The Art of Stars (Celestial S...

By missyoogurl

3K 904 88

Akira Pascual is an average kid and she's perfectly fine with it. She doesn't want attention like any other k... More

Prologue
1
2
3
4
5
6
7
8
9
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
24
25
26
27
28
29
30
31
32
33
34
35
Epilogue
Author's Note

23

56 7 2
By missyoogurl

Ilang linggo na ang nakakalipas simula nag start ako pumasok dito sa steinfield. Hindi ko akalain na makakakuha agad ako ng makakasundo ko dito sa loob ng klase.


Akala ko mahihirapan ako makipag kaybigan. Ganoon pa naman ang set-up. Lagi ko kasama sila althea araw-araw at tulungan kami sa mga gawain.


Nararamdaman na kasi namin ang pagiging kolehiyo. Buti nga mabait sila at hindi sila yung makasarili kagaya ng iba.


Habang tumatagal mas nakikilala ko sila at mas natutuwa ako.


Lagi pupunta si jonas sa building namin para sabay kami kumain pag wala siya gagawin. Ewan ko ba sa lalaking yon napaka sipag.


Talagang dumadayo pa siya dito ang layo ng building nila. Minsan sumasabay si vincent pero agad rin ito aalis.


Nakikita ko lang si anthony na napapadaan pero hindi rin soya nagtatagal.


Ang wala talaga akong balita ay kay claude at Naomi. Kamusta na kaya sila? Halos hindi ko na talaga sila nakikita.


Wala naman sa akin yun kung talagang busy sila kaya halos hindi sila nagpapakita. Minsan nakakaramdam lang ako na miss ko na sila. Iba parin yung ginagawa namin dati kagaya nung highschool.


"May balita ka ba kay naomi?" I looked at jonas at kakatapos lang kumagat sa burger niya.


Vacant kasi namin ngayon. Wala kaming klase kaya nagtext ako sa kanya na dito muna ako sa mini garden baka pumunta iyon sa building wala ko.


Ayon sumunod agad dito. Wala rin daw sila klase. Ewan ko ba sa kanya bakit sakin sumasama samantalang yung iba nga halos di ko na makita.


"Busy daw eh, sabi ni Vincent. Sila kase ang madalas magkasama ngayon."


Tumango ako. Buti naman. Akala ko siya lang talaga mag-isa, good thing nasa tabi niya si vincent. "Si Claude?"


Nagkibit balikat ito at bumalik na sa pagkain. Mukhang wala rin siyang balita sa kanya. Nakakarinig lang ako sa iba na may big project raw siya pero hanggang doon lang. Kamusta na kaya siya?


Dahil wala akong magawa naglabas ako ng notebook at ballpen. Magsusulat na lang ako ng notes para naman may natapos ako kahit kaunti.


"Yung Felix ba," Jonas spoke suddenly, "Ano yon?"


My eyebrows frowned because I didn't get what he meant in his question.


"Anong ano yun?"


"Ano siya," Pagulit niya na akala mo naging malinaw ang ibig sabihin.


Bakit niya tinatanong kung ano si felix. Uhm tao? Kaklase? Bakit ba galit agad sila kay Felix, pareho sila ni Claude.


"Anong ba problema niyo sa kanya?" Hindi ako galit. Nagtataka lang talaga ako bakit ang init ng mata nila kay felix.


Umayos siya ng upo at tumabi sa akin dahil umaraw sa pwesto niya at nasa lilim ako. Sumandal siya sa puno na nasa likod namin.


"Hindi maganda kutob ko sa lalaking yon."


I let a small laughed. "Mabait yon, malakas lang talaga yon mang asar. Eh, naasar rin kayo kaya ayan tuwang tuwa siya sa ginagawa niya."


Tumango si jonas, nakasandal parin ang ulo sa puno. "Basta wag ka lalapit masyado sa kanya. Iba talaga yung kutob ko doon."


"Oo na!"


Nagpalipas kami ng oras doon hanggang sa mag time at bumalik na sa kanya kanyang klase namin. Sa vacant na lang daw ulit. Pinagtulakan ko siya paalis dahil parang wala siyang balak humiwalay sa akin. Pag pasok ko sa room kompleto na sila althea kaya tumabi ako sa kanila.


"Saan ka galing?" Valerie asked.


Ngumisi si felix at siya an sumagot sa tanong ni Valerie. "Kasama niya yung K-A-I-B-I-G-A-N nya, tama?"


I blankly stared at felix at pabirong hinampas ang kanyang braso dahil naka emphasize yung word na kaybigan. Nang aasar na naman to!


"Epal mo!"


"Felix stop teasing her! kung ayaw mong magsalita kami ni Valerie kay Akira para may pangasar na rin kami sayo!" Althea suddenly shouts.


Nagtataka akong tumingin kay althea na tinitignan si felix na may nakakalokong ngiti. Mukhang wala na akong alam sa nangyayari sa kanila dahil madalas ko na kasama si jonas ah! Masamang tinignan ni felix si althea at hindi nakapagsalita.


"Ano meron?"


"Ito kasing si felix may sinusundang babae, yung nakabangga niya nung isang araw sa canteen, tanda mo?" Natatawang sabi ni valerie. Ah yun ba?


"Ayon, kinakaybigan niya pero mailap pa sa kanya ngayon." Mas lalong tumawa ni Valerie. "Hirap si gago!"


"Epal niyo! Gagawa talaga ako ng paraan para maging close kami."


I always thought that felix is a friendly person. Mapang asar lang talaga siya! Pero mabait, kaya kung madali ka mapikon talo ka sa kanya dahil mas lalo pa siya matutuwa.


Hindi rin siya mahirap kausapin kaya nakakapanibago ngayon na nahihirapan siya makipagusap sa isang tao ha! Buti nga sa kanya at nahanap nya ang katapat niya.


Tumigil kami sa pagkukwentuhan nung dumating na ang prof namin. Pinaayos niya ang seating arrangement dahil may quiz kami ngayon. Short quiz lang naman daw pero pinapwesto niya parin kami ng one seat apart.


Nagulat ang iba kasi wala naman siya sinabi na may quiz pero wala na rin sila nagawa. Tahimik kaming sumunod nila althea dahil kumpara sa iba ay nakapagreview naman kaming apat.


Kahit na madalas kami nagkukwentuhan ay nag aaral rin naman kami. Thankful talaga ako na sila ang kaybigan ko dito. Nagiging madali kahit papaano ang course ko dahil tulungan kami.


Pagbigay sa amin ng mga test paper ay nagsagot na kami. Madali lang naman siya, buti at nagsasabi ng totoo tong prof namin. Saglit lang namin sinagutan ito. Pagtapos ng quiz nagdiscuss siya nang kaunti at pinaalala ang mga event na mangyayari sa mga susunod na buwan.


"Let's go eat na! I'm so hungry!" Althea said.


Naglalakad kami pababa nang may nagtext sa phone ko. It's Naomi! God, I miss her so much. Nag aaya siya na sabay kami mag lunch dahil vacant niya ngayon.


"Mukhang hindi ulit sasabay sa atin si akira.."


I looked at felix, they all looking at me already. Nakakakonsensya naman! Lagi na lang ako hindi sa kanila nakakasama.


"Galit ba kayo?" Napayuko ako.


"Of course, not!" Valerie tap my shoulder and smile at me.


Medyo nawala ng kaunti ang guilt na nararamdaman ko dahil sa kaniyang pag ngiti sa akin. Sinundan rin ni althea ang pag ngiti at hinawakan ang kamay ko.


"We understand na mas nauna silang naging kaybigan mo and they're important to you. Basta nandito lang kami. Welcome ka anytime." Sabi ni Althea.


I felt warm after hearing them said that. Babawi talaga ako sa kanila next time. Nag reply ako kay naomi na ako na maghahanap ng table namin. Pag punta namin, mabuti na lang at konti palang ang tao.


For sure marami nang tao dito mamaya. Sa katabing table lang nila althea ang kinuha ko dahil bakante naman iyon. Dito ko sila hihintayin para makapag kwentuhan pa rin kami nila althea.


Ilang minuto ang lumipas ay nagsimula nang dumami ang mga estudyante. Iba't ibang course ang nandito dahil vacant hours.


"Why are you here?"


Nilingon ko sa malayo ang pamilyar na boses na kakapasok lang sa loob. It's Jonas kasama ang unfamiliar girl na hindi ko kilala. Katabi nito si naomi na hinahanap ako.


"I just want to be close friends," sabi ng babae at ngumiti. Tinignan siya saglit ni jonas at iniwas ang tingin. He looks irritated for a reason.


Ang suplado talaga ng lalaki na yon kahit kelan! Tinaas ko ang aking kamay para makita nila ako.


"Jonas! Naomi!" I waved my hand para makita nila.


Lumiwanag ang mukha nilang dalawa nung makita nila ako sa malayo. Naunang naglakad si Jonas papunta sa akin. Agad siya kumuha ng bangko at umupo sa tabi ko.


"Kumain ka na?" There's a hint of excitement in his voice. Kinuha niya ang aking kamay at nilaro niya ito.


Hindi ko siya nasagot dahil agad ako lumapit kay naomi at yinakap siya ng mahigpit. Ganon rin ang ginawa niya sa akin at nag tatatalon kami sa tuwa.


"Namiss kita sobra!" She yelled.


Kumalas ako sa pagkakayakap niya at inaya siya umupo. Tumabi ako ulit kay jonas na nakatingin sa akin at naghihintay.


"Hindi pa, busog pa ako." Umiling ako at ngumiti. Tumango siya.


"I forgot! Akira this is Iris," Nilahad ni naomi ang kanyang kamay para ipakilala si iris na katapat ko ngayon.


She has a mid length hair with fair skin. Medyo may kasingkitan ang mata niya pero hindi naman ganoon ka singkit. Color brown ang kanyang buhok.


"Hello!" Ngumiti ako inalok ang aking kamay para makapag handshake kami.


Tumango siya at matipid akong binigyan ng ngiti at nakipag handshake pero mabilis niya agad iyon tinanggal.


I was taken a back after what she did. Nung tinignan ko ulit siya mabait siyang ngumiti. Guni-guni ko lang ba yon?


Hindi ko ito pinansin. Nag offer ako na ako muna ang magbabantay dito sa table para makapag order sila ng pag kain. Kumapit si iris kay naomi at sabay silang umalis nasa likod lang si jonas na sumusunod sa kanila. Baka nga guni-guni ko lang yon kanina.


"Yeah, meron pang time non... You remember?"


Pagbalik nila, nilapag nila ang pagkain nila at may pinagusapan sila Naomi at Iris. Nakatingin lang ako sa kanila, nakikinig kung ano ang pinaguusapan nila. Jonas casually sit beside me not minding them.


"That salon is really great! Oh! you should come with me next time! I'll treat you!" Masayang salita ni Iris.


Ganoon lang ang sitwasyon sa table. Iris keeps on talking with Naomi and she seems so happy talking to her. Wala akong alam sa pinaguusapan nila.


Gusto ko sana sumali sa usapan nila pero I can't seem to find an opportunity. I also want to talk to them especially Naomi, dahil ngayon ko lang siya nakita pero hindi ako makasali sa kanila.


What's with this atmosphere? Is it just me or ang awkward ng situation namin. Pakiramdam ko naleleft out ako dahil sa conversation nila.


Bigla naglapag ng chocolate drink sa tapat ko si Jonas kaya napalingon ako sa kanya. He looked at me then in the drink which tells na It's for me. I mouthed thank you at tinusok ang straw sa inumin.


I saw Irish glanced us pero bumalik ulit ang tingin niya kay Naomi.


"Right," sabi ni Iris at tumingin kay Jonas.


"About the group work, Jonas. I can help you."


"No need." Jonas immediately declined.


"Come on, para mabilis matapos yung task diba? I really can help. Hindi ako pabigat.. promise!"


"But I don't really need help from anyone. Matatapos ko agad yon bukas."


Iris pouted and keep on insisting even Jonas always declining her offer. So magkaklase pala sila? I thought si Naomi ang kaklase niya but turns out she's also an engineering student. 


Tahimik akong nakikinig sa kanila dahil si jonas at si naomi na ang kausap niya. She never bother look and talked to me. Dahan dahan ko iniinom ang chocolate drink.


"Excuse me," Biglang pumunta si Althea sa tabi ng table namin. She was smiling but not sincere.


Lahat kami napatingin sa kanya. Confusion was written in all of our face. Kasama niya sa tabi niya si Valerie na nakahalukipkip habang nakataas ang isa nitong kilay. Sa tabi niya ay si felix na hawak ang braso niya na para bang pinipigilan niya ito. Sumama tuloy ang mukha ni Jonas.


"We need Akira now. May klase na kami.." Althea politely said before grabbing my bag and my wrist.


Hindi na ako nakapag react dahil agad nila ako hinila palayo sa kanila. I didn't even say goodbye dahil ang bilis nila maglakad.


Paglabas namin sa loob at malayo na sa kanila saka sila tumingin sa akin.


"Here," Inabot ni Althea ang bag ko. "Sorry, but we can't keep watching na."


"Pambihira, ang hirap pigilan ni Valerie. Kinabahan ako! Malapit na talaga magkaroon ng gulo kanina." Kinamot ni Felix ang kanyang batok.


"Parang hindi naman kayo nainis kanina habang pinapanood sila!" Kinuyom ni Valerie ang kanyang kamay. "Nako! Kumukulo ulit dugo ko!"


"Anong problema nung babae na yon?! Ano nga ulit pangalan niya?!" Tumaas ang boses niya. "Ayun, Iris!"


"Parang may something sa kanya, akira. Yung attitude niya kanina parang may hidden attitude. Masama ang kutob ko sa babaeng yon!" Nag halukipkip ito at sumimangot inaalala ang nangyari sa loob kanina.


Ayoko mag isip ng masama pero hindi ko maiwasan na sumang ayon sa kanila kahit papaano. I get the feeling na parang excluded ako sa kanila kanina. And the handshake earlier. It's like she didn't want to know me.


Mabilis akong umiling.


"Hindi naman siguro..." 


Siguro pangit lang ang first impression ko sa kanya. Mabait naman siya kanila kay naomi. Pwede pa yon mag bago. I can't judge her immediately because of what happened.


Ngayon ko lang siya nakilala ang I barely know her. Wala akong karapatan I-judge siya agad.


Althea shrugged.


"I also don't feel good about that girl Akira. Just be aware of her."

Continue Reading

You'll Also Like

153K 11.5K 169
Si Austin Louis Vermilion, ang main character na ipinanganak na maganda,sexy, matalino-pero syempre charot lang yun! Walang ganun sa story na 'to! OK...
2.8M 53.3K 31
Si crush ang gusto ko pero girlfriend niya ang nakuha ko. She's a monster. A beautiful monster, my own Monteclaro. NOTE: THIS STORY IS ALREADY COMPLE...
20.8M 511K 52
What H wants, H gets. And Camilla is not an exception. Montemayor Saga [ complete ] [ old story reposted ]