Captain Series #1: The Ace's...

By Eveerah

3.8K 165 33

| C O M P L E T E D | ✨The Ace and the Photojournalist✨ Two souls don't find each other by simple accident. I... More

The Ace's Euphoria
| 1 | - Poster
| 2 | - Lunch box
| 3 | - Concern
| 4 | - Request
| 5 | - Date or Not?
| 6 | - Midnight
| 7 | - Make your move
| 8 | - Tag along
| 9 | - Bold Rejection
| 10 | - In his eyes
| 11 | - Rescued
| 12 | - Converse
| 14 | - Photobooth (SF #2)
| 15 | - Just with you
| 16 | - Not yet
| 17 |- Not what you think
| 18 | - Intertwined by Fate
| 19 | - Lucky Charms
| 20 | - One more time
| 21 | - Make me
| 22 | - Mischance
| 23 | - Unvoiced Feeling
| 24 | - That Voice
| 25 | - Decisive Decision
| 26 | - Stay with Me
| 27 | - For the Last Time
Epilogue
AUTHOR'S NOTE

| 13 | - Right after (SF Part 1)

70 2 0
By Eveerah

Chapter 13 - Right after (SF Part 1)

Para na akong preso dito sa bahay nang dalawang araw. Bagot na bagot na ako at gusto ko nang lumabas. Maganda at maaliwalas pa naman ang panahon ngayon. Malamang nagsisimula na ang practice match nila Tetsu sa mga oras na ito. Dapat sana ay nandoon na ako sa stadium nanunuod at nagche-cheer sa kanya. Bakit dalawang araw talaga ang pahinga ko kung pwede lang namang isa, puro lang naman pasa ang natanggap ko.

Kumuha ako ng isang popcorn sa plato atsaka itinapon iyon sa pinapanuod. "Hoy! Magtigil nga kayong dalawa, kanina pa kayo naglalampungan. Nabi-bitter na ako sa inyo!"

Dahil iyan sa nababagot na ako. Yung t.v na lang ang kinakausap ko.

Nahiga ako sa sofa at inilipat ang channel. Pero wala akong nakitang magandang palabas kaya pinatay ko na lang ito atsaka tumayo. Pumunta ako sa kusina at kumuha ng juice. Umupo ako sa upuan at nangalumbaba.

Tetsu...gusto talaga kitang mapanuod maglaro.

Ipinatong ko sa mesa ang ulo at doon bumuntong-hininga. Sana school festival na.

***

Monday came just what Kaita wanted. Simula na nang kanilang school festival at lahat ng estudyante ay excited at abala sa kanilang gagawing gimik bawat section. Napuno ang hallway nang samu't saring dekorasyon, ang iba ay makukulay na designs upang maingganyo ang ibang students na pumasok sa room nila. Sa section 2-A, naisip nilang gumawa nang isang coffee shop.

"Dalawang order ng Iced Coffee, isang Capuccino at isang Strawberry shortcake. Table number 4." anunsiyo ng kanilang barista na si Kaita. Lumapit agad si Eya sa counter at kinuha ang mga orders.

"Pwede ka nang magtrabaho sa café ni Miss Keita," sabi niya habang nagtitimpla ng kape.

Napangiti ako sa sinabi ni Ren at sinimulang gawin ang susunod na order. "Nah, 'di niya ako tatanggapin. Alam mo naman yun, hindi tumatanggap ng mga kakilala."

"Yeah, you're right." Atsaka niya isinalin sa mug ang kapeng ginawa at ibinigay sa'kin. "Tikman mo," he said with a smile on his face. Kinuha ko ito sa kanya at uminom ng konti. Ninamnam ko ang lasa nito. "So, what do you think? Pasok na ba?"

Tumingin ako sa kanya ng ilang segundo bago tumango. "Perfect. Ang galing mo talaga."

Mas lalong lumawak ang ngiti ni Ren at napakamot sa kanyang ulo.

"Kyaaaahhh! Ang gwapo!"

Sabay kaming napalingon ni Ren sa mga nagtilian, mga third years. Nasa iisang mesa talaga sila at nakatingin dito sa gawi namin. Wala ba silang gagawin sa building nila? Kanina pa sila nandyan simula nang mag-open kami. Si Ren yata ang ipinunta nila dito.

Nahihiyang tumalikod ang nag-iisang kasama ko dito at inayos ang kanyang cap para matakpan ang kanyang mukha. Siguro pinamumulahan na ito.

Mahina akong natawa sa reaksyon ni Ren. I know hindi siya sanay sa ganitong atensyon na nakukuha. Wala naman kasing nagtitili sa kanya sa café bukod sa maitsura silang dalawa ni Miguel, bantay-sarado sila kay Keita. Napapaisip nga ako eh kung may girlfriend na sila.

"Miss, paorder nga ng dalawang frappe at dalawang cheesecake," bumaling ang tingin ko sa babaeng nakatayo sa counter. Nakayuko lang siya habang nakatingin sa menu list. "Take out. Pakibilisan na lang din."

"O-Okay, saglit lang."

Una kong inilagay sa paper bag ang dalawang cheesecake at sinimulang gawin ang frappe. Matapos ang ilang sandali, binalot ko na ito at isinama sa cheesecakes na nasa paper bag. Pagkatapos ay inabot ko ito sa babae. Inilapag niya sa maliit na plastic tray ang bayad at mabilis na umalis.

Hindi man lang ako nakapagpasalamat. Pinunch ko na lang ang order niya.

"Kaita, Ren, magbreak muna kayo. Wala pa namang customer eh. Sina Mirei at Nori muna ang magbabantay," dumungaw sa'min si Seri mula sa pinto ng classroom. May hawak pa siyang flyer. Nagkatinginan pa muna kami ni Ren bago ako tumango sa president.

Tinanggal ko ang suot na apron sa bewang atsaka inayos ang pagkakatupi ng white longsleeve hanggang siko. Ganun din ang ginawa ni Ren. Pagkatapos kong magpaalam sa mga kaklase, sabay kaming lumabas ni Ren ng classroom at tinungo ang cafeteria. Libre ko ang pananghalian niya. Pagpasok namin sa cafeteria, wala masyadong tao kaya mabilis kaming nakaorder at nakahanap ng pwesto.

"Sigurado ka ba na pwede na kitang iwan bukas? Nasaulo mo ba lahat nang steps na itinuro ko?" pagtatanong sa'kin ni Ren sa kalagitnaan ng pagkain namin. Huminto ako at inalala lahat ng itinuro niya kanina.

Tumango ako. "Naalala ko pa. Kaya lang hindi ako sigurado kung pareho ang kalalabasan sa mga ginawa natin kanina. What if sobrang pait o napakatamis, o di kaya'y matabang."

Napasandal si Ren sa upuan at napapikit, mukhang may malalim na iniisip. Yun ang inaalala ko eh. Baka palpak lahat ng gawa ko bukas. Isang araw lang pwede si Ren dito ayon kay Keita, ayoko namang humingi ng extension dahil kailangan din siya sa coffee shop. Nakakahiya rin sa kaibigan ko.

"Naalala ko ang unang pagtatrabaho sa Sinister. Wala talaga akong background sa paggawa ng kape," sabi ni Ren sa mababang boses kaya medyo inilapit ko ang ulo sa kanya. May sasabihin ba siyang sekreto para malampasan ang problemang 'to? "But in your case na may alam na, you can pull it off."

Inilayo ko ang sarili sa kanya at nagwasiwas ng kamay. Nevermind. "Hindi natin malalaman bukas. Pero sa sinabi mong makakaya ko, susubukan ko."

"Trust me on this, Miss Kaita, makakaya mo 'yan. Ikaw pa."

"Oo na. Ano pa nga ba ang magagawa ko. Pero salamat talaga sa pagpayag kahit isang araw lang. Si Keita lang talaga ang unang pumasok sa isip ko nang mapagbutohan naming gumawa ng coffee shop."

Napakamot na naman siya sa kanyang batok at biglang pinamulahan. Napansin ko rin ang pagkislap ng kanyang mga mata. Nataas ko ang kanang kilay habang nakatingin sa kanya. Hmmm...parang may naaamoy akong magandang sa lalaking 'to ah. May rason ba kung bakit pumayag siya? Matanong nga.

"May girlfriend ka ba dito?" walang preno kong tanong sa kanya. Nanlaki ang kanyang mga mata at sunod-sunod na napakurap. I hit a jackpot! Sabi ko na nga ba. I then look at him with a dreamy eyes. "That girl must be so lucky, huh? Pakilala mo naman sa'kin baka kakilala ko."

Mapaklang natawa si Ren. "How did you know?" titig na titig na siya sa'kin dahil sa pagkabigla. Well, you're face is telling me that's why.

"Hindi mo na kailangang malaman kung paano ko nalaman. If you don't want to say a name, just describe her para hindi ka mailang. Pero kung ayaw mo parin, it's okay. Hindi kita pipilitin." Atsaka ko siya nginitian. Pero gusto ko pa rin malaman.

"Fine. I'll describe her."

Yes!

***

Magkasamang bumaba sina Ushijima at Tendou sa second floor pagkatapos nilang tumulong sa kanilang section. Binigyan lang sila ng thirty minutes break para mananghalian tapos babalik agad. Dumaan sila sa second year building para tingnan kung ano ang mga naisipang gimik. Hindi rin nila pinalampas ang section 2-A.

"Ohh~ coffee shop pala sa kanila? Galing! Pumasok muna tayo baka nandyan pa si Kaita," yaya ni Tendou kay Ushijima. Hindi umimik ang kaibigan kaya hinila niya ito papalapit sa pinto. Sumilip sila sa loob. Sinuyod ni Tendou ang buong silid para hanapin si Kaita. "Ehh? Wala si Kaita?"

"Si Kaita ba ang hinahanap niyo?"

Napalingon sina Tendou at Ushijima sa babaeng nagsalita sa likod nila. Nakasuot ito ng puting longsleeve na tinupi hanggang siko at itim na pantalon. Nakataas ang itim nitong buhok at naka-sumbrero. May hawak itong flyer sa kaliwang kamay.

Napatango silang dalawa.

Nginitian sila ng babae atsaka itinuro ang hallway patungong cafeteria. "Lumabas na kanina pa. Nandoon ata sa cafeteria ngayon."

"Thanks," saad ni Ushijima at naunang umalis. Naiwan si Tendou na nanatiling nakatingin sa babae. Nang maramdaman ni Ushijima na hindi nakasunod ang kaibigan, muli niya itong nilingon at tinawag. "Ano pang ginagawa mo dun?" tanong ni Ushijima nang sumabay na sila ni Tendou.

"N-Nothing!" nauutal na sagot nito.

"Okay."

Nang makarating sila sa cafeteria, hindi na nagpaligoy-ligoy si Ushijima at hinanap agad si Kaita. Hindi gaano karami ang mga estudyanteng nandito ngayon kaya wala pang minuto ay nakita na niya ito sa gilid ng cafeteria.

"Ahh! Ayun si Kaita kasama si..." natigil si Tendou atsaka tinitigan ang kasama ni Kaita. "Sino yan? Ngayon ko lang ata nakita ang lalaking 'yan ah."

Nanliit ang mga mata ni Ushijima habang nakatingin sa mesa ni Kaita. Malawak ang mga ngiti nito habang kausap ang kaharap na lalaki. Kaita never showed those bright smiles to him. Minsan lang itong ngumiti sa kanya at madalas ang pagbusangot nito kapag magkaharap sila. Napayukom ang mga palad ni Ushijima dahil sa nakikita at inis na nararamdaman.

"Lu-Lumabas na lang tayo," wika ni Tendou. Ramdam niya ang galit na nagmumula sa kaibigan. Gusto niyang ilabas si Ushijima at baka may magawa ito na hindi maganda. "Doon na lang tayo sa---"

"No."

At agad humakbang si Ushijima papalapit kay Kaita.

"That's her! Yung babaeng nagorder ng dalawang frappe at cheesecakes!" napalakpak si Kaita sa tuwa. "Kaya pala ganun na lang ang pagyuko niya kanina dahil---"

"Having fun?" Putol ni Ushijima sa sinasabi ni Kaita at pinakatitigan ang babae. Napalunok na lang si Tendou sa likod dahil sa kaba.

***

"That's her! Yung babaeng nag-order ng dalawang frappe at cheesecakes!" Napalakpak ako sa tuwang naramdaman pagkatapos niyang idescribe ang girlfriend niya. Hindi ako makapaniwala na ang babaeng yun ang rason niya bakit siya pumayag. "Kaya pala ganun na lang ang pagyuko niya kanina dahil---"

"Having fun?"

I was cut off by someone. Napatingala ako sa lalaking nasa gilid namin and he was looking down at me again. Nawala ang ngiti ko. Napansin ko si Tendou-san sa likod niya.

"Tendou-san, kakain rin ba kayo?"

"Ahh...oo eh."

Tumango ako at sinulyapan si Ushijima. Nakatingin na siya kay Ren na may panunuri ang mga mata. Yung kasama ko naman, parang wala lang. Uminom pa ito ng juice habang nasa labas ang tingin. Tumayo na ako.

"Ren, tara," tawag ko sa kasama. Inilapag naman ni Ren ang baso atsaka tumayo na, lumapit siya sa'kin at hinawakan ako sa braso. Bigla na lang kumalabog ang mesa na nagbigay ng kakaibang kaba sa akin. Napatingin kami ni Ren kay Ushijima na ngayo'y ang sama ng tingin sa'min. "U-Ushijima-san..."

"Wakatoshi-kun, kumalma ka lang."

Bumaba ang tingin niya sa braso ko na ngayon ay hawak ni Ren. "Let go of her," sabi niya sa mababa at malamig na boses. Kapansin-pansin rin ang pag-igting ng kanyang mga panga. Nakaramdam ako ng takot. Ano ba ang nangyayari sa lalaking 'to? Bigla-bigla na lang siyang sumulpot dito at nagagalit.

Wala naman kaming ginagawang masama ni Ren ah. Masaya nga kaming kumakain.

"Ren, mauna ka na muna, susunod ako agad."

"Are you sure?"

Ngumisi ako kay Ren. "Yes, don't mind me. Ako ang bahala dito. Now, go. Huwag mo siyang papansinin, lampasan mo lang," hininaan ko ang boses ko. Dahan-dahan naman akong binitiwan ni Ren at napamulsa.

"Okay, sabi mo. Sige, mauuna na ako," paalam ni Ren atsaka umalis sa mesa namin. Gaya ng sinabi ko, hindi niya pinansin si Ushijima at nilampasan lang. Sinundan pa siya ng tingin ni Ushijima bago bumaling sa akin.

"Mag-usap nga muna tayo," sabi ko at hinila siya sa kabilang pinto ng cafeteria. Paglabas mo dun, makikita mo agad ang soccer field.

Binitiwan ko siya atsaka hinarap. Namewang ako. "Ano?"

"What?" Maang tanong niya. Parang walang ginawa ah.

"May problema ka ba sa'kin? Payapa kaming nag-uusap dun tapos bigla ka na lang sumulpot at nagalit," pinagkrus ko ang mga kamay at tinapatan siya ng tingin.

Nanatili siyang walang kibo.

"Kulang na lang talaga iisipin kong nagseselos ka. May gusto ka sa'kin noh?" Diretsang tanong ko.

***

"Oh, Ren-san. Ikaw lang ata ang bumalik? Nasaan si Kaita?" tanong ni Seri sa papasok na si Ren. Kakaubos lang talaga ng flyer nila at nagpapahinga na. Wala pang mga customer ang pumapasok kaya dumiretso si Ren sa counter at doon naghanda.

"Nasa cafeteria pa. May kakausapin lang daw," sagot niya.

"Okay, hindi naman siguro siya magtatagal. Ah nga pala Ren-san, may naghahanap sa'yong babae kanina mula sa section 2-B, tinanong ko kung ano ang kailangan niya sa'yo pero wala siyang sinabi," maraang ngumiti si Seri at mukhang may nalalaman. "Girlfriend mo ba yun?"

Napaubo ng mahina si Ren atsaka umiling. Tama nang si Kaita lang ang nakakaalam, nakakahiya.

"Weh? Talaga? Di nga? Pero kung hindi mo talaga girlfriend yun, edi hindi. Hindi din naman ako maniniwala kung may boyfriend talaga yun," tumayo si Seri at nag-inat ng braso nang may pumasok na customer. Pumalakpak siya. "Okay, back to work!"

Nakahinga ng maluwag si Ren nang hindi na dinagdagan ni Seri ang sasabihin. Mabuti na lang at mabilis itong naniwala at binalewala. Kapag nagkataon, mauulit na naman ang nangyari sa cafeteria. Ayaw na niyang maulit yun.

"Ren?"

Napaangat sa kanyang ulo si Ren ng may tumawag sa kanya. Sa harap ng counter, nakatayo doon ang babaeng pinag-usapan nila Kaita sa cafeteria at ni Seri kanina. Ngumiti sakanya ang babae.

"Kana."

***

Hindi ulit kumibo si Ushijima sa tanong ko. Hindi niya ba ako narinig? O nabinge siya sa sinabi ko? I snapped my finger at him. "Hoy, tulala ka? Anong nangyari sa'yo?"

When he returned from his senses, he took a step forward at inilapit ang mukha sa'kin. Konti na lang ay magkakahalikan na kami. Ako naman ang napaatras sa sobrang lapit niya. Napalunok ako. I can feel his breathe. What the hell is he doing?

"Right after the Prefectural Qualifiers...I'll tell you something so look forward to it," sabi niya atsaka ako tinalikuran at muling pumasok sa cafeteria. He left me dumbfounded at his last statement which makes me speechless.

Biglang nanginig ang buong katawan ko kaya tumukod ako sa aking mga tuhod. We were inches away from each other. Oh God.

~*~

Continue Reading

You'll Also Like

11M 356K 70
What he wants. He gets... By hook or by Crook
479K 11.4K 25
Book Five of Bachelorette Series ✔️ Completed I am living in the present he's living in the past. He's not yet over her. For him, she is his one grea...
108M 2.3M 100
Now published under Pop Fiction, an imprint of Summit Books. P195, Taglish Part 1 Theirs is a story that started all wrong. Naglayas si Gail sa bahay...
224K 13.4K 11
Athena wants to be an architect to fulfill her late father's dream, but she secretly loves music and wants to be a composer. At West Town University...