The Kiss Next Door (Unang Pin...

By AkiHaru14

27.9K 2.9K 1.7K

"Maybe the kiss was a mistake to you. But it felt right to me," he says with eyes piercing right through me. ... More

PAGBATI
Chapter 0
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
THANK YOU!
Ikalawang Pinto

Chapter 49

416 48 49
By AkiHaru14

Tumatambay na naman kami ni Jaz sa Cafe Namjoo. Nag-order ako ng Wintermelon Cheesecake Milk Tea nila. Hindi naman sa biased ako kasi dito nagtatrabaho ang best friend ko pero da best talaga ang Wintermelon Cheesecake nila dito. Sa bawat cafe o milk tea place, iyon ang ino-order ko. At masasabi kong ito talaga ang pinakamasarap sa lahat.

"Girl, alis na muna ako. I told Blue na pupunta ako sa condo niya ngayon."

Ngayon pa lang kami magkikita ni Blue mula nung isang linggo siyang nanatili sa Baguio para doon sa seminar slash training nila. Sa pagkakaalam ko, kasali rin doon si Nikolai. Kaya pareho kaming walang bebe ni Mitch for a week.

Hindi pa naman magjowa sina Mitch at Nikolai pero bebe na ni Mitch yun.

"Sige," sagot ni Jaz. "Pero umuulan pa."

"Sige lang. Magtataxi naman ako."

"Hindi ka susunduin ni Blue?"

"Nag-aaral yun ngayon. Ayoko namang istorbohin pa. Sinabihan ko lang na magtataxi lang ako."

"Okay, sige."

Lumabas na ako ng Cafe Namjoo. Kumaway lang ako kay Mitch. Nakita naman niya ako at tumango lang siya. Busy sa pag-aasikaso ng order nung nakapilang customer.

Malakas ang ulan. Wala pa naman akong payong. Bakit ba kung wala akong dalang payong, saka umuulan? Kapag may dala naman ako, hindi nagagamit kasi maaraw palagi.

Pumara ako ng taxi. Since medyo sa malayo ito huminto, kinailangan kong tumakbo at sumulong sa ulan. Kaya naman, nabasa ang denim jacket ko. Pagkadating naman sa building ng condo nina Blue, kinailangan kong tumakbo na naman patungo sa tanggapan ng building. Kaya mas lalo akong nabasa. Habang nasa elevator, tinawagan ako ni Blue.

"Sa'n ka na?"

"Nasa elevator na."

"Sana sinabi mo para nasundo kita sa entrance. Malayo pa naman ang hintuan ng taxi. I bet you don't have an umbrella."

Tch. Ang dami na niyang nalalaman tungkol sa akin. Alam niyang di ako mahilig magdala ng payong.

"Okay lang. Yung jacket ko lang naman ang nabasa aside sa buhok ko. Babye na. Lakad na ako papunta sa condo mo."

Binaba ko na yung tawag. Pinagbuksan niya ako at agad na pinangaralan na magdala nga kasi ng payong. Kita niya ang denim jacket ko na basang basa na.

"Sabi ko na nga ba, dapat sinundo na lang kita."

"Okay nga lang. Nag-aaral ka kasi. Tiyaka di naman nabasa ang undershirt ko."

Nilagay ko na ang bag ko sa couch niya habang siya naman ay bumalik na doon sa study table niya.

"I'll be done in a few minutes. Ano gusto mong kainin?"

"Later na. Busog pa ako kasi nag-milk tea ako. Order na lang tayo mamaya para di ka na magluto," I answered.

"Okay," he says.

"Aral ka muna diyan. Silent lang ako dito, promise."

"Silent? Sure ka?"

"Oo nga. Marunong akong tumahimik."

Tumawa lang siya nang bahagya na para bang imposible para sa kaniya na tatahimik ako.

I took off my denim jacket, leaving behind my spaghetti strap tank top. Okay naman ang pants ko. Di naman siya masyadong basa kasi hindi naman ako sumulong sa baha. Yung buhok ko lang, basa rin. Sinuklay-suklay ko na lang ang buhok ko at pinalugay lang para matuyo.

Concentrated na siya sa inaaral niya. May quiz daw kasi sila bukas. Malamang inaaral niya nang husto kasi isang week din sila doon sa Baguio. So di siya naka-attend ng lectures. Ako naman, tambay lang dito. Wala akong quiz bukas.

Nakaupo ako sa couch at nag-open ng Food Panda. Hindi ako gutom pero baka kasi gutom si Blue. Hanapan ko na lang siya ng pagkain para maka-order na in advance.

"Ano gusto mong kainin?" tanong ko sa kaniya. "Padeliver tayo."

"Akala ko ba busog ka pa?" tanong niya.

"Baka kasi gutom ka na. Sige na. Ano gusto mo?"

"Pizza na lang."

"Okay. Sa aling shop?"

"Kahit saan."

Naghanap na lang ako ng pizza na masarap tingnan. Gusto ko magtry ng iba namang brand.

Habang naghihintay sa delivery, nagphone na lang muna ako. Gusto ko sanang mag-TV kaso baka maistorbo ko si engineer. Kaya phone na lang muna.

After a few minutes, I saw Blue standing up from my peripheral view.

"Wala pa yung pizza?" tanong niya habang papunta sa puwesto ko.

"Wala pa. Preparing your food pa," sabi ko nang macheck sa app kung ano nang nangyari sa order namin. "Tapos ka na?" tanong ko at tumingala. Sinundan ng mga mata ko ang pag-upo niya sa tabi ko.

"Yes. One subject lang naman," he said and then he planted a quick kiss on my cheek.

Kahit natural na sa akin ang mga biglaang halik niya, di mapagkakailang may mga paru-paro pa rin sa tiyan ko kapag dumadampi ang labi niya sa mukha ko.

"Babe, pakikuha ng remote," he said naturally at tinuro ang remote na nasa kilid ko. Kinuha ko naman ito at matagal bago rumehistro ang pangalang tinawag niya sa akin.

"Babe? Yun na tawagan natin?" tanong ko sabay bigay nung remote.

"I was just testing that. We can change it. Whatever sounds comfortable for you," sagot niya.

"Lahat ng kilala kong babe ang tawagan, naghiwalay."

"Seriously?"

"Oo. Si Jaz at Drake noon, babe ang tawagan. Yung cousin ko at ang ex niya, babe din ang tawag sa isa't isa noon. Si Archie, lahat ng kafling-fling niya, babe ang tawag niya. Lahat iyon, di niya nakatuluyan."

"Wala naman iyan sa tawagan eh," sagot niya.

Hindi namin naituloy ang usapan kasi tumawag ang rider ng Food Panda. Binigyan ko ng instructions si Kuya Rider at di nagtagal, dumating na ang order naming pizza.

Nawala na sa usapan namin yung endearment kasi nanood na kami ng movie habang kumakain nung inorder namin. Ako ang nakaubos nung pizza na para bang ako yung gutom.

Nakasandal lang ako sa balikat ni Blue habang pinapanood namin ang movie. Umabot na sa kalagitnaan nang palabas pero hindi ko pa rin magets ang mga pangyayari.

"Ba't wala akong maintindihan? Ba't parang may kulang, nagskip ba tayo?" seryoso kong tanong.

"Part two na kasi 'yan."

"Part two? Ba't di mo sinabi?"

"Ikaw kaya nagpili. So, akala ko alam mo na."

I frowned. Langya. Kaya pala may mga di ako nagegets kasi part two na pala 'to.

"Iba na lang panoorin natin," suhestyon ko.

Habang pumipili ako ng movie, I felt Blue's lips on my bare shoulder. "Dito ka magdidinner?" tanong niya na may malambot na tingin sa akin.

"Di na siguro. Uwi na ako mga 6pm."

He frowned. "Ang aga naman," mahina niyang tugon.

"Okay. 7pm," sabi ko.

"9pm. Ihahatid naman kita eh."

"May klase pa ako bukas."

"8pm," hirit pa niya. "Please?"

"Fine."

Paano naman ako makakatanggi kung may please na at nagtila-puppy eyes pa ang loko. Anong nakain nito at parang nagpapacute ngayon?

Nakahanap na ako ng movie na gusto. Blue kept kissing my cheek every now and then. Nilalaro niya rin ang kamay ko. Extra clingy siya ngayon.

Nauhaw ako bigla kaya kumuha muna ako ng isang basong tubig mula sa pitsel na nasa ref. Habang nagtatransfer ng tubig, I felt Blue's arms around my waist. He kissed my cheek again.

Alam kong sinabi kong nasasanay na ako sa mga biglaang halik niya sa pisngi. Pero hindi ganito na masyadong out of the blue. Na kahit kumukuha lang ako ng tubig ay hinahalikan na ako. Kahit bahagyang nabigla, pinalampas ko lang iyon at maayos na ininom ang tubig ko. Nakapulupot pa rin siya sa akin habang umiinom ako.

"May kelangan ka ba? Ba't ang clingy mo masyado ngayon?" tanong ko nang maramdamang parang ayaw niya akong bitiwan.

"Namiss lang kita. I hated that one week," malumanay niyang pahayag as he rested his face on the side of my face.

Hinarap ko siya at hinawakan ko ang magkabilang braso niya na nakapaligid pa rin sa baywang ko.

"Bakit? Boring ba yung seminar?"

"Boring kasi wala ka."

Umirap ako. Banat na naman.

Kumunot ang noo niya. "Di mo ba ako namiss?"

"Namiss, syempre."

"Talaga?"

"Yes, langga." Ngumiti ako pagkasambit ko nung endearment. Bahagya siyang nagulat.

"That's what you want us to call each other?"

"Sana. Bakit? Corny ba?"

"No. Definitely not."

"Naisip ko kasi na ang dami nang gumagamit ng babe o hon o love dito sa Maynila. Kaya mas mabuting gumamit ng langga kasi Bisaya lang madalas gumagamit nun. Isa pa, gusto ko rin ang langga kasi yun ang tawagan ng mama at papa ko noon. Higit sa lahat, gusto ko ang langga kasi," I paused and gave him a peck on his lips, "palangga man tika."

I knew he understood that. I knew because I saw his face lighting up. I saw how he bit his lips para itago ang obvious na kinikilig niyang mukha.

He stares at me like he's never gonna stop.

"Alam ko ang expression na 'yan," mapang-asar kong tugon. "I know what you're gonna do next."

"Talaga, alam mo?" panghahamon niya.

"Yeah, you'd probably kiss me because—"

Natigilan ako dahil sa sunod na ginawa niya. I've already assumed that he'd kiss me kasi natouch siya. But I thought it'd be on the cheek again or the lips. Pero hindi. He kissed me on my neck!

"Oh, akala ko ba alam mo na?" mapanukso niyang tugon matapos niyang pinatigil ang buong sistema ko. Napakurap ako ng ilang beses. Ramdam ko pa rin ang labi niya sa leeg ko kahit lumayo na siya. Teka lang. Taena.

Akala ko doon lang titigil ang mga surprise attack niya pero hindi pala. Kinarga niya ako by my hips to let me sit on the counter. Hindi ko inasahang kaya niya pala akong buhatin ng ganun lang.

I was about to react but I felt his lips touching my lips. Not touching—invading, actually. I can feel my whole body heating up, my stomach constricting upon every kiss—both the soft ones and deep ones. Hindi ko alam paano niya nagagawang laliman ang mga halik niya nang hindi nagiging agresibo sa pakiramdam.

Hindi ko inasahan na papatagalin pala niya ang halikan namin. Hindi ko nga inasahan pero tumutugon pa rin ako. He's not stopping, and I'm not either. We're both drowned in each other's breaths. This kiss is longer, more passionate than that nerve-racking elevator kiss.

Pero nanginginig pa rin ako especially when his lips wandered away from my lips, and went to my jaw, down to my neck. I argued with myself whether I should pull back or give in. It's not uncomfortable for me; I'm just nervous. This is the first time that he's been this...intimate.

Actually, this is the first time that I've been in this level of intimacy with anyone. Neck kisses are probably no big deal for other people. But this makes me tremble.

"Uhm..Blue," I utter.

"Hm?" His kisses went near my ears this time.

"A-Ano kasi...May sasabihin sana ako."

He momentarily looks at me. "Ano yun?" he asks softly. Then he continues exploring the other side of my neck. I can feel his mouth pressing against my skin, tingling my whole system.

Alam kong kapag sasabihin ko 'to, he'd be taken aback. Literal na mapapaatras siya. Pero kelangan ko 'tong sabihin. Kelangan kong ipaalam sa kaniya ang prinsipyo ko.

"C-Conservative ako."

As expected, mapapahinto siya. Agad siyang napaharap sa akin. I thought he'd find my statement absurd or funny. Pero di ko inexpect na magsosorry siya.

"I'm sorry. I-I should've asked," he said and took his hands off my waist.

"N-No. Okay lang naman ang ganito," sagot ko. "Ano lang...gusto ko lang ipaalam na yun nga...conservative ako. H-Hindi siguro halata sa mukha ko o sa ugali o sa maharot kong bibig pero pinalaki ako ng mga magulang ko na naniniwala sa marriage before...alam mo na..."

Nakatingin lang siya sa akin habang ako naman ay nahihirapang i-explain sa kaniya ang pinanghahawakan kong prinsipyo. Because he's just freaking kissing my freaking neck and I'm already nervous that he'd take this on a different level.

"Alam ko namang hindi iyon ang plano o motibo mo pero...gusto ko lang linawin sa iyo yun nang maaga," paliwanag ko.

Tumango-tango siya. "I understand."

"H-Hindi ka ba nadisappoint or naturn-off?"

I know I shouldn't be asking such things pero wala na, lumabas na sila sa bibig ko.

"Why would I be?" he nonchalantly answers.

"I mean, you guys have your...needs, di ba?"

"I do have my needs," he said. "But I need you the most, Rain. I respect you and your principles. Because I love you." He kissed me once more on the lips. "Mahal na mahal kita, Rain."

Walang ni konting pag-aalinlangan akong nakita sa kaniya. Diretsong sinabi niya sa akin iyon. I was about to answer that I love him too but ang epal kong phone, once again, ay nagring na naman sa eksaktong moment na 'to! Sino na naman ba ang epal na tumatawag ngayon?!

Luh, si Kuya. Ba't naman kaya 'to napatawag?

"Kuya?" I had to answer right away.

"Oy, Isobelle. Nasaan ka ngayon? Tinawagan ni Mama si Mitch wala ka pa daw sa boarding house niyo."

"Nasa condo ako ni Blue," sagot ko.

"Yung boyfriend mo? Anong oras na?!"

"Kuya, wala pang alas syete. Kalma."

"Basta umuwi ka na 'pag alas syete."

"Kelan ka pa naging overprotective, bro?" pabiro kong tanong. But I actually understand where he's coming from. When it comes to my love life, mas worried pa ang Kuya ko kaysa kay Mama at Papa. Mukha lang siyang walang pake pero yung mga nanligaw sa akin noong high school, kinikilatis niya.

"Ngayon na may jowa ka na. Di ko pa nakikita 'yan. Tapos pumupunta ka na sa condo," sagot niya sa kabilang linya.

Napatingin ako kay Blue. Buti na lang di niya naririnig ang mga sinasabi ng kuya ko.

"Uwi ka na. Ngayon na. Naiinitindihan mo ba ako, Isobelle?" mariin niyang sabi.

"Opo. Uuwi na," sagot ko. My brother ended the call. "Sorry, si Kuya yun. Pinapauwi ako," sabi ko kay Blue. Pinagmasdan niya lang ako. "Bakit?" tanong ko kung bakit ganyan siya makatingin.

"I'm waiting," he says.

"For?" Anong hinihintay niya?

Naghintay pa siya ng ilang segundo before he stepped back and smiled. "Never mind. I'll take you home."

"But you said 8pm mo pa ako gustong umuwi."

"Sundin natin ang kuya mo, Rain," sagot niya at kinuha na ang keys niya.

Bumaba ako mula sa counter at kinuha ang bag at denim jacket ko. Medyo natuyo na ito kaya sinuot ko na ulit.

Habang nasa kotse, tahimik lang kaming dalawa. Hindi ko alam kung dahil ba to sa conservativeness topic namin kanina o may iba pang rason kung bakit siya tahimik. Ako, tahimik kasi nireview ko lahat ng sinabi ko kanina.

I opened up that topic kasi kinabahan ako. Ewan ko. Bigla ko na lang naisipan na imention iyon. Gusto ko lang din kasi na malaman niya.

I really am conservative. Pinalaki akong ganoon. There are levels of being conservative. Some people are conservative in terms of fashion, some in speech, some in courtship, and others in their beliefs about sexuality.

In my case, I am conservative when it comes to intimacy. I have and know my limitations. Matapang lang ako sa verbal landian. Maharot ang bibig ko and sometimes, I even initiate the kissing. But I don't go beyond that unless I'm already married.

Palaging iyon ang paalala sa akin ng Mama ko. They permit me to have a boyfriend as long as I know how to control myself when it comes to making love. Okay lang lumandi basta tamang landi lang. Basta alam mo paano kontrolin.

I know that the world now is already liberated. The traditional ideologies and principles are almost forgotten. Sometimes, other people even think that being conservative is laughable. Kasi outdated ka. O hindi na iyan uso ngayon.

But I am proud to be conservative. I may not be conservative in terms of fashion or the way I speak. But I am conservative on the most important thing that I have to be.

I just hope that my principle did not disappoint or discourage Blue. May lalaki pa rin namang nakakapaghintay, di ba?

Iyon pa rin kaya ang iniisip niya? Is he having second thoughts of being with me dahil sa prinsipyo ko?

Gusto kong magtanong kung anong iniisip niya ngayon. Pero malapit na kami sa boarding house. Ipinarada na niya ang sasakyan niya.

"Do you love me?"

Napaharap ako sa kaniya dahil sa naging tanong niya pagkahinto nung kotse. That question surfaced out from the long silence. So, naturally, I'd be surprised. Not only by the timing but by the question itself.

"Anong klaseng tanong 'yan?"

"You're not answering."

"Kasi bakit mo ba naman tinatanong sa akin 'yan?"

"Because you haven't told me you love me yet," he firmly says, looking straight at me. His eyes looked confused.

Kumunot ang noo ko. At agad naman itong kumalma nang napagtanto kong hindi pa nga ako nakakapagsabi ng I love you o mahal kita sa kaniya. Is this what he was referring to when he said he was waiting after Kuya called? Was he waiting for me to answer him that I love him too?

Kasi naman, sa tuwing sasagot na sana ko, may humahadlang eh. May kung sinu-sinong tumatawag. Hindi ko tuloy nasasabi.

Pero I know that isn't an excuse. It's my fault for not expressing myself more. I had a lot of chances during our five months of relationship.

Of course, I love him. I was just not aware that I haven't explicitly told him that.

Pero bago ko aminin yun, I first asked him something that I also want to know.

"Don't you feel loved by me?"

I wanted to ask that so I could realign my thoughts and fix my actions. I admit na nagkulang ako sa words. And so I want to know if I also failed to make him feel loved by my actions.

"Of course I do. But I also need the words, Rain. Words of affirmation are also important," he said with a serious tone. "Hindi yung mga banat. Yung eksaktong salita, Rain."

Mahinahon ang pagkakasabi niya. Hindi siya nagtatampo. Pinapaintindi niya ako. Kasi totoo din naman. Words of affirmation are really important and I'm dumb enough for not realizing na nagkulang ako sa part na iyon.

I smiled but he wasn't able to see that kasi nakatingin siya ng diretso sa harap. So, I held his sulky face and made him face me.

"I love you," I say as sincerely as I could.

Tinitigan niya ako na para bang sinusuri kung sincere ba ako. "You don't have to force yourself if you're not on that level yet, Rain. It's okay if—"

I shut him up with a kiss. "I love you." I kissed him again. "I love you." And for the third time, I kissed him longer. "I love you," I say, putting stress on the word that weighs more than anything you can ever say to someone you care for. Tinitigan ko siya nang mabuti, hoping that my words could reach his heart and his soul so he'd never doubt my love for him anymore.

He pinches his lips, obviously flustered by my triple kisses with corresponding I love you's. Bumabawi ako sa panahong hindi ko ito nasabi noon.

"I love you, too," he finally spoke, almost as a whisper. Pumungay ang mga mata niya na parang isang lasing. Nakatitig ito sa akin at ramdam ko ang pagmamahal. I smiled, relieved that he's believing me.

"So, that's what you were thinking about all throughout the ride, huh? If I really love you?"

"Yeah," he shyly answers. "How about you? Bakit tahimik ka lang din?"

"I was thinking if you got discouraged about my conservative principle," I bravely revealed.

"I told you I'm not discouraged nor disappointed. I respect you, Rain."

Tumango ako. My lips are in a fine line indicating that I'm convinced.

"But I'd like to ask you something. Again, I respect you and your principle, so I want to know my limitations. Am I still...allowed to kiss you?"

"What?!" napatanong ako agad. "Hinalikan pa nga lang kita eh."

"No, I mean....on the neck and everywhere near that."

I smiled. "Yes. In fact, pwede ko rin yung gawin sa'yo."

I leaned towards him and kissed his neck. He got stoned for a moment, blinking repeatedly as what I did registered to him. Pilyo akong ngumiti at binuksan na ang pinto.

"Good night, langga." Then, I went out. Hindi pa rin nakapagsalita ang asul. Nagulat pa rin siya sa halik ko sa leeg niya.

See? I initiate kisses. Marunong akong lumandi pero tamang landi nga lang.

Nakapasok na ako sa gate pero di ko pa narinig ang kotse niyang umaalis. Kaya tinawagan ko siya.

"Ba't di ka pa umaalis?" tanong ko agad pagkapulot niya nung tawag.

"I just....needed more time to recover from that," he says.

Ako'y napangiti na lang. I found his response really cute.

"Ang landi mo, Rain."

Napatawa na lang ako sa huling sinabi niya. I heard his car starting so I ended the call.

Malanding conservative. Ironic, but yeah. That's me.

Continue Reading

You'll Also Like

146K 3.6K 54
What will you do if you end up in someone else body?
10.6K 2.2K 64
Hindi lahat naghahanap ng ka-sparks, ang iba kausap lang.
1M 39.6K 60
If there is one thing that can make Anniesha really happy, that would be books and not boys. It is her way to escape reality from this cruel world. ...
16.4K 400 5
(#Wattys2016 & #JollibeeRomance entry) Sino bang tao ang hindi humihiling? Definitely not me. -Viv • 𝗖𝗢𝗠𝗣𝗟𝗘𝗧𝗘𝗗 ┊ 𝗣𝗢𝗦𝗧𝗘𝗗: 𝟮𝟬𝟭𝟲 •