The Girl With Purple Eyes (CO...

By gelafae

366K 15.2K 1.1K

PURPLE EYES TRILOGY BOOK 1 She's a queen who doesn't need a throne to command, A warrior who doesn't ev... More

DISCLAIMER
1 : Girl In The Shore
2 : Dotrian Stalin Academy
3 : Adrian and Luke
4 : Encounter
5 : Giant Viperidae
6 : Little Emmanuel
7 : Weapon Training (Part 1)
8 : Weapon Training (Part 2)
9 : Pain
10 : Laugh Out Loud
11 : Adobo
12 : On The Field
13 : Balzors
14 : Clinic
15 : Intruders
16 : Together
17 : Sehara
18 : Old Hometown
19 : Fitrei Ebony Academy
20 : Marriage Booth
21 : Fun Under The Moon
22 : Witching Hours
23 : Goddess Trina
24 : Anger
25 : Mission Assigned
26 : Night Before The Mission
27 : Traveling
28 : Empire Of Witches
29 : Vampires
30 : Empire Of Vampires
31 : Mortal World
32 : Cemetery
33 : Story Of Zenadia
34 : Werewolves
35 : Crazy
36 : The Cursed
37 : Lost
38 : Monsters and Demons
39 : Into The Deep
40 : Vie de Islium (Part 1)
41 : Nightmare
42 : Vie de Islium (Part 2)
44 : War Has Been Declared
45 : Escape
46 : War (Part 1)
47 : War (Part 2)
48 : Revelation
49 : War (Part 3)
50 : Him
51 : Fight against Him
52 : End
53 : The Truth
54 : Awake
55 : Water Kingdom
56 : Azure
57 : Welcome Back
58 : Trauma
59 : A Day To Remember
60 : A Night To Remember
Epilogue
AUTHORS NOTE
BOOK 2

43 : Floating Island

4.3K 212 10
By gelafae

Zen's POV

"Zen.. Zen wake up" nakaramdam ako ng may yumuyugyog saakin kaya napamulat ako ng kaunti "Get ready, paalis na tayo" sabi ni Diana

Hindi ko siya sinagot at tumango nalang. Kumuha ako ng towel at damit saka lumabas ng kwarto. Pagkababa ko ay nakita ko sina Kade na nag reready na din.

"Good morning Zen!" nakangiting bati niya saakin

Ngumiti nalang ako ng tipid bilang sagot saka pumasok na sa banyo. Nag hubad na ako ng damit saka hinayaan na tumulo saakin ang tubig. Punong puno ngayon ang isip ko dahil sa pesteng panaginip ko kanina.

Napanaginipan ko na may nangyayaring masa sa academy. Bloods are everywhere and there were some dead bodies laying on the field. I don't if it's real or not but I'm hoping that it was just a dream.

Ano nalang ang mangyayari kung mag katotoo iyon? I don't think I can take it. Naandoon sina Ara at Adrian, at saka si Gina, hindi ko kaya na makita na nasasaktan sila.

Pero ang pinaka pinagtataka ko ay sobrang linaw ng lahat ng nakikita ko sa panaginip na iyon, except sa isang lalaki na katabi ng reyna. Sobrang blurred ng physical appearance niya, lalo na ang kanyang mukha. I saw him talking but I didn't heard his voice. It's freaking creepy.

Hindi ko namalayan na tapos na pala ako sa paliligo ko kaya agad na akong nag tuyo at nag toothbrush saka nag bihis. Pagkalabas ko ay nakain na sila, except kay Ethan na kanina ko pa di nakikita. Tumaas na ako at sakto naman na nakasalubong ko si Ethan na sobrang pula ng mukha. Pati tenga nya namumula.

"Anong nangyari sayo?" kunot noo na tanong ko

"W-Wala!" sigaw niya at dali daling bumaba

Gutom much?

Hindi ko siya pinansin at umakyat na sa kwarto. Kinuha ko na lahat ng gamit ko na nakakalat doon at pinasok sa bag. Sinabit ko sa braso ko yung cloak ko saka bumaba. Tahimik lang ako na nakain habang sila ay nag aayos pa rin ng gamit at kakatapos lang kumain. Kami nalang ni Ethan ang naandito sa lamesa dahil ang iba ay nasa salas na.

Tiningnan ko siya at namumula pa din ang mukha niya pero hindi na kasing pula kanina. Ilang minuto lang ay natapos na kaming kumain at ako na ang naghugas dahil tulog pa naman si Yna. Pagkatapos kong mag hugas ay pumunta na din ako sa salas kung nasaan ang iba. Umupo lang ako katabi no Kade na tapos ng mag ayos.

"Ready, Zen?" he asked and I just nodded as an answer

Sinuot namin yung cloak namin at pati na din yung hood bago lumabas ng bahay. We leave a note and a bag of gold and silver for Yna. Ang dami niyang natulong saamin simula ng nakapunta kami dito sa isla niya. We bothered her too much.

"I'm still sleepy" reklamo ni Draven at napahikab pa

"Kung natulog ka ba naman ng maaga kagabi edi sana 'di ka puyat" sermon sakaniya ni Diana and Draven just pouted

Isang oras na kaming nag lalakad at nagsimula na ding sumikat ang araw. Saka ko lang napansin ang mga dekorasyon sa paligid.

"Festival?" pag basa ko dun sa nakasulat sa isang banner

It's actually written in a different language but because Vil and I share the same mind, same knowledge, nabasa ko ito.

"Yup, may festival ngayon ang buong isla. Nabanggit iyon kahapon ni Yna, hindi mo ba nakinig?" tanong saakin ni Kade na nasa tabi ko lang

"No" sagot ko

"Sayang hindi tayo pwedeng pang magtagal dito kahit dalawa pang araw para sa festival" nanghihinayang na sabi ni Miller

"Yeah, I also want to join the celebration" malungkot na sabi naman ni Danica

Hindi na muli akong nagsalita at nagpatuloy nalang kami sa pag lalakad. Inabot kami ng panibagong isa pang oras hanggang sa marating namin ang isang dalampasigan.

"Don't tell me we have to swim down there?" I asked

Parang na trauma na ata ako sa pag langoy pota.

"Hahaha no. Don't worry Zen, we're not going to swim" sagot ni Kade kaya napakunot noo ko "We're going to fly"

He held up my chin kaya napatingala ako, pagka tingin ko ang may isang malaking isla na nakalutang sa itaas ng dagat. Napalunok ako dahil sa sobrang taas nito. I'm not afraid of heights but it's just too high. Naandito palang ako sa ibaba pero parang nalulula na ako sa sobrang taas nito.

"Afraid of heights?" mahinang tanong saakin ng katabi ko

Nag hahanda ang mga kasamahan ko kaya baka hindi nila kami pansin.

"Of course not. Ang taas lang masyado" sagot ko sakaniya

Inayos ko yung pagkakasuot saakin ng cloak ko para hindi ito matanggal kapag nasa ere na kami.

"Ako na kina Diana, Danica at Draven" sabi ni Kade at lumingon saakin "Ayos lang ba kung ikaw na kina Miller at Ethan?" tanong nya saakin

"Sure" sabi ko

Nauna na silang lumutang kaya nag concentrate na ako.

"Kapit" sabi ko

Kumapit sila parehas sa magkabilang balikat ko. Huminga ako ng malalim saka pumikit. Naramdaman kong nawala yung pagkakaapak ko sa lupa kaya alam kong nakalutang na kami.

Bumilis ng bumilis ang pagtaas namin kaya nag mulat na ako dahil baka naman malagpasan ko yung pupuntahan namin. Kasabay namin sina Kade at parang batang banong bano si Draven. Si Miller naman sa kabilang side ko ay nakanta pa ng I believe I can fly na lyrics.

Ilang minuto pa ay nakatungtong na din kami sa lumulutang na isla. Hindi ko mapigilan mamangha dahil kitang kita dito ang malawak na nasasakupan ng Vie de Islium.

"The leader is there" sabi nila kaya napalingon ako sa tinuturo nila

Ang taas ng hagdanan at ang itaas ito ay natatakluban na ng ulap.

"Inakyat nyo yan kahapon?" taka kong tanong

"Nope. Sa ibaba namin nakita ang pinuno dahil saktong kakababa palang niya dito. Sabi niya ay ngayon daw natin siya kitain dito but I can't see him anywhere so I guess he's up there" paliwanag ni Miller

Nag simula na kaming umakyat at todo ingat kami dahil baka matapilok o madulas kami, gulong kami pababa kung mangyayari man iyon. Nangangalahati palang kami ay pareparehas na kaming hingal.

"Can we just fly?" Draven asked and still catching his breath

"We can't use our power here" sabi ni Ethan kaya napakunot noo ko

I tried to release a single fire or sand but nothing works. Sinubukan din nina Miller na paganahin ang kapangyarihan nila pero wala talaga. So we have no choice but to walk.

Ilang minuto pa kaming umakyat and no one dares to look down dahil alam namin na sobrang taas na namin ngayon. The fuck? Is this the stairway to heaven? Baka masunog ako doon.

"Finally!" napahiga kami pareparehas ng makaakyat kami sa pinaka itaas 

Medyo mahamog dito dahil ata sa ulap. Nag pahinga lang kami ng isang minuto bago muling tumayo at nilibot ng tingin ang paligid. Pero pareparehas kaming napatingin sa unahan ng unti unting nawala ang hamog at tumambad saamin ang parang isang templo na gawa sa bato

"Let's go" sabi ni Ethan at nangunang maglakad

Sumunod kami sakaniya at panay tingin kami sa paligid hanghang sa makapasok kami sa loob ng templo. We can't use our power so we must be prepared for anything. Hindi nagtagal ay may nakita kaming isang malaking pabilog na parang portal pero hindi namin makita ang nasa kabilang side nito.

May isa ding parang malaking bathtub na gawa sa ibat ibang gem stones at nakalutang sa gitna na punong puno ng tubig na literal na kumikinang at umiilaw.

Meron pang nga statues dito sa loob na ewan ko kung sino sino ang nga ito. Iba't ibang uri sila ng nilalang, may mga pakpak, may mga buntot ng isda na parang serena at may ilan naman na may katawang tao pero itsura nila ay parang hayop.

"Mabuti naman at nakarating na kayo" natigilan kami sa pagtingin sa paligid ng may nagsalita mula sa gilid

Pagkatingin namin ay isang lalaki na halatang may edad na at ang tenga nito ay parang sa isang elf dahil patusok eh. Ngumiti ito ng sobrang tamis saamin at lumapit kaya tinanggal na namin yung mga hood na namin.

"Kanina ko pa kayo hinihintay" nakangiti pa din na saad nito

"Pasensya na po ngayon lang kami nakadating" nagalang na pagpapaumanhin nila

"Ayos lang iyon. Ako nga pala si Harold, ang pinuno dito sa buong isla. Sumunod kayo saakin at ibibigay ko ang simbolo namin na inyong hinihingi" sabi niya at naglakad paunahan kaya sumunod nalang kami sakaniya

Lumuhod siya sa tapat nung parang bathtub na nabanggit ko kanina at pumikit. Ilang sandali lang ay umilaw ang mga sandata na hawak ng mga statues at may ilaw na lumabas mula sa mga ito at tumama dun sa may nakalutang na bathtub.

May lumabas bigla itong isang diamond na pabilog at parang may nakaukit doon. Tumayo ang pinuno at kinuha yung diamond at inabot ito saakin dahil ako sa mas malapit sakaniya.

"Makikita mo na sila ihja" nakangiting sabi niya ng maabot ko yung simbolo

"Sino po?" taka kong tanong

"Lumapit ka sa tubig" sabi niya

Wala sa sarili kong inabot kung kanino man sa kasamahan ko yung simbolo habang hindi sila tinitingnan at dahan dahang naglakad papunta dun sa parang bathtub. Nanginginig ang kamay ko at sobrang bilis din ng tibok ng puso ko.

Hindi ko alam kung ilang beses akong napalunok dahil sa sobrang kaba hanggang sa tuluyan akong makalapit dito. Gusto kong maluha ng nakita ko muli ang mukha niya at unti unti naman umitong bumangon mula sa pagkalahiga sa ilalim ng tubig at naubo ubo pa.

"M-Mama.." hindi ako nag akasya ng oras at tinulungan siyang makababa sa doon at niyakap siya ng sobrang higpit.

"Sam.. sweetie" malambing na sabi niya at niyakap din ako kaya mas lalo akong napaiyak

Hindi ko pinansin ang basa niyang damit at mas lalo ko pa siyang niyakap.

"Mama.." todo ako ngayon sa pagiyak at wala akong pakialam kung makita nila akong ganito

"Shh.. tahana. Papangit ka nan, sige ka" pagbibiro ni mama kahit na alam kong naiyak na din siya

Kumalas sya sa pagkakayakap at pinunasan luha ko pero patuloy lang ito sa pag tulo.

"I-I can't believe that you're here now, standing in front of me and wiping my tears off" masaya kong sabi at muli siyang niyakap

"Diba sinabi ko na nagkikita tayo muli? Akala mo ba iiwan lang kita dito magisa?" natatawang sabi ni mama

"A-Alam nyo na po?" gulat kong tanong at napakalas sa yakap

"Of course I knew, sweetie. Mukhang bumababa na ata tingin mo saakin" natawa ako ng kaunti dahil sa sinabi ni mama

Pinunasan ko ang luha ko at ngumiti kay mama pero napatingin ako tinitingnan niya, ang mga kasamahan ko.

"Ah mama, mga kaibigan ko nga po pala" sabi ko "That's Miller, Kade, Draven, Diana, Danica, and Ethan"

Ngumiti si mama sakanila at lumapit kami "Mabuti naman at may mga kaibigan ka na ulit Sam, akala ko ikukulong mo nanaman sarili mo sa nakaraan eh" sabi ni mama bago hinarap mga kasamahan ko "Nice to meet you. Just call me tita Ariona para hindi naman masyadong pormal"

"Hi po tita!" nakangiting bati nila, except kay Ethan at Danica na parang may malalim na iniisip

Muling lumapit saamin yung leader at umamik "Hindi pa tapos ang supresa, ihja. May isa ka pang makikilala" sabi nito

Nawala ang ngiti sa labi ko at napalitan ito ng kaba. May ingkantasyon na ginawa ang pinuno at may isang pigura ng lalaki ang lumabas mula sa portal. Sobrang liwanag nito kaya hindi namin halos maaninag pero ng naglaho na ang liwanag ay nakita ko angbisang itsura ng lalaki na kasing edad lang siguro ni mama at para siyang multo.

Napakunot noo ko dahil ang inaasahan ko at si Paul pero.. sino siya? Napalingon ako kay mama ng hinawakan niya balikat ko.

"Go on. Talk to your father Sam" sabi ni mama kaya nanlaki mata ko at napalingon dun sa lalaki

He sweetly smile at me and opened his arms "Aren't you gonna hug me, sweetie---"

Mas mabilis pa sa alas quatro akong tumakbo papalapit sakaniya at niyakap siya ng mahigpit. Nangungulila ako sa yakap ng isang ama for 17 years tapos ngayon, nayakap ko na din si papa.

"P-Papa.." hindi ko alam ang sasabihin ko kaya nanatili nalang akong nakayakap dito pero kumalas siya at pinunasan mga luha ko

"Ang laki laki mo na, huling kita ko sayo noon ay isang malikot na sanggol ka palang" nakangiti ito pero bakas ang lungkot sa mukha niya

"Ano pong problema papa?" taka kong tanong

May problema kaya?

Continue Reading

You'll Also Like

333K 8.9K 71
Si Yssabelle Sebastian ay lumaki sa isang ampunan. Walang kaibigan at pamilya. Walang nakakaalam kung ano ang tunay na pagkatao niya, maliban na lang...
9.3K 3.1K 20
C O M P L E T E D What the hell is happening? Totoo ba ang mga nakikita ko? Ito na ba ang paraan ng katapusan ng mundo? Nung una gulay lang at mga k...
229K 7.8K 51
Fialkka Alalia Sarette Morgan together with her childhood friends went to the Academia de Mythra to save themselves from the destructive attack on Te...