Chapter 17: Why are you here?
"Sir Jacob? Teka, boyfriend ka ni Berry?" nalilitong tanong ni Maf with matching turo turo pa.
"Oo. Ahmmm..." nag iisip ako ng sasabihin sa kanya. At hindi ako makaisip dahil NAGPAPANIC AKO!
"Baby, dun lang kami ng Mommy mo sa living room ha. Settle this by yourselves," sabi ni Dad and kiniss ako sa noo tsaka umalis kasama si Mommy.
Alam naman ng parents ko na kami na ni Jake. Trusted naman nila yon eh kasi practically, lumaki ako kasama siya. Ang ang problem nga lang eh ang age gap tsaka yang student-teacher relationship namin. Pero ayos lang talaga kina Mommy and Daddy.
"Saglit lang ha. Mafflarery why are you here?" tanong ni Jake. Napatingin siya sa akin kaya nanlaki mata ko. Baka kung ano isipin niya! Seloso pa naman yan.
"Teka Jake, kasi---" pinutol ni Maf yung sasabihin ko. Ano ba yan!! Mag eexplain ako kay Jake. Baka ito pa ang maging first fight namin. :(
"Sir nakikipagrelasyon ka sa studyante mo? Nice," sarcastic na pagkasabi ni Maf. "Ikaw pala yung tinutukoy nina May nung nakaraan. Grabe, I didn't see this coming."
Napatahimik naman si Jake kasi totoo naman yung sinabi ni Maf. Mali tong ginagawa namin. Pwedeng makulong si Jake dahil dito.
"Ano ba Maf? Tingin mo ba di namin yun alam?" sabi ko ng mahina
"Alam mo naman pala eh! Bakit niyo pa tinuloy?!" sigaw sa akin ni Maf. Pero teka bakit ba siya galit na galit?
"Hey, don't shout at Berry! Tsaka bakit ka ba nagkakaganyan? Bakit ka galit?" medyo pagalit din na tanong ni Jake. Eh pano ba naman sinisigawan ako eh. Medyo naluluha na nga ako :(
"Kas--i.." biglang nawala yung galit sa mukha niya. Narealize niya siguro na bakit nga ba siya galit. "Mapapahamak lang kasi kayo SIR. Wag naman sana kayong padalos dalos," sinabi niya tapos umupo na siya na parang pagod na pagod.
"I understand naman kung bakit ka ganyan pero wag mo naman sigawan si Berry. Ako nagpumilit nito hindi naman siya kaya I will take all the blame. Handa naman ako sa consequences ng pinasok namin eh. I can handle this kasi mahal na mahal ko si Berry kaya kahit ano pa man ang harapin namin kakayanin namin," buong pride na sabi ni Jake.
"Jake...." yun lang nasabi ko kasi super touched ako.
"Pero Sir--"
"Mas mahalaga si Berry kaysa sa trabaho ko. Kahit matanggal man ako sa pagiging teacher okay lang," sabi niya. "Pero answer my question nga. Why are you here?"
"Kasi Jake ano---" pinutol nanaman ako! Ano ba yan! I don't have a say in this :(
"Hindi ikaw kausap ko Berry si Maf kaya wag kang magulo dyan," natakot naman ako kaya di na ako nagsalita. Baka lumala lang at sure akong galit yan eh
"Pinilit lang akong dalhin dito ni Berry kaya wag mo akong tignan ng masama," sabi ni Maf. Hala! Bakit yun lang sinabi niya!!!! Alam niya bang magiging away namin to ni Jake.
Pagtingin ko kay Jake galit na galit siya. Nilalamon nanaman ng selos. Nako buti di pa nagwowalk out!
"Jake, wag mo naman akong tignan ng ganyan oh! May rason naman kung bakit ko siya dinala dito eh."
Di pa din nawawala yung tingin niyang yon. Natatakot na ako. Maghihiwalay na ba kami?
"Let me hear that reason you were saying. Be sure that it is reasonable enough to bring him here!" with slight na pagtaas ng boses. Parang strict teacher na siya. Di na siya jealous boyfriend. Siya na ang teacher ko sa english huhuhuhu
"Ano..." bakit ba ako kinakabahan! Eh reasonable naman yung ginawa ko ha! Deep breath!
"Well, as you can notice May is absent today meaning I'm alone because she's my only friend. At break time Maf here was being nice and accompanied me for awhile. But then I remember that Maf's never been nice to me so I asked him if he's sick. And he really is! So I brought him to the clinic and that's it!" sa sobrang kaba ko napaenglish ako huhuhu
"And it still doesn't answer why he's here at your house in the dining room," medyo nakakatakot niya pa ring sabi.
"Ah, he's not still well. And he was about to go home but I asked him if there's anyone who can fetch him. Considering his condition. And that's when I knew that his parents weren't home so I dragged him him. Because there'll be no one to take care of him," tapos na ako magexplain
Tumingin naman ako kay Jake. Hindi na siya galit. Pero wala pa ding expression sa mukha niya.
"Tawagin ko lang sina Tita," sabi na lang ni Jake. So ganon lang? Wala siyang reaction sa sinabi ko!!! Nakakainis naman eh. Tss
"Mas okay na yang magbreak kayo. Walang pupuntahang maganda ang relasyon niyo," biglang sabi ni Maf. Napatingin ako sa kanya ng galit.
"Wag mo nga kami pakialaman," sabi ko ng mahina. Medyo nasasaktan pa din ako sa kinilos ni Jake kanina.
"Sinasabi ko lang ang mas makabubuti. Kung ako sayo, lalayo na ako kay Sir Jacob," pagpatuloy niya pa din.
"Tama na nga. Ayaw ko ng pag usapan to."
Dumating na sina Mommy at kumain kami. Ng tahimik. Super tahimik ngayon which is rarely nangyayari kapag kumakain kami. Kasi lively yang parents ko eh. Siguro nakikiramdam na lang sila.
Pero ang awkward eh. Ni minsan nga di ako natamaan ng tingin ni Jake kahit katapat ko lang siya nakaupo. So ito na ba ang break up namin?
Natapos ang dinner namin ng walang nagsasalita. Sina Mommy naman nagpahinga na sa kwarto nila kasi kakarating lang nila kanina. May jetlag pa daw sila. I need them huhuhuhu pero syempre pagod nga sila kaya I let them be.
Si Jake umuwi na sa kanila ng di din nagpapaalam or magsalita man lang. Di ko naman inexpect na magiging ganito ang pagdala ko kay Maf sa bahay. Naging mabuting tao lang naman ako tapos ganito pa ang lalabas.
Nako siguro kailangan lang naming magcool off muna. I mean, mag isip isip muna. Di cool off!!!!! Huhuhuhu di kami magbrebreak! Gagawin ko ang lahat para hindi.
"Tara na, Maf. Dalhin kita sa room mo," sabi ko.
Napatingin siya sa akin na medyo gulat. Napataas kilay ko kasi di ko gets bakit mukhang nagulat siya.
"You mean dito pa din ako magstay kahit ginulo ko ang relationship niyo?" sabi niya.
"Di mo naman ginulo eh. Siguro pagod lang yun kaya ganyan siya kumilos," sabi ko na lang at ngumiti ng maliit sa kanya.
"Ano tara na? Or gusto mong matulog sa sofa namin?" tanong ko. Napatayo naman agad siya at sinundan ako papuntang guest room na katabi ng room ko.
"Ito lang room ko," sabay turo sa door ko. "If you need anything just knock ha?" sabi ko at ngiti ulit.
"Alam mo, ang pangit mo. Di bagay sayong magpanggap," bigla niyang sabi. Di na lang ako nagsalita dahil kailangan kong magtimpi. Baka masigawan ko nanaman siya, naalala kong may sakit pa pala siya.
Akmang aalis na ako ng nagsalit ulit siya. "Okay lang naman umiyak eh. Di ka naman hihina kapag umiyak ka, mas lalakas ka nga non eh."
Pagkasabi niya non, napaiyak na ako. Lumabas lahat ng luhang pinilit kong kimkimin.
Nagulat na lang ako ng niyakap niya ako. At hinimas himas yung likod ko para medyo gumaan loob ko.
"Sorry kung nasigawan kita kanina," mahina niyang sabi. Mas lalo akong napahagulgol dahil nagsorry siya. Sincere kasi.
Dinala niya ako sa loob ng kwarto. Sabi niya kasi baka daw makita ako ng parents ko at mag alala pa lalo. Wala naman daw siyang gagawin masama sa akin.
"Alam mo, lumaki akong kasama si Jake. *huk* Kasi bestfriend ko yung kapatid niyang *huk* si Katie. Tapos madalas akong nasa kanila kasi laging wala parents namin. One day, *huk* biglang nagdivorse parents nila at dinala ng mommy niya si Katie sa ibang bansa at naiwan si Jake dito kasama ng daddy niya. *huk* Ang pagkakaiba lang, ang daddy nila hindi na masyadong umuuwi kaya laging mag isa si Jake," pagkwento ko. Medyo humihikbi pa ako kaya paputol putol ang kwento ko. Di naman sa nagtanong siya, ako lang ang may gusto. Nakinig naman siya ng mabuti.
"Kahit na wala yung bestfriend ko pumupunta pa din ako sa kanila. Sabay kaming kumakain, nanonood ng kung anu ano. Naging super close kami kaya nadevelop tong nararamdaman ko sa kanya. Ito lang ang pinakapinag awayan namin. Di ko kakayaning wala si Jake, Maf." tapos napaiyak ulit ako. Pinatahan naman ako ni Maf.
Dapat ako ang nag aalaga sa kanya ngayon eh pero mukhang nabaliktad ang roles namin. Super sakit lang ng nararamdaman ko.
Maaayos pa naman namin to ni Jake di ba?
////////////////////////////////
Hi, di to late update hahahaha well, inspired ako kaya ayan ang update!! :) Anyways, sana di makipagbreak si Jake kay Berry!! Mabobroken hearted ako huhu well, di pa dapat ngayon mabubuking ni Maf ang relationship nina Berry pero an daliri ko aang nagdesisyon eh hahaha enjoy niyo na lang. Sorry lame! :)