nitong si Ace, wal -” bigla itong natigilan. “Kaya mo pala kami pinauna dito!” baling nito kay Ace.

“Ngayon niyo lang narealize yan?

“’Langhiya!”

Ana rolled her eyes.  Naiinip na siya. Gusto na niyang umuwi! Magkaka-asthma na yata siya sa mga usok ng sigarilyong nalalanghap niya sa loob. Puwede kasing manigarilyo sa loob ng Cool-Jives. Puwede pa ngang uminom eh dahil may tinda din silang mga alcoholic drinks.

Umupo siya sa isang bakanteng upuan. Nangangalay na siya sa katatayo.

“Anong gusto mong inumin Ana?” tanong sa kanya nung lalaking brown ang buhok.

“Libre mo?”

“Hindi. Libre ni Ace. Kaya order ka lang.”

“Wag na. Hindi pa naman ako nauuhaw,” pagdadahilan niya.

“Tanduay Ice?”

“Hindi ako umiinom,” tanggi niya.

“Yosi?”

“Hindi din ako naninigarilyo.”

“Sigurado kang boyfriend mo si Ace?”

“Hindi.”

Agad namang tinignan ni Ace si Ana ng nakakatakot.

“Joke lang!” Exag na tumawa si Ana at tinapik si Ace sa balikat. Napalakas lang yata pagtapik niya at naitulak niya ito. “Ay, sorry!”  Sinasadya ko!

“Mapagbiro pala itong si Ana mo Ace.”

“Oo, pangarap kasi niyang si Ana maging clown in the future.”

Akala mo ha!  Kahit nakangiti ay nakasimangot si Ana sa loob-loob nito.

“Wag kayong maniwala diyan kay Ace. Siguro hindi niyo alam ito, pero puwedeng-puwedeng maging politician yang si Ace. Pag tatakbo siguro iyan, mananalo for sure.”

“Ayaw mo ng maging architect Ace?” tanong ni Koreano.

“Malay ko diyan sa pinagsasabi ni Ana. Pero siguro nga mananalo ako. Dahil ba sa sikat ako?” baling nito kay Ana.

“HINDEEEE…”

“Kung ganoon, paano mo nasabing puwedeng-pwedeng maging politician itong si Ace?” takang tanong naman nung brown ang buhok.

“Because he’s a good liar! An excellent blackmailer! And an arrogant beast!”

Napatanga si Koreano at brown hair kay Ana. Si Ace naman ay hindi maipinta ang mukha. Kung lalaki lang siguro ang dalaga  ay nasuntok na nito ito.

“JOKEEEEEE! Kayo naman!” Dinig na dinig ang halakhak ni Ana. Nakabawi kasi siya kay Ace.

“ANA…” ani Ace. Bumaling si Ana kay Ace at damang-dama niya ang pagtitimpi sa boses nito.

“Galit na si ACE bebe ko," pang-iinis ng dalaga dito. “Pangarap KO ngang maging clown, di ba?” Ginawa pa niyang dahilan ang nireason-out nito kanina. It’s time for Ace to taste the dose of his own medicines.

Malakas na tumawa yung dalawa.

“Woot! First time na may makakasundo yata kaming GF mo Ace ha.” Komento nung Koreano. “Ako nga pala si Bob.” Inabot nito ang palad kay Ana.

Agad namang tinanggap iyon ni Ana at nakipagkamay. “Bob? As in short for Bob-oy? Hehehe…” Corny! Pero hindi mukhang baboy itong si Bob ha. Kahawig nga nito yung Korean actor na si Lee Jun Ki.

“You’re really funny. Bob as in short for Robert.”

“Robert? Bakit hindi Rob? Bert? Berto? Bakit BOB?”

“Mahabang kuwento eh. Sa susunod ko na lang ikukuwento.”

“Okay…” Bumaling si Ana sa kaibigan nina Ace na brown ang buhok na hindi pa rin niya alam ang pangalan. “At ikaw naman si?”

“I’m Kenneth. Just call me Ken.”

Woooooo! Gusto niyang ireto si Chichi dito sa Ken na ito eh. Kasi kung sakali, may Chi-Ken tandem na. Hohoho!

Bob-oy…Chi-Ken…Wahehe! Kumalam tuloy sikmura niya.

“Hoy, Ace, gutom na ako. Pakainin mo naman girlfriend MO!”

“Gutom na nga yata itong si Ana, Ace. Mukha na siyang mangangain ng tao!” panggagatong pa ni Bob.

“ANA….” Nanggigigil na bigkas ni Ace sa pangalan niya.

“Patience bebe ko…patience…” ginamit niya ang tono ni Ace nung time na sabihin nito iyon sa kanya. “Natutunan ko yan sa iyo.” She said in a sweet voice.

Hindi niya ineexpect, pero she’s enjoying tormenting Ace. Kaya siguro nag-eenjoy ang tukmol na Ace na ito na itorment din siya. Iba pala ang feeling.  Simula ngayon, hindi na siya patatalo kay Ace.

Well, pasensiyahan na lang. Because the table has turned.

Bahala si Ace na makunsimi dahil sa kanya. Kasalanan niya din eh.

Gusto nito ng girlfriend?

Eh di sige!

Bwahahahahahah!

=========================

A/N: Nahirapan ako sa pagpost nito dahil ang aming internet connection ngayon ay kay bagaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaallllll. Sobra. Pero buti naman at napost ko na ito. Kung nababasa niyo na ito, successful ako! hehehe...

ComVo! Thanks! :)

Continue Reading