The Only Peach In Five Apples...

By H_YOSHII

151K 6.4K 1.4K

New life as a transferee. Ruri, a lady from province will encounter the famous group of Evanston. Are you bra... More

Author's note
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Message from your author

Chapter 8

2.3K 169 41
By H_YOSHII

A New Member

Ruri's POV

Ito na ang last subject namin sa morning class. Pagkatapos nito, recess na. Kahit anong pilit ko sa sarili ko na makinig sa guro, wala naman akong naintindihan. Kaya ang lagay...

Lutang sa klase...

Yung iba busy sa pag take notes. Halos dalawang pangungusap lang ang naisusulat ko. Ang bibilis mag sulat ng mga teacher dito. Pagka-sulat sa pisara, limang minuto lang...binubura na nila.

Nagmamadali ba sila?

Nagring na ang bell. Isang hudyat na ito na ang oras ng paboritong subject ko.

Recess.

Kinuha ko ang cellphone at wallet ko. Kahit papaano naman ay may naipon ako sa probinsya. Mayroon ding allowance na binibigay si Mom sa amin.

"Sama ka na sa'min mag lunch" pag-aaya sa'kin ni Qabis.

"Sama ka sa'min Ate!" aya sa akin ni Peter.

"Hmmm, join us... Para makilala mo rin yung ibang mga ka-grupo natin" sabi nung isa pang lalaki.

"Oo, para makilala mo mga ka-grupo natin" dagdag ni Peter.

"Ka-grupo ka? Ka-grupo ka?"

"Hindi! Hindi! Nagpapa ampon lang sa group 5. Sabit lang! Sabit!"

"Tara na nga sa cafeteria, gutom lang 'yan. Libre ko na lunch" sabi ni Qabis.

Parang pumalakpak ang tenga naming tatlo. Para bang iisa lang ang utak namin, dahil pare-pareho kami ng reaksiyon. Nanlalaki ang mga mata naming halos magning-ning.



Pagbaba, nakita namin ang mga estudyante na nagkalat. Yung iba may hawak na pagkain. Isa lang ang napansin ko, mas lamang ang estudyanteng may hawak ng libro, kaysa sa may hawak ng pagkain.

Mahal na mahal nila ang katalinuhan nila, samantala ako pagkain laman ng utak ko 24/7

Narating namin yung cafeteria. Mahaba ang pila at maraming tao. Naiilang rin ako dahil ang daming tao ang nakatingin sa'min.

Bumili ako ng isang order ng kanin at isang fried chicken.

Syempre ang daming mga mayayaman dito. Baka isipin nila patay gutom ako! Libre naman pero di ko muna aabusuhin

"Sigurado kang 'yan lang kakainin mo?" tanong ni Qabis.

Pinandilatan ko siya ng mata. Ang lakas naman ng tawa niya kaya't may ilang estudyante ang  napatingin sa'min.

Sige lang...

Si Jake na ang nagdala ng tray na may lamang pagkain namin. Naupo na kami sa lamesa sa bandang dulo nitong cafeteria.

"Bakit naman ang kaunti ng pagkain mo ngayon?" pang-aasar ni Qabis.

Naririnig ni Ethan at Jake yung sinasabi niya kaya't pati sila ay tinatawanan ako. Sinuntok ko yung braso niya.

"ARAY!" inda niya habang hinihimas ang braso.

Parehong napa 'ohhh' yung dalawang kasama namin.

"Dre, matapang pala" sabi ni Peter.

"Sinasapak ka lang? Aguyyyy" pang-aasar ni Jake kay Qabis.

"Ano nga uli pangalan mo?" pag-iiba ni Jake sa usapan.

"Ruri..."

"Bakit sa Evanston? Mayaman ka 'no?"

"Di ako mayaman. Kung mayaman ako edi sana di ako umaasa sa mga libre" pabiro kong sabi.

"Edi paano ka nakapasok ng Evanston?"

"Yung Tita ko, siya nag papaaral sa'min. Tapos kinuha niya kami ng Kuya ko para mag-aral dito sa Maynila"

"Buti pumayag Mama mo na kuhanin ka ng Tita mo"

"Patay na Mama ko. Ten years na siyang wala"

"Ohhhh, I'm sorry" pagpapaumanhin niya.

"Bakit ka nag s-sorry?" tanong ko.

"Hindi ko na dapat binuksan yung topic na'yun"

"Ok lang yun matagal na rin naman"

"Ikaw ba, mayaman ka ba?"

"Nah, scholar ako"

Tumango ako.

May dumating na mga lalaki pa sa table namin.

"Nandiyan na si Commander at si Tan" sabi ni Peter.

Nagkanda tili ang mga babae na narito sa cafeteria. Umupo sila sa mga bakanteng upuan sa lamesa namin.

Ito yung suplado kanina sa school. Tapos yung isa naman, naka-upo ito sa harap ko.

"Sila yung ibang member ng group 5. Nakikita mo yung matangkad na ayos na ayos ang buhok?" Tumango ako. "Siya, ang leader ng group 5. Medyo mainitin ang ulo lalo na sa mga babae, kaya paka-behave ka" bulong ni Jake sa'kin.

"Nakikita mo 'yung katabi nung leader natin? Yung brown yung buhok, matangkad, moreno...si Ethan yun. Ka-grupo rin natin" dagdag pa ni Jake.

Tumango lang ako.

"May bago pala tayong member... The question is, makakatagal ka kaya?" sabi ni Ethan.

"I'm just kidding" dugtong niya bago tumawa.

"Doon tayo sa bahay ni Qabis mamaya for group review"

Tumango lang sila. Kahit na wala pa akong naintindihan, tumango na lang din ako.

"Sasama ka Ruri sa group review?" tanong ni Qabis sa'kin.

"No need. Aalis ka na rin naman kaagad di'ba?" sabi ni Kurt.

Halos sakalin ko siya sa isip ko.

"Sasama ako. Ipagpaalam mo ako kay Kuya" sabi ko kay Qabis.

"Sure"

Tinuloy ko ang pagkain ko.

Maya-maya pa, nakita ko ang fish fillet sa plato ko. Napatingin ako kay Qabis na siyang naglagay noon sa plato ko.

"Sa'yo na lang...di ko type yung fillet"

Napangiwi na lang ako. Tinanggap ko na lang rin, sayang kasi, wala pang bawas. Tinikman ko yung fish fillet.

"Masarap naman ah!" sabi ko sa kalagitnaan ng pag-nguya.

"Sabihan niyo na lang si Terrence kung saan tayo mag g-group review" biglang sabi ni Kurt.

"Ako na magsasabi" presinta ni Jake.

Sa kanilang lima...si Qabis, Jake at Peter lang ang madaling lapitan. Nakakatakot kausapin yung Ethan, lalo na yung Kurt.

"Pupuntahan ko mamaya sa rooftop pagkatapos kumain" dagdag ni Jake.

"Hey newbie, finish all the reports and research. Kailangan yun bukas" sabi ni Kurt sa'kin.

"Ha??" wala sa wisyong tanong ko.

"Ako na gagawa" sagot ni Qabis.

Tumaas ang kilay ni Kurt.

"Hindi kita kinakausap." preskong sagot ni Kurt.

Wow...away ba this?!!

"Ikaw ang gagawa" tinitigan ako ni Kurt.

Gusto kong matakot pero ayoko naman magpa sindak.

"Ako na nga" sabat uli ni Qabis.

"Ok then, isama mo na yung projects and assignments namin" sabi ni Kurt bago tumayo.

"What??!! Akala ko reports and research lang?" apila ni Qabis.

"Tsss...do as i say" medyo malakas ang pagkakasabi niya kaya't nagtinginan ang mga tao sa'min.

"Oo nga pala, iharap mo na lang 'yang bagong babae mo dun sa ex mo. Sabihin mo rin na tigilan na ang pang iistorbo" sabi niya habang naglalakad papalayo.

Continue Reading

You'll Also Like

569K 15K 45
Cassette 381 Series #1 For Serenity Hiraya Añasco, being an honor student has always been a piece of cake. She would never understand the word "failu...
76.3K 4.9K 14
Rocket Grimalde is the not-so-known playboy of Eastern Hills International School. Sa kabila ng reputasyon nito bilang dakilang palikero, the school...
10.9K 723 23
Somersault Boys Series #1 Might not. Probably won't. Maybe never. Unlikely. Doubtful. Despite being everything he could have been, Elize constantly s...
348K 6.6K 35
Montenegro Series #1. Si Savannah Arynn Quizon ay kilala bilang isa sa anak ng pamilya Quizon. She is a kind of girl that has everything laid out in...