The Sweetest Escape

By endlesslaugh

318K 8.6K 485

Isang libong piso, anim na pares ng damit, makeup kit, isang toothbrush, at cellphone na walang load lang ang... More

Prologue
One
Two
Three
Four
Five
Six
Seven
Eight
Nine
Ten
Eleven
Twelve
Thirteen
Fourteen
Fifteen
Sixteen
Seventeen
Eighteen
Nineteen
Twenty
Twenty-one
Twenty-two
Twenty-three
Twenty-four
Twenty-five
Twenty-six
Twenty-seven
Twenty-eight
Twenty-nine
Thirty
Thirty-two
Thirty-three
Thirty-four
Thirty-five
Thirty-six
Thirty-seven
Thirty-eight
Thirty-nine
Forty
Forty-one
Forty-two
Forty-three
Forty-four
Forty-five
Forty-six
Epilogue
Thank You!

Thirty-one

4.8K 161 5
By endlesslaugh

Hannah

"What do you think, sister?" tanong ni Rica pagkatapos.

Inanggulo ko ang ulo ko para makita ang buhok sa maliit na salamin. "'Di ko masabi. Ano sa tingin mo?"

"Maganda. Bagay sa 'yo. Nagmukha kang mas bata."

Sabay kaming lumingon ni Rica. Nakasandal ang braso ni Migs sa railing ng balcony, sapo ng palad ang pisngi niya.

"I know! Ang galing talaga ng magic powers ko," kumento ni Rica.

"Mamaya na ko magpapataw ng judgment kapag nakita ko na sa malaking salamin," sabi ko.

Dumating kasi si Rica kanina para tabasan ang buhok ng Lolo ko. And then I looked at my hair na sobrang haba na at dry na yung dulo kaya napagpasiyahan ko na ring magpagupit. Tinanong ako ni Rica kung anong gusto kong style. Binigyan ko siya ng permiso na gawin kung ano sa tingin niya ang babagay. Tuwang-tuwa naman siya dahil may free control siya sa buhok ko.

Marami ata siyang tinabas. Ang gaan na kasi ng pakiramdam ng ulo ko. Ayaw kong tumingin sa sahig para i-confirm ang dami ng nawala pero kung matino pa rin naman ang hitsura ko, ayos na.

"Buti na lang nilagyan mo siya ng bangs. Hindi ko na makikitang nagtataray ang kilay niya," natatawang puna ni Migs. Nang makatanggap siya ng glare mula sa 'kin, nginitian niya lang ako.

"Kumusta pala si Hook?" patungkol ko sa kabayong kagabi pa niya binabantayan.

Bumaba ang dalawang gilid ng labi niya. "Down. Magdamag naming binantayan ni Lino pero hindi na siya makatayo. Colic."

Nakisimpatya ako sa kanya. Hindi rin pala madaling maging beterinaryo. 'Di naiiba kung tao ang pasyente mo. Sa tuwing iinda sila ng sakit, hahanapin mo yung nagdudulot sa kanila noon at gagamutin mo. Mas mahirap pagdating sa mga hayop. Kasi hindi nila kayang isaboses ang nararamdaman nila. Hindi madaling i-point out kung anong problema sa kanila. Worse, kapag sobrang nasasaktan na, wala nang ibang magagawa kundi tanggalin ang sakit through death.

"Paano, maiwan ko muna kayo. Pinapatawag ako ni Doc Revilla sa clinic." Sumampa si Migs sa railing at hinawakan ako sa batok. Tapos hinila niya ako palapit sa kanya para halikan ako sa noo. "Bye Hannah. Sabay tayong maghapunan ah. Rica," tumango siya sa direksyon ng katabi ko.

Nang makalayo na, narinig kong nag-sigh si Rica. "That is one fine ass."

Pinigilan kong ngumiti dahil iyon din ang iniisip ko.

Pagkaangat ko ng tingin ko kay Rica, nakita kong nagniningning ang mata niya. That can't be good.

"Kumusta yung dinner date niyo ni Fafa Migs? Grabe ka girl! Tatlong araw na ang lumipas, wala man lang akong balita!"

"Ayos lang," sagot ko. Ang totoo, it was more than that. Pagkatapos ng gabing iyon, bumalik kami sa bahay at naghiwalay sa pintuan ng mga kuwarto namin. Nagpalit ako ng damit at maingat na inilagay ang dress na galing kay Migs sa hanger. Habang nakahiga ako sa kama ko, iyong damit lang na iyon ang nakikita ko. Binalikan ko ang buong gabi at kung anong ibig sabihin noon para sa akin. Tapos napangiti ako.

Hinawakan ko ang dibdib ko para makasigurong hindi mawala yung namumuo roon. Ano bang nangyayari sa loob? Tinutubuan na ba ako ng puso? Iyong emptiness na lagi kong nararamdaman for so many years, wala na roon. Napalitan na ng iba. Something new. Something scary.

Paikot-ikot ako sa kama ko noong gabing iyon. This time, iba ang dahilan ng pagiging aware ko sa dis-oras ng gabi. Hindi ko maalis sa isip ko ang mga malumanay na dampi ng kamay ni Migs sa kamay ko. Yung mga pagtama ng tingin namin across the dinner table. Yung mga maliliit na ngiting pinagsasaluhan namin. Kung paano niya ako hinagkan habang sumasayaw kami. And the kiss...

Tumayo ako at lumabas ng kwarto. Kakatok sana ako pero napatigil ako. Baka tulog na si Migs. Maaga pa ang gising niya. Baka masira ko lang ang tulog niya.

Babalik na dapat ako nang biglang bumukas ang pinto.

"Ngayon ka pa nahiyang pumasok ng kwarto ko?" pangungutya ni Migs.

I've been sleeping in his room ever since.

Sa harap ko, nag-cross arms si Rica. "Iyon lang? Ayos lang. Nako, mukhang nawawala na ang powers ni Fafa Migs pagdating sa ladies. Mapaalalahanan nga."

Kumunot ang noo ko. "Ladies' man pala siya?"

Biglang naging mahiyain ang hitsura niya. "Hindi. Si Claire lang talaga ang naging girlfriend niya."

Pareho kaming tahimik pagkatapos noon. Ang tanging alam ko lang tungkol kay Claire ay yung mga panahong iniwan niya si Migs. Aaminin kong curious ako sa naging relasyon nila, kung sobrang deserving ba niya para maging kaisa-isang babae sa buhay ni Migs. Pero siyempre, hindi ko itatanong.

"Alam kong gusto ka ni Migs," seryosong sabi ni Rica. "At alam ko ring may humahadlang sa inyong dalawa. And I know it's on your side. Hindi naman ako bulag para hindi makita 'yon. Kung nakikita mo lang sana siya kapag umuuwi siya sa kanila. Palagi siyang nakangiti. Pero kapag kinukutya na siya ng mga pinsan niya para ipakilala ka sa kanila, medyo babagsak yung ngiti niya. Tapos isasagot niya na 'wag muna siyang kulitin dahil hindi naman daw ganoon ang relasyon ninyo. Girl, nakay Migs na ang lahat. Bakit hindi mo pa siya pagkatiwalaan? He cares about you. And I know you care about him, too. Enough to love him like he loves you."

Love?

Nanahimik ako dahil hindi ko alam kung anong sasabihin ko. Bumalik yung tightness sa dibdib ko. I seem to be feeling that a lot these past few days.

Relasyon? Gusto ba ni Migs na pangalanan kung anong meron kami ganong kahit ako hindi ko alam? Ang tanging alam ko lang ay kailangan niya ng babaeng kayang ipagkatiwala sa kanya ang buong pagkatao niya gaya ng kung paano ibigay ni Migs iyon in return.

"I'm your friend, you know? Pwede kang mag-open up sa akin," offer niya.

"Hindi ako magaling sa mga ganyan." At tama na na kay Migs ko muna ibuhos lahat ng demons ko. 'Di ko hihilahin pati si Rica sa lahat ng gusot ko. Mabait siyang tao. Nahahanay sa kabaitan ni Migs. Baka hindi niya kayanin.

"Alam mo ba kung anong nangyayari kapag nag-open up ka?"

"Ano?"

"It makes you strong."

❈    ❈    ❈

Ang tagal namang umuwi ni Migs. Kanina ko pa siya hinihintay. Inaya kasi ako ni Rica na sumama sa kanila bukas sa Silangan. Birthday daw ni Kiel at may handaan. Ayaw ko talagang sumama pero nakakahiyang tumanggi.

Marunong pa pala akong mahiya.

Gumuguhit ako habang naghihintay. After a few strokes, natapos ko rin ito. Binitawan ko ang pad at hinayaang nakatingin sa akin ang isang gayang-gayang imahe ng mukha ni Migs. Suot niya ang paborito kong expression niya: yung smile na may kasamang dimples at crinkles sa mata niya.

'Di ako makapaniwalang dinrawing ko siya.

I was not this girl. Yung babaeng hahayaang umikot ang mundo niya sa isang lalaki. Pero kung iisipin, never pang umikot ang mundo ko sa kahit kanino maliban sa sarili ko. Kailangan ko kasi iyon to keep myself safe. Ngayong inalis ko ang sarili ko sa spotlight, natagpuan kong hindi na pala ako ang nandoon. Someone else took my spotlight. Kahit na pilitin ko pang ibalik sa dati, mahirap na.

Baka iyon talaga ang nangyayari kapag nakita mo na yung taong mamahalin mo habambuhay.

Mamahalin?

Shit. Bakit pa kasi itinanim ni Rica ang salitang iyon sa isip ko. Sumisikip na naman tuloy ang dibdib ko.

Ganoon ba ang love? Mahal ko ba siya?

Ang sakit naman nito sa ulo. Kaya ayoko ng feelings eh. Tila may isang malaking earthquake na nangyayari sa dibdib ko. Nararamdaman kong nagshi-shift ang plates, molding something new. Kahit pa pilitin kong pigilan, nangyayari iyon gustuhin ko man o hindi.

I might be in love with him. Pero hindi pwede. I'm not willing to be the one to destroy him. Dahil sa huli iyon naman ang mangyayari. Tingnan mo na lang ang nangyari sa mga magulang ko. Sa tatay ni Migs. Kahit anong ganda pa ng pag-ibig nila, may naiiwang damaged kapag nawala ang isa.

Ayaw kong iwanang damaged si Migs 'pag alis ko.

Natauhan ako nang makarinig ng isang malakas na tunog. Parang may mabigat na bagay na nalaglag sa sahig. Dali-dali akong lumabas ng kuwarto para i-check kung anong nangyayari.

Madilim sa baba. Kinakapa ko ang dingding para hanapin ang switch. Nang pindutin, walang liwanag na bumalot sa bahay.

Sign ba ito tungkol sa mga pinag-iiisip ko?

Ang paranoid ko naman.

Just then, may narinig akong mahinang ungol. Napatigil ako sa kinatatayuan ko. Tumaas ang balahibo ko sa braso. Bumalik na naman ako doon sa lugar sa memorya ko. Madilim ang lahat at tahimik. Hindi mo alam kung ano ang nagtatago sa likod ng mga anino.

May umungol uli. Mas malakas na this time. Iyon ang punto na nakilala ko ang boses. "Lo?"

"Hannah," mahina niyang tawag.

Nagmadali akong maglakad papunta sa kusina para buksan ang ilaw doon. Pagkabukas, bumalik ako sa sala. Napatigil ako sa may bungad nang makita ang Lolo ko sa may sahig.

Ang awkward ng posisyon ng pagkalaglag niya. Nakatagilid siya at ipit ang kamay niya sa pagitan ng tagiliran niya at sa sahig. Hindi niya abot ang tungkod niya dahil malayo ito. Sa nakita ko, naawa ako bigla sa kanya. All this time ang tingin ko sa kanya ay isang taong walang kinakatakutan sa buhay, walang bagay na makakapagpatumba. Pero heto siya, literal na natumba. Sobrang anguish ang makikita mo sa mata niya, kinailangan ko pang umiwas ng tingin dahil baka nasasalamin iyon sa mga mata ko. I've never seen him vulnerable. Until now.

Lumapit ako sa kanya at lumuhod. Gusto ko siyang itayo kaso baka mas mapasama pa siya. "Lolo, saan masakit?"

"Tuhod," sagot niya through clenched teeth.

"Makakatayo ba kayo? Kahit hanggang kusina lang?"

Tumango-tango siya.

Kinuha ko ang tungkod niya at inalalayan siyang tumayo. Basang-basa ako ng pawis nang makarating kami sa kusina. Kinse minutos ata ang naigugol namin para lang makatayo siya.

Pinaupo ko siya sa may hapag-kainan at ikinuha siya ng tubig. Hinalungkat ko yung mga cabinet hanggang sa makita ko yung lalagyanan niya ng mga gamot. Ang daming laman noon. Buti na lang nakakita ako ng pamilyar na hitsura ng ibuprofen na lagi kong iniinom dati.

Inabot ko iyon sa kanya. Nanginginig ang kamay niya habang binubuksan ito kaya kinuha ko uli para pagbuksan siya.

Tahimik kami pagkatapos non. Gusto ko sanang bumalik na sa kwarto ko pero alam kong hindi ko siya puwedeng iwan. Normally, wala akong pakialam pero may natuklasan ako tungkol sa sarili matapos ang pangyayaring ito...

"Matutulog na ba kayo? Aalalayan ko kayo sa kwarto niyo."

Wincing, sumandal siya sa upuan niya at umupo ng tuwid. "Salamat, apo."

Yung sahig ang tinanguan ko.

Nag-clear siya ng lalamunan niya. "Malapit nang magpasukan. Hindi ka pa ba mag-e-enroll?"

"Pinapaalis niyo na ba ako?" sinubukan kong magbiro.

Nagulat ako nang ngumiti siya. "'Di ka na kasi nagbabayad ng renta. Papaupahan ko na yung kwarto mo sa iba."

Napakagat ako ng labi ko. Kung alam niya lang na hindi na ako natutulog sa kwarto ko. "Mas mahal siguro ang upa nila sa suite ko. Wala na yung benefits ng pagiging kamag-anak niyo."

"Oo nga. Huwag ka munang umalis. Manatili ka kahit gaano katagal mo gusto," offer niya. "Kung gusto mong tumira dito, welcome na welcome ka."

Nanikip yung lalamunan ko. Ano kayang nagdulot ng pag-shift ng attitude ni Lolo sa akin? Baka panandalian lang ito dahil sa nangyari. Hindi ko muna pag-iisipan yung offer niya. "Thanks."

Inabot niya ang kamay ko at pinisil ito. I squeezed his hand back.

As I've said, may nalaman ako sa sarili ko pagkatapos ng pangyayaring ito.

May puso pa pala ako.

Continue Reading

You'll Also Like

84.2K 1.9K 53
Dark Series #1: A perfect daughter, fiancée and friend, Shanela is loved by the people around her. Her life is close to perfection. She feels so comp...
19.1M 225K 36
Meg is a bitch--and she continues to be one upon knowing that Daniel only married her for his wealthy grandfather's inheritance. But when secrets fro...
3.4M 47.5K 61
Audriana Celine have this perfect, at the same time, not-so-perfect boyfriend named, Xavier Chase. They have this perfect, at the same time, not-so-p...
237K 3.9K 83
A famous icon in the music world and an heiress that is gifted with such fine talents, were connected by one fateful accident, meeting unconsciously...