Chapter 10

11.5K 687 222
                                    

Ang nagtatanong na mga mata ni Maria ang kaagad na bumungad sa akin nang makapasok ako sa locker kung saan naroon ang mga gamit ng mga empleyado. 

"You were absent yesterday…" she said. 

Resign na ako kahapon, sizt. Pinabalik lang ako ng may-ari.

"Good morning!" I greeted and opened the locker Mrs. Smith gave me.

Katabi lang rin 'yon nang kay Maria kaya naman titig na titig siya sa akin nang buksan ko ito at ilagay ang maliit na shoulder bag ko roon. 

"My stomach didn't go well yesterday. Had to take some medicine and rest." I smiled.

She gave me a questioning look. I only raised my eyebrow at her to end the conversation. Iniayos ko ang bag sa loob ng locker bago ito isinara. Magpapalit na rin ako ng uniform at maghahanda na sa trabaho. 

Kaagad akong pumayag sa alok ni Christian na bumalik sa trabaho at huwag nang mag-resign. Aarte pa ba ako? Ako na nga ang pinababalik ng mismong may ari ng hotel. 

The moment I told Eve about the good news, she's really ecstatic. Hindi ko alam kung bakit big deal sa kaniya na nagkaayos kami ni Christian kahit na hindi niya naman ito personal na kilala. Siguro, talagang gusto niya lang ako magkaroon ng maayos na trabaho. 

The truth is, this job is just for experience while I'm here in Brooklyn. Bago matapos ang anim na buwan na pagtitigil ko dito, uuwi ako na ako ng Pinas at aatupagin ang sariling negosyo doon. 

And maybe… reconciliate with my father. 

Nagsimula na ako sa trabaho. Kagaya nung una, sa 40th floor pa rin akon naka-assign. Nga lang, hindi na si Maria ang kapareha ko. Ayos na rin dahil masiyadong madaldal ang isang 'yon. Minsan ay wala na kaming natatapos sa mga gawain dahil sa kaniya. She loves to talk and create senseless conversations and I hate that. 

Lunch came. Dahil hindi naman ako nagbabaon ng pagkain ay naisip kong sa coffee shop na lang sa tapat ng hotel kumain. Puwede na ako sa isang Blue Berry Cheesecake at isang Double Mocha frappé. Hindi rin naman ako mahilig sa kanin kung tutuusin. 

The sweet aroma of coffee lingered in my nostril as I pulled the double glass door of the shop. Hindi gaanong karami ang taong naroon kaya nakakita agad ako ng pupwestuhan ko hindi pa man nakakaupo.

I went to the counter and ordered. Habang sinasabi ang order ko ay panay ang tingin ko sa puwesto na balak kong upuan. 

"May I repeat your order, Ma'am? It's one Premium Blue Berry Cheesecake and Double Mocha frappé venti. Would that be all, Ma'am?"

Lumingon ako sa cashier nang marinig iyon. I nodded my head ang gave her five dollars when I saw the amount on the little monitor.
 
Mula pa 'yon sa pocket money ko nang magpunta ako dito. I don't mind spending them all since I'm now working. Hindi magtatagal at sasahod na rin ako. 

"Just wait for your order on the right side, please." pahabol nung kahera dahilan para umusod ako sa gilid.

Muli akong bumaling sa puwestong uupuan ko. I frowned when I saw somebody else occupying the table!

Ako diyan! 

Gusto ko sanang isigaw ang mga salitang iyon sa dalawang tao na naupo pero wala naman akong pruweba na ako nga ang nakapuwesto roon. The first come first serve rule definitely apply here. I just really want to sit on that spot for it's beside the wall glass. Mas makikita ko ang Brooklyn Bridge mula roon. 

"Marami naman kasing bakante, ba’t doon pa sila naupo?" pagmamaktol ko pa rin. 

"Blueberry cheesecake and double mocha frappe for Miss Thalia?" the Barista announced loudly as if I was too far from her. 

Bewitched By You (After All Side Story)Where stories live. Discover now