Bewitched By You (After All S...

Por Warranj

743K 36.7K 7.8K

All throughout his life, Christian Ricaforte thought that he could never love someone else aside from Mera Fr... Más

Disclaimer
Bewitched By You
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50

Prologue

38.6K 852 249
Por Warranj

Inis kong inihagis ang dala kong duffel bag sa couch pagkapasok sa loob ng sala ni Eve. Pasalampak akong naupo sa sofa, inihilig ang batok sa sandalan at pinikit ng mariin ang mga mata. I sighed loudly. Narinig ko pa ang maingat na paglapat ng pintuan at ang mga yabag palapit sa gawi ko.

"Are you sure, Thali? I can't believe Tito Chester would do that to you! Does he even know that you're here?"

I breathed an exasperated sigh. "Hindi nga, Eve. Lumayas nga ako dahil itinuloy niya pa rin ang pagpapakasal doon sa babaeng 'yon! Imagine, it has been only two months since Mom died and there he was, marrying a gold digger!"

Sinuklay ko ang buhok gamit ang aking mga daliri ngunit napasimangot nang makapa ang matigas at magaspang na tekstura nito. Naalala kong hindi na nga pala kagaya ng dati ang itsura nito. From being soft and naturally curly, I have my hair dread in the shade of dark blonde.

Tamad akong nagmulat ng mga mata. I found my friend who has been staying here in Brooklyn Newyork for years sitting across me. Titig na titig siya sa akin na tila ba problema lang ang dala ko sa kaniya. Ngumuso ako.

"Palalayasin mo na ba ako? Mag-si-share naman ako nang panggastos sa'yo!"

Ngumisi siya. "How? Your bank accounts are all freeze."

Mas lalong nanulis ang nguso ko saka siya inirapan. Isa pa 'yon. As soon as the plane reached this foreign land, I tried to go to the nearest bank to get some money but found that it's unavailable. Sigurado akong si Daddy ang may kagagawan no'n at pakiramdam ko, mas lalo lang lumala ang galit ko para sa kaniya.

Maaaring sa mga oras na ito, may ideya na siyang lumayas ako. Or worst, he already had an idea that I'm out of the country.

Kaya kong mabuhay nang wala ang pera niya, ano!

Bumuntong hininga ako. 'Di mo sure, Thalia.

"This is a problem, Eve. Maliit na halaga lang ang dala kong pocket money. You know I don't always bring cash with me. Tiwala ako sa mga credit cards ko pero paano na ngayong pina-freeze ito ni Daddy?! Hindi ako manghihiram sa'yo."

Ngumiwi siya. "Wala rin naman akong ipapahiram sa'yo, Thalia. Life here isn't as easy as what they think of the people living abroad. Akala nila porque nasa ibang bansa, mapera na. Hindi nila alam, halos magkanda-paso na ang mga kamay ko sa pagluluto."

Sadness rolled on her eyes. Eve is a chef in The Brooklyn Dinner, a Italian restaurant in Downtown Brooklyn. She's been working there for years that I already lost count. Sa dinami dami ng kaibigan ko na naninirahan sa ibang bansa, siya ang napili kong puntahan dahil malalim na ang pinagsamahan namin bilang magkaibigan.

Even though sometimes I'm really stressing her, she still accepts me and love me like I'm just one in a million.

"I understand. You know I didn't go here to borrow money from you, right? Don't worry. Ako na ang bahala sa sarili ko. Didiskarte ako. I'll prove dad that I don't need his money." seryosong sagot ko habang titig na titig sa kaniya.

She gave me a gloomy smile. "The only thing I can offer you is this house, Thalia. Libre kang tumira dito hangga't gusto mo. Hangga't narito ka sa Brooklyn. Maging sa pagkain, ako na ang bahala."

"Thanks. Maghahanap ako ng raket dito, baka sakaling may magawa akong paraan."

Natawa siya. "Like what? Introduce yourself to some local here? Mind you, most of the guys here are after asian beauty. May lahi kang Pinay pero mas lumilitaw ang pagiging German mo."

Bumuntong hininga ako at nag-iwas ng tingin sa kaniya. It's not that I'm really thinking of that. Rebelde lang ako pero hindi ako mahilig makipagharutan sa mga lalaki. It's not my forte.

I anchored my eyes on the real Monsterra plant inside a white pot. The leaves are swaying slowly by the calm wind.

"It's good to think that I got Mommy's face. Sa tuwing nakikita ko ang sarili sa salamin, hindi ko maiwasan ang hindi siya maalala. Mabuti rin naman 'yon. Medyo nababawasan ang pangungulila ko sa kaniya." bahaw akong humalakhak.

Since mommy died of ovarian cancer months ago, I feel like a part of me died, too. I was really close with her more than I'm close with dad. Mahal ko naman si daddy kaya lang ay may pagkakataon talagang hindi ko gusto ang mga trip niya sa buhay.

Who in the right mind would marry his late wife's bestfriend just months after she died?

"Time will heal all the wounds, Thalia. Darating ang panahon na sa tuwing maaalala mo si Tita Carmina, hindi mo na kakailanganin pang malungkot..."

Tipid lang akong ngumiti nang hindi siya tinitingnan. I let my eyes stay on the green plant. For some reason, it helps to calm my head. Siguro ay dahil na rin sa itsura ng dahon nito habang masuyong isinasayaw ng hangin.

"You know what? Brooklyn is such a nice place. I'm sure you'll be able to forget your sentiments even for a short while. Ipapasyal kita bukas sa Manhattan bridge, wala akong pasok bukas." dagdag ni Eve na ikinatingin ko sa kaniya.

"Alright. No problem. Pumasok ka na, ayos na ako dito."

Nakabhis na rin siya at handa na sa pagpasok. I can't be a burden to her. Hindi ito ang plano ko. I went here to have a vacation, have her company as I try to calm my head.

Sa mga araw o buwan na mananatili ako dito, nakatatak na sa isip kong tutulungan ko siya sa mga gastusin niya. Kung alam ko lang na ganito ang gagawin sa akin ni daddy, sana doon pa lang sa Pinas ay kinuha ko na ang laman ng bank accounts ko.

Kapag sinuswerte ka nga naman.

Mag-iisang oras nang nakaalis si Eve para sa trabaho ngunit narito pa rin ako sa bakanteng kwarto niya, nakasalampak sa kama habang tulala sa kisame. I'm still trying to think of any ways I can do to help my friend. Kaunting halaga lang ang meron ako dito at sa tingin ko ay hindi ito aabutin ng isang linggo.

"Hindi ko naman puwedeng kuhanin ang kita ng shop ko. Kakailanganin nila 'yon kung sakaling magkaroon ng problema doon..." bulong ko sa sarili.

I'm owning a tattoo shop along side Taguig. Kilala na ito at ilang sa mga artista sa Pinas ay sa amin na nagpapamarka ng balat nila. I'm well respected in my line of business. Masaya naman ako dahil sariling pundar ko 'yon. At mas masaya ako dahil na rin sa hilig ko sa tattoo.

Nga lang, hindi ko maiwasan makatanggap ng pangngutya sa mga tao dahil maging ako ay nababalutan ng tattoo. My legs are all covered of it. Sinasabi nilang sayang ang maputing balat ko sa hita pababa sa aking binti dahil dinumihan ko daw. Those people can actually go and fuck themselves.

Nagpa-tattoo lang, madumi na agad? Don't they know that this art made my skin more me? It reminds me of who I am when I'm starting to question about my existence in this world. They root me when I'm starting to lose myself. They're too important to me I have to engrave them on my skin.

"Bahala na!" aburidong wika ko sa sarili bago bumangon at umalis mula sa kama.

I walked towards the window and set the curtain aside. I can see the Brooklyn bridge from afar. The sun was up with its casual elegance. Maybe I can go out for a walk as I try to think of any ways I can do to solve my problem.

Bitbit ang kaunting cash at cellphone, nagdesisyon akong bumaba mula sa apartment ni Eve. Dried leaves greeted me as I stepped my feet on the concrete ground. Luminga linga ako. I am somehow already familiar to Brooklyn. This is not my first time here. Ang unang beses ko ay kasama ko pa sila daddy at mommy.

I headed to the right and walked slowly. I am trying to fill my lungs with fresh air. Suminghap pa ako, tumingin sa langit at nagbuga ng hangin. I inserted my hands inside the pockets of my trench coat and anchored my eyes ahead of me. May iilan akong nakakasalubong. Kadalasan ay mga babae na diretso lang ang tingin at tila nagmamadali lagi sa paglakad.

Five minutes of walking and I already reached the Cadman Plaza Park. Maraming tao ang naroon, mga nakatambay lang pero karamihan ay may mga kasamang bata na naglalaro sa ilalim ng mga punong naroon. I sashayed towards the vacant bench and sat there.

Huminga ako ng malalim pagkaupo. Pumikit pa ako at kinalma ang isip. Nang magmulat ako matapos ang ilang segundo ay hindi sinasadyang napatingin ako sa kanang gawi ko. My eyes bore on the vacant bench near me. Napansin ko ang isang wallet na naroon. It looks thick and bulky. Kung titingnan sa malayo ay parang ang daming laman.

Luminga-linga ako, hinahanap ang posibleng may ari noon pero wala akong makita. Most of the people around were too busy on their own.

Damn it! Somewhere in me wants to get that wallet!

Ano, Thalia? Magnanakaw ka nang hindi iyo?

Shut up! It's not something you can call as nakaw. Naiwan ng may ari! Pupulutin ko lang!

Mariin akong pumikit sa bulong ng isip ko. Gusto kong kunin ang wallet pero nag-aalala akong may makakita sa akin at isiping ninakaw ko nga ang pera.

"Kunin mo na. Nag-aalinlangan ka pa?"

Mabilis akong napabaling sa gilid ko matapos marinig ang boses na 'yon. I saw a red haired woman sitting beside me. She's looking at me, mockery was rolling in her eyes. There's even a smirk etched on her pinkish lips.

"Are you talking to me?" I asked while raising my brow.

She chuckled and then chew the bubblegum inside her mouth. "Malamang. Maliban na lang kung may iba ka pang katabi na hindi ko nakikita."

She's a Filipina. Hindi halata dahil banyaga ang itsura niya. If she didn't speak Tagalog, I would have thought that she's a citizen here.

Pero ba't niya ba ako kinakausap?

I rolled my eyes and then looked back to the other bench beside me. Naroon pa rin ang wallet. Malakas ang kagustuhan kong kunin ang wallet na 'yon. Hindi kailanman naging issue sa akin ang pera kaya lang ay iba ngayon. I badly need money during my stay here! Hindi ako puwedeng umasa o humingi kay Eve. Ako na nga ang nakikitira, ako pa ang bibigyan niya ng pera?

"Come on. Go and take that wallet bago pa may mauna sa'yo. Kumikinang ang mga mata mo habang nakatingin ka roon." dinig kong sabi nung babae sa tabi ko sabay humalakhak.

Sinamaan ko siya ng tingin. "Bakit mo ba ako kinakausap? Hindi naman tayo magkakilala-"

"Edi magpapakilala ako sa'yo. I'm Bea! Masaya ka na?" Natawa siya, tila nang-aasar pa. "Sabi ko na nga ba at pinay ka. Mukha lang hindi dahil sa kulay ng mga mata mo. At saka, ang cool ng dreadlocks mo, ha!"

Kinuha niya pa ang dulo ng isa sa mga dreadlocks ko at pinagmasdan. Agad ko 'yung binawi sa kaniya saka siya inirapan muli.

"Sige na. Kunin mo na, baka maunahan ka pa. Huwag kang mag-alala, hindi naman kita isusumbong. Kung ako ang unang nakakita, siguradong kanina ko pa nakuha iyan."

Nang lingunin ko siya ay huli na ang lahat dahil naglalakad na siya palayo sa akin. Her hands were inside the pockets of her jeans. Sinundan ko siya ng tingin sa loob ng ilang segundo pero hindi na siya lumingon pa sa gawi ko.

Nang lingunin kong muli ang wallet ay naroon pa rin ito. Maybe it's meant to be left by the owner for me to have it. Kasi alam ng langit na kailangan ko ng pera?

Damn you, Zethalia. Using the heaven as your excuse? Really?

Basta, hindi pagnanakaw ang gagawin mo. Napulot mo lang ang wallet at hindi ninakaw.

"Tang ina..." bulong ko sa sarili saka tumayo.

Malakas ang kabog ng dibdib ko. Ni hindi ko alam kung pera ba ang laman ng wallet na ito. Baka mamaya ay puro resibo lang kaya nagmukhang makapal. Kapag ito puro resibo, ibabaon ko talaga ito sa lupa.

Isang beses pa akong luminga-linga sa paligid. Nang masigurong walang nakatingin sa akin ay naupo ako bench kung saan naroon ang wallet at nagpatay malisya. Ini-unat ko pa ang mga kamay ko at nagkunwaring humikab.

I once again looked around. Everybody seems to be busy and I feel like this is the right time to grab the wallet. Nagbaba ako ng tingin rito. May eyes widened when I saw thick dollar bills.

I gulped, my throat suddenly went dry. Kinuha ko agad ang wallet at itinago ito sa loob ng coat ko. Tumayo ako, mabilis ang pintig ng puso habang pinipilit maglakad ng natural.

What the hell am I doing?

Ilang hakbang na ang nagagawa ko. Alerto ang tainga ko sa maaaring tumawag sa akin, o hindi kaya ay habulin ako para sabihing kinuha ko ang wallet na naroon pero wala.

Nagpatuloy ako sa paglalakad...

"Put the wallet back."

Dumoble ang tibok ng puso ko. Kusa akong huminto pagkarinig ng boses na 'yon. I looked beside me and saw a man sitting on the bench. He's not looking at me. Nasa kawalan ang tingin niya, seryoso at kung titingnan ay parang hindi naman ako ang kinakausap niya.

Baka hindi naman talaga ako ang kausap niya?

The man suddenly raised his head. I met his grayish eyes that looks so intense and perilous... but sad.

"The wallet, put it back." he said, voice deep and authoritive.

Halos mabilaukan ako sa sariling laway dahil sa nerbyos na nararamdaman.

He saw me!

"W-What wallet? I don't know what you're t-talking about!" I stuttered.

Nagtaas siya ng kilay. Tumayo siya at walang sali-salita niyang hinila ang kaliwang kamay ko na nakapaloob sa suot kong coat at bahagya itong hinila. I was holding the brown leather wallet and our eyes both went there. Nang ituon niya ang tingin sa akin ay agad akong nag-iwas.

"You sure this was where you sat on?"

"Yes! I'm pretty sure I left my wallet here."

"Looks like someone already took it, Carl."

The man in front of me set his grayish eyes behind me. Tumungo ako dahil alam ko na agad kung ano ang pinaguusapan ng mga tao roon. The man breathed a sigh it landed across my cheeks. I could smell the scent of fresh bubble mint.

"The owner of the wallet is just meters away from you, woman." he said, his voice was intimidating as much as his face.

I didn't answer. Gusto kong mahiya sa pinaggagawa ko. I know in my head that I don't want to do it but a part of me told me that I had to. Maraming paraan para makatulong ako ng gastos kay Eve pero heto at puro kalokohan pa ang ginagawa ko. I have to admit that that woman named Bea had a huge role in making me do this.

"You're gonna give it back to them or I'll call the cops?"

Sinamaan ko ng tingin ang lalaki. His merciless were drilling into mine. Gwapo sana, pakielamero naman.

Bumuntong hininga ako.

"Nahihiya ako!" mahinang asik ko.

No words escaped his lips. He suddenly took the wallet from me and I have no choice but to give it. Pagkakuha ay nilagpasan niya ako. Sinundan ko siya ng tingin. Lumapit siya sa isang babae at lalaki na siguradong taga rito sa bansang ito. Parehas silang nag-uusap, nakapameywang pa ang lalaki habang nakatingin sa bench kung saan niya naiwan ang wallet.

I saw their lips moving. The man who asked me to give the wallet back sudden looked at my direction while pointing at me. Maging ang dalawang kausap ay napatingin na rin sa akin!

I immediately looked away. Bakit niya pa ako itinuro? Don't tell me sinabi niya pa ang totoong motibo ko sa wallet na 'yon?! Ibinalik ko na nga, eh!

Breathing ruggedly, I felt a poke in my shoulder. When I dared to look who it was, I saw the owner of the man beside me. Sa tabi niya ay naroon ang babae, parehas silang may ngiti sa labi nila.

"We were told that it's you who saw the wallet and gave it back to me. I want to say thank you. You don't know how important this money is for me. My daughter is in the hospital and this cash will be needed for her medicines..." his accent proved me that he's really from here. "Thank you is not enough. But if ever our paths crossed again, let me treat you some snacks."

Hindi ako nakaapuhap ng isasagot. Nakaalis na lang sila at lahat ay tanging ngiti lang naisagot ko. I was taken aback by his words. For some reason, I felt ashamed of myself.

Kumuha ako ng bagay na hindi sa akin dahil lang sa takot ko na manatili sa bansang ito nang walang sapat na pera. Natatakot akong maging pabigat sa kaibigan ko. Unang pagsubok pa lang mula nang dumating ako rito, heto at gagawa na agad ako ng kalokohan. Pakiramdam ko, ang laki-laki na ng problema ko. Hindi ko alam, may mas mabigat pa pala ang pinagdadaanan kesa sa akin.

"Feels nice to help, yeah?"

Nahinto ako sa pag-iisip nang maulinigan ang mga salitang iyon. The man who stopped me from doing bad was standing in front of me. Naglapat ang mga mata namin.

"As much as I want to thank you for not reporting me to the cops, I'm also in need of money!" I exclaimed through an angry whisper.

He raised his thick brow. It's dark and looks so natural. It even compliments his fair complexion.

"That doesn't mean you have to take things you don't own. There are so many ways to earn money. You don't have to steal."

"Whatever!"

The truth is... I'm too embarrassed to admit that he's right. Maraming paraan para kumita ako ng pera. Pero heto ako, kumukuha nang hindi akin.

Muli ko siyang sinamaan ng tingin. He licked his lower lip as he tilted his head to the other side. Nilampasan ko siya at naglakad na palayo sa kaniya. I heard him let out a low chuckle.

"Can't I get a thank you?" he said.

Bumusangot ako. I raised my middle finger without looking at him. Narinig kong muli ang bahaw na tawa niya.

I sighed loudly. So much for my first day here.

Seguir leyendo

También te gustarán

17.1K 1.5K 48
Isang babaeng ninakawan ng karapatan mabuhay ng maayos sa mundong kanyang ginagalawan. Isang babaeng ni minsan hindi naranasan ang pagkaitan ng mund...
4.4M 123K 56
Being a perfect daughter is what Mera Francheska only wants in her life. She wants nothing but to please her parents and follow whatever they ask eve...
760K 15.7K 43
Fifteen-year-old Shellie is stubbornly in love with the snobbish and serious Vincent-the man she calls her first love. But can true love overcome fir...
284K 9.4K 87
[ Wattpad Version Complete Chapters ] [ COMPLETE ] [ Can be read as stand-alone ] ••• SPG R18+ Damn closure. It only adds salt to the wound. Why have...