Chapter 9

11K 697 222
                                    

Masama ang tingin sa akin ni Eve habang ngumunguya ako ng pizza na dala niya mula sa The Brooklyn Diner. Nag-iwas ako ng tingin dahil alam ko naman na hindi maganda ang naging bungad ko sa kaniya lalo pa at kauuwi niya lang mula sa trabaho. 

"Minsan talaga hindi ko maintindihan kung ginagamit mo 'yang utak mo o ano. Obviously, hindi! Anong problema mo at sinagot sagot mo 'yung may ari ng hotel, Zethalia?!"

Ngumuso ako. "Alam ko naman na mali ako, Eve. Nainis lang talaga ako kasi masiyadong oa. Picture frame lang ayaw pa ipahawak. Paano lilinis 'yon kung hindi hahawakan, sige nga?"

"That's basically out of your business! Linisin niya man 'yon o hindi, labas ka na roon. And you don't just judge someone based on the way he acts. Hindi mo alam ang pinagdadaanan niya, Thali. You should have respected him and the privacy he wanted. Mahirap ba 'yon?"

Busangot ang mukha ko habang hinihiwa ang pizza sa platito ko. Panay ang kalansing ng mga kubyertos dahil sa pagdadabog ni Eve.

Malaki ang pagkakamali ko sa nangyaring alitan namin ni Christian. Hindi ko siya dapat sinagot lalo pa at wala naman talaga akong alam. Naiinis lang talaga ako sa sinabi niya na huwag akong umasta na magkaibigan kaming dalawa. 

Fine! We're not friends. I will just pretend that a stranger gave me a coffee that night and drove me home for no apparent reason. 

Bumuntong hininga ako. "Huwag ka na magalit, Eve. Ibinalik na sa akin ni Daddy ang access sa bank accounts ko. Makakatulong na ako sa'yo—"

"That's not what I meant! Kasasabi mo lang na ayaw mo nang umasa sa pera ng Daddy mo, hindi ba? Na gusto mong kumita dito dahil ayaw mong isipin niya na sa bandang huli, sa kaniya ka pa rin tatakbo. Wala akong pakielam sa gastusin dito, Thali. Ang sa akin lang, bakit mo kailangan bastusin iyong mismong may-ari? Nakakahiya pati sa kasamahan ko sa trabaho na nagpasok sa'yo doon!" angil niya. 

Mas lalong yumuko ang ulo ko dahil lahat ng sermon niya ay hindi ko magawang ilagan. Pinilit kong lunukin ang pizza sa bibig ko saka uminom ng blue lemon iced tea. When I looked at her, she's staring at her food with disappointment swimming in her eyes. 

Sa aming dalawa ni Eve, aaminin kong siya ang mas higit na mature kung mag-isip sa amin. Sa tuwing may gagawin akong kalokohan, hindi siya iyong klase ng kaibigan na hahayaan ako at sasakyan pa. She never tolerates me. Pagsasabihan niya pa ako hanggang sa ako na mismo ang marindi. 

"Hindi na ako aasa sa pera ni Daddy. Puwede naman akong kumuha sa kita namin sa shop sa Pinas. I'm sorry, Eve. I didn't mean to act that way. Hindi ko rin gustong ipahiya 'yong kasamahan mo sa trabaho. I want to apologize to her personally if you'd allow me. But I'm not going back to that hotel anymore. No damn way." 

Sinamaan niya ako ng tingin. Kung nakakamatay lang ang tingin, siguradong kanina pa ako nito ibinaon sa lupa. 

"You don't look apologetic, bitch. Huwag na! Ako na ang bahala sa kasamahan ko. Ang sa akin lang, Thalia, kung gusto mong dumiskarte sa lugar na ito, matuto kang makisama. Alam kong mayaman ka, kayo ni Tito Chester, pero sa Pinas lang 'yon. Hindi alam ng mga tao dito ang estado niyo sa buhay. Iyong lalaking binangga mo, hindi lang dito sa New York umiikot ang yaman niya kung hindi sa buong mundo. Go and try to search about the Ricafortes and you'll find out what I'm talking about."

Iyon nga ang ginawa ko nang matapos kami maghapunan. Lying flatly on my stomach in the middle of the bed, I clicked the search tab and typed his name. 

Christian Ricaforte...

The page loaded for a little while. Agad rin naman lumabas ang mga resulta at halos mangliit ang mga mata ko sa dami nito. I wiggled my feet as I scrolled down.

Bewitched By You (After All Side Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon