Chapter 45

11.5K 571 67
                                    

I have always been confident about the way I look. Simula nang magkaroon ako ng mga tattoo sa katawan, pakiramdam ko ay mas malaya kong naipapakita ang sarili ko. There’s no more satisfying about feeling that you have the freedom to show yourself.

Nga lang, sa mga oras na ito, hindi ko maramdaman ang tapang para sa sarili ko. I know meeting Christian’s parents again will be inevitable but I still have to face them no matter what. Kasabay ng pagpayag ko sa kasal na alok ni Christian ay ang katotohanan na kailangan ko rin harapin at pakisamahan ang mga magulang niya… lalo na ang Mama niya… gaano man nito kaayaw sa akin.

“You look nervous.”

Nagpakawala ako nang malalim na buntonghininga nang sabihin ‘yon ni Papa. I brushed my face with palms and anchored my eyes on him.

Magkatabi sila ni Tita Lyra, pormal ang ayos at nasa akin ang atensyon. Si Lauren ay nakaupo sa tabi ko, abala sa cartoons na pinapanood.

“I am, Pa.”

Tumaas ang kilay ni Papa sa naging sagot ko. “Hindi mo ugali ang kabahan sa kahit na anong bagay. It makes me wonder what kind of person she is for you to feel that way, Thalia. Did she do anything to you before?”

Umiling ako. “Wala naman, Papa. It just that I’m aware the she doesn’t like me for Christian-”

“And who is she to decide for her own son? Hindi na bata ang nobyo mo, hija.”

“Papa, alam mo naman po ang pananaw ng ibang tao pagdating sa mga babaeng may tattoo. Kung ang lalaki nga ay hinuhusgahan nila, ako pa po kaya?”

“Hindi basehan ang pagkakaroon ng tattoo, Thalia. Bakit naman si Hell na ubod ng dami ng tattoo ay tinanggap at minahal ni Chloe? Maging ng ibang tao sa paligid niya. Look at that man! He is respected by many. Mababait rin ang buong angkan.”

“Hell is different, ‘Pa. Mabait talaga si Chloe. Kahit ang pamilya nito ay tinanggap rin naman siya hindi kalaunan. Isa pa, wala namang hindi sumang-ayon sa relasyon ng dalawang ‘yon.”

“You have a point,” he sighed. “I just hope the two of them can go back to each other and fix their family. Habang bata pa si Embry.”

Tamad akong tumango at isinalampak ang likod sa couch. I tried to close my eyes and breathed a little. Pilit kong kinakalma ang isip dahil alam kong mamaya ay paghaharian na ako ng kaba.

Ngayon darating ang mga magulang ni Christian mula sa Brooklyn. Pupunta sila dito at mamamanhikan kagaya ng gusto ni Papa. Hindi ko alam kung ano ang reaksyon ng Mama niya tungkol sa pagpapakasal namin. He doesn’t want to tell me and I am betting that she’s against it. Kasi kung pumayag, hindi siya mag-aalinlangan na sabihin sa akin ang totoo.

“Mommy, am I going to meet my third lola today?” Lauren snapped me out of my thoughts.

Nagmulat ako ng mga mata at tipid na nginitian ang anak. She looks pretty and adorable in her pink dress and pink doll shoes. Alam niyang ngayon ang dating ng mga magulang ng Daddy niya. Pangatlong lola dahil una kong ipinakilala sa kaniya si Mommy. Pangalawang lola si Tita Lyra.

“Yes, Lauren. Be nice to her, okay? She’s kinda strict.”

Her small pink lips slightly protruded. “What if she won’t like me?”

Hindi rin ako sigurado kung magugustuhan ka niya oras na malaman niyang ako ang Mommy mo pero hindi pa rin ako nawawalang ng pag-asa.

“Just like your Daddy, she will surely like you, anak. Everyone will like you-”

“Dashiel doesn’t. He said that I am a spoiled girl and that he doesn’t like me.” she pouted even more.

“He said that? Did you two fight with each other again?”

Mali ata ako ng tanong. Mukhang inaway na naman niya si Dashiel dahil gano’n naman lagi ang eksena. Kahit bata pa, mahaba na kaagad ang pasensya ni Dashiel. Hindi na ako magugulat na napikon na siya kay Lauren.

Nang hindi sumagot ay hinawakan ko ang kamay niya.

“Lauren, be kind to Dashiel, hmm? He is a good boy and I am happy that you two became friends. Huwag kang masiyadong maldita sa kaniya.”

“Mommy, I’m not maldita and I’m not fighting with him.” busangot na aniya.

Tiningnan ko sina Papa at Tita Lyra saka umiling.

“Does his mother knows about Lauren?” mahina ang boses na tanong ni Papa.

“Hindi pa ata, Papa. Wala pang nababanggit sa akin si Christian.”

“Surprise then!” Tita Lyra chuckled.

Ilang sandaling pag-uusap pa ang lumipas bago kami nagkaniya kaniya ng tayo. Nagsuot ako ng pormal na damit para magmukhang disente pero kahit ata ano’ng damit ang suot ko ay magmumukha pa rin akong rebelde sa paningin niya.

“Hay. Bakit naman kasi masiyado siyang judgemental? Try niya muna akong kilalanin.” nakangusong bulong ko habang nakatingin sa salamin.

Wearing a royal blue sleeveless dress that reached my mid thighs, I paired it with a nude sandals and sprayed my favorite Chanel No. 5 L’eau.

Habang nakatingin sa sariling repleksyon ay bumukas ang pintuan. Nanghaba ang nguso ko nang makita ang pagsilip roon ni Christian. Gwapong gwapo sa suot na kulay sky blue na dress shirt.

“You’re here!” busangot na sabi ko.

His brow raised at me as soon as he closed the door silently.

“And that’s a bad thing?”

“Yes! I mean no!” lukot ang mukha ko nang harapin siya.

He was now walking towards me with a menace expression as if what I said made him mad. Sinalubong ko siya ng yakap at isinubsob ang mukha sa dibdib niya. His expensive perfume lingered in my nose.

Amoy mayaman talaga lagi ang isang ito! Sabagay. Mayaman naman kasi talaga.

“My fianceé doesn’t want me here, huh?” there was a sarcasm laced with in his voice. His natural American accent was damn attractive to hear.

“No, that’s not what I meant. I’m just nervous. Where are your parents?”

“Downstairs. And yours?”

Umangat ako mula sa pagkakasubsob ng mukha sa dibdib niya at tiningnan siya. Nagtama ang mga mata namin. I will always be amazed by his gray orbs. Nakakatuwang namana ‘yon ni Lauren sa kaniya. Pero ang sabi ni Christian, mas gusto niyang namana ni Lauren ang mga mata ko. He said that he has been fascinated with my green eyes ever since the day he saw me.

“Wala pa doon sina Papa?” tanong ko.

“It’s the maid who let us in.”

Napapikit ako nang mariin. Pakiramdam ko ay lalo nang mate-turn off sa akin ang mga magulang niya dahil imbes na kami nina Papa ang sasalubong sa kanila ay heto at pare-parehas kaming wala.

“What’s wrong?” he asked and caresses my cheek with his thumb.

“We were supposed to be downstairs as we welcome you! Tingnan mo at parehas kaming wala. Lalo nang aayaw sa akin ang Mama mo at paglalayuin tayo-”

“Ssh. You’re anxious, I know. But I’m here. You think I would let them break us? Walang nagawa si Mama noon para paghiwalayin tayo. Gano’n pa rin ngayon, Thalia. Ako pa rin ang masusunod.”

Bewitched By You (After All Side Story)Where stories live. Discover now