BABYSITTING THE MAFIA'S KID

By VictoriaGie

483K 23.1K 6.1K

May chanak -- este bata na nahulog sa kanal ang naligaw sa bahay ko. Kinupkop ko, inalagaan, pinakain, basta... More

PROLOGUE 💋
CHAPTER 1 - KNOCK KNOCK
CHAPTER 2 - FIVE HUNDRED MILLION
CHAPTER 4 - LOST TREASURE
CHAPTER 5 - FULLY LOADED
CHAPTER 6 - VINTAGIO MUSEUM
CHAPTER 7 - MEET AND GREET
CHAPTER 8 - MONEY DROP
CHAPTER 9 - GUNS AND STARES
CHAPTER 10 - STAY
CHAPTER 11 - DON'T PULL THE TRIGGER
CHAPTER 12 - A LITTLE WORRIED
CHAPTER 13 - ZOOLOGY
CHAPTER 14 - THE MASTER MIND
CHAPTER 15 - A FATHER'S LOVE
CHAPTER 16 - ORGANIZATION OF PEACEMAKER
CHAPTER 17 - BUSTED
CHAPTER 18 - AGREED
CHAPTER 19- CONTRACT AND CONDITIONS
CHAPTER 20 - THE WORLD HE BELONGS
CHAPTER 21 - WELCOME PHONE
CHAPTER 22 - KEEP LIVING
CHAPTER 23 - LUCID
CHAPTER 24 - BEAUTY IN BLACK
CHAPTER 25- JELOUS
CHAPTER 26 - UNDER THE GLASSES
CHAPTER 27- HYDRATED
CHAPTER 28- GALAXY IN HIS EYES
CHAPTER 29- SNEAK OUT
CHAPTER 30 - SEASON FINALE
SPECIAL CHAPTER - DYTHER ICEXEL QUIGLEY ELCANO
CHAPTER 31- SEASON 2
CHAPTER 32 - ABDUCTED
CHAPTER 33 - THE OFFER
CHAPTER 34 - ONCE AN ANGEL
CHAPTER 35 - HOME
CHAPTER 36 - VERNIX
CHAPTER 37 - PARTNERS IN CRIME
CHAPTER 38 - PROJECT EXTERMINATION
CHAPTER 39- THE TRIAL
CHAPTER 40 - RUMORS UNLEASHED
CHAPTER 41 - SOMEONE'S FRUSTRATED
CHAPTER 42 - LEAVE HER ALONE
CHAPTER 43 - ADIOS
CHAPTER 44 - DO THEY BELIEVE ?
CHAPTER 45 - HEADACHE
CHAPTER 45.2 - HEADACHE AGAIN
CHAPTER 46 - BROTHERS
CHAPTER 47 - RAIN HARD
CHAPTER 47.2 - STILL RAINING HARD
CHAPTER 48 - CONFRONTATION
CHAPTER 49 - LONG AWAITED REUNION
CHAPTER 50 - CANDLE
CHAPTER 51 - STRANGE
CHAPTER 52 - MISUNDERSTANDINGS
CHAPTER 53 - BEHIND THE WHITE MASK
CHAPTER 54 - THE GLOOM THAT BLOOMS
CHAPTER 55 - BEFORE THE AUCTION
CHAPTER 56 - SIMPLE PLAN
SHORT CHAPTER - GALILEO ARTHFAEL MARCHESE
CHAPTER 57 - SMOKE
CHAPTER 58 - UNDER THE SHADOW
CHAPTER 59 - NIGHT BEFORE THE BOMB
CHAPTER 60 - FORMAL VISIT
CHAPTER 61 - BATTLE GROUND
CHAPTER 62 - COMMUNITY WAR II
CHAPTER 63 - OUT OF SIGHT
CHAPTER 64 - A PROMISE MADE TO BE BROKEN
CHAPTER 65 - HOMELESS
CHAPTER 66 - ONCE A TRUCK DRIVER
CHAPTER 67 - STABBED
CHAPTER 68 - WITH A KNIFE

CHAPTER 3 - THE HIERARCHY

10.8K 400 111
By VictoriaGie

THIRD PERSON'S POV

Marchese La Familia, ang pinaka makapangyarihang pamilya sa mafian community ng bansa. Iginagalang at kinakapipitagan miski ng mafian community sa ibang bansa.

Bilang may POV ngayon, bibigyan ko muna kayo ng learnings o knowledge patungkol sa hierarchy ng mafia. Itugon natin ito sa pamilya ng Marchese.

Simulan natin sa mafian leader o ang tinatawag na BOSS.

Adolfo Marchese ang kanilang head leader, tinatawag din na Don o boss. Siya ang pinaka mataas ang posisyon. Siya ang masusunod sa lahat. Siya ang may kontrol ng lahat.

Ang anak niya na si Easton Artfael Marchese ang UNDER BOSS. Second in command, hinahasa upang susunod na Boss ng Marchese family. Siya din ang ama ni Galileo Arthfael Marchese, ang nawawalang bata na chi-na-child abuse ni Ashari. Hikhok

Sa ibaba ng under boss, ay ang mga CAPOREGIME o Capo for short. Sila ang mga nag t-train sa mga bagong recruit na mafia o ang tinatawag na SOLDIER. Similar sa militar captain. Mga minor role lang naman sila kaya di ko na papangalan hakhak.

Meron ding tinatawag na CONSIGLIERE, siya ang mga advisor ng boss. Right hand man din. Sa pamilya Marchese, si Salvador Elcano ang consigliere. Pinsan ng asawa ni Adolfo na si Gisella Marchese. Ina Ni Easton at lola ni Gali. (Sana gets niyo HAHAHA)

Sa kabila ng makapangyarihang estado ng Marchese family, marami pa ding nagnanais at nagtatangka na pabagsakin ang pamilyang ito.

Sa katunayan nga niyan, isang araw ang nakalipas, dinukot ang apo ng BOSS at anak ng UNDER BOSS na si Galileo Arthfael Marchese sa isang pinakasikretong dahilan! Malalaman niyo din sa mga susunod na araw ahaha.

Nagimbal ang lahat ng malaman nila na nawawala si Galileo. Naglalaro lang ito ng teddy bear tapos naglaho nalang na parang bula.

Parang may bombang sumabog sa buong mansyon ng Marchese ng malaman nila na nawawala ang bata.

Hanggang ngayong kasalukuyan, magulo pa din at aligagang aligaga ang mga tao. Nationwide na ang nakapanood ng kabi-kabilang balita kaya mapa katulong, butler o kapwa mafia member na nasa mansion ay hindi mapakali kakasagot ng tawag sa private hotline nila 454.

Ang 454 hotline ay exclusive lamang sa pamilya Marchese.


"WALA PA? WALA PA DING NAKAKAPAGTURO KUNG NASAAN SI GALI?" galit na galit ang hindi mapakaling si Easton habang umiikot siya sa napakalaking salas ng mansion kung saan naka hilera ang tatlong daang telepono. Walang pahinga ang bawat tao na naka-upo sa designated telephone nila.

Madami kasing nagsasabi na nakita na daw si Gali, nasa kanila daw si Gali, inampon daw nila si Gali, at kung ano ano pang prank kineme na hindi naman mapatunayan. Wala pa ding GALILEO ARTHFAEL ang nagpapakita.

"No confirmed caller, Sir." sagot ng isang Capo.

Nasabunutan ni Easton ang sarili niya. Parang anytime makakapatay na siya sa stress!

"Anak, Gali's fine. You know he's smart and witty. Hindi siya basta basta makukuha ng kahit sino." pampalubag loob sa kaniya ng kaniyang ina na si Gisella Marchese.

"I know. But you know how important Gali is. He's more important than I am! Hindi ako mapapakali hanggat hindi ko siya nakikita ng dalawang mata ko!" hindi pa din mabawasan ng kahit anong mabubulaklaking salita ang takot na nararamdaman ni Easton.

Hindi siya yung tipo ng tao na madaling matakot. Ilang beses na siyang kamontik ng makipag meet ang greet kay kamatayan. Wala na dapat siyang katakutan pero pagdating kay Gali, kulang nalang pati hinliliit niya na daliri manginig na din sa takot.

"Magsimula na tayong manalangin na nawa nasa mabuting kalagayan si Gali." ang Consigliere na si Salvador na kanina pa nag a-aya na manalangin ang nagsalita.

Hindi marunong manalangin si Easton pero lahat na ng panalangin nabanggit niya mula ng nalaman niyang nawawala si Galileo. Kahit imbentong panalangin nabanggit na niya sa utak.

"Ipanalangin natin na nawa hindi nabasa ng ulan si Gali. Huwag din nawa siyang lamigin!" hindi alam ni Easton kung lalo ba siyang mag-a-alala o ano.

Umuulan ng malakas! Ni minsan hindi pa naglaro sa ulan si Gali. Hindi pa nakakasalat ng acid rain ang balat ng batang 'yon. Alagang alaga si Gali!

Tuwing maliligo si Gali, eksaktong 98.6 degrees Fahrenheit o 37 degrees Celcius. May sariling thermometer pa ang bath tub ni Gali! Ang tuwalya pa niya ay made out of the most expensive sheep's coat. O diba, hindi siya gumagamit ng pipitsuging tuwalya. Hindi lang 'yon, mamahaling sabon din ang gamit niya, galing pang Italya! Ni minsan hindi pa nadampian ng safeguard ang balat ni Gali.

'Yung shampoo niya personalized pa na nagkakahalagang kalahating milyong piso! Sobrang hiyang kasi yon ni Gali e. Nakakaganda ng hair. Hindi lang 'yon (ulit), lahat ng damit ni Gali branded at limited edition! Pwedeng i-auction ang damit niya na aabot pa ng isa hanggang dalawang milyon!

At mind you, ang diaper niya ay may pin na gold na pwedeng ibenta sa halagang 50,000 pesos lang naman.

Kung sa yaman lang, walang wala ang 500M sa pamilyang Marchese.

Kaya naman sobrang nag aalala na si Easton dahil kahit pa malaki na ang pabuya ay wala pa din nakakapag turo kung nasaan ang anak niya.

Para na siyang mababaliw. Sobrang pag-a-alala na ang idinudulot nito sa kaniya at sa kanilang lahat!

"Ipanalangin din natin na nasa mabuting tao si Gali." dagdag pa ni Salvador na Consigliere.

Ayan, isa pa 'yan sa mga iniisip ni Easton. Kung may nakakuha na ba sa anak niya at kung inaalagaan ba nito ng tama ang bata.

Bente na maid ang mayroon si Gali. Sampong body guard at pitong butler. Hindi siya naiiwan mag isa kaya naman nung nawala si Gali, fired lahat ng katulong, butler at body guard na incharge.

Nawa...

Nawa talaga nasa mabuting kamay si Gali dahil ni minsan hindi pinagbuhatan ng kamay ng kahit sino ang batang iyon at higit sa lahat, iginagalang at hindi pinagsasalitaan ng masasakit na salita ang bata dito!

(Insert Ashari na ipinaglihi sa sama ng budhi)

Kumbaga sa boss, si Gali ang BIG BIG BOSS! Walang tutumbas sa halaga ni Gali kumpara sa Boss na si Adolfo na kaniyang lolo at ang Under Boss na si Easton na kaniya namang ama.

Bakit nga ba ganon nalang ang halaga ni Gali?

Ang sagot ay isang malupit na sikreto. Tatlong tao lamang ang nakaka-alam nito.

Si Adolfo Marchese, Easton Marchese at Salvador Elcano.

"Sana, sana talaga nasa mabuting kamay si Gali, kung hindi..." nag igting ang panga ni Easton sa galit. "Kung hindi, I'll kill every inch of that person. Kahit maghabulan pa kami sa impyerno! Subukan lang niyang tratuhin ng hindi tama ang anak ko...subukan lang talaga niya, whoever he or she is, I'll make her meet the world of the dead underground as soon as possible!" nagkuyom ng kamao si Easton at hinayaan nalamang ang galit na manaig sa kaniya!

Continue Reading

You'll Also Like

3.1M 86.8K 60
WARNING: This story is my oldest story! You might encounter some cringe and immature scenes that needs some revisions! ... He bought me, but I didn't...
106M 2.1M 50
Marriage is normally one's happily ever after in the movies, but for Aemie Ferrer-Roswell, it's just the start of a seemingly unending adventure. Can...
11.9M 284K 55
Nagpakasal ang isang man-hater na si Sapphire sa isang super "friendly" na lalaki na si Johann for the sake na makuha niya ang mana niya. Magkasundo...