The Sweetest Escape

By endlesslaugh

318K 8.6K 485

Isang libong piso, anim na pares ng damit, makeup kit, isang toothbrush, at cellphone na walang load lang ang... More

Prologue
One
Two
Three
Four
Five
Six
Seven
Eight
Nine
Ten
Eleven
Twelve
Thirteen
Fourteen
Fifteen
Sixteen
Seventeen
Eighteen
Nineteen
Twenty
Twenty-one
Twenty-two
Twenty-three
Twenty-four
Twenty-five
Twenty-six
Twenty-seven
Twenty-eight
Thirty
Thirty-one
Thirty-two
Thirty-three
Thirty-four
Thirty-five
Thirty-six
Thirty-seven
Thirty-eight
Thirty-nine
Forty
Forty-one
Forty-two
Forty-three
Forty-four
Forty-five
Forty-six
Epilogue
Thank You!

Twenty-nine

4.7K 150 2
By endlesslaugh

Hannah

"Sa maling realidad ata ako nagising."

Humalinghing ang kasama ko bilang sagot.

Hila-hila ko si Shasta gamit ang lubid na ipinantali sa kanya ni Barney kanina. Si Migs dapat ang mag-aasikaso sa kanya ngayon kaso bigla siyang pinatawag sa clinic kaya ako na ang umako ng gawain niya.

Nanibago nga ako kasi medyo maamo si Shasta sa akin ngayon. Walang temper tantrums nang ilabas ko siya sa kulungan. Napaganda ata ang gising.

Iyon din ang masasabi ko sa Lolo ko. Sa maling side ng kama ata bumangon at ang mellow ng pakikitungo sa akin kanina. Pagbaba ko, nasa hapag-kainan siya na tila hinihintay ako. Tapos kinumusta niya ang gising ko. Tinaasan ko pa siya ng kilay bago ako sumagot.

Madaldal siya habang kumakain kami. Nagkukwento siya tungkol sa rancho at kung paano niya ito namana sa mga magulang niya. Ikinuwento niya si Lola na hindi ko nakilala. Nabanggit niya sandali si Mama pero agad siyang tumahimik. Doon natapos ang kadaldalan niya.

"Nakalimutan sigurong saksakan ni Manang Lita ng insulin," dagdag ko.

Tumigil ako sa ilalim ng puno ng mangga at tumingin sa kalawakan ng lupang sakop ng rancho. Sobrang berde ng lahat. Malinis pa. Ano kayang magiging hitsura kapag naiguhit ko sa papel mula sa point of view na ito?

Makabalik sa bahay mamaya para makuha yung sketchbook ko.

Binalik ko ang atensyon ko kay Shasta. Itinali ng mahigpit ang lubid para hindi siya makalayo. Kumuha ako ng curry comb at lumapit sa kanya. Umatras naman siya at nagtaas-baba ng ulo para balaan ako sa paglapit ko.

Pinanlisikan ko siya ng mata saka ako lumapit ng isa pang hakbang. Umatras uli si Shasta.

Nagpakawala ako ng isang malalim na hininga. Nagtungo ako sa harap niya at nakipagtitigan. "Look, alam kong may issue ka sa mga lumalapit sa'yo pero kailangan mo nang malinisan kasi walang ibang makapagtiyagang maglinis sa 'yo kakaiwas mo sa kanila."

Ibinalik ni Shasta sa akin ang titig ko. Tila ba sinasabi niya na, Ikaw pa talagang nagsabi niyan?

Natameme naman ako. Napatulala sa damuhan. I've summed up everything Migs was trying to do for me in one conversation. Mas harsh nga lang yung pagkakasabi ko pero pareho pa rin ng ideya.

"Sinusubukan ko naman, okay?" pagdepensa ko. "Mahirap. Pero sinusubukan ko. 'Wag mo kong tingnan ng ganyan! Swear, walang halong lokohan sa sinasabi ko. I. Am. Really. Trying. Kaya gayahin mo na ako, subukan mo nang magpatuloy. Please." Inilahad ko ang palad ko.

Pumadyak si Shasta at iniwas ang mukha niya sa akin. Ibababa ko na dapat ang kamay ko nang bigla siyang lumapit at sinagi ang kamay ko gamit ang nguso niya.

Hinaplos ko ang kahabaan ng nguso niya bago ko inilapit ang katawan ko sa kanya. "Kung ganito lang pala ako kadaling kumbinsihin."

Muling humalinghing si Shasta at naramdaman ko ang init ng hininga niya sa kamay ko.

Sinimulan ko rin ang pag-groom kay Shasta. Sinabi dati ni Migs na kailangan kong kausapin siya habang naglilinis para aware siya sa bawat kilos ko kaya dinaldal ko naman siya. Kinuwento ko sa kanya ang dalawang araw na pananatili namin sa studio ni Michelle. Light pa noong umpisa pero nagawa kong sabihin sa kanya yung mga pagdadalawang-isip ko kay Migs.

Naka-squat ako sa likod ni Shasta at kakatapos ko lang tanggalan ng putik ang ilalim ng horseshoe niya. "Sabi niya sa akin nagawa niya akong mahalin sa kabila ng pagiging isang malaking disaster ko. Alam mo ba kung anong una kong naramdaman? Natakot ako. Kasi sa tuwing may nagsasabi sa akin noon, lagi kong tinatapos yung relasyon. Pero natakot ako na layuan si Migs. Kaso hindi niya ako binigyan ng chance para gawin iyon."

Tumayo ako at niligpit ang mga kagamitan. Masyadong naokupa ang isip ko sa mga nangyari kahapon kaya 'di ko napansin si Lolo na naglalakad papalapit sa amin. Tumigil siya sa harap ni Shasta at hinaplos ito sa likod.

"Kay Hilda ang kabayo na 'to," pagbabahagi niya.

Napatigil ako sa ginagawa ko, naghihintay sa mga susunod niyang sasabihin.

Mabuti na lang at pinagpatuloy niya. "Regalo sa kanya ng mapapangasawa niya. Claudio ang pangalan. Galing sa isang respetado at makapangyarihang pamilya. Their family doted on Hilda. Nasaktan sila nang malamang nakipagtanan ang Mama mo."

Wala akong masabi sa kanya kaya nanatili akong tahimik.

"Kung nakinig lang sa akin si Hilda, humihinga pa sana siya at maganda ang buhay." Umiling siya. "Edi sana hindi ka—"

"—na lang pinanganak?" mapait kong pagputol sa kanya. "Alam ko namang kaya kayo galit na galit sa akin kasi sumisimbolo ako sa lahat ng pagkakamali ng nanay ko. Pwede bang huwag niyo nang ipamukha sa akin?" Ramdam na ramdam ko naman iyon kahit na hindi na ipaalala.

Ipinatong niya ang parehong kamay sa tungkod niya at tumayo ng tuwid. Somehow naramdaman kong may nag-iba sa timpla niya. Parang may nasabi akong mali at gusto kong bawiin ang mga napakawalan kong salita. Worse, parang gusto kong humingi ng tawad sa inasal ko.

Ngunit imbis na gawin iyon ay dali-dali kong tinanggal ang buhol ng lubid ni Shasta. Mabuti na lang at hindi siya umangal nang hilahin ko siya pabalik ng kamalig. Naramdaman ata ng mga katrabaho ko yung maldita waves na pinapakawalan ko kaya nilalayuan nila ako. Fine with me. Mas marami tuloy akong nagawang trabaho.

Noong tanghali, nakita ko si Migs na nagbubuhat ng dayami. Tumigil siya sa may pinto at ibinalandra sa akin yung dimples niya. Dahil doon medyo gumaan yung pakiramdam ko. Hindi ko nga lang siya nakausap kasi dumiretso siya sa training facility.

Mas mabilis yung oras pagdating ng hapon.

Mahina kong pinalo si Dimples sa may pigi nito. "Ayos ka na. Next time 'wag masyadong malikot. Ang sakit mo sa balakang." To prove my point, nag-bend ako sa bewang at nag-inat.

At dahil patapos na naman ang araw ng pagtatrabaho, umupo muna ako sa swing para magpahinga. Napagdesisyunan kong isoli na lang si Dimples mamaya para may kasama muna ako.

Naalala ko yung sketchbook na binitbit ko. Binuksan ko ito sa blangkong page at tinitigan. Paano ko ba sisimulan?

Inangat ko ang ulo ko para pagmasdan muli ang lupain. Magdidilim na kaya kailangang bilisan ko bago pa mawala ang liwanag. Itinapat ko ang lapis sa papel saka ko sinimulan.

Nagdo-drawing ako sa tuwing nai-stress ako. Ito ang unang beses na nag-drawing ako na at peace ang isip ko. Kasing gaan ng loob ko ang gaan ng stroke ng kamay ko. Hindi aggressive ang strokes. Kung marunong pa akong umiyak, iniyakan ko sana yung realization na kaya ko palang maging malumanay. Kahit na sa pagdo-drawing lang iyon.

Nang natapos ko ang landscape, inangat ko ang sketchbook para mahuli ng mga natitirang liwanag ang gawa ko.

"Maganda." Muntikan ko nang mabitawan ang hawak nang magsalita siya mula sa likod ko.

Tiningala ko siya. "Kanina ka pa ba dito?"

"Medyo." Napuna niyang isinasara ko ang sketchbook. "Ba't mo tinatago?"

"Hindi ko tinatago ah," pagdepensa ko.

Yung mukha niya sinasabi na hindi siya naniniwala sa sinasabi ko. Lumayo siya sa pagkakasandal niya sa puno at pinaipod ako sa duyan. Inagaw niya ang hawak ko at ibinalik sa gawa ko. "Ang galing mong mag-drawing, Hannah."

I shook my head.

Tumawa siya.

"Bakit?"

"Wala lang." Ngiti. "Sa dinami-rami kasi ng mga panahong naging humble ka, doon pa sa bagay na dapat mong ipagyabang."

"Sinasabihan mo ba kong mayabang?"

"Ma-pride," pagtama niya. "Magaling kang mag-drawing pero bakit hindi ka nag-Fine Arts?"

"Mahal kasi. Isa pa ayaw kong pag-aralan yung bagay na hilig ko dahil baka ma-stress lang ako sa mga deadlines at sa dami ng gawain. 'Wag na lang. Ito na nga lang ang nag-iisang bagay na ikinatutuwa ko, hahayaan ko pang mapalayo sa akin?"

"Bakit naman napili mong kurso ang Advertising?"

"Kasi letter A. Iyon yung nauna sa application form."

Napatawa ko uli siya. "Seryoso ba 'yan?"

Tumango ako. "Tsaka akala ko walang Math. Meron pa rin pala. Hanggang ngayon nga iniisip ko pa rin kung tama ba yung kinuha kong kurso kasi hindi ko rin naman gusto ang ginagawa ko. And to think dalawang taon akong tumigil ng pag-aaral. Aakalain mo na sa gitna ng dalawang taon, maiisip ko na kung anong pangarap ko sa buhay. Mahirap palang mangarap kapag iniisip mong wala ka naman palang kinabukasan."

Tumayo siya bitbit ang sketchpad ko. "Simula ngayon, bawal na ang nega. Ipunin natin ang mga heart-to-heart kapag alas onse ng gabi onwards."

Ako naman ang natawa sa kanya. "Nanggaling po sa Hari ng Heart-to-Heart." Napatigil ako nang makita siyang nakatulala. "Huy, bakit?"

Kumurap-kurap siya. "Dapat pala lagi kang tumatawa. Mas gumaganda ka."

Kusang nag-stretch ang mga muscles ng labi ko. Kaso bago pa man ito mamuo, kinagat ko na agad ang labi ko. "Ano ba kasing ginagawa mo dito? Wala ka bang trabaho?"

Lumapit siya kay Dimples at kinuha ang tali nito. "Wala na. Iyong-iyo na ako para sa buong gabi na 'to," sabi niya with humor in his voice.

"No, thank you. Matutulog na lang ako." Inunahan ko siya sa paglalakad pabalik.

Ngisi niya ang huli kong nakita nang talikuran ko siya. "Alam nating dalawa na hindi ka makakatulog hangga't hindi mo ako katabi."

"You're so full of yourself."

Hindi niya ako sinalungat. Sabay kaming pumasok sa kamalig. Nandoon na lahat ng mga katrabaho namin at naghahanda nang magsiuwi. Nanibago lang ako sa kanila kasi ang lalaki ng mga ngiti nila sa akin tapos tinatapik nila nang tinatapik si Migs sa likod habang naglalakad siya patungo sa kuwadra ni Dimples.

Tumabi ako kay Kalbo. "May napanalunan bang contest si Migs?"

Tumawa siya. "May napanalunan, parang ganoon na nga."

"Ang weird niyong lahat."

"Paano, Hannah. Mauna na ako sa 'yo. Hinihintay na ako ng misis ko."

"Sige. Ingat ka." Tinapik ko siya sa braso gaya ng kung paano nila tapikin si Migs.

Napansin kong nanlaki ang mata ni Kalbo sa ginawa ko. Maging ako, nasorpresa. Ako pa kasi ang unang gumawa ng move para lumapit sa kanya. Hinawakan ko pa. Alam ko rin namang napag-uusapan ako ng mga ranchero at napupuna nila ang pagiging mailap ko sa kanila. Nagtataka siguro si Kalbo sa ginawa ko.

Pero imbis na tuksuin o punahin ay nagkibit-balikat na lang siya. Sinuot niya ang cap niya at sinabing, "Masaya ako para sa inyo, Hannah."

Para sa amin? Para saan?

Maling realidad talaga ang pinanggisingan ko.

Pagkatapos kong magligpit ay lumabas na ako. Sinalubong ako ni Ares na dinila-dilaan ang kamay ko. Absentmindedly, hinaplos ko ang ulo niya.

Mula sa gilid ng mga mata ko, nakita ko si Migs na papalabas na rin. Seryoso ang mukha niya, nabura lahat ng traces ng humor na nakapinta roon kanina.

Tumigil siya sa harap ko. Sobrang lapit, kaya napilitan akong umtras.

Ngunit 'di niya binigay yung chance kasi hinawakan niya ako sa bewang to keep still. "Hannah."

"Oh?" mahangin ang paglabas ng hininga ko. Bakit ako biglang naghahabol ng hininga?

"Go out on a date with me."

"'Di ba tinanong mo na sa 'kin yan?"

"Gusto ko lang uling itanong para malaman kong sigurado ka," paliwanag niya. "Para sigurado akong hindi ka aatras."

Merong double meaning sa mga binitiwan niyang salita, I was sure of it. Hindi ko maibibigay sa kanya yung assurance na hindi ako aatras. Ang tanging maibibigay ko lang sa kanya ay ang ngayon. I can't lie to him either. "Hindi muna ako aatras."

Alam kong 'di siya nasiyahan sa sagot ko pero tinanggap niya iyon. Inabot niya ang kamay ko at pinisil ito. "Magde-date tayo."

"Ngayon na?"

Naglaho yung pagkaseryoso niya sa reaksyon ko. "Ayaw mo ba?"

"Yung totoo, Migs. I smell like shit. Literally."

Tumawa siya ng malakas. Tumahol naman si Ares nang marinig ang amo niya. "Pareho naman tayo ng amoy."

Sasalungatin ko dapat siya. Sasabihin ko sa kanya na kahit na bente-kuwatro oras pa siyang mapaligiran ng dumi ng kabayo, never siyang nag-amoy noon. Kakaiba yung brand ng scent niya pagdating sa senses ko. Nagagawa nitong i-distinguish yung unique niyang amoy. Pure masculine at pure Migs.

"Mag-ayos ka muna. Tapos suotin mo yung damit na nakahanda sa kama mo," utos niya.

Napabalikwas ako sa sinabi niya. "Pinili mo ko ng damit?"

Imbis na sumagot sa tanong ko ay tinulak niya ako palayo. "Twenty minutes lang. Tapos hihintayin kita sa may kusina."

Pinanlisikan ko siya ng mata. "Huwag mo kong utusan."

Kinawayan niya lang ako habang pinapanood na naglalakad pabalik ng bahay.

Continue Reading

You'll Also Like

36.1K 725 32
How #1 of How Trilogy Paano ba magmahal? Was it really learned at all? Are there steps, guidelines, and requirements for it to be learned? Para ba it...
12.8K 5.2K 60
METANOIA SERIES 3 [COMPLETED] "If I was a pain you are willing to endure, you are the love I am amenable to wait..." -Dee I am Freya Dionne Jacinto...
2.2K 77 28
(Liwanag at Dilim Series #4) Czarina Kaye Wager is a girl full of dreams in life. She is known to be the almost perfect girl in town. As time passes...
21.2K 6.4K 37
Paano kung mangyari sa buhay mo ang nangyayari sa iyong Love Game App? Anong gagawin mo? Remember that this is not your ordinary Love Game App. DON'...