My POSSESIVE BROTHERS..

Lil_angel18 tarafından

240K 5.2K 189

Well, i Have a 3 possesives Brothers. At ngayon pa lang sinasabi ko na sa inyo na nakakainis ang may ganun na... Daha Fazla

My POSSESIVE BROTHERS..
Chapter 1: BOREDOM KILLS..
Chapter 2: Learn How to LOVE.
Chapter 3: What I supposed to do?
Chapter 4: Si A,B at C
Chapter 5: Sweetness. ♥
Chapter 6: Boy Treasure
Chapter 7: Ang aking kakampi.
Chapter 8: Plano ulit?
Chapter 9: Secretly Dating. ⊙ω⊙
Chapter 10: Hide and seek -.-
Chapter 11: Harapan.
Chapter 12: True feelings.
Chapter 13: SchoolMates.
Chapter 14: Professor Simone
Chapter 15: Like Him?
Chapter 16: Kuya C.
Chapter 17: Frozen.
Chapter 18: First Crush
Chapter 19: Requirements.
Chapter 20: Queen Joyce Parisian
Chapter 21: My Prince and My Knight in shining Armor
Chapter 22: Just another day.
Chapter 23: I'm Courting Her.
Chapter 24: The Talk.
Chapter 25: Make her Happy
Chapter 26: Her Biggest Day (part 1)
Chapter 27: Her Biggest Day (Part-2)
Chapter 28: The Courting Game
Chapter 29: Here we go again.. Uggh!
Chapter 30: Daylan's POV
Chapter 31: Cookies n Cream :3
Chapter 32: Back to the business.
Chapter 33: Avoid Daylan daw?
Chapter 34: Signing of papers
Chapter 35: Do you like her?
Chapter 36: Demonic Band: The Past
Chapter 37: Mistake.
Chapter 38: Stare
Chapter 39: Lola is Here. BWAHAHAHA!
Chapter 40: Welcome to...
Chapter 41: Kind of People
Chapter 42: Tricycle
Chapter 43: Trabaho
Chapter 44: Ang Makulit kong Ina 。・゚゚*(>д<)*゚゚・。
Chapter 45: Kuya B.
Chapter 46: Free Day
Chapter 47: Not when she is Crying.
Chapter 48: Change of Mind
Chapter 49: Secretly inlove.
Chapter 50: Invisible Date
Chapter 51: Doubting Him
Chapter 52: Being a good Girlfriend
Chapter 53: Walang forever
Chapter 54: Be a good girl
Chapter 55: Love for Her
Chapter 57: Patunayan
Chapter 58: Sayo
Chapter 59: Okay
Chapter 60: Hate vs Love?
EPILOGUE
Special Chapter - Xyrene and Xedrick

Chapter 56: Choose

1.3K 39 5
Lil_angel18 tarafından

Mae's POV

Umaga na nakabalik si Daylan at umepekto naman kaagad yung gamot na binigay niya. Dati kasi nagkaganto rin ako e, tapos ilang araw akong nagkasakit minsan linggo pa nga e. Kaya buti na lang maagang nakadating si Daylan dahil napakasakit na talaga ng ulo ko at parang di ko kakayanin.

Bumaba na ang temperatura ko at naging normal na kaya ayos na ako.
Si Daylan ay pinauwi kaagad ni Mama pagkabigay pa lang ng mga gamot.
Bakit ganun? Si Mama ang nagsimula pero parang ayaw niya na, ayaw niya ng ituloy. Akala ko ba ayos na sila ni Kuya Clint? Pero bakit inilalayo niya pa rin sakin si Daylan?

Sa sobrang pagiisip ko ay hindi ko naramdaman na nasa tabi ko pala si kuya Clint.
"Daylan nanaman ba yang iniisip mo? Nako ha. Hindi ako pumayag sa inyo para lang mabaliw ka kaiisip sa kanya." humalakhak si kuya Clint at hindi ko naman maitanggi na tungkol nga kay Daylan ang iniisip ko.

"Kasi nagtataka na ako kay Mama e. Dati, gustong gusto niya kami para sa isa't isa pero ngayon ipinagtutulakan niya pa si Daylan palayo. Maayos na ba talaga kayo kuya?" tanong ko. Biglang sumeryoso ang mukha ni kuya Clint at pinagmasdan akong mabuti.

"Hindi naman sa ayaw niya sa inyo. Natatakot lang siya at naguguluhan Mae." sabi ni kuya Clint. Hinaplos haplos niya ang aking buhok. "At yes. Okay na kami ni Mama." pahabol niyang sabi.

"Haay. Nakakaloka. Kasi nagtext sakin si Daylan na pagkauwing pagkauwi niya galit na galit si tita Daniellah sa kanya." nagaalala kong sabi.

"Mae, if it meant to be, it will be. Haha di ko alam kung ganyan ba yung nabasa ko na quote sa facebook. Hahaha! Sige na alis na ko. Puntahan ko si Aqua, nagpunta pa ang loko rito para ipaalam na nagwawala na ang fans namin." pamamaalam ni kuya Clint. Yinakap ko siya at ngumiti, hinalkan niya naman ako sa aking pisngi at muling namaalam.

Hanggang ngayon at nasa kama pa rin ako. Nakakatamad tumayo e kagigising ko pa lang kasi. Ganto ako tuwing umaga bago pa ako makabangon hihiga muna ako saglit at titingin sa kisame tapos tutulog ulit. Hahaha!

Dahil gutom na gutom na ako tumayo na ako dahil naaamoy ko na ang luto ni kuya Clint.
Nakita ko naman sa kusina na may nakahandang pagkain. Fried rice, fried chicken. O sige fried ng lahat.

Kumain na ako at saka lang sila kumain ng umupo ako. Talagang hinintay pa ko e. Alam naman nilang magmumunimuni muna ako bagk bumangon.

"Bakit di kayo kumain kanina? Bakit ngayon lang?"

"Hinihintay ka namin syempre." sagot naman ni kuya Adam. Umalis na si kuya Clint para nga pumunta kila Aqua Waters haha. Nasa kanya na lahat ng tubig e.

Tumango na lang ako at ngumiti. Nagpatuloy lang ako sa pagkain. Tahimik ang hapag kainan. Walang nagtangkang magsalita hanggang sa nagsalita si Papa at ngiting ngiti.

"Babalik na tayo sa bahay natin! Babalik na tayo sa Manila mamaya! Hindi ba masaya?" masayang sabi niya.

Nakita ko namang lumungkot ang mukha ni kuya Adam at wala namang ekspresyon si kuya Blaze sa sinabi ni Papa.
Si Mama naman ay suminghot singhot pa wala namang luha.

"Huhuhu! Mamamaalam na ako sa aking mga kumare rito. Sige na aalis muna ako." umalis na si Mama. At parang umalis lang siya para umiwas sa usapan.

Nagtaka naman ako sa mga kinikilos nila dahil parang sobra nilang tahimik na para bang may itinatago sila sa akin.

"May nalalaman ba kayo na hindi ko alam?" diretsahang tanong ko.

Kunwaring nagulat pa si Papa. "Kami? May itatago sayo? HA-HA-HA! Wala no," saka nagiwas ng tingin. Umupo na lang siya sa sofa at nanood ng TV.
Sumunod ang dalawa sa kanya. Umupo ako sa tabi ni kuya Blaze nagbabakaling magsabi siya ng totoo.

Tinitigan ko lang si kuya Blaze at ng mapatingin siya sakin ay ngumiti ako. Pero tumingin ulit siya sa TV, iniiwasan ako. Ano ba talagang meron? At pati si kuya Blaze ay hindi ko madaan sa ngiti?

"Ganyanan na tayo ah! Nagtatago na kayo ng sekreto sa akin!" sabi ko.

"Wala naman kasi kaming tinatago Princess." sabi naman sakin ni Kuya Adam na sinangayunan ni kuya Blaze.

"Bahala nga kayo dyan!" padabog akong umalis pero may humawak.sa braso ko para pigilan ako.

"And where the heck are you going?" pagpigil sakin ni.kuya Blaze. Hindi naman dapat ako aalis e, alibi ko.lang yun baka sakaling sabihin na.nila kung ano man yung tinatago nila.

"Ahm. Dyan lang." sagot ko.

"Maraming 'Dyan lang' Mae." si kuya Adam naman ngayon ang nagsalita. "O sige tara punta tayo sa 'Dyan lang' mo." tumayo si kuya Adam halatang sasamahan ako sa 'Dyan lang' ko.
Eh hindi ko nga alam kung saan ako pupunta e.

"No, Adam. Mae is not going anywhere. Kagagaling niya lang sa sakit! For whoever's sake!" oo nga pala nakalimutan kong Doctor itong kuya Blaze ko.

"Okay po Doc." sabi ni kuya Adam saka humalakhak.

"Tss." sagot naman ni kuya Blaze. Sinunod ko na lang angsinabi ni kuya Blaze at nanatili na lang sa bahay.

Pumasok ako sa aking kwarto at nakita kong umiilaw ang aking cellphone. Daylan's calling...

Agad agad kong sinagot ang phone ko.

"Hello Daylan?" masaya kong sabi.

"Magisip tayo ng endearment. Sigeee naaa~!"

"Yan lang ang tinawag mo sakin ganun?!" ewan ko ba kung bakit ang dali kong mahigh blood ngayon. Siguro dahil sa kagagaling ko lang sa sakit. Pero ganun ba talaga yun?

"Wala lang. Gusto ko lang na may endearment tayo para mas sweet. Ayaw mo nun?"

"Ang kulit mo ano? Okay na nga sakin kahit pangalan na lang." napabuntong hininga na lang ako. Ayoko kasi talaga sa mga endearment. Nakokornihan ako.

"Hay. O sige na nga. Babe, okay na ba ang pakiramdam mo?" nagaalalang tanong niya sakin

"Ayoko nga sabi ng endearment Daylan."

"Edi ako na lang ang may tawag sa iyo. Kahit Daylan na lang sakin okay lang. Gusto ko pa naman sana Angel-Heart ang tawagan natin."

"Bakit naman? Parang ang korni."

"Bakit naman korni? Kung ikaw ang Anghel ng puso ko. O diba? Ikaw tawag ko sayo Angel, sa akin yung heart. Hahahaha!" di ko alam kung bakit kinikilig ako sa endearment niya kahit na sabi ko nakokornihan ako.

"..."

"Uy hindi siya nakasagot. Yiiehh! Kinilig ka no?" narinig ko ang paghalakhak niya over the phone.

"Leche ka! Oo na kinikilig na ko!"

"Eh bakit galit ka pa? Haha." lintek na lalaking to. Laging pinapabilis ang tibok ng puso ko. "Nga pala nabalitaan ko na babalik na kayong manila? Kasi ngayon na kami aalis e. Kelan ba ang inyo?"

"Miss mo na agad ako? Hahaha." tawa ko.

"Oo. Masama ba yun? Kahit ilang minuto pa lang tayong di nagkikita e namimiss na kita.." napahinto ako sa aking sasabihin at napangiti. Hindi ko na nga tinatanggal ang kwintas na bigay niya sakin e. Feeling ko kasi lagi siyang nasa tabi ko kapag suot suot ko ito, kahit sa pagligo dala dala ko pa rin.

"Pero Mae.. Hindi ko alam kung bakit. Pero..." nagaalangan pa siyang sabihin sakin ang gusto niyang sabihin.

"Pero ano?" kinakabahan ako sa sasabihin niya.

"Pinapapili kasi ako ni Mama na pagaralin ako sa ibang bansa o hindi na daw nila ulit ako sosoportahan kung ikaw ang pipiliin ko." napabuntong hininga siya.

Napahinto ako sa pagiisip at nalaman na lang na naluluha na ako. "Bakit naman ganun? Ano ba talagang nangyari? Kung kelan naging tayo saka naman sila nagkakaganyan."

"Hindi ko rin alam Mae.. Pero hindi ko hahayaan na malayo ako sayo pangako." hindi ko na kinaya na magusap pa kami at malaman ang desisyon niya kaya binaba ko na ang tawag.

Iniisip ko kung bakit ganun na lamang ang desisyon ni Tita Daniellah. May problema bang hindi ko nalalaman?

Bago pa ako magisip ng kung ano ano ay lumabas ako sa kwarto at tinanong ulit sila papa kung ano ba ang problema. Na nalaman ko kay Daylan na pinapapili siya.

"Ano na? Ayaw niyo pa rin bang sabihin? Hindi lang kayo ang naaapektuhan dito." sabi ko.

Si kuya Blaze ang tumayo para pahidin ang luha ko saka ako yinakap. "He chose to leave Mae. He's a jerk I know. He explained that he'll come back. Maybe by now he's flying to America."

"But he called me! Ang sabi niya hindi niya hahayaang malayo kami sa isa't isa. Imposible naman yang sinasabi mo." umiling iling ako at mariin kong ipinikit ang mga mata ko, pinipigilan ang luhang gustong lumabas.

Si kuya Adam naman ang nagsalita. "Yes. Alam namin na tatawag siya, dahil hindi naman talaga si Daylan yun e. Gawa yun ng kuya niya, pero ang iba ay nirecord niya. Mae, we promised to you that we will not be a burden in your relationship with him, but Mae sobra na ang binibigay niyang pasakit sa iyo. Sobra na."

Napaupo ako sa sofa dahil sa panghihina ng tuhod ko. Hindi pwede. Nangako siya sakin e.
Mahigpit kong hinawakan ang kwintas na binigay niya sakin, isang patunay na mahal niya ako.

"Hindi pwede. Sinabi niya sa akin na mahal niya ako. Hindi pwede basta basta siyang mangiiwan!"

Yinakap ako ng dalawa kong kuya. "If he loves you, why he choose to leave you Mae? Is there any a valid reason why?" mahinahon na boses ni kuya Blaze.

"Dahil.. Dahil. Pinapili siya ng Mama niya.."

"Yun na yun? Pwede siyang magdesisyon magisa Mae hindi na siya bata." sabi ni kuya Adam.

Bakit nga ba Daylan? Bakit ka biglaang mangiiwan? Ano pa bang kulang sa akin?

"At Mae. Naalala mo ba nung pumunta siya sa Manila?" tumango ako sa sinabi ni kuya Adam. "Nung umuwi siya sa condo niya, doon nakita namin ang ex niya. Ibig sabihin nagkasama sila ng ex niya sa condo niya noong nasa manila siya."

Ngayon parang nagdududa na ako kung ano mang dahilan ni Daylan kung bakit siya umalis. Dahil ba yun sa akin o baka naman tungkol ulit sa ex niya?

"Sabi kasi ng kinuha kong detective aalis din daw si Joyce papuntang america."


Okumaya devam et

Bunları da Beğeneceksin

488K 23.2K 73
May chanak -- este bata na nahulog sa kanal ang naligaw sa bahay ko. Kinupkop ko, inalagaan, pinakain, basta lahat na ng pinaka mabuting bagay ginawa...
52.3K 2.5K 43
[COMPLETED] "Love is one of the most weapon" Princess,She's a Princess of Moon kingdom,She have an obligations and responsibilities to her kingdom. A...
977K 31K 129
DIM Series #1: Iñigo Valenzona (This is an epistolary) Rozel Roxas had tons of crushes when she was still in Grade 11 and she has always been vocal w...
885K 25.9K 42
Akala ko sa wattpad lang ang mga bampira. Akala ko tanging malalawak lang na imahinasyon ng mga nagsusulat ang mga bampira... Pero akala ko lang pala...