Chapter 1

17K 667 130
                                    

My face was still holding a frown as I was walking out of the Cadman Plaza Park. I know I should move on already because I didn't do anything wrong. Thanks to that gray eyed man for saving my ass! Gustuhin ko man magpasalamat sa kaniya kanina, hindi ko nagawa dahil pakiramdam ko ay mas nananaig sa kaniya ang kagustuhang kutyain ako. At isa pa...

Pera na, naging bato pa.

Kaya lang ay hindi nga ako dapat nanghihinayang na naibalik sa may-ari ang wallet na 'yon. The owner needs the money more than I do.

The concrete ground was filled with dried leaves. Sa bawat pag-apak ko, ang malutong na dahon ang naririnig ko. Nakatungo habang ang mga kamay ay nasa bulsa ng aking coat, bumuntong hininga ako saka nag-angat ng tingin. My eyes accidentally went to the right side when I saw a familiar woman.

Mas lalong bumagal ang bawat hakbang ko. If I remember it correctly, she introduced her name as Bea. She's pinned against a London Planetree by a tall man. Nakakunot ang noo ni Bea habang gumagalaw ang labi na tila may diskusyon silang dalawa.

I continued walking in slow pace.

"Bitawan mo nga ako!" asik nito roon sa lalaki.

They're too engaged in talking with each other that they don't see nor feel my presence already close to them. Kaya naman imbes na pabayaan sila, mas binagalan ko pa ang paglalakad habang nasa gawi nila ang mga mata.

Minsan, hobby ko rin ang pagiging tsismosa.

"I'm not holding you..." The man in front of her said.

Bumaba ang mga mata ni Bea sa bandang baba at hilaw na natawa.

"Oo nga, no? Hehe. Kung ganoon, umalis ka na lang sa harapan ko-"

"Not until you tell me where the fuck my heirloom is."

Are they a couple? Kung sila, bakit parang hindi naman? The guy was handsome. His body was well built. The muscles on his back was ripped beneath his gray sweatshirt. Nang lumakad pa ako ng kaunti ay natanaw ko ang gilid ng mukha niya. He had a foreign blood, too. That's for sure. He looks like a Latino.

"Malay ko sa heirloom mo! Ba't sa akin mo hinahanap 'yan?"

She's using tagalog against him. The guy must be a Filipino, too?

Biglang bumaling si Bea sa gawi ko. Nanglaki ang mga mata niya pagkakita sa akin.

"Hala, sis! Nandiyan ka na pala. Kanina ka pa ba? Sorry napaghintay kita!"

Tumaas ang kilay ko. Bumaling sa gawi ko iyong lalaki, nakakunot ang noo at tila iritado. Kinuha ni Bea ang pagkakataon na 'yon saka mabilis na itinulak ang lalaki at tumakbo palapit sa akin. She's smiling widely at me and suddenly held my hand.

"Kanina pa kita hinihintay! Ang aga ko dito!" aniya at hinawakan pa ako sa braso.

My brows knitted in a scowl. "Worüber redest du?"

Sa kabila ng ngiti niya ay napansin ko ang pagkunot ng noo niya.

"Shuta ka? Alien ka ba?" mahina at mariing bulong niya sa akin.

I sighed. Paminsan-minsan ay nagagamit ko ang lenggwahe ni mommy. Nasanay na rin. Back when she's still alive, we used to talk using her language. She taught me how to. I was raised speaking three languages. She's a pure German. Si daddy ay purong Filipino naman. Mas lamang sa itsura ko ang pagiging banyaga kaya hindi rin inaakala ng karamihan na may lahing pinay ako.

"I mean, what are you talking about? Kanina lang tayo nagkakila-"

"Huwag mo akong ibuko! Kunyari magkakilala tayo. Mars naman!"

Bewitched By You (After All Side Story)Where stories live. Discover now