The Art of Stars (Celestial S...

By missyoogurl

3K 904 88

Akira Pascual is an average kid and she's perfectly fine with it. She doesn't want attention like any other k... More

Prologue
1
2
3
4
5
6
7
8
9
10
11
12
13
14
16
17
18
19
20
21
22
23
24
25
26
27
28
29
30
31
32
33
34
35
Epilogue
Author's Note

15

55 20 6
By missyoogurl

"That's all for today's class. Huwag nyo kakalimutan yung consent form nyo para field trip."


Umalis na ang homeroom teacher namin dahil ito ang last subject sa buong araw. Sa wakas tapos na ang hellweek pwede na akong makahinga ng maluwag.


"Gusto nyo sabay sabay tayong bumili ng baon natin?" Nililigpit ko ang mga gamit ko sa bag. Lahat kami nandito sa likod, yung pwesto namin ni naomi sa room.


Dahil nga na brought up ang field trip nag aaya na naman tong si anthony na mamasyal. Oo mamasyal, hindi yan bibili gusto nya lang ng gala after school.


"Parang ang dami nyo naman babaunin. Isang araw lang tayo don uy!" sagot ni jonas sa kanya.


Umiling rin ako at sinabi na next time na lang. Apat na araw pa naman kasi ang layo ng field trip. Isa pa, gusto ko na rin umuwi dahil pagod na pagod talaga ako ngayong araw.


Ang dami namin ginawa. Puro test, exam, seatwork. Ramdam ko na talaga ang pagiging graduating students namin.


"Sige na nga." Ngumuso sya. Walang nagawa si anthony dahil ayaw rin ng iba na umalis. Baka pagod rin kagaya ko.


Sabay kaming lahat naglakad palabas ng school at isa isa rin kaming nagpaalam ng nagsidatingan ang mga sundo nila.


Pag uwi ko dumiretso agad ako sa kama at binagsak ang sarili ko.


Ganito ba ang signs of aging? Sobrang worn out na ng utak ko dahil sa mga school works grabe! Buti na nga lang at katulong ko sila vincent kaya napapadali kahit papaano ang mga subjects. Nakakasagot ako sa lahat. Kung ako siguro mag-isa maiiyak na talaga ako.


Hindi na ako nakapagpalit ng damit dahil ayoko pang tumayo sa kama. Hindi ko namamalayan na naka idlip pala ako at ala sais na ng gabi ako nagising.


Nagising ako dahil sa ingay ng niluluto ni mama sa labas.


"Ang bango naman." Lumapit ako sa kusina at tinignan ang niluluto nya.


"Anong ulam?"


"Pork chop." Hindi nya ako tinitignan dahil binabantayan nya ang niluluto nya. "Ang sarap, kain ako ha!"


"Magbihis ka na. Malapit na rin ito matapos."


Nag ok sign ako at pumasok ulit sa kwarto para magpalit ng damit pantulog. Simula nung nagtalo kami ay parang mas naging close ko na ang mga magulang ko.


Hinahayaan nila ako sa mga gusto ko gawin at napaka supportive nila. Sinabi nila sa akin na ayos lang kahit hindi na mataas, basta huwag ko lang papabayaan ang pag aaral ko.


Which I am doing right now. Natuwa ako dahil hindi na nila ako kinukumpara sa kahit kanino.


 Dahil sa pag open up ko ng feelings sa kanila ay mas naiintindihan namin ang isa't isa. And it all thanks to Claude.


"Akira birthday mo bukas, anong plano mo?" Tahimik kaming kumakain nang bigla nagsalita si papa sa kalagitnaan ng aming pagkain.


"Bukas?"


Bukas na ba yon? Tinignan ko ang kalendaryo na nakasabit sa pader namin para siguraduhin na bukas na yon.


Hala bukas na nga! Sobrang busy ko hindi ko na namamalayan ang panahon.


"Anong gusto mong handa? May iimbitahin ka ba?" Pahabol ni mama.


"Kahit simpleng handa lang o kaya kumain na lang tayo sa labas."


Hindi ko rin kase sigurado kung may panahon pa para mag celebrate. Panigurado may idadagdag na naman sa amin at magiging busy kami lahat kaya baka hindi magkaroon ng oras na magsaya kaming lahat nila naomi.


They look at me with a concerned face. Parang ayaw nila na simpleng handaan lang. Wala naman kasi sa akin kaso.


Mas may kaylangan pa ako asikasuhin kaysa mag celebrate ng birthday.


"Ma, Pa, ok nga lang po. Kumain na lang tayong tatlo sa labas." Pagpupumilit ko.


They still not convince pero pumayag na lang rin sila. Pagtapos namin kumain ay nanood kami saglit ng tv at natulog.


"Akira hindi kami makasabay sa inyo mamaya ni naomi ha?"


Nandito kami ngayon sa canteen dahil free time namin.


"Okay." Tumango ako bago ako sumubo sa baon ko. Nagtaka si naomi sa sinabi ni vincent kaya magsasalita sana ito pero tinakpan nya agad ang bibig ni naomi at sinabi na wag na lang ito pansinin.


Normal ang nangyari buong hapon. Busy parin kami sa mga exams. Tyaka pinaghahanda na talaga namin ang entrance exam sa Steinfeld. Habang papalapit ang araw mas lalo tuloy ako kinakabahan.


"Una na kami akira, may pupuntahan kasi kami nila jonas at claude." Nagpaalam si anthony sa akin kasunod si claude. Bago pa ako pumayag ay umalis na silang tatlo.


Para ngang nagmamadali pa.


Ayos lang naman sa akin. Baka may importante talaga silang kaylangan gawin. Lagi rin naman kami magkakasabay araw araw. Inayos ko ang mga gamit ko bago sinukbit ang bag  sa likod ko.


Pababa na ako sa hagdan ng makita ko sila naomi na nasa gate at may pinagusapan.


Kompleto sila? Akala ko ba may pupuntahan sila?.... Bakit sila magkakasama?


Hindi ko maalis ang tingin ko sa pwesto nila kahit sabay silang umalis. Umiling ako. Hindi, baka naman nagkataon lang talaga. Eto na naman ako nag oover think.


Hindi muna ako umuwi dahil gusto ko mag muni-muni para mawala ang mga iniisip ko ngayon. May nagawa ba ako kaya sila magkakasama? Hindi naman sila galit sa akin no?


Sa kakaisip ko hindi ko namalayan na gabi na pala. Tignan ko ang oras sa phone ko. Shit, seven pm na!


Kaylangan ko pa mag ayos ng gamit dahil may field trip pa kami bukas. Mabilis akong tumayo sa kinauupuan ko at umuwi.


Pag bukas ko ng pinto, nakapatay lahat ng ilaw. Hindi pa ata nakakauwi sila mama galing trabaho.


"Happy birthday Akira!!"


Pag bukas ko ng ilaw nagulat ako dahil may biglang pumutok at lahat sila may suot na party hats.


"Anong ginagawa nyo dito?" Inikot ko ang mga mata ko at nakita na may handa at cake sa lamesa. Nandito rin sila mama at papa may suot na party hats.


Lumapit sa akin si naomi at hinila ako papalapit sa kanila. Hawak ni vincent ang cake na may nakasinding kandila sa gitna.


"Isn't obvious? We were going to celebrate your birthday" Hawak parin ni naomi ang likod ko.


"Paano nyo nalam-" Naputol ang pagtatanong ko dahil nagsalita si anthony paglapit nya sa amin.


"Syempre alam namin, magkakaybigan tayo diba? Ang tunay na magkakaybigan alam ang birthday ng isa't isa."


Pero paano nila nalaman? Wala akong naaalala na nabanggit ko kung kelan ang birthday ko. Hindi ko rin balak mag celebrate dahil busy nga kami perp naghanda pa sila para sa akin.


Nakaramdam ako ng init sa pisngi ko kaya yumuko ako. Nagiisip pa ako ng kung galit ba sila sa akin. Mag susurprise pala sila.


Ngayon lang may nag surprised sa akin. I can't help but feel touched.


Pagtapos ko mag blow ng candle ay sabay kami kumain kasama sila mama pero umalis rin sila para bigyan kami ng moments.


Nasa dining table sila naomi vincent at anthony dahil kumakain sila ng cake. Tahimik kaming nanunuod ni jonas at claude ng tv sa sala nang bigla may nilapag na isang paper pag si claude sa harap ko.


Tinignan ko sya na parang nagtatanong na ano to


"Gift."


Hindi sya nakatingin sa akin tyaka sya tumayo at iniwan kami ni jonas sa upuan. Binuksan ko ang paper bag para tignan ang laman.


Hair ribbon ito na kulay dark blue at may white lining sa gilid meron rin design na parang tala ang tela. Sobra akong na amaze dahil ngayon lang ako nakakita ng ganito kagandang panali sa buhok.


Napansin kong kanina pa nakatingin sa akin si jonas sa gilid ko kaya tinignan ko rin sya. Parang may gusto sya sabihin pero pinipigilan nya ang kanyang sarili.


Pffff. Basang basa ko ang mukha nya.


"Sige na, bigay mo na rin yung regalo mo."


I think he was stunned by what I said then blushes a little. Aww, ang cute nya pag nahihiya sya hindi ko mapigilan na matawa.


Nagdadalawang isip pa ito pinagiisipan kung ibibigay nya ba bago nya nilapag ang box ng jewelry box sa tabi ko.


"Thank you." Kinuha ko ito at binuksan. Isang gold necklace na polaris ang pendant. May mga crystal ang polaris kaya kumikinang ito.


Napaawang ang labi ko sa ganda ng nakikita ko ngayon. Bukod sa ganda ng mismong kwintas maganda rin ang lagayan nya. Halatang mamahalin yung kwintas.


"Nagustuhan mo ba? Ako pumili ng pendant dyan." Nakanguso sya habang nahihiyang tinuro ang kanyang regalo.


"That pendant resembles you a lot. Like a star."

Continue Reading

You'll Also Like

52.8M 2.2M 172
Ever since Sari's sister married the seemingly perfect man, she had dreamt of her own happily ever after. Gusto niya rin ng gwapo, mayaman, at gwapo...
63.2M 2.2M 44
Warning: Do not open if you haven't yet read Hell University. This is just a sequel of that book. Thank you!
5.9M 274K 72
In the near dystopian future where the population has blown up, women and the poor are more oppressed, and those with positions who abuse their power...
1.2M 54K 69
(COMPLETED) After enrolling on her new school, Rue thought that her life would be peaceful unlike with her old school. She loves figthing back then b...