The Sweetest Escape

Av endlesslaugh

318K 8.6K 485

Isang libong piso, anim na pares ng damit, makeup kit, isang toothbrush, at cellphone na walang load lang ang... Mer

Prologue
One
Two
Three
Four
Five
Six
Seven
Eight
Nine
Ten
Eleven
Twelve
Thirteen
Fourteen
Fifteen
Sixteen
Seventeen
Eighteen
Nineteen
Twenty
Twenty-one
Twenty-two
Twenty-three
Twenty-four
Twenty-five
Twenty-six
Twenty-seven
Twenty-eight
Twenty-nine
Thirty-one
Thirty-two
Thirty-three
Thirty-four
Thirty-five
Thirty-six
Thirty-seven
Thirty-eight
Thirty-nine
Forty
Forty-one
Forty-two
Forty-three
Forty-four
Forty-five
Forty-six
Epilogue
Thank You!

Thirty

5.7K 184 11
Av endlesslaugh

(Happy birthday ate Dory! Ito na lang gift ko sa'yo. I hope you like it. :*)

Hannah

Pagdating talaga kay Migs, kailangan ihanda mo ang sarili mo sa mga sorpresa niya.

Ine-expect kong magjo-joyride kami at pupunta sa mall dahil, iyon naman ang ginagawa sa date 'di ba? Kaya nga gulat na gulat ako nang dalhin niya ako sa kubo kung saan sila madalas tumatambay ng mga katrabaho niya kapag natutulog sila sa tanghali o kaya nag-iinuman sa gabi.

Inaalalayan ako ni Migs sa paglalakad. Paano ba naman kasi, heels ang ipinasuot sa akin. Nang utusan niya akong suotin ang mga hinanda niyang damit, inisip ko na naghalungkat siya ng drawer ko. Nagulat na lang ako nang makakita ng isang napakagandang dress at shoes doon. May tag pa pero tinanggal na yung presyo.

May kasama rin itong note:

Favorite color mo, 'di ba?

Hindi ko masasabing ako ang pumili ng lahat ng items. Humingi ako ng tulong. Sana magustuhan mo.

Tinitigan ko ang sulat-kamay niya. Ewan ko ba kung bakit big-deal sa akin pero pang-doktor talaga ang sulat niya. Halos hindi ko mabasa ng maayos pero naintindihan ko rin naman kaagad. Katulad ng nagsulat.

Namangha ako sa dress. Itim iyon, mataas ang neckline at short-sleeved. Nang isukat ko na ay sakto lang siya sa akin. Nagtataka lang ako kung ganoon ba talaga kaiksi ang laylayan nito na palobo. Nagtatapos ito isang dangkal pataas, mula sa tuhod ko. Yung sapatos naman ay itim rin. Open-toed at strappy. Katulad ng dress, perfect fit. May kasama pa itong bangles and earrings, black and white pareho.

Hindi ko alam kung anong gagawin ko sa buhok ko kaya tinali ko pataas para na rin ma-emphasize yung hikaw. Light touches ng makeup. Napansin ko kasing mas pabor siya doon.

Pumunta ako sa banyo at tumingin sa full-length mirror doon. Nanikip ang dibdib ko sa nakita ko. Ang desente kong tingnan. Parang yung mga babae sa school na parang ang tanging problema lang sa buhay ay kung unat pa ang buhok nila o kung maayos pa ang lipstick nila. Mukha akong presentable. I never imagined I could be that girl, and for a moment, I was.

Dahil sa lalaking ito.

Nagkaroon ako ng tiyansang pagmasdan siya kanina pagbaba ko sa kusina. Mukha siyang model na hinila mula sa brochure. Imbis na ang usual na puting T-shirt, nakasuot siya ng light blue dress shirt na nakatupi hanggang siko niya. Undone ang unang butones ng shirt and somehow that added to the appeal. Naka-jeans pa rin siya pero hindi yung jeans niya na pantrabaho. Iyon yung tipo ng jeans na susuotin mo kapag gagala ka. Yung susuotin mo kapag may importanteng okayson.

Napangiti ako sa image niya. Sa getup niya parang pinapaalala niya sa akin na hot siya kahit ano pang isuot mo sa kanya. Hell, kahit itim na basurahan pa ang isuot niya, hot siya sa mga mata ko.

Hindi ko nga lang aaminin iyon sa mukha niya.

Pagdating sa kubo ay nakita ko si Barney sa may pasukan, nakasuot ng uniform ng waiter at naka-pomada ang buhok.

Tumawa ako. "Barney?"

Napansin kong nag-twitch ang gilid ng labi niya pero pinigilan niyang tumawa. "Ma'am." Tinuro niya ang nametag sa dibdib niya.

Ako naman ang nagpigil sa tawa. "Sorry. Benito. Anong teatro ang sasalihan mo't para kang penguin na Elvis Presley?"

Sa tabi ko, nagpanggap si Migs na umuubo, nakayukom ang palad at nakatakip sa bibig niya.

Parang gusto ni Barney na sagutin ako dahil bumuka na ang bibig niya, nakahandang magsalita pero napunta ang atensyon niya kay Migs na sumesenyas gamit ang hintuturo na idinaan sa harap ng leeg niya.

Ibinaling ko sa iba ang direksyon ng tingin ko para kunwari hindi ko nakita ang kamaong itinaas ni Barney bilang pagbabanta. Naramdaman ko ang pag-vibrate ng katawan ni Migs sa tabi ko habang pinipigilan niyang tumawa.

Sa paggala ng tingin ko ay napamangha na naman ako. Ang laking transformation din ng ginawa nila sa venue. Niligpit nila lahat ng mga nakakalat nilang gamit tapos sinabitan nila ng iba't ibang klaseng ilaw, mostly dilaw na Christmas lights. Naglagay sila ng lamesa sa gitna na naka-table setting. May wine sa tabi, nakalubog sa isang timba ng yelo.

Hinila ni Migs ang isang upuan at pinaupo ako. Umupo siya sa harap ko. Pag-angat ng ulo niya ay nagtama agad ang tingin namin. Sobrang laki ng ngiti niya kaya hindi ko na pinigilan. Ngumiti rin ako kahit na wala naman talagang joke. Maybe it's the intimate atmosphere, maybe it's my gratitude para sa effort na 'to ni Migs. Either way, for the first time in my life, masaya ako.

Never kong naisip na ang salitang masaya at ako ay magagamit ko sa iisang pangungusap but there it was. Masaya ako.

"Aalukin ko sana kayo ng menu kaso walang ibang alam lutuin si Migs kundi relienong bangus. Nagpa-import siya ng mystery soup na luto ni AJ, special bread na binili niya sa Lubak, at fresh mangoes na kakapitas ko lang kanina," pag-enumerate ni Barney.

"Tol, kailangan mo talagang isa-isahin?"

"Doc, para mas lumambot ang puso ng Hannah sa 'tin. Kapag nagmaldita siya, maalala niya yung araw na umakyat ako ng puno para lang makakain siya ng masarap na mangga," pangangatwiran niya.

"Pare-pareho lang ang lasa ng mangga, Barney."

Kinuha niya ang wine at sinalinan yung baso ko. Juice ang inilagay niya sa baso ni Migs. "Mas masarap kapag ako ang pumitas. 'Wag kang kumontra." Pinaghainan kami ni Barney ng pagkain. Nang matapos ay umalis na siya. "Tapos na shift ko Doc. Balitaan mo na lang ako bukas ah."

Tahimik naming pinagmasdan si Barney habang papalayo siya. Iritang-irita pa niyang tinatanggal yung bowtie niya.

Inabot ni Migs ang wineglass sa harap niya at iniwanang naka-suspend sa ere ang kamay niya.

Ginaya ko siya. "Wow, classy probinsyano. Saan tayo magto-toast?"

"Para sa first dates at para sa ngiti mong sana ay nakikita ko araw-araw."

I clinked my glass to his. "Cheers." Saka kami uminom. Paglapag ko ng baso sa lamesa ay tinanong ko siya, "'Di ka ba naba-bother na umiinom ako ng wine?"

Umiling siya. "Nung una mahirap. Pero nang tumagal nasanay na ako. Mas magandang practice ng control ang harapin ito. Tsaka isa pa, ayaw kong itago ng mga katrabaho ko ang alak sa tuwing nag-iinuman sila. Ang KJ naman ng labas ko. Kaya pinag-aralan kong i-tolerate."

"Nagkakaroon ka ba ng urges na uminom?"

Nilunok niya muna ang nasa bibig niya bago sumagot. "Minsan. Kapag masyadong maraming problema. Kaso maaalala ko yung mukha nina Kiel at AJ kaya nalalabanan ko ang tukso."

Isinalaysay niya yung araw na nakadiskubre nina Kiel at AJ ang addiction niya. Hiyang-hiya siya dahil siya ang panganay at siya ang tinitingala ng mga kapatid niya pero sa puntong iyon, naisip niyang hindi siya magandang halimbawa. Kaya isinumpa niyang simula noon, hindi na hahalik ang labi niya sa kahit anong bote ng alak.

"Ikaw na lang ang hahalikan ko," pagtatapos niya.

Humihigop ako ng soup nang sabihin niya iyon. Kaya hindi ko nakontrol nang mabitawan ang hawak kong kutsara at napaso ang dila ko sa pag-panic.

Kumuha si Migs ng panyo sa bulsa niya at inabot sa akin. Pagkapunas ko sa mukha ko ay kinuha ko yung tubig at ininom ito.

Unfazed, nagpanggap si Migs na hindi niya alam kung anong sanhi ng inaasal ko. "Masyado bang maalat yung soup? Kakausapin ko nga si AJ bukas."

Hinagis ko pabalik ang panyo sa direksyon ng braso niya.

"Ang cute mo kapag hindi ka mapakali."

"Tusukin kita nito," tinaas ko yung tinidor.

Hinawakan niya ang nakataas kong kamay, inalis ang tinidor at hinalikan ang likod ng palad ko. Nasabi ko na bang lahat ng ginagawa ni Migs ay sobrang gentle? Sa sobrang daming muscles ng katawan niya, aakalain mong wala sa sistema niya ang gentle. Time and time again, I've been proven wrong. Si Migs ang pinaka-gentle na taong nakilala ko.

Iyong halik na idinampi niya sa kamay ko ay isang patunay noon.

Kalmado naming pinagpatuloy ang pagkain namin. Yung game ng tanungan ng favorites namin na sinimulan niya kina Michelle ay ipinagpatuloy niya. Parang lahat ng basic at trivial na dapat naming malaman sa isa't isa ay nasabi namin over dinner.

"Anong pinakamagandang memory mo?" tanong niya.

Kakaubos ko lang ng pagkain sa plato ko at busog na busog ako. Ang sarap ng luto niyang isda. Kung may natira lang talaga, aagawan ko siya. "Kanina. Nung wala ka sa rancho. Ang dami kong nagawang trabaho."

"Kasi hindi ka nadi-distract ng kakisigan ko." Sa sinabi niya ay nakatanggap siya ng eye-roll mula sa akin. "Isa pa, alam ko namang pinakamagandang memory mo ako, ako pa? Bukod sa akin, syempre."

I did not have to think that hard for a memory. "Noong nine years old ako, umuwi si Papa na nakangiti. Naalala ko no'n, nagtinginan kami ni Mama kasi bilang na bilang lang talaga yung mga araw na maganda yung mood niya. Pero nung araw na 'yon, sobrang ganda ng mood niya..." pagsisimula ko sa kwento.

Nanalo pala siya sa pustahan. Sobrang dami niyang napanalunang pera. Inutusan niya kami ni Mama na magbihis dahil kakain kami sa labas para mag-celebrate. Naaalala ko pa kung paano kami nagdalawang-isip ni Mama bago sumunod. Kumain kami sa isang restaurant tapos binili ako ni Papa ng bagong damit. Si Mama naman ay binilhan niya ng hikaw kahit na sinabi ni Mama na ipunin na lang niya yung pera. Hindi nakinig si Papa at binili pa rin ito. Nakita ko kung paano nagningning ang mata ni Mama sa ginawang 'yon ng Papa ko.

Sa sandaling iyon, bumalik yung Papa na kinalakihan ko. Yung Papa na mahal na mahal kami ni Mama. But it was just a moment. Kinabukasan bumalik kami sa destruction at mas malala pa ito kesa sa mga nauna.

Pero syempre hindi ko kinuwento kay Migs yung huling parte. I'm trying to keep my darkness away from him. Isa pa, ina-appreciate ko talaga lahat ng effort na ibinubuhos niya para ipakita sa akin yung side ko na kayang tumawa at mag-enjoy sa buhay. Kaya isasantabi ko muna ang mga negatives. Kahit ngayong gabi lang.

Inabot ni Migs yung kamay ko from across the table. "Naikwento ko na ba yung araw na nakaladkad ni Shasta si Kalbo paikot sa buong rancho?"

Sa mga kuwento ni Migs tungkol sa mga katrabaho namin, hindi ko napigilang tumawa. Ngayon lang ako tumawa ng dire-diretso, ramdam na ramdam ng panga ko yung strain sa pag-stretch ng unused muscles ko. Sa kahabaan ng pagkukwento, nakalakip ang mga palad ko sa mga palad niya. Kung hindi ako nakatingin sa mata at ngiti niya, doon dumadako ang mata ko.

Pabalik sa labi niya. Lahat ng mga panahong hinalikan ko siya panay spur of the moment. Ngayon gusto ko lang. I really want to kiss those lips. Kaya humilig ako paharap at pumikit.

Sa sobrang tahimik ng paligid, rinig na rinig ko ang tibok ng puso ko.

Until the scream.

Nilayo ko ang mukha ko kay Migs at napatingin sa may pinto. Nandoon si Rica, tumitili at kunwaring pinapaypayan ang sarili. Sa likod niya, si Barney. Akala ko ba umuwi na siya?

Lumapit sa amin si Rica. "Sige guys, ipagpatuloy niyo lang, huwag niyo kaming pansinin. Kunwari wala kami dito."

Bumulong si Barney sa kasama pero narinig ko pa rin. "Sabi sa'yo dapat iniwan na lang natin. Ang kulit mo talaga. Nakaistorbo pa tuloy."

"Ano ka ba, sakto lang tayo." Naglakad siya palapit sa amin at pinatayo ako. "My god, Hannah. Hindi kita halos nakilala. Perfect ang binili kong dress para sa'yo! Genius talaga ako! Ang ganda niya no, Fafa Migs!"

"Sobrang ganda," tugon nito.

"Hannah, girl. Kung may pag-asa pa akong mahila sa other side, magpapakalalaki na ako para sa'yo!"

"Huwag na Rica. Iwanan mo na lang siya sa akin. At ang ibig kong sabihin doon ay iwanan mo siya sa akin, ngayong gabing ito." Magkahalong nagmamakaawa at natutuwa ang hitsura ni Migs. "Kanina ko pa talagang gustong mahalikan."

"Ganoon ba?" Binitawan ako ni Rica at lumapit sa kanya. Nag-pout siya at nilapit ang mukha kay Migs.

"Ni Hannah!"

"Ang bagal mo kasi Fafa Migs eh!"

"Kung hindi kayo dumating edi sana tapos na 'di ba?"

"Sorry na. Pinapagaan lang namin ang atmosphere. Barney, ayos na ba yung sound system?"

Nasa isang sulok si Barney at may kinakalikot. Nag-thumbs up siya. "Ayos na, Boss."

Kilig na kilig si Rica nang hilahin niya kami patayo. Itinabi niya ang lamesa sa isang gilid tapos pinagtabi niya kami. May kinuha siya sa bulsa niya. "Picture muna!"

Si Migs naman ay go na go. Inilagay niya ang kamay niya sa bewang ko at idinikit ang katawan ko sa gilid niya. "Smile, Hannah."

Ginawa ko ang utos niya at pinilit na palabasing genuine ang ngiti ko.

"Tama na, ang dami na niyan," pag-awat ni Migs.

"Wait, isa pa. Benito, pa-picture!" Inabot niya ang camera kay Barney tapos pumuwesto sa gitna namin at inakbayan kami. "SAY MIGS!"

"MIGS!" sabay namin sabi.

Matapos ang limang shots ay iniwan na nila kami, yung sound system na sinet-up nila ay tumutugtog. Naiwan kami ni Migs na nakatayo sa gitna.

Sinusuyod ng mata niya ang buong katawan ko. "Dapat lagi kang magsuot ng ganyang damit."

"Habang nagkakayod ng dumi ng kabayo?"

Tumatawa siyang lumapit sa akin. Kinuha niya ang parehong kamay ko at ipinulupot sa likod ng leeg niya. Tapos ipinatong niya ang mga kamay niya sa bewang ko. "Iyon. Iyon ang sexy."

Tinapik ko ang likod niya, kunwari naiinis ako.

"Aray!" pag-iinarte niya. Ramdam ko yung pag-shake ng katawan sa chuckles niya. Nang mahimasmasan ay pinatong niya ang noo niya sa noo ko. Pumikit siya at huminga ng malalim bago nagpa-sway-sway.

No choice naman ako kundi sumunod sa kanya. Halos maduling na rin ako sa pagtitig sa kanya. Kaya pumikit na rin ako't ninamnam ang kantang sinasayawan namin.

I watched you suffer a dull aching pain
Now you decided to show me the same
No sweeping exits or offstage lines
Could make me feel bitter or treat you unkind

Hinaplos ni Migs ang mukha ko. Saka ko naramdaman ang pagdampi ng labi niya sa labi ko. At dahil nasa likod na rin naman niya ang kamay ko, idinaan ko iyon sa makapal niyang buhok. Siyempre ginawa ko na rin iyon to keep him where he is.

Dati, ang paghalik para sa akin ay isang physical act. Isang bagay na puwedeng i-detach ang sarili mo without getting involved emotionally. Pagdating kay Migs, hindi ko kayang ihiwalay ang sarili ko maging ang damdamin ko. Bawat dampi ni labi niya, mas lalo akong napapalapit. Mas lalo akong naa-attach.

I kissed him until I was running out of breath. Nang hindi ko na kaya ang pagkakapos ng hininga, ako ang unang humiwalay sa kanya. Kinailangan ko pang ilayo ang mukha ko dahil sinusundan niya ang paglayo ng bibig ko.

He gave me one last peck. "Hindi na nga ako adik sa alak pero mukhang may bago na akong kinaaadikan," sabi niya, breathless.

"Dahan-dahan baka hindi ka maka-recover," sagot ko, breathless din.

Isang sobrang intense look ang nagmarka sa features niya at lahat ng iyon nakadirekta sa akin. "Hannah, wala akong balak na maka-recover. I'm addicted for life."

Fortsett Γ₯ les

You'll Also Like

26.9K 1K 62
Love is a strong feeling. Kapag nagmahal ka, hindi pwedeng medyo mahal mo at hindi rin pwedeng hindi ka sigurado. Kapag nagmahal ka dapat mahal na ma...
6.8K 442 30
Duology #2 When you thought its finally over but never. Kate Jasmin De Vera, isang masipag at ulirang anak. Lahat gagawin niya para sa kanyang pamily...
49.1K 1.2K 18
A Discman, a CD, a man, a woman, and a story of how two different people fell in love in spite of their differences… Opposite attracts daw. Hindi kai...