Casimiro's Instant First Lady...

Av bluekisses

1M 28.6K 3.1K

It was one fine morning at Konsehal Casimiro Zaragoza's office-nang may dumating na isang babae at ipinapaak... Mer

ZBS 1: Casimiro's Instant First Lady
Prologue
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Epilogue
Announcement

Kabanata 28

13.5K 480 62
Av bluekisses

Kabanata 28

Dalawang araw na ako kina Mamita. Gaya ng advice ni Mamita. Tiisin ko raw si Konsi kaya nakapatay ang cellphone na bigay niya sa akin. Kailangan ko rin tiisin muna si Cassia.

"Aria! Miss mo na, ano?" Ayan na naman si Mamita inaasar na naman ako. Plano-plano siya ng ganito tapos napaka-inam kung asar-asarin ako.

"Naku, Mamita! Mukhang hindi naman ako hinahanap ng apo ninyo."  Himutok ko. Sobrang honest at wala talaga akong tinatago kay Mamita.

"Hindi ka sigurado. Teka, tatawagan ko." Kinuha ni Mamita ang cellphone niya sa bulsa ng suot na duster.

Nilagay ni Mamita sa nguso niya ang daliri niya para patahimikin ako.

"Hello? Apo? Kamusta?" Bungad ni Mamita kay Konsi.

"Busy ka?" Ni-loud speaker ni Mamita ang phone.

"Opo, busy sa campaign..." tumigil ito animo may gusto pang sabihin pero napatigil.

"Kamusta si Cassia?" Tanong ni Mamita.

"Ayos naman po, kinakaya naman ni Ate Fe, alagaan." Mahinang sagot ni Konsi.

"Si Aria? Kamusta ang babaeng 'yon?" Malokong tumingin sa akin si Mamita.

"Ah, Aria left, she left me and Cassia..." hindi ko sigurado kung may himig lungkot o tampo sa boses niya, dahil biglang naghistetrya si Mamita.

"What? Anong nangyari? Anong ginawa mo? Bakit umalis?" Sunod-sunod na tanong ni Mamita. Best Actress!

Umaabang pa sana ako ng sagot ni Konsi nang tanggalin ni Mamita ang pagkaka-loud speaker at lumayo sa akin.

Lokaret talaga itong si Mamita. Pinasabik ako. Tatawag-tawagan sa harap ko tapos papaasahin ako. Binibitin ako.

Hindi ako sigurado kung may pake pa si Konsi sa akin. Mukhang nalungkot lang siya sa paglayas ko pero iyon lang wala na siyang pakialam kung nasaan ako. Baka nga nalungkot lang siya para sa anak niya.

Nasasaktan ako kasi mukhang hindi totoo ang lahat ng pinakita niya sa akin. Parang hindi totoo kasi hindi ko narinig sa kaniya na mahal niya ako. Laging 'I like you' lang ang narinig ko sa kaniya.

Oo nga no! Never kong narinig ang 'I love you' sa kaniya. Buti na lang hindi ko naisuko ang bataan, kung nagkataon doble ang hinagpis ko. Nabulagan lang siguro sa akin si Konsi, baka dahil sa pagmamahal at pag-aaruga ko sa anak niya. Baka ang mas masaklap, naaalala niya ang Ate ko sa akin.

Baka ganoon nga. Pero kasi dapat hindi niya na lang ako pinursue. Kasi na-in love pa ako sa kaniya. Kung hindi pa pala nawala si Cassia, hindi ko mapagtatanto na hindi totoo sa akin si Konsi.

Dapat ba akong matuwa sa nangyari? Dahil sa pangyayaring iyon at nasalba ako sa maling relasyon. Naging blessing in disguise ba ang pagkawala ni Cassia? Way ba iyon ni Lord para hindi kami magkatuluyang dalawa?

Wala nang sinabi si akin si Mamita tungkol sa naging usapan nila ni Konsi. Mukhang wala talaga siyang plano na hanapin ako. Hindi niya na ako hahanapin.

Lumipas ang isang linggo, nami-miss ko si Cassia kaya minsan kapag alam kong wala si Konsi ay nagvi-video call ako kay Ate Fe para lang makausap ko si Cassia.

Naiiyak ako sa tuwing matatapos ang tawag. Nami-miss ko si Cassia. Nadadamay tuloy dahil sa amin ng tatay niya.

Mas kumbinsido ako na hindi ako mahal ni Konsi. Hindi totoo ang sinabi ni Mamita na hindi mapapakali ang apo niya.

Tahimik akong naka-upo sa garden ni Mamita nang tumabi sa akin si Miles. Umupo siya sa bakanteng upuan sa tabi ko.

"Aria!" Bati niya sa akin.

"Miles, nandito ka pala." Bati ko sa kaniya.

"Ikaw rin, kasama mo ba si Cassia at Kuya?" Tanong niya sa akin. Pasagot na sana ako noong marinig ko si Mamita.

"Perfect!" Malakas na sigaw niya. Umupo siya sa upuan sa harap namin ni Miles.

"Mamita," tumayo siya para halikan ang matanda sa pisngi. Nalimutan ko nang sagutin ang tanong niya.

"What's for today, Mamita?" Tanong ni Miles sa matanda.

"May plano kasi akong charity event. Iimbitahin ko ang banda mo. Tapos isama ninyo na rin si Ariana." Napaawang ang bibig ko sa sinabi ni Mamita.

"'Yon lang pala. Para sa pinakamamahal kong Mamita, walang problema."

"Kuh! Nambola pa!" Tinaasan ni Mamita ng kilay si Miles.

"Kelan nga ito Mamita? Nang mai-schedule." Si Miles na hawak ang phone.

"Sa darating na Linggo," mabilis na sagot ni Mamita.

Miyerkules ngayon, mayroon pang apat na araw para sa sinasabi ni Mamita na charity event niya.

"Oh siya papasok muna ako sa loob, ipahahanda ko ang tanghalian." Iniwan na kami ni Mamita at pumasok sa loob.

"Balitaan kita sa practice natin. Pero bakit wala si Kuya? Mag-isa ka lang o kasama mo si Cassia." Tumanaw-tanaw pa siya sa paligid.

"Ako lang. Lumayas ako." Muntik na ako matawa sa itsura ni Miles sa huli kong sinabi.

"What? You gotta be kidding me! May LQ ba kayo?" Tatawa-tawang tanong niya.

Nagkibit balikat lang ako. Sumeryoso ang mukha niya.

"Alam ba ni Kuya na nandito ka?" Tanong ni Miles.

"Hindi, ewan ko. Wala naman siyang paki-alam sa akin." Nanulis ang nguso ko habang sinasabi iyon.

"Nag-usap ba kayo?" Tanong niyang muli. Umiling-iling lang ako.

"I am no expertise when it comes to love, pero siguro kailangan ninyo mag-usap. I don't know the real story but that is my advice." Ngumiti lang siya.

"Alis muna ako. Sabado daw ang practice. Sunduin kita." Kumindat sa akin si Miles bago umalis.

"Nagpahain si Mamita ng lunch, hindi ka na ba sasabay?" Habol ko sa kaniya.

"Hindi na, uuwi ako ngayon sa Batangas." Kumaway na siya sa akin bago tumalikod at lumakad na papunta sa parking.

Malakas din ang datingan nitong si Miles. Baka kung mas nauna ko siyang nakilala baka naging close kami dahil sa same hobby namin.

***

Sabado. Sinundo ako ngayon ni Miles para sa practice namin ng mga kabanda niya. All male band sila. Nakilala ko si Jof the pianist, si Jon sa electric guitar, si Bert bahista, Ton sa drums. Tapos si Miles na ang siyang lead vocalist ay humahawak ng acoustic guitar.

Mabilis na nakasundo ko ang grupo dahil sanay naman akong maki-jamming sa banda.

"O paano? Bukas na lang," paalam ko sa mga kabanda ni Miles. Ihahatid niya na ako sa mansiyon ni Mamita.

"Kamusta kayo ni Kuya?" Isang mapait na ngiti ang binigay ko kay Miles. Nagmamaneho siya ng sasakyan niya.

"Hindi pa rin kayo okay?" Usisa niya pa.

"Lumayas ako kasi pakiramdam ko hindi niya ako mahal, tignan mo nga hindi nga niya ako hinahanap." Bumuntong hininga ako.

"Baka naman sinusbukan niya pero hindi niya alam kung saan ka hahanapin." Ngumisi si Miles.

"Kung seryoso siya sa akin at mahal niya ako, gagawa siya ng paraan para mahanap niya ako." Himutok ko pa.

"Sinasagot mo ba ang mga tawag?" Sumulyap sa akin si Miles.

"Nakapatay ang phone ko." Mabilis na sagot ko.

"Have you checked your phone? Baka naman he's trying to reach out to you, pero dahil naka-off ang phone mo, hindi mo nakikita."  Napa-isip ako sa sinabi ni Miles.

"We're here," anunsiyo ni Miles kaya hindi na ako nakasagot.

"Salamat. Bukas na lang ha?" Ngumiti ako sa kaniya bago bumaba sa kotse niya.

Kumaway pa ako at nagpaalam sa kaniya bago siya umalis.

"Mamita!" Malakas na sigaw ko nang makita ko siya sa harap ko.

"Mamita naman, nanggugulat." Tinignan ako ni Mamita mula ulo hanggang paa.

"Mukhang okay ka na. Nakapag-move on ka na?" Nanlaki ang mata ko sa tanong na iyon ni Mamita.

"Mamita, mukhang kailangan ko na ngang mag-move on." Malungkot na sabi ko.

"Para naman kasing wala siyang balak na hanapin ako, mukhang hindi niya ako mahal. Mali lang siguro talaga ang mga nakita ko." Himutok ko na nauna nang pumasok sa gate ni Mamita.

"'Di mo sure..." natigil ako sa paglalakad dahil sa sinabi ni Mamita, kung makasalita akala mo millennial siya.

"Ano 'yon, Mamita?" Tanong ko sa kaniya.

"Ang alin?" Maang na tanong niya.

"May sinasabi ka e." Hirit ko.

"Naku, wala 'yon. Tara na sa loob." Inakay ako ni Mamita papasok sa loob ng bahay.

"Ano ba kasing pinag-usapan ninyo noong nakaraan? Sinabi mo ba na namdito ako? Kung alam niya na nandito ako, bakit di pa rin siya pumupunta?" Himutok ko kay Mamita pagpasok namin sa loob ng bahay niya.

Hinila ako paupo ni Mamita sa living room.

"Syempre hindi kita binuko, hayaan ko siyang mabaliw kakahanap sa'yo." Biglang bumilis ang tibok ng puso ko.

Ibig sabihin ba nito, hinahanap niya ako?

"Oh bakit ka natulala riyan?" Nawala ako sa inisip ko sa tanong ni Mamita.

"Mamita, hinahanap ba niya ako?" Mahinang tanong ko.

"Sa tingin ko ay hinahanap ka niya." Mabilis na sagot ni Mamita.

"Sige, Mamita. Akyat na po ako." Nagpaalam na ako kay Mamita. Magpapahinga na muna ako dahil kailangan ng beauty at voice rest para bukas. "Good night." Habol ko pa bago ako tuluyang umakyat sa hagdan.

Sa sagot ni Mamita ay nabuhayan ang loob ko. Kung hinahanap ako ni Konsi, dahil kaya iyon sa mahal niya naman pala ako? O dahil kailangan ako ni Cassia? O dahil sa kailangan niya lang ako?

Umiling-iling lang ako sa mga katanungang nabuo ko sa isip ko.

Pagpasok ko sa kwarto ay nasulyapan ko ang cellphone, tinitigan ko iyon mabuti. Parang gusto ko iyong buksan. Baka tama si Miles na baka kaya hindi ako sigurado na hinahanap ako ni Konsi ay dahil sa hindi ko sinisilip ang phone ko.

Pinindot ko ang power button pero low battery iyon. Napailing-iling ako at hinanap ang charger sa bag ko. Sinaksak ko muna iyon sa outlet tapos nag-shower ako saglit.

Pagkatapos mag-shower ay para akong hinila ng kama at dumiretso ako ng higa. Nalimutan ko nang silipin ang phone ko.

Umaga na nang magising ako. Pinatawag ako ni Mamita. Kaya pagkatapos ko maghilamos ay dumiretso na ako sa baba para mag-breakfast.

"Good morning, Mamita." Niyakap ko si Mamita. Nagkaroon ako ng instant nanay sa katauhan niya. Maaga rin kasi akong naulila sa magulang, high school ako nang magkasunod na pumanaw ang mga magulang ko. Kaya kami na lang ni Ate ang naiwan.

"After breakfast ay babyahe na tayo pa-Batangas." Nahinto ako sa iniisip ko nang marinig ko si Mamita.

Batangas, parang bigla kong na-miss si Cassia at si Konsi rin. Oo, na-miss ko naman talaga siya. Sobra-sobra.

"Sige po, Mamita." Sa isang convention hall sa Batangas kasi gaganapin ang charity event ni Mamita.

Bahala na kung naroon man si Konsi o kung invited pa siya. Pero imposibleng hindi dahil bukod sa apo siya ni Mamita, konsehal pa siya roon. Paniguradong naroon siya. Bahala na lang kung anong mangyari kapag nagkita kami.

***

Kasalukuyan akong nasa isang private office room rito sa convention hall. Naghahanda na ako para mamaya, kasama ko rito si Mamita. Dumating na raw sina Miles at kasalukuyang nagse-set up sa stage.

"Sisilip lang muna ako sa labas." Paalam ni Mamita.

Tapos na akong mag-ayos at suot ko na ang pinasuot ni Mamita na maroon checkered jumpsuit na may butas sa kabilang tagiliran.

Saan na naman kaya nakuha ni Mamita ang pangbagets na damit na ito?

Tumunog bigla ang cellphone na bigay ni Konsi. Ngayon ko lang iyon naalala. Bumilis ang pintig ng puso ko. Alam kong si Konsi lang ang kumokontak sa akin doon.

Nagulantang ako nang makita ko na mayroon akong 30 missed calls mula kay Konsi at 20 plus unread messages.

Pero ang pinakahuling pumasok na message ang napansin ko.

Konsi

Aria, please pick up the phone?

Nasaan ka na ba?

Why did you left?

Are you mad at me?

I am sorry for being such a fool.

Please come back!

I need you!

We need you!

Cassia misses you, too.

Please pick up the phone.

Aria?

Aria? Where are you? Let's talk.

Please tell me what's wrong.

Please go home, I am waiting.

Sorry! 🥺🥺

Samo't sari ang mga mensahe mula kay Konsi at parang kinukurot ang dibdib ko habang binabasa iyon. Lalo na ang huling parte kung saan nag-sorry siya. Marupok ka, Aria!

Natigilan ako noong may narinig akong baritonong tinig na nagsalita sa mic.

"Ehem, sound check, sound check, mic test."

Lumabas ako noong marinig ko iyon. Nag-hello sa mikropono ang kung sino mang Pilato na nasa stage.

Palapit na ako para makiusyo sa mga manunuod. Pero parang napako ang mga paa ko sa kinatatayuan ko at natutok ang atensyon ko sa sinasabi noong lalaki na nagsasalita

Teka? May kinuha pa ba si Mamita na ibang performer bukod sa amin ng banda ni Miles?

Itutuloy...

~~~

Author's Note

At heto na nga! Hindi ko na siguro itatago si Aria ng matagal, baka ma-sad si Konsi.

Who's ready for the two parts POV of Konsi? Hinga muna ako malalim para sumapi si Konsi sa akin! 🤣

Hope you enjoyed this update!

~Leyn 💙

Fortsett Γ₯ les

You'll Also Like

465K 10.1K 23
Book Four of Bachelorette Series βœ”οΈ Completed There's a type of love that's not worth keeping for, you can let it pass with no hard feelings. But the...
4.6M 191K 39
Cecelib x Race Darwin x Makiwander Temptation Island's Monasterio Legacy
155K 4.1K 29
Book One Trixie Alexandra Tan is the daughter of a Filipino Chinese businessman and was considered a spoiled rich brat. Bored with her rich and famou...