Zalpha Bri 1: Red Spider's Se...

By iamyourlovelywriter

2.3M 50.2K 2.8K

Teaser: Masyadongmaganda.com is typing..... Masyadongmaganda.com: Hi, pogee. HeinzChua: Get lost Zyrene. ... More

Teaser:
Prologue
Chapter One
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Eight
Chapter Nine-A
Chapter Nine-B
Chapter Nine-C
Chapter Ten-A
Chapter Ten-B
Chapter Ten-C
Epilogue (SPG)
Extra #1: MasterH's letter

Extra #2: Heinz's red hero

175K 3.5K 211
By iamyourlovelywriter

Extra #2: Heinz’s red hero

           

            “ARE you sure about this?” tanong ng kaibigan niya sa kanya, sinamaan lang niya ng tingin si Colton ang kanyang kaibigan.

            “Why wouldn’t I?” hinawakan niya ang surf board na gagamitin niya, inayos niya ang kanyang mahabang buhok na nakatabing sa kanyang mukha. Mukhang kailangan na niyang putulin ang mahabang bangs niya.

            “Hindi mo matatalo si Xancho, anak dagat yata ang lalaking iyon.” Tukoy nito sa kaibigan nilang nakikipag-isa na sa dagat habang nakalutang ang surf board nito. Katatapos lang nilang makagraduate ng college and they are having all the fun in the world bago sumabak sa madugong buhay ng reyalidad. Kapag natapos na ang bakasyon nila kailangan na niyang bumalik sa pamamahala ng mga naiwang negosyo n kanyang mga magulang at alagaan ang kanyang nakakabatang kapatid. Kaya ngayon enjoy muna siya.

            “I’ll win this for sure.” Confident na wika niya kahit na first time pa rin niyang makahawak ng surf board. Parang madali lang naman iyon gaya ng nakikita niya sa TV sasakay ka lang naman sa board at ibabalanse ang katawan sa tubig alin ang mahirap doon?

            “Confident dude.” Tumatawang ani nito. He and Colton were college friends, they have the same major. SIya naman at si Xancho ay ganoon din pero iba ang kurso nito, he took marine biology. His other friend, Ashton was out of the country dahil sa personal matters kaya sila lang dalawa ang magkasama.

            Napakunot ang noo niya ng makitang may ibang sinusundan ng tingin si Colton, gusto niyang pagtawanan ito ng may tinitingnan itong babaeng naka-bikini top at swimming shorts. Kahit na hindi ito nakaharap sa kanya ay kitang-kita niyang mas bata ito ng hindi hamak sa kanila. Mahaba ang pulang buhok nito na lampas beywang habang may kausap na hindi niya makita ng maayos dahil malayo ang mga ito.

            “Bata pa iyan.” Untag niya sa kasama niya.

            “Alam ko ang loud kasi ng buhok niya pulang-pula.” Natatawang kinuha nito ang surf board nito. Lumingon uli siya sa babaeng may pulang buhok, totoo ang sinabi ni Colton eye catching ang buhok nito.

            “Iyan ang trip niya sa buhay hayaan mo na.” napapailing nalang siya, ibang-iba na kasi talaga ang mga kabataan ngayon. Sa tingin niya ay kaedad lang ito ni Crischel na kanyang nakababatang kapatid na babae. Kapag nagkataon na naging kaibigan ito ng kapatid niya gagawa siya ng paraan umitim lang ulit ang buhok nito.

            “Hindi pa ba kayo magsusurf?” takang-tanong ni Xancho, napangiwi siya ng may hawak na naman itong isang supot na may lamang isda.        

            “Saan mo na naman nakuha iyan?” tanong niya.

            “Diyan lang sa dagat.” Minsan ay naiisip nilang bading si Xancho dahil hindi ito nagpapakita ng emosyon sa ibang tao lalo na sa babae. Mas gusto nitong makasama ang mga isda at kung anong lamang dagat. Kaya lang kapag may nirereto silang babae dito ay pinapatulan naman nito kahit na pilit lang, nakukuha pa nga nito ang mga iyon. It seems like women has this fascination for snobbish and silent type guys.

            “Xanch magsusurf si Heinz sa tingin mo marunong siya?”

            Tiningnan siya nito mula ulo hanggang paa. “Kaya ng surf board niya.” Kumunot ang noo niya sa sinabi nito, kahit kailan talaga hindi niya ito maintindihan. Naglakad sila papunta doon at hindi nama na lingid sa kaalaman niya na kanina pa sila pinapasadahan ng tingin ng mga babae sa beach. Too bad they aren’t in the mood to play with them.

            “Kamukha ng ex mo Heinz.” Turo ni Xancho sa isang babae na nasa unahan, pabirong sinuntok lang niya si Xancho sa likod.

            “Ulol mo.” Nagkagirlfriend na rin naman siya pero hindi tumatagal ang mga iyon because he can’t give them something they desires and that is to love them. Hindi siya capable sa bagay na iyan, if they want physical affection he can give it to them but he can never give them his love.

            Tiningnan niya ang malawak na dagat na may malalaking hampas ng tubig, napalunok tuloy siya. Hindi pa niya nasususbukan magsurf nainggit lang siya kay Xancho dahil para siyang lumilipad sa ibabaw ng tubig dagat. Marunong na si Colton dapat siya din maalam sa mga ganyang bagay kahit na hindi siya mahilig sa sport.

            Sinubukan niyang ibalanse ang board sa ibabaw ng tubig kaso nagpaplanking lang talaga siya. Nakakaasar na rin ang pagtawa ni Colton sa kamalasan niya at ang pagchecheer ni Xancho sa surfboard niya. Baliw ba talaga ang mga kaibigan niya? Ilang try ang ginawa niya bago siya tuluyang nakasampa sa surfboard ng hindi nahuhulog hindi niya alam na ganoon pala iyon kahirap, hanggang sa naging matulin na ang pagsakay niya sa board. Ngumisi pa siya ng makita niya ang malaking alon na kailangan niyang sakyan. Kaso parang ayaw sa kanya ng alon dahil nahulog na naman siya at tuluyan ng nalunod ng tubig. Sinnubukan niyang lumangoy pero hindi niya maigalaw ang kanyang mga binti narinig pa niyang nagsigawan sina Colton at si Xancho, tinatawag ang pangalan niya.

            He tried to open his eyes at sa nanlalambong mga mata ay napatingin siya sa babaeng pula ang buhok na papalangoy patungo sa kanya. Hind niya nakikita ang mukha nito but right now she looks like an angel. Naramdaman niyang hinawakan nito ang mga kamay niya at ang kanyang palad upang hilahin siya.

            Sino ka? Gusto niyang itanong pero walang lumalabas sa bibig niya lalo pa at nilamon na siya ng dilim. When he woke up ay ang mga kaibigan nalang niya ang nang-asar sa kanya, si Xancho ang unang nakahanap sa kanya at ito lang din ang nag-iisang tao na nakakita sa babaeng iyon. And they never saw her again, hanggang sa namalayan nalang niya na gustong-gusto na talaga niya itong makita. He wanted to see her again maybe to thank her for saving his life.

            “May kaibigan si Crischel na pula ang buhok?” tatawa-tawang tanong ni Colton, si Ashton at si Caleb ang kasama niya dahil si Xancho ay nasa Batanes dahil may kailangan daw itong sagiping mga whales. It has been years since they last saw each other and right now nagkita lang uli sila.

            “Yeah and her name is Zyrene.” Ipinakita niya ang picture nito na kasama ang kapatid niya. A month after he was saved from that incident ay nakilala niya ang isa sa mga kaibigan ng kanyang kapatid. Marami sila pero isa ito sa mga tumatak sa kanya bakit naman hindi kung kasing kulay ng buhok ng babaeng iyon ang buhok ng babaeng sumagip sa kanya noong minsan ay nalunod siya.

            “Anong balak mo?”

            “Remember the article from the tabloid about a certain sorority?”

            Kumunot ang noo ng mga kasama niya. “Yeah, I’ve read that one it seems like my sister is very interested about it. Nakita ko ngang ginupit pa niya iyon.” Ani ni Caleb na tinutukoy ang kakambal nito, Caleb is the youngest among his friends. Magaling kasi itong humawak ng negosyo at doon sila nagkakilala. Nalaman nalang niya na kaibigan pala ng kapatid niya ang kakambal nito kaya mas lalo silang nagkaintindihan. At pinsan pala ito ni Xancho dahil pinsan ng mommy nito ang daddy ni Caleb.     

            “Naniniwala ako dahil may nakita akong member ng sorority.” Aniya, hindi niya akalain na makakakita talaga siya. Noong una ay ayaw niyang maniwala but it hit his interest lalo pa at sinabi sa article na bawat isang member ay parang genie na kayang ibigay ang isang bagay na hilingin ng isa. But it means kailangan muna nilang makuha ang puso ng isa sa mga ito which means she needs to fall for the wisher.

            “Really? Who?”

            “Si Zyrene na kaibigan ng kapatid ko, I saw her tattoe sa bandang likod niya and when I saw the article parehong-pareho ang tattoe niya. At nalaman ko rin na sa Winhlan siya nagtapos and the same year where the legendary sorority was founded.” He explained making his friends think in silence.

            Ashton broke the awkwardness, “Anong gagawin mo ngayon?”

            “Make her fall for me as simple as that, I heard from Crischel that Zyrene has a secret crush on me kaya madali nalang na paibigin siya. Once she fell for me I’ll have my wish.”

            And his only wish is to see the woman who saved his life.

            “Way to go man.” Naghigh five silang lahat, right now isa lang ang gusto niya ang makita ang babaeng iyon.

            “Paano kung ikaw ang magkagusto sa kanya?”

            “That would never happen Ashton you know I am not capable of falling to someone.”

            “Huwag mong masyadong saktan pare babae pa rin iyon at kaibigan ng kapatid mo baka iyan pa ang ikasira mo at ni Crischel.” His friends never saw her sister in flesh, they knew he have a sister but everytime they are here ay ang kapatid naman niya ang wala ang weird ngang isipin.

            “Huwag magsalita ng tapos baka lunukin mo lang iyang sinabi mo Heinz.”

                Tukso ni Caleb. “Pustahan pare mahuhulog ka sa kanya.”

            “Yeah right.”

            Bigla siyang natigilan ng magring ang cellphone niya, he smirks lalo na ng mabasa ang pangalan na nakaregister doon. His plans were already working now.

            “Hello?” sagot niya na pigil na pigil ang ngisi.

            “HEINRICH CHUA!” sigaw nito sa kabilang linya. “Bakit ba ang kulit-kulit mo?”           “As far as I remember Zyrene ikaw ang unang tumawag ibig sabihin hindi ako ang makulit kundi ikaw.” He said.

            “HIningi ko kay C ang number mo dahil nandito na naman itong si macbook sa bahay ko? Isinauli ko na nga ito hindi ba?”

            Tumikhim siya, “You can use it babe it’s yours.” Nagcheer ang mga kasama niya sa kanyang opisina ng marinig ang sinabi niya.

            “May kasama ka ba diyan Heinz?”

            “Hi, there pretty!” sigaw ni Ashton na inagaw ang kanyang cellphone. He curse when the call was ended kaya mabilis niyang tinawagan ang number ni Zyrene.

            “Shut it up Ash akin na iyang cellphone ko.”

            “Hello?” mahinang sagot nito.

            “Sorry about that, so what are you saying again?”

            “What-oh, yeah. Bakit ibinalik mo sa akin ang laptop ako na mismo ang nagsauli sa iyo niyon ah.”

            “Hindi ko alam kung ikaw ba talaga ang nagsauli ng bagay na iyon, I was asleep.”

            “Itanong mo pa kay C, she saw me.”

            “C is your friend malay ko bang sinabihan mo ang kapatid ko na sabihin na nagpunta ka.”

 “Ang kulit mo rin ano?” gusto niyang matawa sa sinabi nito, natutuwa siya kapag ito ang kausap mabilis kasi itong mapikon.

            “Heinz! Kain na daw.” Pang-aasar ni Colton kahit na kanina pa sila kumakain. He uttered istorbo.

            “Sorry kung distorbo ako Heinz. Bye.” Biglang sabi nito at muling pinutol ang tawag. Inis na binato niya si Colton ng throw pillow na maagap naman nitong sinalo.

            “She cut off the line.” Inis na baling niya sa kaibigan.

            “Bakit ka naiinis pinaglalaruan mo lang naman siya hindi ba?”

            “I am not playing with her!” he protested.

            “The fact that you are using her to gain something Heinz, you are playing with her.” Caleb said making him speechless.

            “BAKIT hindi ka mapakali kuya?” takang tanong sa kanya ng kapatid niya nasa hapag sila ng mga oras na iyon at kasalukuyang kumakain ng hindi siya mapakali. Kanina pa siya nag-greet ng good morning kay Zyrene pero hindi pa rin ito sumasagot. Nag-aalala na siya baka kasi may masama ng nangyari sa babaeng iyon.

            Gusto niyang mapabuntong-hininga, sa mga pagkakataon na kasama niya ang kaibigan ng kapatid niya parang hindi na pagpapanggap ang kanyang ginagawa. Nalilito na siya sa kanyang ginagawa, nakakalimutan na nga niya ang tungkol sa sumagip sa buhay niya kapag si Zyrene ang kasama niya. Noong una akala niya ay nakakaasar lang ito dahil sa madalas nitong kinokontra ang sinasabi niya. Palagi itong may sagot sa mga tanong niya and he hates the fact that even if he hates losing ay wala siyang ibang magawa kapag ito na ang nagsalita. Natutuwa siya kapag inaangilan na siya nito because for the first time nakakita siya ng babaeng kayang sabayan ang linya ng kanyang utak.

            “Kuya?”

            “She isn’t replying.” Naibulalas niya sa kanyan kapatid.

            “Si Zy?”

            “Sino pa ba?”

            Biglang sumeryoso ang mukha ni Crischel alam niyang hindi talaga nito gusto ang pakikipaglapit niya kay Zyrene. Sa tingin nga niya kapag nakagawa siya ng masama ay si Zy ang papanigan nito.

            “Are you really inlove with my friend kuya?”

            Natigilan siya sa tanong nito, he said he likes her but he never mention anything about love dahil alam naman niya na sa simula pa lamang ay isa lang ang habol niya dito and that is to have the wish he is dying to have for. Pero bakit ngayon tila ayaw na niyang ituloy ang drama niya, he can’t bear it when she is sad or mad.

            “Bakit ayaw mo akong sagutin?” inis na tanong nito.           

            “Kailangan ko bang sabihin iyan sa iyo sis? I think sa amin lang muna ni Zyrene ang bagay na iyan.” He said trying to stay away from the topic, ayaw muna niyang sirain ang meron sila ngayon ni Zyrene.

            “I don’t want to see my friend got hurt kuya.” Seryosong ani nito. Tiningnan lang niya ang kapatid niya, ibang-iba si Crischel sa harap ng mga kaibigan niya at sa harap niya. He knew her sister better.

            “Why? Because you also like her?” hindi agad ito nakasagot sa tanong niya. “I know you like her Crischel at alam ko rin kung ano talaga ang preference mo.”

            “At ano naman sa iyo iyon?”

            “Hindi ako makapapayag na maging tomboy ka talaga, gagawa ako ng paraan.”

            Crischel just huffed at him,  “Ano naman kung tomboy ako?”

            At talagang inamin pa nito. “I will not let you.”

            “Common kuya you are distracting me here, I may like Zyrene but I am willing to give her up kung masaya siya sa piling mo. Kung masasaktan siya sa iyo I swear I’ll make your life a living hell.” At iniwan na siya nito sa hapag kainan. Naikuyom niya ang kanyang mga palad hindi pwedeng maagaw ni Crischel si kanya, sa kanya lang si Zyrene.

            Napangiti siya ng marinig ang mga katok ni Zyrene sa pintuan ng bahay niya, sinadya niyang dito nalang sila magkita. Agad niyang binuksan ang pintuan dahil excited na siyang makita ito.

            “Hi there beautiful.” Nakangiting bati niya sa kasintahan, hindi niya napigilan ang sarili niya dahil mabilis niyang pinaikot ang mga braso sa beywang nito. He sigh in contentment when he felt her body close to him. At dahil tao nga lang siya agad niyang inangkin ang mga labi nito, her lips were so soft so he even bit it for her to open up. She doesn’t know how to kiss but he loves it.

            “Huwag ka ngang basta-basta nanghahalik Heinz paano kung hindi pa pala ako nagtoothbrush?” nakangusong ani nito sa kanya but can he care less. Hinila niya ito papasok ng bahay at inupo sa kandungan niya.

            “Kahit hindi ka maligo ng ilang taon I will still kiss you whenever I like, you can also kiss me whenever you like babe.” He said making her blush.

            A naughty glint flashes through her eyes making his heart bump, alam niyang dapat ay matakot siya sa nararamdaman niya para dito. Dapat ay laro lang naman ito pero biglang nagbago ang plano niya, wala na siyang pakialam sa babaeng may pulang buhok na sumagip sa buhay niya because right now mas interesado siya sa babaeng kasama na niya ngayon. Alam niyang pagtatawanan siya ng kanyang mga kaibigan dahil kinain niya ang lahat ng kanyang sinabi noong una at hindi niya itatanggi na nalunok nga niya. Hindi naman kasi niya inaasahan na mag-eenjoy siya sa presensya ni Zyrene. She is smart, she is crazy and she can make his heart skip everytime she have chances. Pinapaibig niya ito sa kanya pero sa bandang huli nagfire back lang ang plano niya.

            He would love to have her by his side now and forever. He might started pretending but right now he will make everything right, itatama niya ang mali niya. Dahil ngayon hindi lang siya nagpapanggap, talagang totoo na ang mga ginagawa niya.

            MAHINA siyang napabuntong hininga ng nasa harap na niya ang kanyang mga kaibigan. Nalaman kasi ng mga ito ang tungkol sa relasyon niya kay Zyrene, wala talaga siyang balak na ipaalam sa mga ito na sinagot na siya ni Zyrene dahil ayaw niyang isipin ng mga ito na ginawa niya iyon dahil sa gusto pa rin niya ang wish na pwedeng ibigay nito. Ayaw niyang mahaluan ng ibang ideya ang pagtagal ng relasyon nila ng kanyang kasintahan. He is happy now, more than happy na nagiging seryoso na ang relasyon nila ni Zyrene.

            “Aren’t you going to spread the good news?” salubong na tanong ni Colton sa kanya.

            “What news?” patay malisyang tanong niya habang inaasikaso ang mga papeles na nasa kanyang harapan. Ang isa sa mga paraan upang hindi na siya kulitin ng mga ito ay ang sakyan nalang ang usapan nila.

            “I saw you and that red haired friend of your sister, are you together now?”

            “Yeah.” Malamig na tugon niya.

“Congratulations Heinrich Chua you are indeed the man like what you said.” Umiiling na pumalakpak si Colton na para bang may nagawa siyang isang kaaya-ayang bagay.

            “I know.” Wala pa ring gana na sagot niya, gusto na niyang umalis ang mga ito sa harap niya. Nagpingkian pa ng baso sina Caleb at Colton.

            “Tuluyan mo na bang nakalimutan ang babaeng sumagip sa iyo dati sa beach or are you still looking for her?” Tanong ni Caleb.

            “Don’t be silly Caleb how could I forget her?” aniya, hindi niya makakalimutan kailanman ang babaeng iyon dahil kung hindi dahil sa pagligtas nito sa buhay niya ay hindi niya makikilala si Zyrene at hindi siya magiging ganito kasaya ngayon.

            “Maraming babaeng may pulang buhok Heinz kaya nga dinivert mo ang atensyon mo sa kaibigan ng kapatid mo hindi ba?” kumunot ang noo niya sa tanong ng kaibigan niya. “Just forget that woman Heinz total nakita mo na naman ang isang hinahanap mo hindi ba?” sasabihin sana niyang iba na ang hinahanap niya kaya lang ay naunahan na naman siya ni Colton.

             “You found one of the falling stars gaya ng sinabi mo sa amin noon kapag nahanap mo ang isa sa mga members ng Zalpha Bri you will have her for yourself.” As much as possible gusto niyang ilihim kay Zyrene na may alam siya tungkol sa sinalihan nitong sorority. Ayaw niyang malaman nito ang unang dahilan kung bakit siya nakipaglapit dito.

            “At talagang nakuha mo si Zyrene such a lucky dick you are.” Nang sabihin iyon ni Colton ay bigla siyang napangiti, he is very proud to himself na naging kanya na si Zyrene. He can’t imagine any other guy wanting her dapat sa kanya lang talaga ito. Mabuti na nga lang at hindi siya nahirapan na kuhanin ang loob nito.

             “I know hindi naman siya mahirap makuha.” Natatawang ani niya, he doesn’t mean it the bad way dahil nakakatuwa naman talaga iyong pagsagot ni Zyrene sa kanya. Mababaw lang kasi ang kaligayahan ni Zyrene kaya nga gustong-gusto niya ito dahil hindi ito mahirap iplease.

            “Halata nga eh mukhang patay na patay naman sa iyo si Zyrene. Ang galing mo talaga kapag malalaman ng mga tao na girlfriend mo ang isa sa mga legendary member ng Zalpha Bri. The red spider. The legendary red hair red spider for sure suswertehin ka talaga pare.”

            Yes, he is indeed lucky to have her.

            “Hanggang kailan mo ikekeep si Zyrene, Heinz?”

            “Hanggang sa kailangan ko siya.” Marahas siyang napabuntong hininga dahil sa mga kalokohang tanong ng mga ito mukhang nahahalata naman ng mga kaibigan niya na hindi siya interesado sa usapan nila, mukhang alam na rin ng mga ito kung ano ang tunay na nararadaman niya kay Zyrene. “Look kailangan ko si Zyrene because I am already in love-.” Hindi na nga lang niya natapos ang sasabihin dahil biglang bumukas ang pinto at sabay silang napatingin sa may pintuan. Namutla siya ng makilala ang babaeng biglang pumasok sa loob ng kanyang opisina, biglang kumabog ang dibdib niya ng hindi niya mabasa ang emosyon sa magandang mukha nito.

            “Zy-.” Crap! Mukhang narinig nito ang mga kalokohang tanong ng mga kaibigan niya. He needs to explain baka ano na ang pumasok sa isip nito.

            “Wow.” Oh God! Nasaktan niya ito, narinig nito ang lahat. “What a plan.” Alam niyang pinipigilan lang nito ang emosyon nito at nababasa niya ang sakit sa mga mata nito. “Ang galing mo.” Mabilis siyang tumayo sa kanyang kinauupuan, he wanted to clear things. No! he can’t bear to see her hurting this much… hindi niya kaya dahil mas nasasaktan siya.

            “Zyrene let’s talk.”

            “Don’t you dare Heinz right now galit na galit ako sa iyo and never in my life I feel this anger towards someone sa iyo palang. Hindi ko alam kung ano ang kaya kong gawin kaya please lang huwag na huwag mo akong lalapitan.”

            “I already know everything Heinz so you don’t have to explain, congratulations! Hindi ko alam na ganyan ka pala gagawin mo ang lahat makuha mo lang gusto mo kahit na gumamit at makapanakit ng ibang tao.” Mas natatakot siya kapag ganito si Zyrene, hindi ito nagwawala sag alit sa halip ay kalmadong kinakausap siya nito habang pinipigil ang mga emosyon nito.      “You’ve got a falling star, you got the red spider. Hindi ko alam kung paano mo nalaman o kaya ay paano mo nalaman na ako iyon. Pero kung may balak ka man—o kaya ay kayo na sabihin sa lahat ang tungkol sa akin. If you are the person behind the revelation of our sorority groups then think again. I am one of them, we are ten. Kung lalabas man ang tungkol sa akin dapat mong bantayan ang kapatid mo. Because she is one of us at kapag nasaktan si Crischel I swear hindi ako mangingiming saktan ka kahit gaano pa man kita kamahal. Thank you for your time and effort, let’s end this. Ayoko sa mga manloloko at manggagamit. I don’t want to see you again. Good bye!” hindi agad siya nakakilos at napatingin sa mga kaibigan niya na tulad niya ay sobrang gulat din sa nangyari at sa nalaman.

            Hindi niya inakalang pati ang kapatid niya ay kasali sa sorority, yes he knew her sister is different pero hindi--- or did he failed to notice the changes?

            “Anong ginawa mo kay Zyrene kuya?” galit na galit na pumasok si Crischel sa kanyang opisina. This is the first time na pumasok ito doon na nandoon ang mga kaibigan niya, sa likod nito ay may isang babaeng naka-shades at halata ang galit din sa mukha nito.

            “I need to explain everything to her!” bigla niyang naisigaw kaso biglang dumapo ang kamao nito sa pisngi niya.

            “You dared to hurt my friend? How dare you!” nasapo niya ang kanyang mukha.

            “Shit Crischel! Hayaan mo akong kausapin siya.” Pilit niyang tinutulak ang kapatid niya pero matigas ito at hinarangan siya.

            “What did you do?”

            “Akala niya ay ginamit ko lang siya para mahanap iyong babaeng nagligtas sa buhay ko.”

            Mas lalong naningkit ang mga mata nito, ibang-iba ito sa kapatid na kilala niya. Tomboy si Crischel pero kung magdamit at kumilos ito ay pinong-pino at babaeng-babae talaga kaya nga ngayon na kaharap niya ang kapatid na sobrang galit, mas galit pa yata keysa kay Zyrene ay nakaramdam siya ng takot. Kakaibang takot at mukhang hindi lang siya ang nakaramdam ng ganoon.

            Zyrene have the same aura, noon kapag inaaway niya ito at ang kasama ni Crischel ngayon ay may ganoon ding aura. It’s lethat… deadly… it’s making them freeze.

            “Akala? Ibig sabihin ginamit mo siya?”

            “Noong una pero hindi na ngayon I am so damn in love with your friend.”

            Unti-unting nawala ang galit sa mga mata ni Crischel pero nandoon pa rin ang wall na nakaharang sa pagitan nila.

            “In what way are you going to use Zyrene? Pinsan ba niya? Kapitbahay?”

            Ayaw sana niyang sagutin ito pero pakiramdam niya ay iniinterogate siya nito at wala siyang magawa kundi sagutin ang kapatid niya.

            “The wish, kapag-kapag nakuha mo ang puso ng isang member ng ZBS ay pwede kang humiling. Noong una I intend to use the wish to find her, alam kong napakaimpossible pero desperado na ako, gagawin ko ang lahat ng paraan para makilala ang sumagip sa buhay ko. Aksidente kong nakita ang tattoo niya at nabasa ko sa article ang tungkol sa sorority malakas ang paniniwala ko na member din siya so I tried to court her. Pero nagbago na naman iyon I fell, nainlove ako sa kanya at wala akong balak sana na ipaalam sa kanya ang unang plano ko because I intend to do it right.”

            Nagkibit balikat ito pero hindi pa rin maganda ang aura nito. “You dare to use her for your selfishness? And do you think makakalapit kang muli sa kaibigan namin? Think again dear brother, we’d let you pass through us before but not this time.” 

            And when they said they wouldn’t let him pass through her ay ginawa nga nila dahil hindi nga siya hinayaan ng mga itong makalapit kay Zyrene.

            “Anong nangyari sa iyo?” takang tanong ni Colton na mukhang nagimbal sa nakita nitong hitsura niya. Ilang araw na siyang walang tulog, pinilit niyang makalapit kay Zyrene pero hinarangan lang siya ng mga lalaking nagbabantay dito. For some reason ay may mga nakasunod kay Zyrene, kahit saan man ito magpunta ay nandoon ang mga lalaking iyon at may sumusulpot na mga babae na galit na galit sa kanya.

            “Paano ko siya malalapitan?” nanghihinang tanong niya.

            “Dude, did the sisterhood do this to you?” tumango siya.

            “It seems like we underestimated them Colton, they aren’t ordinary.” Pag-amin niya.

            “And do you think we are too ordinary for them?”

            Tiningnan lang niya ito ng masama, kung tutuusin isa ito sa mga dahilan kung bakit napasama siya sa mga mata ng babaeng mahal niya but right now wala siyang time upang mamblame, kasalanan naman kasi niya sa simula pa lamang.

            “Kasali sa sorority si babs mo.” Aniya.

            Hindi agad ito sumagot at ngumisi lang. “Alam ko.”

            “Kailan pa?”

            “Long enough.”

            “What are your plans? I hope it isn’t as stupid as mine.”

            “I don’t have plans really, I can do everything I want without any wish from a legendery sorority.”

            Kumunot ang noo niya. “Don’t tell me you aren’t interested with her?”

            “I am not.” Matamlay na sagot nito pero bigla namang nagbago ang hitsura ng kaibigan niya ng may mapansin itong pumasok sa Royale. Ang babaeng kaibigan ni Zyrene at may isa itong kasamang lalaki na sa tingin niya ay nakita na niya somewhere.

            “You are not?”

            Nag-isang linya ang kilay nito ng dumaan ang babaeng tinutukoy niya. “Hi there stupid.” Nakangiting bati ng bagong dating kay Colton tapos ay tinaasan siya ng kilay at inirapan siya. Muli itong sumulyap kay Colton bago hinawakan ang palad ng kasama nito na tumango lang sa kanila at hinila palayo sa kanila.

            Kung hindi lang sana siya malungkot ngayon malamang ay pinagtawanan na niya ang kaibigan niya dahil sa hindi maipintang mukha nito.

            “Yeah, you are not interested.”

            “Mas gwapo naman ako hindi hamak sa lalaking kasama niya.” Bulalas pa nito.

            “Hindi rin, mas maganda ang tindig niya.”

            “Mas mayaman ako.”

            “He looks rich too.”

            “Sino ba talaga ang kaibigan mo dito Heinrich ako o iyang lalaking—minion na iyan?”

            Kunwari ay nag-isip siya kaya mas lalong hindi na maganda ang mood nito. “Sa tingin ko hindi naman siya minion, tinitingnan nga siya ng mga babae sa Royale. Bagay sila.”

            Humigpit ang hawak nito sa baso nito. “Iyong kasama niya alien pero siya baboy pa rin siya bwisit.” Tiningnan niyang muli ang babaeng masaya kasama ang kasama nito at kahit na galit  siya sa panghaharang nito sa kanya ay hindi pa rin niya maisip kung bakit baboy ng baboy si Colton dito samantalang sobrang layo naman ang hitsura nito sa pobreng hayop na iyon.

            “If she is the reason why you aren’t eating pork meat then she must be something else.” Mukhang hindi nito narinig ang sinabi niya dahil mukhang mas abala ito sa pagpaplano kung paano papatayin ang pobreng lalaking kasama ni Karylle.

            “Gusto mong makausap si Zyrene hindi ba?”

            “Yes, of course!”

            “Tutulungan kita.”

            “Huh?”

            “I can do things you wouldn’t even think I can do.” Kampante nitong sabi.

            “But?”

            “Yeah, I want your help in return dude. Business is business wala ng free ngayon.”

            Tumango siya. “So, what am I going to do?”

            May ibinulong ito sa kanya at muntik na niya itong sapakin, gawin ba siyang artista? Pero sabi nga niya gagawin niya ang lahat kahit na magpakatanga para lang pag-ibig. Kailangan na niyang malapitan si Zyrene lalo pa ngayon na mas lalo itong gumanda dahil sa tinanggal na nito ang kulay sa buhok nito. She is now wearing dresses that would let any guy kill for her.

           

           

            NAPANGITI siya habang papunta sa Devil’s, sabi ni Crischel ay nandoon na raw si Zyrene at excited na siyang makita ito. Ilang araw na rin niyang pinag-iisipan kung ano ang dapat na proposal ang ibibigay niya kay Zyrene. Napag-usapan na rin naman nila ang tungkol sa kasal, the day he actually took her to bed as her parent’s request ay sinabi na niyang gusto na talaga niya itong pakasalan. Nawala na sa isip niya iyong babaeng sumagip sa kanya because right now nagpapasalamt nalang siya na sinagip nito ang buhay niya upang makilala niya si Zyrene. Napapailing pa rin siya hanggang ngayon sa usapan ng nanay at tatay ni Zyrene.

            “Ayaw pa rin niya?” nailing na tanong ng tatay ni Zyrene.

            “Pinapahirapan pa rin niya ako tatay pero makapaghihintay naman ako.” Paliwanag niya dito habang naglalaro sila ng chess.

            “Tsk. Ako hindi na makapaghintay bata.”

            “Po?”

            “Gusto kong anakan mo agad ang anak ko.”

            “Po!?” muntik na niyang maibato ang mga piece na hawak niya sa gulat sa sinabi nito.

            “Tumatanda na kami ng nanay ni Zyrene at gusto na namin na makita ang apo namin. At saka kapag hihintayin pa natin ang pakipot kong anak baka patay na kami mahirap magpakipot ang mga babae lalo na iyong nasaktan mo na dati. Ganyan kasi ang naranasan ko sa nanay ni Zyrene.” Ngumisi lang ulit ito. “Dinaan ko na sa paspasan kasi sobrang pakipot mabuti nalang at teacher siya kaya napilitan siyang magpakasal sa akin. Pero mahal na mahal niya ako kaya pumayag na rin siya. At alam ko na ganyan din ang anak ko mahal ka niya nagpapakipot lang kaya daanin mo na anak sa santong paspasan. Tutulungan pa kita basta gawin mong isang dosena ang mga anak niyo.”

            Natulala nalang siya sa sinabi ng tatay ni Zyrene. Who’d have thought?

            “Where is she?” excited na tanong niya sa kapatid niyang kakalabas lang mula sa kitchen kung saan ito nagbebake.

            “Nasa office mo.” Umismid lang ito sa kanya. Hindi nalang niya pinansin ang kapatid dahil mas excited siyang makita ang kasintahan niya. Mabilis siyang pumasok sa opisina niya upang gelatin sana ito pero mukhang siya pa ang nagulat ng makita itong nakaupo sa may sofa at may binabasa at umiiyak.

            “Babe, what’s wrong?” nag-aalalang tanong niya dito. Agad itong yumakap sa kanya at ipinagpatuloy ang pag-iyak sa mga bisig niya. Kinuha niya ang sulat mula sa mga kamay nito at binasa. Pagkatapos niya iyong basahin ay pinunasan niya ang mga luha ng katipan at maingat na pinaupo sa sofa, binigyan niya ito ng tubig at saka hinalikan sa noo.

            “She is still in pain, Heinz.” Mahinang sabi nito sa kanya na sa tingin niya ay ang pinanggalingan ng sulat ang tinutukoy. “Six years and she is still hurting at wala kami sa tabi niya upang damayan siya.” Humagulgol uli ito sa kanya.

            “I don’t know what happened babe but I am sure she’ll be able to forget everything she experienced as long as you are with her. Hindi man kayo magkasama physically but your support and your love towards your friend will always be felt. Hindi naman kailangan malapit ka sa kanya para maramdaman niyang mahal niyo siya. She knew you love her because she is still in constant communication with you.”

            Hinaplos niya ang likod nito. “Thank you Heinz.” Muli niya itong hinalikan sa noo.

            “Huwag ka ng umiyak baka pumangit si baby natin-.” Tinampal nito ang bibig niya.

            “Wala pa kaya.” Namumulang singhal nito sa kanya.

            “Wala pa ba? Okay-.” Binitiwan niya ito upang hubarin ang suot niyang shirt. Nakita niya ang panlalaki ng mga mata nito sa ginawa niya pero batid niya na gusto naman nito ang nakikita niya.

            “A-anong ginagawa mo?”

            “Naghuhubad, wala pa kasi tayong nabubuo. Gusto ko ng may mabuo kasi nagrerequest na si Koy ng pamangkin na pwede niyang ibully.” Nilapitan niya ito. “And it’s not the first time we are doing this babe. Now that your master approve the wedding why should I delay everything? Pakasal na tayo.”

            May nabasa pa rin siyang pagdadalawang isip sa mga mata nito, mukhang hindi niya kailanman masisira ang pangako nito sa mga kaibigan nito. Hindi naman siya nagagalit dahil isa lang iyon sa patunay na kapag sila na ang magkasama she will remain loyal to him.

            “Hindi muna sa simbahan.” Maang itong napatingin sa kanya. “I know how you treasure your friends and I’ll wait for her to arrive before we marry in the church.”

            “Thank you Heinz,” suminghot-singhot pa ito tapos ay biglang ibinigay sa kanya ang shirt niya. “Huwag kang magbold baka magkasakit ka hindi ka pa makaperform kapag kasal na tayo.”

            “Why wait if we can start now?” muli niyang ibinato ang shirt niya, he really loves teasing her.

            “Eh- hindi pwede kasi meron ako ngayon.” Pumalatak siya sa sinabi nito akala pa naman niya ay nakabuo na talaga siya. Well, he still have time and right now may isa pang bagay na kailangan niyang gawin. Tumayo siya at kinuha ang shirt na binato niya. “Teyka lang galit k aba?” nag-aalalang tanong nito na tumayo upang sundan siya. Lihim siyang napapangiti pero hindi niya pwedeng ipaalam na may plano siya.

            “No, babe. You know I can’t be mad at you.” Sinubukan niyang sumimangot. “Wait here okay magpapahangin lang ako.”

            At lumabas na siya ng Devil’s, alam niyang susundan siya nito kaya mabilis niyang sinenyasan ang mga nasa Devil’s, right now hindi customers ang kasama nila kundi ang mga malalapit sa buhay niya at sa buhay ng babaeng mahal na mahal niya. He can’t wait… ng makilala niya si Zyrene natuto siyang magkaroon ng sobrang habang pasensya, natuto din siyang maghintay ng maghintay pero nalaman din niya sa sarili niya na hindi siya pwedeng maghintay lang ng walang ginagawa.

            “Ready na?” he asked to his sister na inilalabas ang pinakamalaking cake na pwede nitong ibake. Nakasuot na rin ito ng puting bestida katulad ng ibang bisita nila, he took his time for Ainsley… his love’s bestfriend to organize everything even the priest is already here to conduct the ceremony. This is the ultimate trap… if the spider can create a web to catch its prey well he is Heinrich Chua, the one who was caught by the spider’s web and now making his own spider web to caught his red spider.

            “Heinz, joke lang iyong sinabi ko kani-.” Natigilan ito ng makita ang nasa harap nito. “What the—anong theme ito? Wedding theme?” she said laughing clueless of what may happen. “June ba ngayon or December?- Oh wait, pati si Koy ang cute kahit Malaki ka na para maging ring bearer, nay wala bang pasok ngayon pati si tatay—teyka.” Kunot noong napatingin ito sa kanya. “Ano ba ang nangyayari?”

            Ngumiti siya dito she really looks so surprise and that reaction is what he wanted to see. “Zyrene Kate Florida, will you marry me?”

            “Ha?” lumuhod siya sa harap nito at kinuha ang palad nitong nanginginig, litong-lito na ito. “Ahm—yes?” mabilis niyang isinuot ang singsing na matagal na niyang gustong isuot sa mga daliri nito.

            “Everyone she said yes, let’s proceed with the wedding.” Nagsipalakpakan ang mga tao sa loob ng café. Malakas itong napasinghap na tila ba saka lang nagsink in ang lahat.

            “What wedding?”

            “We are going to marry each other babe here inside the café, this isn’t a church wedding it’s a café wedding. Dito tayo nagsimula kaya dito natin tatapusin ang lahat at dito din natin bubuksan ang bagong kabanata ng buhay natin.”

            “Ang bilis naman! Hindi ako prepared.” Natawa siya sa sinabi nito, this is the woman whom he fell inlove with. Naging mabilis ang buong pangyayari, inayusan saglit ng mga kaibigan nito si Zyrene at pinasuot ng wedding gown na ginawa din ni Chloe na kapatid ni Caleb. Everything is perfect… surprisingly perfect.

            “You may now kiss the bride.” And he did with too much passion and love towards the woman who saves his heart against all the misery he will face kung nagpakatanga siya at naghintay sa babaeng sumagip sa buhay niya noon. Wherever she is right now, she’ll be happy like him.

            “Sorry I am late hindi ako nainform.” Biglang pumasok si Xancho sa loob ng café he and his wife were dancing when his friend barged in at dahil masaya siya kaya wala siya sa mood na ma-inis.

            “No problem-.”

            “Ahhhh!” turo ni Xancho kay Zyrene. “You!” anito sa asawa, he possessively encircled his arms around his wife’s body. “It’s you.”

            “Oh, you.” Mukhang nakilala din ni Zy si Xancho.

            “Your hair, it’s not red anymore?”

            “Teyka lang, magkakilala kayo?” takang tanong niya.

            Ngumiti si Xancho sa kanya at saka pabiro siyang sinuntok sa braso, he winced because it really hurts. “Congratulations man, you married the woman who saves your life. What a lucky bastard.”

            “What?” sabay na tanong nila ng asawa niya.

            “Oh? You didn’t know? I saw her when she saves your life back then.” Masayang paliwanag nito samantalang siya ay tila nahihirapang huminga.

            “I-ikaw iyon?” maang na tanong ni Zyrene sa kanya.

            “You saved my life and you didn’t even told me about it?” hindi makapaniwalang tanong niya.

            Umiling ito sa kanya. “Oh, I didn’t know it was you. The man I saved has this---.” Ginulo nito ang buhok niya hanggang sa tumabing sa mukha niya ang ilang hibla ng buhok niya at nagmukha iyong bangs. “May bangs siya and you are indeed him. Oh God!”

            Gusto niyang sumigaw sa saya ng mga oras na iyon, after all those years of frantic searching nasa tabi lang pala niya ang kanyang matagal na hinahanap? Mabilis niyang kinulong sa bisig ang kanyang asawa.

            “I love you Zyrene, thank you for saving my life and my heart.”

            “Nakakabaliw naman ito, ako pala ang hinahanap mo.”

            “At kung kailan ako tumigil sa paghahanap saka ko nalaman ang tungkol sa iyo.” Inangkin niya ang mga labi nito, right now he wants to rip off his wife’s gown and make love to her until she can’t move in exhaustion.

            “I love you too Heinrich and by the way…” bumulong ito sa kanya making his breathe rugged and his pants tightened when he felt his member waking up. “I’m fertile today.”

            Tumikhim siya upang ayusin ang takbo ng utak niya. “Everyone!” tawag niya sa mga bisita. “Please enjoy the day me and my wife will enjoy ours too.”

            “Way to go man!”

            “Gusto ko ng apo marami gawin mo ng limang dosena!”

            “Ate, pasalubong!”

            “Girl, ivideo mo.”

            “Tapos ibebenta natin kasi scandal iyon.”

            Napapailing nalang si Zy sa mga kaibigan nito, palabas n asana sila ng  may madaanang pamilyar na bagay na pwede niyang magamit mamaya.

            “Zy?”

            “Hmn?

            “Can we use this ketchup today?” he asked wickedly making her blush. “I want to taste it too masarap daw ito eh.” Aniya.

            “Baliw.” Natawa siya habang binubuhat ang asawa niya papasok sa loob ng kanilang kotse. Mukhang maraming pwedeng pagamitan ang Heinz ketchup na iyon.

<<3 <<3 <<3

a/n: ayan na, huwag na kayong magrequest ng more dahil kailangan ko na talagang tuldukan ang kwentong pag-ibig ni Heinz at ni Zyrene, may susunod pa naman eh. Mahaba ang chapter nagising kasi ako mga five na ng hapon hahahahaha.. ang haba ng tulog ko mukhang napagod talaga ako ng husto.

STATUS UPDATE: Happy evening nalang people! See you sa susunod na book and that will be 'Orange Butterfly's Captured Heart'.

PPS: Zalpha Bri Sisterhood 1: Red Spider's Secret Love is now finally signing off!

Continue Reading

You'll Also Like

2.1M 49.3K 22
Teaser Masaya na si Diana sa buhay niya, she's free at walang lalaki sa buhay niya. May phobia kasi siya sa hawak ng mga lalaki, it's an extreme pho...
85.4K 110 15
Smut May mga wrong grammar lang po dyan pag pasensyahan nyo🙂
2.5K 148 26
Summer Antoinette Natividad-Lewis, the princess with no bearing found herself falling with a real life prince. Suddenly her world turn upside down be...
2.8M 48.2K 46
R-18,Mature Content inside,not suited for readers below 18, ranked 21 in #forever Completed// Enrieka Rosales got blind at the age of twenty due to...