Chapter 20

12.5K 763 348
                                    

Ilang araw ko nang hindi nakikita si Christian sa hotel niya. Nakakapagtaka lang dahil palagi naman siyang umuuwi sa penthouse niya pero sa tuwing pupunta ako doon sa hapon para maglinis, hindi ko siya naaabutan.

Gusto ko sanang itanong kay Maria dahil medyo close naman na kami simula nang mangyari ang insidente sa pagitan namin ni Bella pero baka kung ano ang isipin niya.

Pero wala naman sigurong masama. Kunyari concerned citizen lang.

"Maria..." tawag ko sa kasamahan na ngayon ay abala sa paglalagay ng foundation sa mukha niya.

"Hmm?"

Nagkamot ako sa gilid ng sentido ko at pinagmasdan siyang nakakunot pa ang noo.

"I haven't seen Mr. Ricaforte these past few days. Is he busy?"

From the compact mirror she's holding, she gave me a side glance and smirked.

"Why are you looking for him? You know what, I forgot to ask you this but since that day in Mrs. Smith's office, I noticed that you and Mr. Ricaforte look very close to each other. Am I missing something here, Thalia?"

Sa tono ng pananalita niya, halatang mayroon siyang inaasahang sagot sa akin na magkukumpirma sa kung ano mang nabubuo sa isipan niya.

"Nothing special. He just helped me that time," I answered as her eyes narrowed into a slit. A smirk was forming in her pink shaded lips. I chuckled. "Really."

"I don't believe you," she laughed. "But I won't force you to tell me whatever's going on between the two of you. And to answer your question, I haven't seen him for awhile, too. Maybe he's busy with his other businesses."

Oo nga pala. Hindi lang naman ito ang negosyo na mayroon si Christian. As much as I don't want to admit this but I'm actually waiting for his message. Iyong sa apartment ang huli pa naming kita at simula no'n ay wala na siyang naging paramdam sa akin.

Pero siyempre, hindi niya naman obligasyon ang magparamdam sa akin. Nasanay lang talaga ako na palagi ko siyang nakikita simula nang magtrabaho ako dito sa Crowne Plaza Hotel.

Huwag mo nang ugaliin ang maging assuming, Zethalia.

Tatlong kwarto ang nilinis namin ni Maria sa loob ng isang oras. Mabuti na lang at tinanggal na ng management si Bella. Hindi rin talaga maganda kung magkakaroon ng unding na pakalat kalat dito sa hotel.

 Hindi rin talaga maganda kung magkakaroon ng unding na pakalat kalat dito sa hotel

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Iyon ang chat ni Florence na bumungad sa akin nang sumapit ang break time ko. I haven't talked to Florence ever since I heard from Hell what she did to him. Ayokong magkaroon ng kinakampihan pero kung totoong ginawa niya 'yon sa kaibigan ko, sa tingin ko ay hindi ko maiiwasan ang mairita sa kaniya.

 Ayokong magkaroon ng kinakampihan pero kung totoong ginawa niya 'yon sa kaibigan ko, sa tingin ko ay hindi ko maiiwasan ang mairita sa kaniya

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
Bewitched By You (After All Side Story)Where stories live. Discover now