Chapter 49

12.4K 608 39
                                    

“Is he already inside, Tita Lyra?”

Panay ang silip ko sa bintana ng kotseng sinasakyan kahit na imposible namang makita ko siya. Kinakabahan lang talaga ako dahil pakiramdam ko ay hindi niya ako sisiputin. Baka mamaya ay masiyado lang ako umasa na darating siya at ang ending ay umuwi na pala ng Brooklyn.

“Oo. Mas maaga sa mismong oras. Excited ata masiyado.” natatawang sagot niya habang nakatayo sa labas ng kotse.

“Wait, Thalia. Are you thinking that he won’t attend the wedding? Na tatakasan ka niya?”

Nilingon ko si Millicent sa tabi ko nang sabihin niya ‘yon. Ngumuso ako, malakas ang tibok ng puso dahil sa matinding kaba.

“Medyo. Baka dala lang rin ng matinding kaba. Ganito pala ang pakiramdam ng kinakasal?” ngumiwi ako.

Millicent chuckled. She’s really beautiful in her emerald green gown. Nakataas ang buhok niya at kitang kita ang magandang hubog ng mukha.

“I don’t know. Hindi pa naman kami ikinakasal ni Calix.”

Huminga ako nang malalim at muling sinipat ang simbahan na puno na ng mga tao. Nasisiguro kong bigatin ang mga bisitang nasa loob dahil kilala ang mga Ricaforte sa mga resorts nila sa buong mundo. I heard from Papa that Mama Carliza also invited some of their business partners from different countries. At ngayon nga ay nariyan na.

Ang mga Monasterio ay nariyan rin. Sila ang pinakaunang pinadalhan namin ni Christian ng imbitasyon.

“The occasion is about to start, Thalia. Wala pang ideya si Christian na narito ka na,” nakangiting sabi ni Tita Lyra. We will wait for you inside.”

Tumango ako at tipid na ngumiti. Kahit ata ano’ng gawin ko ay hindi mababawasan ang kaba sa dibdib ko. Is this what they call wedding jitters? Si Christian kaya, kinakabahan rin? Iniisip niya kaya na baka hindi ko siya siputin?

“Show them how beautiful you are right now, Thalia. Ikaw ang pinakamaganda ngayon at araw mo ito. Huwag kang kabahan!” pagpapalakas ni Millicent ng loob ko.

Isang beses pa akong huminga nang malalim bago nagdesisyon na bumaba ng back seat. Millicent helped me with my gown for she’s my maid of honor. May ilang tao rin na hindi ko gaanong kakilala ang tumulong dahil literal na magarbo at mabigat ang wedding gown ko.

Sa entrada pa lang ay napapalibutan na kami ng napakaraming media. Nasisiguro ko na hindi magtatagal ay nasa iba’t ibang luxury magazine na ang pagmumukha ko.

“Ang bigat ng gown mo, Thali.” ungot ni Millicent na hawak ang dulo ng gown ko. 

Natawa ako dahil tama naman siya.

I still remember how Mama Carliza helped me choose the gown I would be wearing today. Noong una ay gusto ko na simple lang dahil duda akong kaya ko dalhin ang magarbong wedding gown but knowing her, she doesn’t want to settle for less.

This white off shoulder wedding gown I am wearing today was made of laces and Swarovski crystals. It cost three million pesos and I almost lost my conscious after knowing how expensive this is.

Wala akong ginastos ni singko. All expenses were shouldered by Christian. Alam kong barya lang sa kaniya ang lahat ng ginastos niya dahil literal na ubod siya ng yaman.

Kapag talaga naghiwalay kami ni Christian ay isasangla ko ito gown na ito para naman magkaroon pa ng silbi.

“Sobrang ganda mo, Ma’am Thalia. Para kang isang royal queen. Siguradong hahanga po lalo sa inyo ang groom.” sabi ng wedding coordinator habang tinutulungan ako maglakad patungo sa nakasaradong pintuan ng simbahan.

Bewitched By You (After All Side Story)Where stories live. Discover now