The Art of Stars (Celestial S...

By missyoogurl

3K 904 88

Akira Pascual is an average kid and she's perfectly fine with it. She doesn't want attention like any other k... More

Prologue
1
2
3
4
5
6
7
8
9
10
11
12
13
14
15
17
18
19
20
21
22
23
24
25
26
27
28
29
30
31
32
33
34
35
Epilogue
Author's Note

16

62 18 5
By missyoogurl

"Today's your field trip right?"


Magkasama kaming kumakain ni papa ng almusal sa lamesa. Kaharap ko sya ngayon at may hawak syang dyaryo habang umiinom ng kape.


"Yes dad," I said while I also eat my breakfast. He nodded as an answer at tinuloy ang pagbabasa.


Tahimik kaming pinagpatuloy ang ginagawa. Hindi kami ganoon ka close ni papa dahil minsan ko lang sila makita dito sa bahay but I understand their situation.


Marami kaming business na hinahandle kaya nahihirapan sila makakuha ng time. Hindi rin naman sila ganoon ka strict sa akin. They just want me to do well.


Hindi ibig sabihin na ako ang anak ng may ari ng school ay madali na sa akin ang bagay. I have to double my hard work para patunayan na lahat ng meron ako ay deserve ko ayoko masumbatan na lahat ng meron ako ngayon ay dahil lang anak ako ng isang javier. Wala naman pakialam ang mga magulang ko sa mga title.


I'm also not doing it para ma impress sila o kahit sino, I'm doing it for myself. People always expect high from me because of my family's title. It's suffocating to live upon someone's expectations that are not reliable to your life.


That's why I'm always irritated whenever people were amazed by me pag nalaman nila na isa akong Javier. Hinahangaan nila ako dahil isa akong javier hindi dahil ako si jonas.


"Aalis na po ako." Tumayo ako at kinuha ang aking mga gamit. "Be safe son."


I check my wrist to see if I'm not late. Hindi pa naman. Nilagay ko ang mga gamit ko loob ng kotse at pinaandar na ng driver ang makina para maka alis na kami. Pagdating sa school ay medyo marami na ang mga tao. Naka hilera na rin ang mga bus na aming sasakayan para sa fieldtrip.


Paglabas ko dumiretso ako kila vincent dahil nauna silang dumating kaysa sa akin. Nakatayo ito sa labas ng bus kasama si claude at anthony hawak nya ang phone na may tinetext.


"Asan sila?" Bungad kong tanong nang makalapit ako sa kanila.


"Papunta na daw. Hintayin natin sila para magkakatabi tayo sa upuan."


Hindi rin nagtagal ay dumating na silang dalawa kaya pumasok na kami. Dumiretso kami sa likod dahil wala doon naka upo. Magkatabi si naomi at akira sa upuan dahil pang dalawang tao ang hatian sa bus.


Sa kabilang side, nakaupo si claude sa bandang bintana at katabi naman nito si vincent. Nasa likod kami nila naomi at nasa bandang bintana rin ako kaharap ko si akira na nakita sa salamin na tulog ngayon. Puyat na naman ba sya?


Dumiretso ang bus sa hotel na tutuluyan namin at pinaghiwalay ang kwarto ng mga lalaki at kwarto ng mga babae. Pinag ayos kami ng mga gamit namin dahil mamaya ay magkakaroon ng team building ang bawat section.


Pagbaba namin ay maayos kaming inasikaso ng staff. Nabigla ako dahil kinuha nito ang bag ko at ang bag ni claude pati na rin ang mga gamit ni anthony at vincent.


Nairita ako ng kaunti pero wala na akong nagawa dahil malayo na sila.


"Nalaman ata kung sino tayo." They're nice to us again because of our family's title. "Hindi ka ba naiinis?"


Nagkibit si Claude at sinuot ang earphone. "I don't care."


Inakbayan ako ni anthony kaya medyo napayuko ako dahil sa bigat nya. "Awww hayaan mo na yan. Wag mo na lang pansinin."


Alam ni anthony na ayoko ng may special treatment sa kahit anong mga bagay na hindi ko naman hinihingi. Sa kanilang lima lang ako nakakaramdam na tinanggap nila ako agad dahil ako si jonas. And I'm very grateful to them. Everyday is fun because of them.


Pagtapos namin makapag ayos ng gamit ay nagkita kami sa lobby. Naunang bumaba si akira habang kinakalikot ang kanyang mata. Mukhang naalimpungatan pa nga ito at humikab papalapit sa amin. Ano bang ginawa nito kagabi at antok na antok?


"Anong pinagkapuyatan mo?"


"Wala. Hindi lang talaga ako maka tulog kagabi."


"Excited ka no?" I smile devilishly. "Ang akira namin excited sa field trip."


Iritable itong tumingin sa akin. "Oo excited ako! Ok na? Ok na?"


I laughed by her reaction. Ang sarap talaga asarin nito ang fulfilling. Bumaba rin si naomi na nakapagpalit na ng damit. Sumama kami sa klase namin dahil hinahanap na ang mga estudyante.


Nagkaroon ng hilaang lubid, Meron rin games na parang amazing race ang dating. Naging magkalaban kami ni naomi sa agawan panyo. Syempre, panalo na naman sya.


Nakaka inis! Lagi na lang syang panalo pag kami magkalaban.


Madilim na nung natigil ang program kaya pinabalik na kami sa kanya kanyang kwarto. Isa isa kaming pumasok sa cr pagdating namin sa kwarto.


Kanina pa kami puro pawis dahil sa ginawa maghapon amoy araw pa kami. Nagsuot ako ng sweater at pajama dahil komportable ako dito.


"Ito na ang highlight ng field trip na ito."


Naglabas si dominic ng uno cards, kaklase ko at kasama namin sa room. Marami kami ngayon dito dahil tinawag ni dominic ang iba pa naming kaklase sa kabilang kwarto para pumunta dito.


"Bawal daw magdala ng cards ha?" bigla nagsalita si lance na tropa nya nung nilabas nito ang deck of uno cards.


Dominic snorted. "Where's the thrill? Hindi naman tayo isusumbong ni vincent diba?" Tumingin ito kay vincent pagtapos nya magsalita.


"Guys, hindi naman ako kj." Tumawa ito.


Kayang kaya lusutan ni vincent pag nahuli kami hindi ko alam paano nya napapa payag sa mga gusto nya pag kausap nya ang mga matatanda. Nakakatakot rin tong lalaki na to eh!


Pag sinasaway nya ako napapatikom agad ako ng bibig lalo na pag nakangiti sya sa akin. Ayon ang nakakatakot.


"Ang parusa pag natalo iinom ng gawa kong inumin ha!" Tumayo si anthony tyaka kumuha ng baso.


"Anong inumin?" tanong ni lance "alak ba yan?"


"Hindi." Ngumiti si anthony na humarap sa amin "Ketchup na may mayonnaise na may coke na may toyo at suka at may grape juice."


Yuck! putangina satanas ka talaga anthony!! sino gusto uminom nyan?!!


Sinumalan na namin ang game at isa-isa nga silang natalo. Laking pasasalamat ko at nauuna akong nag uno kanila. Ayoko patagalin na nasa laro ako! Baka maospital ako ng di oras pag ininom ko yung gawa ni anthony. Mukhang masama pa ang tingin sa akin nung inumin eh.


"Wag na yan!" Pinatigil ng isa namin kaklase ang laro dahil marami na ang sumuko.


"Spin the bottle na lang tayo." Pumayag kami dahil mas okay nga iyon kaysa sa uno kaya nag pabilog kaming lahat.


"Truth or dare ha, kung sino matapatan ng bote." Inikot ng isa pa namin kaklase ang bote at hinihintay kung kanino ito tatapat. Unti unti itong bumagal at natapat ito sa akin.


"Nice! kay Jonas! Umisip kayo ng magandang itatanong dito minsan lang to oh!"


"Itanong nyo kung ano yung pin sa bank account para makuha natin yung kayamanan nya."


Pota.


"Sino nag sabi na truth pipiliin ko? Dare." Baka kung anong kalokohan pa itanong nila sa akin. Kagaya nung unang suggestion mas ok na dare na lang.


"Sige inumin mo na lang ito. One-shot." nilagay nya sa harap ko yung inumin na hinalo ni Anthony.


"Truth pala." Tumawa ito ng malakas.


Hinding hindi nyo ako mapapainom nyan kahit na anong gawin nyo sa akin. Gusto ko pa mabuhay ng matagal!


Umayos si Dominic ng upo at naging seryoso ang mukha. 


"Have you ever been rejected by a girl?"


Tumawa ang isa nitong kasama at saka sya siniko. "Tanga! Imposible mareject yang si jonas. Jonas na yan oh."


Napansin nila na tahimik akong nakatingin sa ibaba. Guilty ang pagmumukha ko kaya nahinto sila sa pagtawa. Nakuha nila na silent means yes. Yes, I have been rejected.


"Na reject kana?!" Gulat na gulat sila na napatayo pa.


Ang oa ha!


"Bakit? Sino? Artista ba yan?" Nagpalitan ng tingin sila vincent at anthony pero wala itong sinasabi. Mukhang may idea na kung sino ang tinutukoy ko.


"Oh bakit ang dami nyo ng tanong? Isa lang dapat diba?" Tumayo ako. "Alis muna ako, magpapahangin."


"Ang daya mo! Nangiiwan ka agad."


Hindi ko sila pinansin at dirediretsong lumabas sa kwarto. I hope hindi na nila ako kulitin pag balik ko doon. Dumiretso ako sa bench sa labas ng lobby. I really have to breathe.


Naalala ko na naman yung nangyari na yon and I can't help to feel deeply frustrated. I texted Claude to go outside since this thought of mine barely involves him.


"Yo."


Tumabi ito sa akin pagdating nya. Nakasandal ako sa bench hindi ako nag abala na tignan sya bagkos ay nakatingala ako sa mga bituin na nasa langit ngayong gabi.


Ang ganda nila pagmasdan.


"Ang hirap no?" Inangat ko ang ulo ko para tignan sya.


"Ang hirap magkagusto kay akira."


I bitterly smile. Matagal na namin alam na may gusto sya kay akira. Well obvious rin naman kasi. Hindi lang kami nag sasalita dahil mukhang ayaw rin naman pagusapan.


Si naomi lang ata ang hindi nakaka pansin sa ganon dahil medyo mabagal yon makabasa ng actions. Nagulat ito sa sinabi ko at matagal syang tahimik bago makapagsalita.


"Ikaw..." tinatanya nya ang sasabihin. "Yung babaeng tinutukoy mo ba kanina..?"


"Second year tayo non nung nalaman ko na gusto ko pala siya." Napangiwi ako ng sarkastiko habang inaalala ang pangyayari na iyon.


Noong una akala ko isa lang siyang classmate at lilipas rin katagalan. Kahit na kasama nya lagi noon si Naomi hindi ko naman sya masyado napapansin noong una.


Nainis pa ako sa kanya noong una namin pagkikita sa convinient store dahil nag tago pa ito nung nakita kami. Akala mo naman hindi siya nakita! Todo iwas siya sa amin na akala mo ay may nakakahawa kaming sakit pero nag bago yon nung mas matagal ko na siya nakakasama.


Nakikita ko na lang ang sarili ko na siya ang lagi kong tinitignan. Lahat ng kilos nya at mga reaction nya ay nalalaman ko. Kung saan sya hindi komportable. Kung ano ang gusto nya. Minsan nga ay natatakot na ako sa sarili ko dahil mukha akong stalker sa ginagawa ko sa kanya.


Wala rin naman ako balak umamin sa kanya dahil alam kong may gusto rin sa kanya si claude. Ayokong makigulo kung gusto naman nila ang isa't isa. Kung sakali nga ay ako pa ang gagawa ng paraan para magkatuluyan sila.


My feelings are nothing compare to the friendship we all share, They are more important than these stupid feelings. Ayos lang sa akin kung si claude, alam kong magiging masaya sya sa kanya. Ayos lang kahit hindi ako ang nasa tabi nya basta masaya sya.


"Naaalala mo noon? May isang babae na sunod ng sunod sa akin." Diretso akong nakatingin sa harap ko.


"Sinabi ko sa kanya na may iba akong gusto para tigilan nya na ako. Ayaw nya maniwala non sabi nya hindi sya aalis hanggat hindi ko pinapakita sa harap nya kung sino iyon." Malalim akong huminga.


"Kaya si akira ang kinuha ko noon dahil napadaan sya sa amin. Sinabi ko na siya ang gusto ko."


That's impulsive but I don't care. Bahala na, nandito na to eh. Buti nga naniwala yon at hindi na ako sinundan pa. Nakatakas na ako sa kanya.


Nung umalis sa harap namin yung babae ay hinampas ako ni akira sa braso ko. Next time daw sabihin ko kung kelan sya magpapanggap para makapaghanda sya.


"Sinabi ko na seryoso ako sa sinabi ko sa kanya pero hindi nya iyon pinaniwalaan." Natakip ako sa mukha ng aking kamay. Lalo akong na frustrate tuwing naalala ko iyon.


"Hindi nya man lang narealize na seryoso ako. Akala nya nagbibiro ako. Kaya ako na lang ang nag take as rejection sa ginawa ko." Nakikinig lang sya sa akin at hinahayaan ako magsalita. He was thinking deeply.


I put my hand on his shoulder. "So if you want to keep liking Akira, you must be tough. You know... that girl, she's very dense."


"Do you still like her?"


Umayos ako ng upo at nilagay ang aking kamay sa bulsa. Sinubukan ko ang sarili ko kung kaya ko ba na sukuan sya. Noong pinapasok ako ng mama nya para gisingin sya sinubukan ko hawakan ang kamay nya. I'm having a bet with myself if I really like her or is it just a crush.


If it is a crush, I can walk away easily. I can hear my heartbeat the moment I hold her hand. So before I can't restrain myself I immediately let go of it.


Alam kong hindi ko na gugustuhin na bitawan iyon pag tumagal kami sa ganoong pwesto. I want to keep holding her hand and never let go.


I scuffed at him and just smile sarcastically. As if I can answer that question. Hindi ko kayang magsinungaling sa sarili ko.

--------------------------------------------------------------------

:)

Continue Reading

You'll Also Like

2.8M 53.3K 31
Si crush ang gusto ko pero girlfriend niya ang nakuha ko. She's a monster. A beautiful monster, my own Monteclaro. NOTE: THIS STORY IS ALREADY COMPLE...
3.4M 134K 23
What would you do if you wake up one day and find yourself in a different body? [Completed]
63.2M 2.2M 44
Warning: Do not open if you haven't yet read Hell University. This is just a sequel of that book. Thank you!
136M 5.3M 131
Masarap mapunta sa Section na may pagkaka-isa. Meron mang hnd pagkaka-unawaan, napag-uusapan naman. Panu kung mapunta ka sa Section na ikaw lang ang...