My POSSESIVE BROTHERS..

Por Lil_angel18

240K 5.2K 189

Well, i Have a 3 possesives Brothers. At ngayon pa lang sinasabi ko na sa inyo na nakakainis ang may ganun na... Más

My POSSESIVE BROTHERS..
Chapter 1: BOREDOM KILLS..
Chapter 2: Learn How to LOVE.
Chapter 3: What I supposed to do?
Chapter 4: Si A,B at C
Chapter 5: Sweetness. ♥
Chapter 6: Boy Treasure
Chapter 7: Ang aking kakampi.
Chapter 8: Plano ulit?
Chapter 9: Secretly Dating. ⊙ω⊙
Chapter 10: Hide and seek -.-
Chapter 11: Harapan.
Chapter 12: True feelings.
Chapter 13: SchoolMates.
Chapter 14: Professor Simone
Chapter 15: Like Him?
Chapter 16: Kuya C.
Chapter 17: Frozen.
Chapter 18: First Crush
Chapter 19: Requirements.
Chapter 20: Queen Joyce Parisian
Chapter 21: My Prince and My Knight in shining Armor
Chapter 22: Just another day.
Chapter 23: I'm Courting Her.
Chapter 24: The Talk.
Chapter 25: Make her Happy
Chapter 26: Her Biggest Day (part 1)
Chapter 27: Her Biggest Day (Part-2)
Chapter 28: The Courting Game
Chapter 29: Here we go again.. Uggh!
Chapter 30: Daylan's POV
Chapter 31: Cookies n Cream :3
Chapter 32: Back to the business.
Chapter 33: Avoid Daylan daw?
Chapter 34: Signing of papers
Chapter 35: Do you like her?
Chapter 36: Demonic Band: The Past
Chapter 37: Mistake.
Chapter 38: Stare
Chapter 39: Lola is Here. BWAHAHAHA!
Chapter 40: Welcome to...
Chapter 41: Kind of People
Chapter 42: Tricycle
Chapter 43: Trabaho
Chapter 44: Ang Makulit kong Ina 。・゚゚*(>д<)*゚゚・。
Chapter 45: Kuya B.
Chapter 46: Free Day
Chapter 47: Not when she is Crying.
Chapter 48: Change of Mind
Chapter 49: Secretly inlove.
Chapter 50: Invisible Date
Chapter 51: Doubting Him
Chapter 52: Being a good Girlfriend
Chapter 53: Walang forever
Chapter 54: Be a good girl
Chapter 55: Love for Her
Chapter 56: Choose
Chapter 58: Sayo
Chapter 59: Okay
Chapter 60: Hate vs Love?
EPILOGUE
Special Chapter - Xyrene and Xedrick

Chapter 57: Patunayan

1.3K 38 2
Por Lil_angel18

Nasa bahay na kami at nagkukulong ako sa sariling kwarto.
Kanina pa ako kinakatok ng mga kuya ko sa labas para kumain pero sasabihin ko lang na hindi pa ako gutom. Kaya dadalhan na lang ako ng mga maid namin ng pagkain pero hindi ko anman nauubos.
Mabuti nga at hindi na nila sinisira ang pintuan ko e.

Bumalik na sa pagbabanda sila kuya Clint at Aqua. May gig na sila mamayang gabi na, hindi ko alam kung tutugtog pa ba ako o hindi na dahil wala naman ako sa mood masira ko pa ang gig nila.
Napagpasyahan kong tawagan na lang si Aqua.

Calling taong Tubig...

"Hello Idol? Ba't napatawag ka? Hindi ka pa ba maghahanda para sa gig mamaya?" rinig ko ang pagkataranta niya dahil madami akong naririnig na mga nababasag na bagay pati ang mga buntong hininga niya rinig na rinig.

"Uhh. Aqua tumawag ako para alamin kung kumusta na yung pagaaral mo sa Xtreme." sabi ko. Iba ang nagtuturo sa kanya at hindi si Kylie dahil nawala na lang daw ito ng hindi nagpapaalam, nalaman na lang nila na nasa America na yung taong yun. Haay. America. Bakit ba maraming taong gusto ka? Maraming taong gusto kang puntahan at iwan ang lugar, mga taong naiwan sa kinaroroonan nila..

"Opo! Willing po akong matuto, at dahil dun ay naging bihasa na po ako sa pagdadrums. Maraming salamat po sa tulong." pasasalamat niya.

Yung binayad ko kasing pangenroll ko para dun ay inilipat ko na lang kay Aqua dahil siya naman ang magiging drummer ng banda.

"Hahaha. Wala kang dapat ipasalamat. Ako pa dapat ang magpasalamat Aqua dahil sayo naging masaya ulit ang kuya ko." nakangiti kong sabi. Masaya ako dahil wala na silang problema.
"Uy. Aqua. Pakisabi na lang kay kuya Clint na hindi na ulit ako tutugtog dahil ikaw na ang papalit sa akin. Marunong ka nanaman e!" pilit akong tumawa.

"Eh diba po pangarap niyo rin ang maging drummer? Okay lang po sakin kahit hindi na ako maging parte ng banda basta --" pinutol ko siya.

"Aqua. Hindi naman ako makakapayag na hindi ka maging parte ng banda. At natupad ko nanaman ang maging drummer ah? Hindi nga lang matagal pero at least natupad ko na. Wag ka ng aalis dyan ah? Sasapakin kita sa bayag mo sige ka!" pambabanta ko naman.

"Ouch. Wag naman po sana Idol. Pero pangako po iingatan ko ang pagiging drummer ng banda." narinig ko pa siyang suminghot singhot na tila naiiyak na. "Ano ba yan bakit ako naiiyak? Lalaki ka Aqua lalaki!" rinig ko pang bulong niya.

"Haha. O sige na yun na yun. Byeee~!" ako na ang unang nagbaba ng tawag.

Bukas ay may pasok ulit ako. Mabuti na lang ay may pinakuhang tutor si Mama para makapagturo sakin para makahabol ako sa mga pinagaralan na nila.

Si Angel naman busy. Busy busihan ang bruha, sabi ko e turuan niya ako ng lessons. Aba naman! Busy daw siya! Kung alam ko lang nakikipagdate siya kay Demone habang wala ako.

Kasi si Demone ganun din ang dahilan e. Parehong pareho ng sinabi at paliwanag, halatang pinagplanuhan na nila.

Narinig ko naman may kumatok sa pinto ko at narinig ko si Mama. "Mae? Hindi ka pa ba babangon dyan? O gusto mong magpahila? Hindi ka ba pupunta sa gig ng kuya Clint mo? Diba kasali ka dun? Sige papasok na nga ako." nagtalukbong ako ng kumot kasi narinig ko ang pagbukas ng pintuan. Narinig ko rin ang kalansing ng mga susi

"Tulog ka na ba." naramdaman kong umupo si Mama sa kama at para hindi mahalatang nagtutulog tulugan ako ay hindi ako gumalaw ni dulo ng daliri ko hindi ko ginagalaw.

"Haaay. Tulog na yata. Ang higpit ng hawak sa kumot ah?" sabay tawa ni Mama. Alam niyang gising pa ako.

Ng marinig kong sumara na ang pintuan ay tinanggal ko na ang kumot sa mukha ko. Alam ko naman kasing importante kay kuya Clint ang gig niya ngayon e. Kaso wala naman ako sa mood pumunta.
Ano nanaman bang nangyayari sa akin? Balik kausap kisame at lapag na lang ba ulit ako? Hi to Mr. Kisame at Ms. Sahig na lang ba ulit ang peg ko?

Napagisip isip ko na hindi ako makakapayag na maging bored life ulit ang peg ko. Kung wala man si Daylan ngayon sa tabi ko, hindi naman pwedeng wala akong gawin habang hinihintay siyang bumalik... Kung may balak man siyang bumalik.

Napatingin ako sa malaking teddy bear na bigay niya sakin nung una kaming nagkita. Haha. Nakakatuwa naman na nakalagay dun "I LOVE YOU MY PRINCESS"
Buti pa yung teddy bear mahal na mahal ako. Siya hindi ko alam kung totoo pa ba yun.

Lumabas ako ng kwarto na bagong ligo at fresh na fresh. Silang lahat naman ay nakatunganga sa living room at nanonood ng TV.

Ng makita nila ako ay agad tumayo si Mama at pinupunasan ako kahit wala naman akong pawis.

"Pinagpawisan ka ba sa pagbaba sa hagdan Mae?" sabi ni Mama habang nagpupunas pa rin ng mukha ko. Kumunot naman ang noo ko kay Mama.

"Ma? Seryoso ka? Pagpapawisan ako sa pagbaba ng hagdan? Tsss." napairap na lang ako at ngumuso si Mama.

"Edwardo inaaway ako ni Mae oh! Ikaw lang kakampi ko rito eh!" tumakbo si Mama papunta kay Papa kaya hinagod niya na lang ang likod ni Mama at pinapatahan.

"Shh. Mali ka naman talaga. Shh." patuloy pa rin sa paghagod si Papa kay Mama kahit wala namang luhang lumalabas sa mga mata ni Mama.

"Ako mali edwardo?! Mali ako?!" pinagsusuntok niya si Papa na parang bata pero hindi naman iyon sinasalag ni Papa.

Haay. Buhay. Ang rude rude mo sa akin. Bakit ba, ano bang ginawa ko sayo.

"Hanggang ngayon suot mo pa rin ba ito? Pagkatapos ka niyang gaguhin?" hinawakan niya ang pendant ko na may pangalan ni Daylan at walang pinapakitang kahit anong ekspresyon ang mukha ni kuya Clint.

"Hindi ako naniniwala kuya. Na iniwan niya ako para sa ex niya. Patunay ito o." tinitigan ko pa ang kwintas at napangiti ng makita ang pangalang nakaukit doon.

"Pati ba naman ito?" si kuya Adam naman ang nakapansin sa key chain na hugis susi na may kapareho na puso. Na kay Daylan yung kapareho.

"O diba ang dami niyang napatunayan.sa akin kaya hindi ako naniniwala na ganun ganun na lang yun."

Wala nanaman sigurong gamit na binigay sa akin ni Daylan ano? Para mapuna ni kuya Blaze.

"Mae. You know that we are so hard when it comes to you, we are protective. That's why you're not going anywhere without one of us. And Mae one of those things that we hate is that." he pointed my pendant that I'm holding.

Napawi ang ngiti ko. Hindi ko nanaman matago ang mga luhang gustong dumaloy. Bago pa man tumulo iyon ay agad agad akong hinila ni Mama para makalabas kaming dalawa.

"I'm very very sorry Mae." yan agad ang una niyang sinabi sakin ni Mama.

"For what Ma?" garalgal na ang boses ko dahil sa pagpipigil ko ng luha..

"Para sa pagkakahiwalay ng landas niyo ni Daylan. Sorry ako ang may kasalanan." kinagat niya ang pangibabang labi at umiyak.

"Ma paki paliwanag naman ang nangyari." seryoso.kong sabi. Mukhang kelangan ko ng harapin ang dahilan.

Pinakalma muna ni Mama ang sarili niya bago ako hinila para sumakay sa kotse niya. Pinaharurot niya na agad ng takbo ang kotse niya at bago ko pa makita ang paligid ay nakahinto na pala ang kotse.

Lumabas na si Mama kaya lumabas na rin ako. Alangan namang magpabukas pa ako ng pinto. Alam ko namang tamad ang nanay ko.

Nahalata kong medyo malayo pala ito sa bahay namin at wala masyadong dumadaan na mga sasakyan sa kalsada.

Umupo kami sa isang bench na napaliligiran ng mga puno at masarap pa ang simoy ng hangin.
Palubog na rin ang araw kaya ang ganda gandang pagmasdan ang paligid. Ang hindi lang maganda ay ang mga luhang dumadaloy sa mga mata ni Mama.

Maya maya lang ay nagsimula na siyang magkwento. Halata sa mukha niya ang sakit at pagsisisi.

"Kasalanan ko talaga ang lahat Mae. Kasalanan ko pasensya na, naging manhid ako at hindi naisip ang mga posibleng mangyari." halatang sising sisi siya kung ano man ang iyong ginawa niya.

"Ano ba talagang nangyari Ma?" nagaalala kong sabi. Napahawak siya sa dibdib niya at lalo akong kinabahan. "Ma! Sumasakit ba ang puso mo?! May sakit ka na ba sa puso? Hindi ka ba makahinga? MA!"

"Haha. Loko ka anak pwede bang may hinahawakan lang?" saka niya lang nilabas ang isnag kwintas. Binuksan niya yun at nakita ko ang picture niya at sa kabilang parte ay picture ni tita Daniellah.
"Alam mo bang ang tagal naming ginawa to?" mapait pa siyang tumawa saka bumuhos ulit ang mga luha niya. Nanahimik na lang ako at nakinig. Ngayon ko lang napansin na hand-made pala yung kwintas.

"Simula bata pa lang kami naagdesisyunan namin na dapat may patunay kami sa isa't isa na magbestfriends kami. Kaya namin ginawa ito. Ang saya sayaaaa namin noon. Hanggang sa dumating ang tarantado mong Ama. Haha!" hindi pa rin tumitigil ang luha niyang patuloy lang sa pagagos.

"Ako ang unang nagkagusto sa kanya promise. Haha malandi talaga ang nanay mo anak. Ayun, lagi kong kinukwento sa kanya si Edwardo, hanggang sa nagisip kami ng kalokohan para makausap ko siya kahit sa FB man lang. Kaya ayun binigay ko ang email at password ko sa FB sa kanya kasi natotorpe talaga akong kausapin ang Papa mo dati haha. Then, ayun nga siya ang nagchat nakikisali rin naman ako dahil gusto ko nga siya makausap." nagbuntong hininga siya saka ngumiti na parang may inaalalang masakit na pangyayari.

"Habang tumatagal naiinlove na ako kay Edwardo kaya agad agad ko iyong sinabi kay Daniellah. Ngumingiti siya pero alam kong may mali.. hanggang sa nagaway kami dahil dun sa Gago, ako ang laging nangungumbinsi na magkabati kami ako pa ang nageeffort para maging magkaibigan ulit kami. Sabi ko kakalimutan ko ang lahat Mae para magkabati kami.." nagpunas ng luha si Mama at tinititigan lang ang kwintas na.hawak niya.

"Lahat sabi ko Mae kakalimutan ko kaya ang sinabi niya kalimutan ko na rin daw si Edwardo at ang pagmamahal ko rito. Sabi ko parang hindi ko kaya. Sabi niya yun lang daw ang paraan kaya ginawa ko.. Lumipat kami ng paaralan at tinupad niya ang sinabi niyang magkakabati na kami at natutuwa ako roon. Hanggang sa niligawan ako ni Edwardo, sabi ko sa kanya na ayoko siyang sagutin dahil magaaway lang kami ng bestfriend ko naintindihan iyon ng Papa mo at naging kami ng patago. Habang kami ng Papa mo ay itinutulak ko si Daniellah papalapit kay Adam para makalimutan na si Edwardo. Ayon sa aking plano ay natupad naman iyon naging ayos na rin sa kanya kung maging kami ni Edwardo dahil mahal niya na raw si Adam at tuwang tuwa ako nun Mae. Tuwang tuwa." nakangiti na si Mama pero agad napawi.

"Hanggang sa dumating ang araw na magaaway pala ulit kami.." humagulhol ulit siya ng iyak

"Ang sabi niya ayaw niya na raw sa inyo. Ilalayo niya daw si Daylan sa iyo at ayokong mangyari iyon dahil malulungkot ka nanaman Mae. Kaya ang sabi ko magkakasubukan kami kung itutuloy niya ang plano niya, nagtapang tapangan ako para sayo Mae. Hanggang sa ngumisi siya ng nakakaloko at alam kong hindi siya natatakot sa akin.. Ano nga bang panlaban ko diba?"tumawa ng mapakla si Mama.

"Hanggang sa sapilitan nilang dinala si Daylan sa America tinurukan siya ng pampatulog at sinama sa America. Hanggang ngayon hindi ko alam ang gagawin Mae. Hindi ko alam kung paano ko ba ito mareresolbahan ulit, kagaya ng dati.."

Seguir leyendo

También te gustarán

65.2K 2.3K 41
Kwentu ng isang Mahiyain na seloso at babaeng iyakin Kwentu ng isang babaeng tatanga tanga at lalaking OA Kwentu ng isang babaeng inosente at isang l...
485K 23.2K 73
May chanak -- este bata na nahulog sa kanal ang naligaw sa bahay ko. Kinupkop ko, inalagaan, pinakain, basta lahat na ng pinaka mabuting bagay ginawa...
21.2K 831 57
A Mafia and a Secret agent not a very good combination right? But what if they accidentally fall in love? Would they choose love? Would they fight...
52.2K 2.5K 43
[COMPLETED] "Love is one of the most weapon" Princess,She's a Princess of Moon kingdom,She have an obligations and responsibilities to her kingdom. A...