Worthwood Academy

By PrincessCreamyCake

5.2M 161K 43K

"There's another heartbeat in the darkness." Worthwood Academy, a school where extraordinary is only ordinary... More

Prologue | Identity Seek
WA 1 - Elemental Curse
WA 2 - Little Wanderer
WA 3 - The Twin's Imaclum
WA 4 - Watch Your Back
WA 5 - Unexpected Friendship
WA 6 - Psycho-Telepathy
WA 7 - Went Overboard
WA 8 - Sleeping Beauty
WA 9 - Nydumm and Portals
WA 11 - Intangible Magic
WA 12 - Cold Corpse
WA 13 - Unleash The Codes
WA 14 - Answer
WA 15 - Caught On Act And The Talk
WA 16 - The Cursed Heir's Blood
WA 17 - Fire and Ice
WA 18 - Train To Fight
WA 19 - Mystical in Mystic Forest
WA 20 - Arro's Cursed Heir
WA 21 - A Monster And A Traitor
WA 22 - What Exactly Happened?
WA 23 - Physical Transitions
WA 24 - Unveiled Truth
WA 25 - Finally Captured
Last Chapter - The Day He Cried
First Half Epilogue
Prologue | Distracted Reality
WA [DR] 26 - The Real Journey Starts
WA [DR] 27 - Memories of Them
WA [DR] 28 - Fly With Me
WA [DR] 29 - Behind His Attitude
WA [DR] 30 - The Jerk Just Smirked
WA [DR] 31 - Garden Pixies
WA [DR] 32 - Good Luck, Nathalia
WA [DR] 33 - Parade of the Challengers
WA [DR] 34 - Bolt Spear
WA [DR] 35 - Stolen Memories
WA [DR] 36 - Right Time
WA [DR] 37 - Anything For His Happiness
WA [DR] 38 - Time for Bullshits
WA [DR] 39 - You're My End Game
WA [DR] 40 - Give Up and Fall
WA [DR] 41 - Insensitive
WA [DR] 42 - Winter Season
WA [DR] 43 - Feel At Home
WA [DR] 44 - Make Up Your Mind
WA [DR] 45 - Now, Shut Up
WA [DR] 46 - Turn Down The Tables
WA [DR] 47 - Actions Without Words
WA [DR] 48 - Honesty Or Pride?
WA [DR] 49 - Make It Worth The Slap
WA [DR] 50 - Not Fighting Back
WA [DR] 51 - Everything is a Wreck
WA [DR] 52 - Of Course
WA [DR] 53 - More Important
WA [DR] 54 - One of a Kind
WA [DR] 55 - Last Chapter
Second Half - Epilogue
Special Chapter | A Story of a Lifetime
Special Chapter 2 | Another Pulse
BRIZ'S STORY

WA 10 - The Fire Imaclum's Capacity

101K 3.2K 364
By PrincessCreamyCake

Your comments will be highly appreciated. Thank you!

CHAPTER TEN

THE FIRE IMACLUM'S CAPACITY

Pagkatapos naming kumain, parang gusto kong bumalik sa kwarto at matulog ulit. Madaling araw palang—hindi pa pumuputak ang manok, ginising na niya kami. Hikab ako ng hikab habang si Uryll nakatulala lang sa harap niya. Mukhang hindi rin siya nakatulog ng maayos.

Pababa na si Rachel ng hagdan at nakaayos na siya. "Get ready kids." Pareho kaming nakasalampak sa sofa ni Uryll. Any time pwede kaming bumagsak at makatulog ulit.

"Saan po tayo pupunta?"

She smirks, "Sa gubat. Kukuha tayo ng panggatong."

"What?" Supladong tanong ni Uryll.

Totoo nga na magbiro ka na sa taong lasing, huwag lang sa bagong gising. Kaya nga hindi ako nagsasalita habang katabi ko siya para maiwasang mabugahan niya ng kawalang-hiyaan. Nagsisimula na naman ang pagiging bastos niya.

""I thought we're here to train? We're not here to be your assistant."

Seryoso Uryll?

Natawa si Rachel sa sinabi ni Uryll. "Akala ko pa naman naiintindihan mo ang gusto kong sabihin sa inyo." Nailing siya, "Mas lalong hindi ko kayo gagawing alalay ko. Well, kung magiging matigas ang ulo mo at hindi ka makikinig sa akin, why not? Thank you for the idea, though." She winks at him. She composed herself well. "Pupunta tayong kakahuyan dahil kukuha tayo ng panggatong na gagamitin natin sa training niyo."

Ayan kasi! Ang dali-daling magreact kaya ka namamali ng interpretasyon. Gusto ko siyang sapakin!

Napalingon siya sa akin at sinamaan ako ng tingin. Nabasa na naman niya ang isip ko. 'Oh really?' The pain strikes my head like a hammer banging a nail. Damn! Napangiwi ako sa sobrang sakit ng ulo.

"Mukha mo! Bwisit ka!" Bulyaw ko at tumayo na.

Porket hindi ko pa alam kung papaano gamitin ang telepathy ko, gagamitin na niya 'yon laban sa akin? Wait until I learn how to use it! Aaraw-arawin ko siyang kausapin gamit ang telepathy ko!

Nasa may pinto na si Rachel at nag aabang sa aming dalawa. "Dalian niyo na dyan kung gusto niyong matapos tayo ng maaga." Sabi niya. Dahil nakatayo na ako, mabilis akong lumapit sa kanya saka niya binuksan ang pinto. Nauna akong lumabas kaya hindi ko alam kung tumayo na ba si Uryll. Matigas pa naman bungo ng taong 'yon!

Nang nauna siyang lumabas saka si Rachel, kitang-kita ko pa ang lukot niyang pagmumukha. Hinintay muna naming maisarado ni Rachel ang pinto ng kanilang bahay.

Humarap siya sa amin pagkatapos niya 'tong I-lock, "Just follow whatever I say. It's a must."

Tumango ako. "Opo."

If she can really help me, then I should! Wala naman akong nakikitang mali sa pagsunod sa kanya. Ynior trusted her with out lives kaya alam ko ring hindi niya gugustuhing may mangyaring masama sa amin ni Uryll.

Medyo madilim pa dahil madaling araw pa lang ngayon. Hindi ko rin alam kung bakit naisipan ni Rachel na umalis kami sa ganitong oras. Medyo maginaw pa at kakaiba ang ihip ng hangin na dumadapo sa balat ko.

"Let's head east." She said. "Alam kong marami tayong makukuha roon."

The place is creepy because there's only a minimal light showing. Sabi nga nila, nakakatakot talaga kapag gabi dahil hindi mo alam kung anong nabubuhay sa dilim. Indeed it's true! There's always heartbeat in the darkness.

"Watch out for snakes."

That hit me! Snakes for damn sake! Takot ako sa ahas. Although, hindi pa ako kailanman nakaka-encounter ng ahas ever since but I know, for sure, they are deadly. Snakes in our world are poisonous. They're in the hands of the demons.

Halos mapatalon ako nang umakbay si Uryll sa akin. Inilapit niya ang mukha sa tenga ko, "They bite hard, Delacroix. You better watch out." He whispered.

Damn.  Uryll just gave me creep! "Matuklaw ka rin sana!" I exclaimed to him.

He chuckled heartily as he walks ahead of me.

Napansin siguro ni Rachel na pinagti-tripan na naman ako ni Uryll, napatigil siya sa paglalakad at hinarap kaming dalawa. "Hindi ahas ang makakapatay sa inyong dalawa. Mismong ako ang gagawa ng paraan para hindi na kayo mahirapan pa." She glared at us. "Hindi ako nagbibiro! I'm nice but when the training starts, I show no mercy. Hindi sa lahat ng pagkakataon kailangan kong maging mabait sa inyong dalawa. Both of you should try to be friends with each other because you only got yourselves to lean on whenever there's danger or such. At least try to be cool with each other and set aside your differences."

Natahimik ako.

Oh—kay. She's pissed at us.

We walked for minutes—pansin ko lang, puro kami lakad. Nababagot na rin ako sa kakalakad namin.

"We're here." Rached announced. That made me feel relieved. "Kunin ninyo lahat ng kahoy na alam niyong magagamit natin sa training." She said.

"Damn this work!" I heard Uryll said it with frustration.

Gustuhin ko mang sagutin siya, hindi na lang. Like what Rachel said, we need to be friends—sort of. Hindi naman talaga kailangang super friends. Kaibigan lang. Kaibigan na alam kong hindi ka iiwan sa gitna ng laban.

Humiwalay ako sa kanya para maiwasang mainis sa mga pasaring niya. I want to be deaf right at this moment because he can't keep his shit to himself. Ang ingay niya ngayon! It's unusual for me to hear him talk beyond his limit, dahil nasanay akong puro siya titig at walang imik.

Rachel stood in the big rock near to where we are. "Faster!" She shouted. Halos umikot ang mga mata ko sa kanya. Kaya pala madaling araw pa lang umalis na kami, dahil malayo pala ang pagkukuhanan namin nitong mga kahoy. I guess we are at the peak of a mountain. "We don't have much time. Kailangan pa nating bumalik sa bahay at nang masimulan ang dapat masimulan. Faster!"

Kumuha pa ako ng kumuha ng mga kahoy. May malaking bag kaming dala ni Uryll at ang mga maliliit na kahoy ay nasa loob ng bag samantalang ang mga malalaking hindi naman kasya roon ay bitbit namin sa magkabilaang kamay.

Nang sinabi ni Rachel na tama na, mas lalo lang akong nanghina. Alam kong maglalakad na naman kami pauwi. At tsaka, may dala-dala pa kaming mga kahoy na sobrang bigat.

"Come on! Alam kong mabigat 'yang mga dala niyo, pero kailangan nating makabalik sa bahay sa eksaktong oras."

Damn it. Ang sakit na ng likod ko. Tagaktak ang mga pawis ko mula sa ulo at basang-basa na rin ang pang-itaas ko dahil sa pawis.

Pababa kami sa maputik na daan nang biglang parang tinusok ang utak ko sa sakit. 'This is your damn fault, Delacroix.' There's a pain in each word as he said those. 'I shouldn't be here doing these stuffs with you.'

This isn't just my damn fault! Hindi ko naman siya pinilit na sumama sa amin ah? Ynior just told me that he's coming with us! Wala akong kinalaman sa kung bakit siya narito ngayon! He shouldn't blame me for everything!

If were to choose my partner, I would rather choose his bestfriend Briz. Briz is way better than Uryll. He's just nothing compared to Briz. Hindi ko naman ginustong maging malapit sa kanya. For all I know, we don't click nor do we want in each other's way before this.

Hindi ko na siya pinatulan pa. I remained silent the whole time we head back to Rachel's house. Wala ngang tumulong sa akin nung gumulong ako sa matarik at maputik na daan kanina. Wala silang narinig mula sa akin. Hindi ako humingi ng tulong kay Uryll. Wala eh, kaya ko naman ang sarili ko. I don't want to be a burden to anyone.

We went to Rachel's lawn. Ipinalapag niya ang mga kinuha naming panggatong sa gitna at pinagtabi kami ni Uryll. Ramdam ko ang titig niya pero binalewala ko na lang at tumabi sa kanya ng hindi siya tinititigan. Walang imik akong tumayo sa tabi niya habang nakapamaywang siya. I crossed my arms as I heaved a sigh.

I keep my distance.

Naningkit ang mata ni Rachel, "Ano yan?" tanong niya habang tinuturo kaming dalawa. Hindi ako umimik. "Alam kong nag-away na naman kayo! Hindi ba kayo makaintindi? Paulit-ulit na lang ba ako, ha?" Nailing siya at sinamaan kami ng tingin. "Arrogance and pride will lead you to no good. Mamamatay kayo pareho ng dahil dyan. I told you to atleast try to be friend to each other, pero eto lang? Hanggang dito lang ba ang kaya niyong dalawa? If that's so, why don't you just try and kill each other! Para matapos na rin to! Nag-aaksaya lang tayo ng oras at panahon eh."

I let it slip.

Iritadong tumingin si Uryll sa kanya, "Can we start now?" walang kaabog-abog niyang tanong.

She shoot him glares. Pero hindi talaga natinag si Uryll. Walang nagawa si Rachel at itinuro ang mga kahoy sa tabi niya, "Kailangan niyong ilabas ang buong lakas ng Imaclum niyo. Feel it and don't let it break you."

What?

"P-pero— pag alma" ko.

She cuts me off by raising her index finger. "I don't want to hear any word from you Ms. Delacroix." She raised her brow primitively, "Alam kong natatakot kang gamitin ang Imacum mo, but that's the purpose of this training. You need to use your Imaclum in order for you to control it."

"I can't control it."

She smirks, "Yes you can. In fact, Uryll Hutchinson will help you stop it if it will go beyond the limit." She seems decided already. Ano pa nga ba ang magagawa ko? Now I'm left with no choice. "Now, let's begin!"

With trembling hands, pumikit ako at ibinuka ang palad ko. I can feel the warm feeling in my body. Sobrang init at nakakapaso. I opened my eyes and I saw my hands in fire. Fire... fire again. Pinapanuod ko ang pag lalagablab nito sa mga daliri ko. Namamanhid ang buo kong braso at para akong lumulutang sa ere. The feeling is overwhelming but dangerous. I don't want this! I don't want memories to flood in my mind again.

"More, Nathalia... More. Slowly release the force of your Imaclum." Ngayon ay parang aliw na aliw si Rachel sa panunuya sa akin. Mas natutuwa siyang makita akong nahihirapan. "Remember what that Imaclum had done to you... and your family." My family. Napatingin ako sa kanya. Nakapamaywang siyang nakatitig sa akin na may ngiti sa mga labi. "Namatay ang Papa mo ng dahil sa kapangyarihan mo, di ba? Now, what will you do, Nathalia? Papatayin mo rin ba ang mga kaibigan mo na katulad ng sinapit ng Papa mo?"

"Papatayin mo rin ba ang mga kaibigan mo na katulad ng sinapit ng Papa mo?"

"No!" Sigaw ko. "H-hindi ko magagawa s-sa kanila 'yon!" Briz, Wina, Rio, Xynthea.... Hindi ko magagawa sa kanila 'yon! Mas lalong nag-iinit ang katawan ko. Lumalakas na rin ang apoy sa kamay ko.

"Talaga? Then why are you acting like a baby?" She taunts.

"I'm not!" Itinaas ko ang mga kamay at pinanuod ang pagsasayaw ng apoy sa kamay ko. Mainit. Nakakapaso. Nararamdaman ko ang bawat hagod ng init sa katawan ko hanggang sa kaloob-looban ko... Nararamdaman ko na rin ang pagkirot ng utak ko. Nahihilo ako. Huwag sana maulit sa akin ang trahedyang nanakit sa napakaraming tao sa bayan namin. Ayaw ko ng maramdaman 'yon!

I took a glance at Uryll. Parang balewala lang sa kanya ang ginagawa niya. Nagawa niyang gawing ice ang kamay niya at pinaglalaruan ang kaonting ice na lumalabas sa kamay niya. Parang ang galing na niya sa pagkontrol ng Imaclum niya. Hindi katulad ng sa akin na hanggang ngayon, tanga pa rin sa paggamit ng sariling Imaclum.

I'm such a mess.

"More, Nathalia! More!"

I gathered all my strength para mapalakas pa ang pwersa. Parang inuubos ang lahat ng lakas ko. Ang init sa katawan. Pakiramdam ko hindi na lang ang kamay ko ang nag-aapoy ngayon kundi pati na rin ang buong katawan ko.

"Try to get hold of your Imaclum. Try to control the force. Don't let it break you this time! More! Control it!" Paulit-ulit na sigaw ni Rachel.

I hardened the grip.

"Look at yourself Nathalia." Sabi ni Rachel.

Nababalot ang buong katawan ko ng apoy. So is Uryll. He seems frozen. Naging blue na ang kulay ng balat niya samantalang ako nag-aapoy sa sobrang init.

Rachel has a wide grin on the face. "Slowly... be calm and eventually stop."

Sinasabayan niya kami sa paghinga hanggang sa unti-unting nawawala ang init sa katawan ko. Kahit ang apoy na bumabalot sa katawan ko ay nawawala. Ang tanging naiwan ay ang sa dalawa kong kamay. Gusto kong tumalon sa tuwa. But I painted a smile instead of doing such childish act.

"Now ... Let's test the capacity of your Imaclums. You need to exert your remaining strength to do this." She said. I took a deep breath. Ano kaya ang ipapagawa niya sa amin? My energy is close to draining. "We'll use these tree branches this time. Ilabas niyo ang sa tingin niyo'y kaya ng Imaclums niyo."

She grins and eyed me. I frown to the realization, "Ms. Delacroix, ikaw ang mauuna." I shake my head.

"No, no, kaya ko lang palabasin sa mga kamay ko pero hindi ko kayang—"

Pero hindi niya ako pinakinggan at kumuha siya ng ilang kahoy at ibinagsak 'yun sa harapan ko. Now, I'm doomed! "Light up these branches," she said as if she's really decided.

I stared at it. How can I possibly do that?

"Use your Imaclum." She said. "Just think. Find the connection between you and your Imaclum. Make it firm and you can light these up." Turo niya sa kahoy.

Ginawa ko ang sinabi niya. I felt the hotness of my hands up to my body. Yung init na nakakapaso. Napamulat ako at iginaya ang kamay ko sa direksyon ng mga kahoy.

"Take it easy and release the force." I did as I was told to do.

I bit my lower lip as I try to release the force in my hands. I concentrated even more. I am trying to flick my hands to release it but there is only a little fire. May maliit na apoy ang dumapo sa kahoy. Not enough para masunog 'yon.

"You can do it. Just focus." She said. Ginagawa ko naman eh. Hindi ko pa talaga kaya. "I can read your mind, darling. Don't think too much. Just focus!"

"Focus Delacroix." I rolled my eyes at him.

Napapikit ulit ako. Then the horrible memories came back like falling debris. Ang mga pangyayaring kinatatakutan ko hanggang ngayon ay bigla na lang bumuhos sa utak ko. I tried so hard para hindi mag breakdown. Hanggang sa maramdaman ko ang isang mabigat, mainit, at nakakapasong pwersa na lumabas galing sa mga kamay ko.

When I opened my eyes. Bang! Nag a-apoy na ang mga kahoy sa tabi ni Rachel.

She smirks at me, "Great job, Nathalia... You just need a little more practice on controlling your Imaclum. Hindi pa tayo tapos. Though, we're only starting but you're getting there." Tumango siya, "Your Imaclum is powerful. It can either destroy or build something... There's more to come, so you better rest and gain back your strength for tomorrow."

I smile broadly. This is the time of many firsts. I made it but it drained my whole energy. Pero wala na sa akin 'yon. Nagawa ko ang una at pinakamadali na paggamit ng Imaclum ko at alam kong magagawa ko pa ang susunod. So far, that made me happy. My Imaclum made me happy.

For me, it was the biggest achievement so far.

Continue Reading

You'll Also Like

24.8K 1.9K 25
My name is Avon Alcantara. Isa sa dalawang Sources of Fire. Pero hindi gaya ng kakambal ko, isa ako sa mga isinilang sa Chasm. Mundo kung saan na...
1.1M 53.5K 50
COMPLETED | Aerilon Academy unlocks the element within. Lucianna Sariel Rofocale is a mystery. Ang kapangyarihan niya ay kakaiba, at hindi nabibilang...
235K 7.2K 68
[COMPLETED] HUWAG ITONG BASAHIN KUNG HINDI PA NABABASA ANG 'Half Blood Academy (School of Halfbloods)' ••••••••••••• Sa ikalawang pagkakataon magigin...
577K 17.2K 86
Kayla is not your ordinary girl. Why? Because she really isn't. May kakayahan siyang hindi naiinitindihan ng ibang tao. She has a third eye. Hindi n...