Chapter 3

12.1K 666 123
                                    

Chapter 3

I rolled my eyes on Christian after hearing from the bartender that my order was already served. Instead, I anchored my eyes on my drink and took a sip of it.

"Enjoy your drink, Ma'am!" the bartender said.

Placing my glass over the counter, I glanced at him and nodded.

"Thanks."

Sinilip ko si Bea. My eyes blinked when I saw Max in front of her and the old man she's with. Base sa itsura ni Bea na masama ang tingin kay Max habang nakakapit sa matanda, mukhang nagdidiskusyon ang dalawa.

Pakiramdam ko, may relasyon ang dalawang ito. The way Max looked at her tells something. It's not hard to conclude since Max's eyes were too expressive.

Inalis ko ang tingin sa kanila at itinuon na lang ito sa inumin ko. Kaunti na nga lang ang pera ko ngunit heto at gumastos pa ako para sa alak na ito. But I guess five dollars won't hurt me.

Masakit pa rin sa bulsa iyon, Thalia, lalo na kung paubos na talaga ang pera mo!

I really need to look for a job. Tumatakbo ang araw at pakiramdam ko, habang nakatunganga ako ay nasasayang lang ang araw. Pero ano naman ang papasukan ko? I can't be a housemaid since I don't know much about household chores. Paghuhugas lang talaga ang alam ko kagaya ng sinabi ko kay Eve.

My train of thoughts were all halted when I heard the notification tone of my messenger. Tumungo ako at kinuha ang phone mula sa suot na sling bag. Bumungad sa akin ang pangalan ng ka-business partner ko sa tattoo shop na pag-aari namin.

Hell Suarez: Your ex boyfriend was looking for you today. I told him that you're out of the country. Hindi naniniwala ang gago.

Napairap ako. Why is that bastard still looking for me? I already told him that we're done. Na hindi naman talaga ako seryoso sa relasyon naming dalawa noon. Inilibre ko na nga lang ng tattoo sa shop ko noon para wala na siyang masabi.

I sighed loudly and typed a response.

Thalia Formilles: Tell him to go to hell.

His reply was three laughing emojis. Bago pa ako makasagot ay nakita ko ang tawag mula sa kaniya. It's a video call.

Luminga-linga ako. Kung dito ko sasagutin ay masiyadong maingay at baka hindi kami magkaintindihan.

Sa gitna ng paglibot ng mga mata ko ay muli kong nahagip si Christian na nakatingin sa gawi ko. Seryoso pa rin at para bang ako na lang ang tanging nakikita niya rito.

Seriously? Ano ba ang problema ng isang ito sa akin? Don't tell me he's still not over about what happened on that park? Naisoli na sa may-ari ang wallet, ah!

Sa hindi mabilang na pagkakataon, inirapan ko siya. Naglapag ako ng five dollars sa ibabaw ng counter at inisang lagok ang alak mula sa baso ko. I jumped out of the high stool and looked where Bea is. Naroon pa rin siya, ngayon ay si Max na lang ang kasama.

As soon as I got out of the bar, I answered the call and Hell's face greeted me. Sa tabi niya ay si Florence na girlfriend niya at isa rin sa empleyado ko sa shop. They're lying on the bed and I almost roll my eyes upon seeing them being so close.

I heard Hell's mocking chuckle play across the line.

"Ang bitter ng bungad mo!"

Natawa ako bago sumandal sa gilid ng isang itim na Lexus. I folded my arms across my chest and looked at the screen.

"Ang aga n'yo mag-lampungan." saad ko.

Florence laughed. "We were both drunk last night so we ended up here in his bed."

Bewitched By You (After All Side Story)Where stories live. Discover now