The Art of Stars (Celestial S...

By missyoogurl

3K 904 88

Akira Pascual is an average kid and she's perfectly fine with it. She doesn't want attention like any other k... More

Prologue
1
2
3
4
5
6
7
8
9
10
11
12
14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
24
25
26
27
28
29
30
31
32
33
34
35
Epilogue
Author's Note

13

56 21 3
By missyoogurl

"Akira!"


Nilingon ko si naomi na tumatakbo papunta sa akin habang naglalakad ako papasok sa room.


Mabilis lang lumipas ang panahon nung bakasyon. Pagtapos ng gala namin sa batanggas ay wala naman special na nangyari.


Maglilinis lang ako sa bahay o kaya naman ay ka chat ko sila.


"May malaki tayong problema!" Sinukbit ni naomi ang kamay nya sa braso ko at nagpanggap na umiiyak.


"Bakit? Ano yon?" Nagaalala kong tanong.


"Kaklase ulit natin si jonas!" tinakpan ko ang bibig ko na kunwari ay nagulat sa balita.


Ginaya ko rin ang ginawa ni naomi at nagpanggap na umiiyak.


"Hoy!" nasa likod namin si jonas pinipigilan ang inis sa mukha nya.


"Tigilan nyo ko ha!"


Tinawanan ko lang sya. 3rd year na kami ngayon at malapit na mag kolehiyo. Sobrang bilis ng panahon hindi ko namamalayan na ang tagal na namin magkakasama.


Magkakaklase parin kaming lahat. Gusto lang namin pag tripan si jonas. Meron kasi sa kanya na ang sarap lagi inisin.


I started to change my approach to them. Mas naging vocal ako sa kanila hindi na ako yung laging nasa isang sulok pag magkakasama kami.


Hindi parin naman nawawala yung pagiging mahiyain ko pag maraming nakatingin sa kanila tuwing magkakasama kami. Naiilang parin naman ako sa mga atensyon pero hindi ko na tinutulak sila palayo.


Gaya nga ng sabi ni claude, hindi nila ako iiwan.


"Isang taon na lang no?" Hawak ni naomi ang pagkain nya at sumubo.


"Saan nyo balak pumasok sa college?"


Napaisip ako.. Saan nga ba? Gusto ko sana sa steinfield university dahil sister school naman ito ng Montessori at madali kaming makakapasok pero Scholarship lang naman ni tita ang dahilan bakit ako nandito sa Montessori.


Kaylangan ko pag handaan baka dumating ang panahon na mawala ito. Wala kaming pera para sa tuition.


"Baka sa Steinfeld," sagot ni vincent "Parehas kami ni Claude." tinuro nya si Claude na katabi nya ngayon at umiinom ng chocolate milk.


"Sa steinfield rin ako," singit ni Anthony "Si Jonas expected naman na sa steinfield yan papa nya may ari ng school."


"Kaylangan i-brodcast?!" Iritang sagot ni jonas.


Lahat pala sila sa steinfield. Kung sakali na mawala scholarship ko baka ako ang mahiwalay.


"Ikaw akira?" Bumaling ang tingin ni naomi sa akin. "Sa steinfield ka rin?"


"Sana.. pero baka mag try ako ng iba pang school." Tumigil silang lahat sa pagkain at saka nila ako tinignan na may gulat sa mukha. Nagulat rin tuloy ako!


"Bakit?!" Napataas ang boses ni naomi


"Susubukan ko lang. Scholarship kasi ni tita kaya ako nakapasok dito. Wala kaming pera para sa tuition ng steinfield."


Hindi naman kami ganon kayaman para pumasok sa ganon na kataas na university. Isa pa, kahit gusto ko doon dahil maganda talaga ang turo ayoko mahirapan sila mama at papa sa pagtrabaho para doon.


Nagpalitan sila ng tingin bago bumuntong hininga si naomi. "Okay. Si jonas na lang sana yung mahiwalay hindi si akira."


"Ano?!" Kinuha ni jonas ang tinapay saka nya nilagay sa bunganga ni naomi.


Hindi na tuloy makasalita ng maayos is naomi dahil puno ang bibig nito.


"Kumain ka dyan, ang papangit ng lumalabas sa bunganga mo!"


Nginuya ni naomi nang dahdan dahan ang pagkain dahil punong puno na ang kanyang bibig. Kahit kelan talaga ang dalawa na ito parang aso't pusa.


Kahit sila vincent sanay na rin sa asaran nila patuloy lang sila kung ano ginagawa.


"Papatayin mo ba ako?!" Sumigaw si naomi pagtapos niya malunok ang kinakakin niya.


Nag make face si jonas at ginaya ang salita ni naomi na medyo mataas ang boses. Natawa ako sa kanilang dalawa, parang mga bata.


Pagtapos ng vacant namin ay sabay sabay kaming umakyat. Puro test at aral kami ngayong 3rd year dahil senior year na namin.


Pinaghahandaan na rin ng iba ang entrance exam at mga kursong kukunin namin sa kolehiyo. Hindi ko na nga namamalayan na nakakalahati na pala ang school year.


"Alam mo ba paano nakuha ito?" nilapag ko ang notebook ko sa arm chair ni anthony. May seatwork kasi kami ngayon sa math at hindi ko alam saan nakuha ang value ng x sa example ni sir.


Kaya todo review ako ngayon dito. Kinuha nya ang ballpen ko at nagsulat ng process at solutions. Sa kinagulat ko ay sobrang ayos ng solutions nya nagets ko agad yung mga nilagay nya dahil kahit maliliit na points ay nakalagay doon


"Ito oh" inabot nya sa akin ang notebook ko habang nakangiti. "Gets mo na ba?" Tumango ako sa kanya at nagpasalat.


Kanina pa sya naglalaro kaya akala ko hindi sya nakikinig sa klase kanina eh mas may alam pa pala ito kaysa sa akin. Pinaligpit na sa amin ang mga notebook at sinumalan na namin sumagot.


"Times up." Lahat kami napatingala dahil sa sinabi ng teacher namin. Ang bilis naman! chinecheck ko pa kung tama yung mga sagot ko eh.


Pinapasa nya na ang mga papel namin dahil hindi parin tumitig yung iba sa pag sagot


"Announcement pala." umupo ito sa table habang inaayos ang papel. "Magkakaroon tayo ng fieldtrip 2 weeks after nito. Ibibigay ko ang consent form sa president at vice president nyo."


Ito ang huli nyang sinabi bago sya lumabas ng classroom. Ngayon talaga nila naisipan na mag pa fieltrip no? Kung kelan puro exams.


Sunod na lumabas ay sila vincent at naomi dahil pinatawag sila sa teacher's office. Nagpatuloy parin kami sa pag rereview dahil sa susunod na subject ay may isa pa kaming quiz. Ang hirap naman nito, puro na lang mga test paano na pag 4th kami.


"Gusto nyo ba mag group study ulit?" biglang nagsalita si anthony sa kalagitnaan ng pagrereview namin.


Naibaba ko ang hawak kong libro at nakakunot noo akong napatingin sa kanya.


"Kaninong bahay?" Ngumisi siya ng nakakaloko sa akin. Sabi ko na eh.


"Hindi ka naman nag rereview ha?! tatambay ka lang kila akira eh!" Hawak parin ni jonas ang notebook nya habang nagsusulat.


Hindi nag nagrereview si claude, may nakasaksak lang na earphone sa tenga nya mukhang inaantok na dahil papikit pikit na ang mata nya. Wow, gusto ko rin gumanon.


"Damot nyo ha?" Ngumuso si anthony "Parang hindi nyo rin naman gusto."


Napaisip ako, mas ok nga naman talaga iyon. Makakahingi ako ng tulong sa kanila pag may mga subjects ako na hindi magets.


Nandoon naman sila naomi at vincent na pwedeng pagtanungan. Mahirap mag self study. Pumayag na ako na mag group study kami bukas dahil wala naman kaming pasok kaya tuwang tuwa si anthony.


Paalis na sana kami para umuwi dahil tapos na ang klase namin pero may isang student na nakiusap na makausap si naomi. Kaya hinintay namin sya sa labas ng room.


"Sa tingin mo confession yan?" nasa bungad lang kami ng pinto.


Medyo malayo para magkaroon sila ng privacy pero rinig parin naman ang pinaguusapan nila kahit papaano.


Nakahalukipkip si jonas habang nakasandal sa pader. "Oo, tignan mo yung mga kilos ng lalaki."


Medyo nakayuko ang lalaki at mapula ang pisngi. Mukhang 4th year pa nga ata sya parang nahihiya pa sya dahil kaharap nya si naomi.


Hindi mapakali ang kamay nya dahil hinahawakan nito ang batok nya.


"I'm sorry." Napasinghap ako sa sagot ni naomi Ito ang sinabi niya nung narinig namin na nag confess ang senior namin.


 Parang nangyari na din ito dati. Hindi ko lang matandaan kung kelan pero sigurado ako sa school rin nangyari.


"Hindi pa lumilipas ang ilang segundo non ah." Sabi ni jonas sa gilid ko.


"Ano kaya feeling ng may mag confess?" Hindi naman sya big deal sa akin. Curios lang ako kung ano yung pakiramdam kahit imposible naman talaga na may umamin sa akin.


Tinitigan ako ni jonas at tumaas ang kanyang kilay. "May umamin na sayo. Hindi mo tanda?"


Ako naman ang napakunot ang noo sa sinabi nya. "Ha? Kelan?"


"Wala. Kalimutan mo na lang pala." umiwas ang tingin nito sa akin at binalik ang tingin kay naomi na iritable na.


Anong problema nya? Naputol ang paguusap namin dahil dumating na si naomi sa harap namin.


"Tara na." Sinukbit nya ang bag sa kanyang balikat at naunang umalis.


"Anong nangyari doon sa senior?" Tanong ni Anthony na hinabol si Naomi sa paglalakad.


"Hindi naman daw sya nag expect. Gusto nya lang sabihin dahil malapit na sya umalis sa school." Diretsong sabi ni naomi.


"Wala rin naman akong balak pumasok pa sa isang relasyon."


Kinabukasan ay agad akong ang ayos ng bahay. Wala pa naman silang pasabi kung anong oras sila pupunta dito baka abutan nila na humihilik pa ako at natutulog. Mahirap na.


Nang matapos ko na lahat ng kaylangan ay saka na ako naligo at nag ayos sa sarili. Medyo tanghali na ay hinihintay ko na lang sila dumating.


Ang tagal nila ah? Makakapag review pa kaya kaminito. Baka hapunin na naman sila sa pag uwi. Tinext ko sila naomi kung nasaan na sila, sampung minuto ata rin ang nakalipas saka ako may narinig na kumatok.


"Ang tagal nyo!" Nasa pintuan ako at pinapasok sila. "Saan kayo galing?"


Mukhang malayo pa ang pinanggalingan nila dahil pagod na pagod silang umupo sa sala.


"Tanungin mo si Claude." Tinuro ni anthony si Claude na kakapasok lang rin sa amin at nagtatanggal ng sapatos.


"Huh? Bakit?" Natataka kong tinignan sila.


Tumayo si vincent at uminom ng tubig na naka handa sa lamesa bago sya nag salita.


"Bumili sya ng maraming pagkain. Ayaw nya daw na wala syang dala na mga paborito mo."

Continue Reading

You'll Also Like

153K 11.4K 169
Si Austin Louis Vermilion, ang main character na ipinanganak na maganda,sexy, matalino-pero syempre charot lang yun! Walang ganun sa story na 'to! OK...
8.7M 320K 57
12:00 A.M. Every breath you take Every move you make Every bond you break Every step you take "I'll be watching y...
3.2M 159K 54
[RFYL book 2] When the enemy is close behind, you need to run as fast as you can. RUN AS FAST AS YOU CAN Written by: SHINICHILAAAABS Genre: Science F...
136M 5.3M 131
Masarap mapunta sa Section na may pagkaka-isa. Meron mang hnd pagkaka-unawaan, napag-uusapan naman. Panu kung mapunta ka sa Section na ikaw lang ang...