Confessions Of Our Guilty Hea...

By EnergyStarsss

496K 4.5K 464

They sworn to secure and protect, not fall and fall in love! More

Confession 1
Confession 2
Confession 3
Confession 4
Confession 5
Confession 6
Confession 6: Part 2
Confession 7: Beautiful Target
Confession 8: Happy First Day!!!
Confession 9: Chocolate Love
Confession 10: I Know You Know
Confession 11 (Part 2): Little White Lies
Confession 12: I Got A Boy
Confession 13: First Day, First Love
Confession 14: Second Day, Happiness?
Confession 15: Third Day, Glad You Came
Confession 15 (Part 2): Back For You
Confession 16: Fourth Day, Crazy Thing.
Confession 17: Caught Up In You
Confession 17 (Part 2): Sorry, Sorry
Confession 18: You And I
Confession 19: Just A Feeling
Confession 19 (Part 2): Beautiful Goodbye
Confession 20: Why Goodbye?
Confession 21: Just A Little More US
Confession 21 (Part 2): A Little More You
Confession 22: More Than This?
Confession 22 (Part 2): Is There Anybody Out There?
Confession 23: Half Alive
Confession 24: Half A Heart
Confession 25: Change My Mind
Confession 26: All My Love Is For U
Confession 27: Wouldn't Change A Thing
Confession 28: Love Love
Confession 29: Loving U
Confession 30: Oh My My My
Confession 31: Better Than Revenge
Confession 32: Better Than Words
Confession 33: Me and You TOGETHER
Confession 34: A Step Closer
Confession 35: Closer This Time
Confession 36: Love with Pain
Confession 37: Dzi Loverz
Confession 38: Wait a Minute!
Confession 39: Round of Applause
Confession 40: Wala eh!
Confession 41: Ring Ding Dong
Confession 42: Girls Girls Girls
Confession 43: Scream!!!
Confession 44: I Know, you Know.
Confession 45: Boom Boom
Confession 46: Tonight is the Night
Confession 47: Vulnerable
Confession 48: It's You All Along
Confession 49: You LOVE me Anyway
Confession 50: Its Up To You!
Confession 51: It's Me or It's You?
Confession 52: C-R-U-S-H
Confession 53: Think What To Think! (Feel It In Your Heart)
Confession 54: You Got My Heart...
Confession 55: What Now?
Confession 56: Love Never Fails
Confession 57: Way To Go.....
Confession 58: Stonger
Confession 59: Forget Forever
Confession 60: Out Of Goodbyes
Confession 61: Talk Dirty
Confession 62: Daylight
Confession 63: 정말?
Confession 65: Yearning Heart
Confession 66: She Was Mine
Confession 67: Cordially Invited
Epilogue
Me. You. Us.

Confession 68: Who you?

3K 56 5
By EnergyStarsss

(A year after)

 

 

 

 

Cienne’s Point Of View

 

“KIM!”

Sigaw ko mula sa sala habang nasa itaas parin siya. Anong kaguluhan ang meron at ang tagal sa itaas?

“Sandali lang. May hinahanap pa ako.” Sigaw niya pabalik.

Yup. Nagsisigawan na kami dito sa bahay.

Tumayo na lang ako sa tapat ng hagdan namin habang naka-cross arms at tinatap ang paa sa sahig. Kanina pa siya sa itaas ah at higit sa lahat, KANINA PA KAMI LATE. Hindi ko akalain na sa okasyon pa na ito siya magpapalate. Baka ako pang mangyari diba?

“KIM!!!”

Wala na talaga. Ubos na pasensya ko tsaka malapit na maubos boses ko kakasigaw sa kanya.

Kanina pa ako nakahanda at siya naman itong angbagal kung kumilos eh. Mas chicks pa eh. Hay. Buhay nga naman.

“Sandali lang naman eh…” Pagmamaktol niya sabay kamot sa ulo niya. “…hinahanap ko pa kasi phone ko eh.” Kunot ng noo niya.

“Bingi lang? Ito nga diba? Kanina ko pa sinasabi sayo na nasa akin diba?” Sarkastiko kong sabi habang pinapakita sa kanya ang phone nito. “'yan kasi. Hindi nakikinig…” Sabay irap ko at walk out.

“Hehehe!”

“Tsk!”

Naglakad na ako palabas ng bahay at sumakay kaagad saka sinara ang pinto. Bahala na siya kung saan siya uupo. Kanina pa ako pinapaulanan ng text ni Camille, halos mamatay na ata ang phone ko sa kakatunog.

“CamVesa airport po tayo, Mang Fred.”

Hindi ko na pinansin si Kim na nagsalita at tinuon ang pansin sa labas.

“Hoy…”

Makakalabit 'to ah. Winaksi ko kaagad ang kamay niya. Bigat ng kamay.

“Mahal…” Malambing niyang tawag sa akin.

Tsk. Bahala ka nga diyan….

Hinawakan niya ang jaw ko saka hinarap sa kanya. Isan matamis na halik naman ang sumalubong sa labi ko. Matagal ko na ring hindi naramdaman ang pakiramdamn ng ganito. Serious kasi siya palagi sa business eh.

“Sorry na po…” Sabi niya habang nakapikit pa rin ako. “Sorry na po ha?” saka niya ako hinalikan ulit.

Sht naman eh. Gusto ko pang magalit sa kanya pero ano na ngayon? Kinikilig na ako?

Urgh!

Ang bipolar ko.

Anong meron sa kanya at hindi tumatagal ang galit ko sa kanya?

“Tsk…”

Tumingin ako ng masama sa kanya habang nakakainis naman ang mga ngiti niya.

Anggwapo mo. Tigil mo please.


“Bati na kami niyan.”

At may gana pang mang-asar ah.

“Hindi din…”

Irap ko sa kanya. Galit-galitan muna tayo para matuto na siya sa susunod kung paano makinig at higit sa lahat kung paano MAGMADALI…

Tumingin na lang ako sa labasan at isinaksak ang earphones sa tinga ko.

Biglang may himula naman sa akin papalapit sa kanya. Hinalikan niya ako ulit sa noo at hinawakan ang chin ko. Sht. Pwede bang kiniligin habang nagagalit ka sa tao?

“Bati na tayo ha?” Malambing niyang bulong sa tinga ko.

Hindi na namang maiwasan ng pisngi ko at mamula sa inasta niya. Bakit ba kasi ang lakas ng kabog ng taong ‘to?

“Oo na. Tsk…”

Ngumiti siya sa akin at hinila ako saka niyakap. Hindi pa din nagbabago ang takbo ng isip niya. Kahit na busy, may panahon parin siyang pakiligin ako. Baka natural na sa kanya ang magpakilig ng tao.

Urgh… kaya maraming business partner na babaeng pumapayag laagad eh.

Niyakap ko na rin siya pabalik at nilagay ang ulo ko sa dibdib niya. Bawat tibok na parang sinisigaw ang pangalan ko. Hay. Hindi ko alam hangang ngayon baliw na baliw parin ako sa taong ‘to.

“Wag mo na nga akong pagpantasiyahan diyan..” Tapik niya sa balikat ko.

“Tse. Mahangin ka…”

Camille’s Point Of View

 

“Bakit ang tagal niyo doon?”

Taas kilay kong tanong kina Jessica at Yuri na kalalabas lang ng CR. 20 minutes ba naman.

“Hehehe!”

Sinundan ko lang sila ng tingin, na sabay naglakad papunta sa double deck ng airplane saka nagtalukbong ng kumot. Napakunot na lang ang noo ko sa inasta nila. Hay. Ang dalawang ‘to talaga.

“Chill lang, Hon.”

Huminga ako ng malalim saka binalik ang tingin sa dalawa na nakatalukbong parin ng kumot habang nakahiga sa higaan. Iba talaga ‘tong dalawang ‘to.

“Wag kang mag-alala sa kanila. Walang nang mangyayari diyan…”

Hinila ni Carol ang beywang ko at pinaupo sa lap niya.

Nakahawak ako sa braso niya na nakapulupot sa beywang ko. Ayaw akong pakawalan ah. Hehehe… Ilang taong na nga ba kaming lovers?

“Wala pa ba sina Kim at Cienne?"

Humarap ako sa kanya at ngumiti. “Wala pa eh. Kanina ko pa nga tinetext ang dalawa. Pero baka parating na rin.”

Tumango lang siya sa akin saka hinawakan ang kamay ko. Nilalaro ko na lang din ang kamay niya na nakahawak sa akin.

Ang pogi talaga ng mahal ko eh. Kaya nga ang hirap niyang pakawalan.

Siguro naging tanga lang ako noon at hindi ko nakita ang mga mabuting nagawa niya sa akin.

Hahaha… Natatawa ako sa OPERATION: MOVE ON nila noon at nagpaselosan ko pa si Justine noon.

Napalingon ako sa pinto ng bigla itong sumara. Ba’t sumara eh wala pa sina Kim at Cienne?

“Buti naman at dumating na kayo.” Sabi ni Carol kaya napatingin ako sa harapan namin at nakita sina Kim at Cienne na magkahawak kamay.

Naks ha! Protektado.

“Ang isa kasi diyan ang tagal eh…” Sabay tingin na masama ni Cienne kay Kim na nakangiti lang habang hawak ang kamay ni Cienne. “..tulog muna ako ha? Ang sakit ng ulo ko eh.”

Tumango lang kaming dalawa ni Carol saka umalis na si Cienne. Nakatingin kami kay Kim na nakangiti lang at umalis na rin para sundan si Cienne. Away bati parin ang dalawa ah. Hindi naka-move on sa college?

“Hayaan mo na. Baka may nagtatampu-tampuhan lang si Cienne.” Halik ni Carol sa pisngi ko saka ngumiti. “Tulog na muna tayo. Alam kong pagod ka galing sa conference niyo kagabi.”

Nakakandong parin ako sa hita ni Carol habang nakapatagilid. Inaantok pa nga kasi ako eh. Kaya siguro ganito ako ngayon.

Nasa dibdib lang ni Carol ang ulo ko habang naka-support naman ang kaliwang kamay niya sa likuran ko.

“Good mornight..” Halik niya sa pisngi ko.

Sabay naman ang pagpikit ng mga mata ko. Tulog muna ako guys…

Ara’s Point Of View

 

“Ara, Mahal, Love, Sweetheart, Honey, Babe….”

Ang kulit nitong si Mika ah. Ang daming tawag sa akin. Pwedeng Ara lang naman pero mabuti na rin ‘yan.

“Nakita mo ba ang kurbata ko?”

Kunot-noo akong umakyat sa itaas sa sinigaw niya.

Yup. Sumigaw siya. Nasa baba kasi ako habang naghahanda ng handa.

Binuksan ko ang pinto at bumungad sa akin ang half-naked na katawan ni Mika. Ang ganda talaga ng abs nito.

“Nandito oh.” Pinakita ko sa kanya ang kurbata niya.

Lumingon naman siya sa akin at lumapit. “Thanks…” Kinuha niya ang kurbata niya sa kamay ko saka hinalikan ako sa noo.

Umupo lang ako sa kama habang nakatingin sa kanya na nagsusuot ng long sleeve shirt niya. Medyo bad pero I’m enjoying the scene.

Hehehe! Bakit ayos ang purma nito? Saan ba punta natin?

“Paki…please.”

Tumayo na ako at sinuot sa kanya ang kurbata niya. Medyo niluwagan ko para hindi magmukhang formal masyado. Napatingin ako sa ayos niya. Skinny jeans, white long sleeve shirt, tie at saka black jacket.

“San punta mo dre?”

Ngumiti siya sa akin saka tumingin sa salamin. “Thanks pala.” Not bad for a model ang ayos niya ah. Akala ko ba wala siyang trabaho ngayon? “May aasikasuhin lang ako eh. Saka kailangan lang nila ang pirma mo.”

Tumango ako sa kanya at tumingin na rin sa repleksiyon niya sa salamin. Ang pogi talaga nito.

Sinuot naman niya ang sombrero niya. “Bye. Alis muna ako.” Halik niya sa pisngi ko saka kinuha ang susi niya sa side table. “Happy New Year pala…”

“OA ka ah.” Tumingin ako sa relo ko at nakitang nakatingin siya sa akin. “Malayo pa kaya. May 8 days, 12 hours, 7 mi-hmmm…”

Hindi parin nagbabago ang paraan ng pagpapatahimik niya sa akin. Ahh. Never gets old.

“Bye, Ara…”saka lumabas sa pinto.

Napagbuntong-hininga na lang ako saka pinulot ang mga damit niya sa kama saka binalik sa closet niya.

Pansin ko lang kay Mika na palagi siyang may lakad. Hindi naman sa pinagdududahan ko siya pero palagi lang kasi siyang wala eh.

Naiintindihan ko naman ang trabaho niya. Hello? Model rin kaya ako.

Just that… nakita siyang nakikipagkita sa isang attorney eh. Baka kasi nakasuhan siya or something. Not an affair, kasi alam ni Mika kung ano ang mangyayari kung may affair siya. Baka sa tax something lang nila.

*Knock* *Knock*

 

“Ma’am Ara, pinapasabi po na Mommy niyo na nandiyan na po sila.”

“Okay baba na ako.”

Tumayo na ako sa kinauupuan ko at ibinalik muna ang sapatos ni Mika na nagkalat sa sahig.

Agad akong lumabas para makipagkita sa kanila. Magtagal ko na ring hindi nakita sina Mommy ah. Since wedding pa namin ang last na kita eh.

“MOMMY. DADDY!"

Niyakap ko na sila pati na rin si Kuya na nakatayo sa likuran nila.

Umupo muna kami sa couch saka nag-usap. Na nganga-musta lang naman. Pinag-usapan namin ang mangyayari mamayang gabi. Mayayang gabi para i-celebrate ang Christmas namin. Yup. Nandito kami sa rest house namin. Nasa Baguio kami ngayon. Hill side ang location namin sa bahay at grabe ang lamig. Pupunta rin sina ate Kim dito para ma-celebrate namin lahat.

Nandito nga ang parents nila. Actually, kompleto na kaming lahat sina ate Kim na lang ang kulang.

Ewan ko ba bakit nag-eroplano pa sila eh pwede namang mag-land trip diba? Hay. Mayayaman talaga. Bahala na sila CamVesa naman ang sponsor kaya okay lang. Mayaman ‘yon.

“Saan pala pupunta si Mika, ‘nak? Ba’t nakabihis ‘yon?” Tanong ni Mommy sa akin kaya natauhan na rin ako.

Tumingin ako sa kanila at nakitang nakatingin silang lahat sa akin at naghihintay ng kasagutan ko. “Hmm? Si Mika po? May aasikasuhin lang raw siya. Hayaan niyo na ‘yon babalik rin naman ‘yon.”

“Ahhh. Okay. Akala ko kasi kung saan pupunta eh.” Ngiti ni Mommy sa akin.

“Ganyan talaga ‘yon. Masyadong busy. Halos lahat ginagawa na niya.” Sagot ko sa kanya.

“Eherm..” Napatingin kami kay Daddy na inaayos na rin ang pagkakaupo na niya. “Wala ba kayong naging problema? Wala bang binibigay na away ang trabahon niyo sa relasiyon niyo?”

Napaisip ako. Meron nga ba? Wala naman...siguro? Wala nga ba? Tsk. Gulo.

“Okay naman po kami dad. Bukod sa busy schedule at may chismis na ganyan, ganito. Nagkakaliwanagan naman po kami. Malinaw naman po ang lahat.”

Mukhang na-satisfy naman sila sa sagot ko nang nakita kong tumango sila. “Magpahinga muna kayo baka kasi napagod kayo sa byahe eh.”

“Oo nga. Mukhang masakit pa batok ko sa jet lag.” Paliwang na Mommy sabay tayo.

“Gusto niyo po bang kumain muna?” Alok ko sa kanila. Magtatanghalian na rin kasi eh.

“Mamaya na lang…” Tanggi ni Daddy saka tumayo. “Pahinga na muna kami.”

Niyakap ko na ulit sila saka dumiretso sila sa itaas. Pinadala ko na rin ang mga gamit nila sa mga kasambahay namin at pinapunta sa kwarto nila. Marami namang kwarto ang bahay na ‘to kaya kasya kami.

Umupo ako sa couch at pinikit ang mga mata ko. Okay naman kami ni Mika eh. Okay na okay kami. Ngayon pa ba kami magkakaproblema eh Christmas eve na mamaya diba?

Okay kami.

Maayos ang lahat…

..5..

 

..4..

 

..3..

 

..2..

 

...1…

 

“MERRY CHRISTMAS!!!”

Sigaw naming lahat sa galak. Niyakap na namin ang lahat.

Pasko na nga.

Nandito na ang lahat. Sina ate Kim and friends. Hahaha! Mabuti na lang at nakarating sila kaagad eh. Kompleto na kaming lahat dito.

Off ng mga kasama namin sa bahay ngayon. After New Year pa ang balik nila, kailangan din nila ng off ‘no. Hahaha! Hindi naman kami mahigpit sa kanila kasi naiintindihan naman namin sila.

Amin ang bahay ngayon. Pwede kaming sumigaw o basagin ang kung anuman hahaha! Pwede kaming mag-ingay hangang gusto namin. Malayo kasi ang agwat namin sa ibang bahay kaya okay na okay.

“KAINAN NA WAAAAAAAAHHHHHHHHHH!!!”

Tinawanan na lang namin sina Yuri at Jessica na nag-uunahan para makakuha ng pagkain sa mesa. Parang mauubusan eh. Hahahaha!

Nang makarating kami ay naglalagay na sila ng pagkain sa pinggan. Nilalagayan ng pagkain ni Yuri si Jessica habang turo naman ng turo si Jessica. Walang kabusugan ang babaeng ‘to.

“Oh. Kain na kayo baka maubusan pa kayo ng dalawa diyan.” Sigaw ni ate Kim para makuha ang atensiyon ng lahat.

Agad naman kaming pumunta sa table at ‘yon din ang pag-alis ng dalawa na agad pumunta sa labas saka naupo sa bench chair na kaharap ng pool. Ewan ko ba pero ang lamig sa labas at doon sila tumambay eh.

Kumuha na muna ako ng cake tsaka isinubo ito ng buo. Hahaha! Masyadong matakaw.

Kumuha na rin ako ng juice at ininum ito bago pa ako mabilaukan. Mahirap na.Tumingin na naman ako sa iba pang pagkain. Hmm… Anong masarap kainin?

Naramdaman ko na lang ng may pumipindot sa kaliwang balikat ko.

“Hmm?”

Si Mika lang pala, laki ng ngiti nito ah. Kumuha ako ng chocolate cake saka isinubo sa kanya. Kumuha ako ulit ng cake at sinubo ko.

Kumuha ako ng juice ulit saka uminom doon. Naramdaman ko na naman na may pumipindot sa braso ko at agad kong pinainom si Mika ng juice. Nagpapa-baby ‘to eh. Bigla niya akong niyakap galing sa likuran kaya napalingon ako sa kanya saka ngumiti ng makita ko siyang nakangiti din.

Nakayakap pa din siya sa akin at habang nagsimula na akong maglagay ng pagkain sa plato ko. Kailangan ko na ding gumamit ng plato baka kasi mapagalitan na ako diba?

Kukuha na sana ako ng carbonara pero biglang hinawakan ni Mika ang kamay ko kaya napatigil saka tumingin sa kanya. “Sama ka sa akin?” Malambing niyang bulong sa kaliwang tinga ko.

Ngumiti ako sa kanya at napatingin sa lahat ng nagkakagulo pa sa pagpili ng pagkain. Basta pagkain talaga eh ‘no?

Kumuha muna ako ng isang slice ng brownies saka nagpahila kay Mika.

“Saan ba tayo pupunta?” Tanong ko sa kanya habang papaakyat kami sa hagdanan.

“Basta. Sumunod ka na lang sa akin.”

Hindi na ako nagsalita at umakyat na lang. Pumasok kaming dalawa ni Mika sa kwarto namin at agad niyang sinara ang pinto. Umupo na lang ako sa kama at nakatingin sa kasunod na gagawin niya.

“Anong gagawin natin dito?”

Binuksan niya ang drawer namin at may kinuha na folder doon. Nagtaka na lang ako sa inasta niya.

Bakit may folder siya? Anong meron dito?

May kinuha na rin siyang ballpen sa bulsa niya. Hindi ko alam pero may kirot akong naramdaman sa inasta niya. Bakit may ganito?

Bumibigat na ang paghinga ko. Parang ang hirap na ihinga. Ang hirap na maglabas ng hangin. Bigla akong napako sa kinauupuan ko ng makita ko siyang maglabas ng mga bag niya. Isang traveling bag.

Tama ba ang iniisip ko?

Anong bang gusto niya? Suko na siya? Suko na ba siya sa amin? Saan na ang sumpaan namin? Bakit ganito? Ito ba ang inaasikaso niya? Kaya ba palaging siyang wala? Kaya ba nakikipagkita siya sa mga attorney namin? Bakit ganito?

Nakatitig ako kay Mika habang naglalakad siya papalapit sa akin. Habang papalapit na ang katapusan ng relasiyon namin? Ganito ba ang gusto niya? Pagkatapos ng lahat ito ba ang gusto niya?

Kinuha niya ang folder saka may kinuha na papel. Walang pag-aalinlangan na kinuha niya ang papel at agad itong pinirmahan. Bakas sa mata niya ang saya at ang takot na rin.

Saan ba ako nagkulang? May pagkukulang ba ako? Meron ba? Sana sinabi niya hindi ganito na magiging ganito ang lahat? Na bigla-bigla na lang siya magpapakita sa harapan ko at hawak ang papel saka isang ballpen.

Hindi ako makapagsalita. Namumuo na ang luha sa mga mata ko. Gusto nilang tumulo na pinipigilan ko kasi ayaw kong ipakita sa kanya kung gaano ako kahina. Na hindi ko kayang maging matatag katulad niya. Hindi ko akalain na magiging ganito ang lahat.

“Pirma mo na lang ang kulang.”

Nakatingin ako sa kanya saka sa papel na hawak niya. Mapatingin na din ako sa bag na nasa likuran niya saka binalik ang tingin sa kanya at sa papel na hawak niya. Malamang ito ang gusto nya.

Kinuha ko ang papel at ang ballpen. Kung ito ang makakapagpapasaya sa kanya.

Kahit walang nagsasalita sa amin. Walang nagsasalita sa amin kung anong nangyayari. Kung mahal mo ang isang tao kailangan mong ipakita na mahal mo siya, kahit sa paraan na masasaktan ka.

Akala ko okay na kami. Akala ko walang problema.

Akala ko lang pala.

Baka hindi niya kayang magpatali sa akin na walang panahon sa kanya. Bakit sa akin? May panahon ba siya? Tsk! Baka totoo nga ang sinasabi nila na; HAPPY EVER AFTER DIDN’T EXIST AT ALL.

Walang happy ever after. It’s a perfect Christmas gift. Just PERFECT!

Camille’s Point Of View

 

“Oh! Bakit tayo lang ang nandito? Nasaan na ang dalawa?” Tanong ni ate Kim habang nakaupo na kami dito sa sala at sine-set up na video-ok namin. Mahilig sila sa kantahan guys!

“Nakita ko silang umakyat sa itaas eh. Baka nag-ano…” Nagkatinginan bigla sina Yuri at Jessica.

“Hahahaha! Ahahaha!” At sabay tumawa.

Hindi ko na alam kung kailangan ko na silang ipa-echeck up eh. Baka kailangan ko na silang ipadala sa doctor baka ano pang mangyari sa kanila.

“Hoy. Tumigil na nga kayong dalawa diyan. Para kayong mga baliw eh!”  Saway ni Cienne sa kanila.

Tumigil naman ang dalawa sa kakatawa at nanahimik na lang pero pinipigilan parin nila ang mga tawa nila. Kaming anim na lang ang naiwan dito sa sala. Ang mga “older” kasi ‘ayon sa kabilang dako ng bahay. Nasa fireplace nila, nagpapainit ata.

“Matagal pa ba ‘yan?” Tanong ni Cienne kina ate Kim at Carol na inaayos ang video-ok namin.

“Sandali na lang ‘to.” Sagot naman ni ate Kim.

Umupo muna kami sa couch habang kinakain ko pa ang spaghetti na nasa plato ko. Umupo na rin si Cienne sa harapan ko habang nilalantakan ang brownies niya.

“Nasaan pala si ate Mich?” Tanong ni Cienne.

“Hmm..?” Nasaan na nga ba ‘yon? “Naiwan kasi ng eroplano kaya nakituloy sa bahay ni kuya.” Sabay tayo ni Carol sa kinauupuan nila ni ate Kim sa lapag.

“Ano? Sinong unang kakanta?” Tanong ni ate Kim saka kinuha ang mic.

“Ako!” Sabay taas ng kamay ni Cienne at lumapit kay ate Kim. “Kanina pa ako kating-kating kumanta eh.” Sabay kuha niya ng microphone.

Habang pumipili si ng kanta ay napalinga kami sa piligid. Ang dami sigurong pinabago sina Mika dito. Hidni kasi ganito ka laki noong last namin na stay dito. Nasa Baguio kasi kami ng barkada last July at sakto na katatapos lang nito kaya dito na kami nagstay.

“Guys….”

Napalingon kaming lahat sa hagdan kung saan nakatayo si Ara habang nasa likuran naman nito si Mika ba may hawak ng bag.

Wag mong sabihin na aalis si Mika ngayon Christmas eve talaga? Wala na ba siyang panahon kay Ara? Puro na lang ba siyang trabaho? Ang rami na nilang pera at nagpaparami pa?

Biglang nalaglag ang mic na hawak ni Cienne buti na lang at agad na kuha ni ate Kim kaya hindi na gumawa ng ingay. Nakatingin kami kay Ara at Mika. Nakayuko lang si Mika habang si Ara naman ay bakas sa mga mata na galing niya lang kaiiyak.

Bumaba na sila sa hagdan pero tumigil muna sina bago pa makababa ng tuluyan.

Biglang may inilabas si Mika sa likuran niya na ikinagulat naming lahat.

Kailan pa?

Gusto kong isigaw sa kanila.

KAILAN PA?

Bakit hindi nila sinabi sa amin lahat?

Ara’s Point Of View

 

“Pirma mo na lang ang kulang.”

Sa sinabi ni Mika sa akin. Parang gumuho ang mundo ko. Tila nawala ang mga pinaghirapan namin? Nawala ang lahat ng pagmamahalan namin?

Kinuha ko ang papel na may pag-aalinlangan at nanginginig ang mga kamay ko.

Ito ata ang gusto niya.

Tinignan ko ang papel at binasa ang nakasulat dito.

“CERTIFICATE OF ADOPTION?!”

Halos mapasigaw na ako. Bakas naman sa mukha ni Mika ang pagkagulat at sa akin naman ang SOBRANG PAGKAGULAT. Lahat ng drama kong divorce or something na iiwan niya ako, ADOPTION LANG PALA?

“I was planning to tell you earlier, but sinabi ko sa sarili ko na magiging magandang surprise sayo ngayong Christmas na lang para ma-surprise ka at base sa pinakita mo kanina lang. Nasurprise ka nga talaga.”

Hindi ako makagalaw sa kinauupuan ko. Nagdrama pa ako pero ano? Mali pala? Napaulunok ako saka tumingin kay Mika na nakangiti sa harapan ko. Binalik ko ang tingin sa papel at binasa ulit ito.

Certificate of Adoption nga at ang pirma ko na lang ang kulang. Ano? Handa na ba ako maging Mother? Hindi. Handa na ba kami maging parents? Handa na ba kami sa lahat? Kakayanin ba ng oras namin? Kung kaya nga ng iba, kami pa ba diba? Why am I having doubts?

Handa naman ako diba? Matagal ko na rin inasam na magkapamilya kasama si Mika. Magpalaki ng anak kasama si Mika.

“Mommy?”

Napatingin ako sa nagsalita at bumungad sa akin ang isang batang babae. Parang nasa 3-4 years old ata. Nanlabot kaagad ang puso ko ng makita ko siya. Hindi naman ako ganito pagnakakakita ng bata eh. Pero ngayon, iba na kasi isang pirma ko lang, magiging anak na namin siya. Magiging responsibilidad na namin siya at magiging amin na siya. Dadalhin na rin niya ang apelyido ni Mika.

Ang ganda niyang bata. May nakikita akong pagka-Mika sa kanya. Baka….

“Hindi ka nabuntis diba?!” Halos mapasigaw kong tanong sa kanya.

Nanlaki naman ang mga mata niya saka binigyan ako ng matamlay na tingin.

Baka namang may Certificate of Adoption pa siyang nalalaman pero may anak na pala siya sa iba. Pero hindi ko naman siyang nakitang lumakit ang tiyan. Pero, matagal din siyang nawala. Baka may anak na pala siya sa mga panahon na nawala siya diba?

Lumapit si Mika sa akin at niyakap ako. Napatingin ako ulit sa bata na nakatingin lang sa amin. Ang maamo niyang mukha. May pagka-Mika talaga eh. Ano ba? Hindi ba ako niloloko ni Mika? Nakayakap si Mika sa akin pero nagdadalawang isip ako kung yayakapin ko ba siya pabalik.

Nagdududa na ako kay Mika lalo na kapag na papatingin na ako sa bata. Pwede namang may kamukha siya diba? May angle lang talaga ng may-Mika eh. Naguguluhan na ako. Tumingin ako sa bata na nakatayo sa likuran namin.

“Hindi ako nagbuntis o ano ha?” Humiwalay siya sa akin at bahagyan lumayo sa akin para mahawakan ang mukha ko. “Naaalala mo pa ba ‘yong charity event namin sa God’s Hands Foundation?” Tumingin ako sa kanya at tumango. “Sabi ko sayo diba na bahay ampunan ang pupuntahan namin para sa mga kids’ wear. Doon ko siya nakita.”

Lumayo si Mika sa akin saka tumayo sa likuran ng bata at kinarga ito sa mga bisig niya. Nakatingin lang ako sa kanila. Parang tunay na anak ni Mika kasi magkamukha sila eh.

“Nakaupo lang siya sa isang sulok at ayaw makipaglaro sa ibang bata. Nasunog ang bahay nila noong 3 months old pa siya. Sa bahay-ampunan na siya lumaki at nagkaisip. Naging malapit ako sa kanya dahil doon.”

Lumapit si Mika sa akin at napatayo naman ako sa kinauupuan ko. Nakatayo na siya sa harapan ko habang karga pa ang bata. Nakayakap lang ang bata sa leeg niya saka tumingin sa akin, bigla naman akong nanlambot sa maamo niyang mukha.

“This past few days, ito ang pinagkakaabalahan ko. Maging matagal ang process ng papers niya kasi hindi pa inaporbahan ng Municipyo ang papelis kaagad. Baka buhay pa kasi ang mga magulang niya at baka hanapin pa siya. Kinailangan na namin ang attorney kaya doon na pumasok si Atty. Gervacio. Pinaliwanag ko naman sayo diba? Na wala kaming affair o kung anumang tsismis diyan. Pinaliwanag ko sayo lahat at saka nagsinungaling na din para hindi mo malaman.”

Binigay ni Mika sa akin ang bata. Nagdadalawang isip pa ako kung kukunin ko ba o hindi. Pero sa huli ay kinuha ko siya. Naramadaman ko ang lukso ng dugo nang niyakap niya ako. Parang anak ko siya na matagal kong hindi na kita.

“May takot siya sa bahay ampunan kasi naman bully ang mga bata doon. Dahil sa doon, natatakot siyang makipagkaibigan at simula raw na dumating ako. Sa akin lang raw siya nakikipag-usap. Kaya napagpasiyahan ko na ampunin niya kasi malapit na ang loob ko sa kanya eh.”

Nakatingin ako sa bata habang nagsasalita si Mika. Kita ko sa mata niya ang saya nong nakita niya ako. Alam kong masaya ako pero may parte sa akin na nagdududa sa mga mangyayari eh. Sa mga mangyayari kung ano ang mangyayari sa amin.

Pero bakit ko ba inaalala ang hinaharap kung kaya naming siyang alagaan, magiging maganda ang lahat diba?

Niyakap ko ang bata at tila nawala ang mga pag-aalinlangan ko sa lahat. Nawala ang mga pangamba ko sa hinaharap. Biglang tumulo ang luha ko. Ang masayang luha galing sa mga mata ko. Mas hinigpitan ko ang pagkakayakap ko sa kanya at nakitang nakangiti si Mika. Lumapit na din si Mika sa amin at niyakap niya kami.

Nang kamawala kami sa pagkakayakap at binaba ko na ang bata at dinala naman ni Mika ang bag nito. Lumabas kami ng kwarto at naglakad papunta sa ibaba para ipakilala siya bilang isang Reyes.

Yup. Reyes na ang ginagamit naming surname ngayon. Kinalimutan niya ang pagiging Marcaliñas niya at ginamit ang pagiging Reyes. Kahit na kinalimutan niya ang pagigigng agent pero ang mga taong naging bahagi sa pagbuo sa kanya at hindi niya kinalimutan. At naging friends naman kaming lahat.

Naglalakad lang kami pababa ng hagdan at hinarap ang mga kaibigan namin na nasa ibaba lang at nagkakagulo sa video-ok.

Bumaba na kami at hindi muna pinapakita ang bata sa kanila.

“Guys…”

Tawag namin sa atensiyon nila at tumingin naman sila sa amin.

Pinakita namin ang bata at gulat ang mga mukha nila. Alam niyo ‘yong, hindi makapiniwala na ano? ‘yon. Biglang nabiatawan ni Cienne ang mic saka bumilog ang bibig nito. Alam kong magiging ganito ang reaksiyon nila eh. Iiyak-iyak ako kanina tapos Adoption pala. Sila naman ngayon ang priceless ang atensiyon.

“MAY BATA!!”

Nagulat nalang kami sa biglang pagsigaw ni ate Kim. Mahilig talaga siya sa sigawan eh.

“Anak niyo?!” Bulyaw nito sa amin.

Ngumiti si Mika sa kanila at hinawakan ang kamay ko. “Anak namin ni Ara.” Kinarga niya ang bata at pinakita sa kanila. “Guys, meet Maisie . Anak namin.” Sabay baba nito sa bata.

Tinaasan naman nila kaming ng kilay at tumingin na para bang; “MAGPALIWANAG KAYO!”

Tumango lang kaming dalawa sa kanila at lumapit naman silang lahat sa amin. Natakot ata ang bata sa kanilang lahat. Mga higante kasi eh. Ang tatangkad hahaha! Nagtago ito sa likuran ko habang nawaka ang shirt ko. Hinawakan ko lang ang kamay niya.

“Maisie , mga mommy mo.” Panimula ko. Humarap naman ang bata sa kanila at nakitang nakangiti na rin sila sa kanya. Kaya natatakot ang bata sa kanila eh. “Si Mommy Kim, Mommy Cienne, Mommy Carol, Mommy Camille, Mommy Yuri at Mommy Jessica mo.” Pakilala ko sa kanila.

May maalala pa kaya siya sa dami?

“H-hello p-po.” Nauutal nitong bati pero halata parin ang takot sa mukha niya.

Ngumiti ako sa kanya at binalik ang tingin sa amin na nasa harapan ko. Isang masamang tingin ang bumungad sa akin galing kina Jessica at Yuri.

“Ate naman eh. Ang tanda naming isipin kung Mommy ang itatawag sa amin ni Yuri eh.” Pagmamaktol ni Jessica. Napangiti na lang ako sa kanya dahil sa inasta niya.

Lumapit siya kay Maisie at himala kasi hindi umatras si Jessica. “Ate lang ang tawag mo sa amin dalawa ha?” Malambing niyang sambit kay Maisie saka turo kay Yuri, nginitian naman siya ni Maisie.

“Ang cute. Nakakagigil.” Nang gigigil na sambit ni Camille habang nakatingin kay Maisie na naglalakad kasama si Jessica.

Naglakad na kaming lahat papunta sa couch kung saan sila pumwesto kanina. Natuon ang atensiyon ng lahat sa bata imbis na sa kantahan nila.

Naglagay ako ng spaghetti sa plato at binigay kay Maisie na ngumiti sa akin saka nagpasalamat. Ang sarap pala sa feeling ng ganito ‘no? Bukod kay Mika, may stess reliever na ako.

Nakipaglaro lang kami kay Maisie. Hindi naman nagtagal ay naging komportable na rin ang bata sa kanila pero parang may takot parin siya kina ate Kim eh. Bukod samin ni Mika, Yuri at Jessica.

“Jessica. Anong pinakain niyo diyan at hindi kayo kinatatakutan?” Tanong ni ate Kim habang nakatingin kay Maisie na kumakain ng spaghetti at chicken joy niya.

Natawa lang kaming lahat sa tanong niya. Nagkatinginan naman kaming apat at binalik kaagad ang tingin kay ate Kim. “Baka kasi nakita niya akong parang barbie ate Kim. Hahaha!”

“Inakala niya sigurong human Barbie si Jessica.” Sang-ayon naman namin ni Mika. Hahaha! Ang puti kasi nito saka parang walang galos sa katawan kahit na agent eh. Para talaga siyang Barbie eh.

Napuno ng natawanan ang sala namin dahil sa takot na nararamdaman pa siguro ni Maisie kina ate Kim. Ngayon, nagkakantahana na kaming lahat dito. Having a great night. Habang sina Maisie, Jessica naman at Yuri ay naglalaro ng habulan sa loob ng bahay. Ewan ko lang kung bakit, gabi na pero takbo parin sila ng takbo eh.

Nag-tap si Mika sa balikat ko kaya napatingin ako sa kanya. Itinayo niya ako at tinuro ang relo niya. Napatingin din ako sa wrist watch ko, 1:37 AM na pala. Umaga na eh.

“Maisie, halika na. Kanina pa bed time mo na.” Tawag ni Mika sa kanya.

Nagpaalam siya kina Jessica ate Yuri na hinalikan pa sila pisngi nila. Nakita naman ito nina ate Kim na tinawanan lang nilang dalawa. Hahaha! Nag-pout si ate Kim at muling nabalot ng tawanan ang sala ng binatukan siya ng Cienne. Baliw talaga ang dalawa eh.

“Ipakilala muna natin siya kina Mommy.” Ngiti niya sa akin.

Hawak ko ang kamay ni Maisie habang naglalakad kami papasok sa kwarto kong saan nakatambay lang ang parents namin. Kung saan naka-chill lang sila.

Lumuhod ako para magka-eye level kami at hinawi ang buhok niya na tumakip sa mukha niya. “Ipakikilala ka namin sa Lola mo ha?” Sabi ko sa kanya at ngumiti lang siya habang nakangiti lang si Mika sa amin.

*Knock* *Knock*

 

Kumatok na si Mika at agad na itong binuksan. Pumasok na kaming lahat at tinago muna sa likuran namin si Maisie.

“Ma, Pa…” Pukaw niya sa atensiyon ng lahat. Tumingin silang lahat sa amin at napatigil sa pag-uusap nila. “Si Maisie po pala. Anak namin.”

Pinakita namin si Maisie sa kanila. Nakita kong napaluha si Mommy at nanalaki namana ng mga mata nina Daddy. Agad nila itong niyakap at mukhang nagustuhan naman nila ito kaagad. Umupo muna kami sa upuan habang nakakandong ako kay Mika.

Nagkipag-usap sila kay Maisie at agad naman siyang naging komportable sa kanila. Hindi tulad kay ate Kim kanina na parang natatakot pa siya na ano. Nakita ko ng nakikipagkwentuhan na sina kay Maisie. Wala lang. Naramdaman ko ang saya na tanggap sila ng pamilya namin.

“Hindi ko akalain na pwede palang maging gift ang bata ngayon…” Tinaasan ko ng kilay si Mika habang nakayakap ako sa leeg niya at nakakandong parin sa kanya.

Ngumiti siya sa akin at hinawi ang bangs ko. “Hmm. Hindi naman siya gift ko para sayo. Actually, surprise ko lang siya sayo pero gift siya ng panginoon sa atin.” Halik niya sa noo ko.

Napangiti naman ako sa kanya at hindi mapigilan ang biglang saya na naramdaman ko. “Thank you sa lahat.” Sabi ko sa kanya.

“Welcome na welcome ka sa akin. Sobra…” Sabi niya sa akin saka ako niyakap.

Ganito ba ang feeling ng over joy? Ang saya ko ngayon. Ito na ata ang isa sa pinakamasayang Christmas ko. Ang walang katumbas na saya. Ni isang bagay ay walang makakapantay sa saya na dulot ni Maisie. Iba ang pakiramdam ko sa kanya eh.

“Ara, ‘nak.” Napatingin ako kay Mommy at nakitang nakatulog na pala si Maisie sa bisig niya.

Agad ko siyang kinuha at kinarga. Nagpaalam na rin kami sa kanila at bumati ng Merry Christmas sa kanila. Lumabas na kaming dalawa ni Mika sa kwarto nila. Kinuha naman ni Mika si Maisie at siya na ang nagkarga nito papunta sa kwarto namin.

Nilapag niya sa Maisie sa kama namin at inaayos ang pwesto nito. Hinalikan siya ni Mika bago umalis sa tabi nito at nagpunta sa akin. Nakatingin lang ako kay Mika na parang tatay kung umasta na talaga. Nakatingin ako sa kanila at hindi mapigilang mapangiti.

“I know you will love it.” Sabay yakap ni Mika sa akin. Niyakap ko na rin siya pabalik at ngumiti sa kanya. “I just need your autograph here…”

Napalingon ako at kinuha ang papel na hawak niya. Tumingin ako sa kanya at nakitang nakangiti siya sa akin.

Nakatingin ako sa papel at saka kay Maisie.

Ito na nga ang buhay na inaasam ko. Ito ang happy ending na pinangarap ko sa kasama si Mika. Ito na nga ang happy ending na pinangarap ko. Sa araw na ito, na bigyan namin ng panibagong buhay ang isang bata. Ang isang batang magpapabuti sa amin ni Mika.

Kinuha ko ang papel at agad pinnirmahan ito. Binalik ko ito kay Mika at hinalikan naman niya ako sa noo saka sa labi. Ang sweet kiss. Walang halong pananabik o ano, basta halik ng saya at panibagong buhay para sa amin.

Totoo ang sabi ni Mika, isa siyang regalo galing sa may kapal. Surprisa lang siya ni Mika sa akin pero regalo siya ng may kapal.

Sa araw na ito, alam ko sa sarili na handa na akong kunin ang responsibilidad. Handa na akong kunin ang responsibilidad na maging ilaw na tahanan. Alam ko na sa sarili ko na handa na ako. Kahit na pinagdududahan ko ang desisiyon ko kanina, handa na ngayon. Handa na akong harapin ang saya, problema at ano pang mang balakid na papagitna sa amin ni Mika, ngayon alam ko na, na magagawa namin ‘to ni Mika na magkasama.

Sa araw na ito, handa na akong tumayong Ina para kay Maisie at maging mabuting may bahay ni Mika. Ngayon, kaya ko ng mapatunayan sa sarili ko na na walang hihigit pa sa saya na dala ni Mika at Maisie saka ang pamilya ko.

“I love you…” Halik ni Mika sa noo ko.

“I love you, too…”

Kita ko sa mata niya ang saya na nararamdaman din niya. Ang sayang hindi kayang pantayan ng pero o anumang bagay sa mundo.

FAMILY.

Ito ang gustong buuin ng lahat, at ngayon, BUO na kami.

FAMILY.

Ang kaya kong ibigay sa lahat. Kahit pariho kaming babae ni Mika basta alam namin sa isa’t isa na nagmamahalan kami, magiging FAMILY kami. Kakayanin namin ang mga problema na harapin namin, nang hawak kamay.

Hindi ko siya pakakawalan. Wala akong dahilan para siya ay pakawalan. Kasi alam ko sa puso ko, sa utak ko at sarili ko at sa lalo na sa kaluluwa ko na…

Mahal na mahal ko ang nag-iisang Mika Reyes ng buhay ko.

“Ending is the best part of the story….”

Continue Reading

You'll Also Like

137M 5.3M 131
Masarap mapunta sa Section na may pagkaka-isa. Meron mang hnd pagkaka-unawaan, napag-uusapan naman. Panu kung mapunta ka sa Section na ikaw lang ang...
27K 178 25
When the Sexy surgeon Wandee Ronnakiat becomes involved with boxer Yeo Yak and their relationship develops from friends with benefits to something mo...
3.4M 134K 23
What would you do if you wake up one day and find yourself in a different body? [Completed]
125M 2.6M 56
Si Carmelita Montecarlos ay ang bunsong anak ng pinakamayamang angkan sa San Alfonso. Habang si Juanito Alfonso naman ay ang anak ng pinakamaimpluwen...