Tell Me How To Love [Fin]

De YGDara

1.9M 50.6K 2.6K

Barkada Babies Series #2 Paano niya masusuklian ang pagmamahal na binibigay sakanya kung hindi naman niya ala... Mais

Tell Me How To Love
Prologue
One
Two
Three
Four
Five
Six
Eight
Nine
Ten
Eleven
Twelve
Thirteen
Fourteen
Fifteen
Sixteen
Seventeen
Eighteen
Nineteen
Twenty
Twenty-one
Twenty-two
Twenty-three
Twenty-four
Twenty-five
Twenty-six
Twenty-seven
Twenty-eight
Twenty-nine
Thirty
Thirty-one
Thirty-two
Thirty-three
Thirty-four
Thirty-five
Thirty-six
Thirty-seven
Thirty-eight
Thirty-nine [1]
Thirty-nine [2]
Thirty-nine [3]
Forty
Epilogue
Note

Seven

41.7K 1.1K 132
De YGDara

"Mr. Reynolds, nakita po namin ito sa labas ng bahay."

Inabot ni Mr. Reynolds mula sa pulis ang isang plastic na may lamang sira-sirang cellphone at sim card. May malaking keychain na nakalagay na 'Kai' ang nasama sa plastic.

Kai. Is that her name?

"Nahuli narin lahat ng mga taong pumaloob sa bahay ninyo. Kapag gising na ang babae at naging maayos na ang lagay, huhulihin narin namin siya."


Mr. Reynolds raised his hand to stop the police from speaking. "Don't arrest the girl. Do you understand me, officer?"

Tumango lang sakanya ang pulis at umalis na. He got up from his bed even if his shoulder is aching so badly. He called for his head security.


"Sir."

"Make sure na hindi lalabas sa media ang nangyari, Arthur. Walang nangyari ngayong gabi." utos niya.

Ibinigay niya ang sim card na nakuha niya sa plastic at ibinigay kay Arthur. "Baka pagmamay-ari ito nung babae. Find a phone and insert this. Then call someone in her contacts."

Tumango si Arthur at inilabas ang phone upang gawin ang utos niya. Kahit na kumikirot ang balikat niya at medyo nahihilo siya, pinilit niyang tumayo at puntahan ang babaeng sumagip ng buhay niya sa kabilang kwarto.

Tanging tunog ng makina ang naririnig sa loob ng kwarto nito. Mabuti nalang at hindi sa maselang bahagi ng dibdib natamaan ang babae. Kinailangan ng dugo ng babae at buti nalang common lang ang blood type nito at match sakanya kaya naman nagboluntaryo siya, bayad narin sa pagsagip nito sa buhay niya.

Lumapit siya sa gilid ng kama nito at tinitigan ng mabuti ang maamong mukha nito. Hindi napigilan ng kamay niya na haplusin ang pulang buhok nito. He doesn't know this girl, but still he felt like there was something in her that makes him draw into her.


Bumuntong-hininga siya at dahan-dahang lumabas na ng silid nito. He took one last glance at the girl. Kai.

--------

Kanina pa tinatawagan ni Isaac si Kai dahil hindi yata naging maganda ang huli nilang pag-uusap. He saw it. He saw that certain emptiness in her eyes the moment she said those words that made him speechless.

Nasaktan ba siya? He don't think so. Maybe his ego was bruised, but really not hurt.

"Shit." he cursed another when he still can't reach Kai. Bakit ba kasi nakapatay ang phone nito? Ano'ng oras na at hindi parin niya tinitigilan ang pagpindot sa call button.

Kapag nainis talaga siya, pupuntahan niya ito sa bahay nito. It's past midnight, but still, he's not sleepy at all. Gusto niya lang linawin kay Kai na mali lahat ng sinabi nito sakanya kanina. Na kung anuman ang naririnig nito tungkol sa kanya ay hindi totoo. Oo, madalas siyang makita na may kasamang babae, pero friendly lang naman talaga siya.

And the thing happend at the back of the gym? Well, he has no excuse for that. Ginusto naman rin niya iyon. Hindi niya lang talaga matanggihan si Margarette. He used to date Margarette, but both of them realized that they're better off as friends. Pero, kanina kasi, bigla nalang siyang hinalikan ni Margarette, kaya hindi narin niya napigilan. He still has hots for that sexy tourism student. But that's just it.

He tried to call Kai again but still it's unattended.

"Last na talaga." sabi niya sa sarili. "Fuck, this is so gay." iiling na dagdag niya before dialling Kai's number for the nth time.


"Shit!" sigaw niya nang bumungad nanaman sakanya ang nakakairitang boses na nagsasabing unattended ang tinatawagan niya.

Ibinalibag niya ang phone niya sa kama at napahilamos nalang sa mukha dahil sa iritasyon. Huminga siya ng malalim at napagdesisyunang maligo na muna.

When the warm water hit his body, his muscles relaxed. Masyado niyang iniisip si Kai. Napatawa siya. Bakit nga ba niya masyadong iniisip si Kai? She's just some other girl in school. Wala namang pinagkaiba ito sa mga nakakasalamuha niya araw-araw. Kung ikukumpara nga, mas maraming mas maganda, mas sexy at mas game sa mga gusto niya kesa kay Kai.


Paglabas sa banyo, narinig niya na nagriring ang phone niya sa kama. Kinuha niya iyon at nang makita ang pangalan ni Kai ay mabilis niya itong sinagot.


"Dimaano! Kanina pa kita tinatawagan!" bulyaw niya kaagad.


"Is this Malanding Haliparot?"

Natigilan si Isaac nang hindi boses ni Kai ang nasa kabilang linya kundi ay galing sa isang lalaki. Nangunot ang noo niya. Bigla siyang kinabahan. Bakit nasa lalaki ang phone ni Kai?


"Sino ka? Nasaan si Kai?!" sigaw niya sa kabilang linya.


Bumuntong hininga ang nasa kabilang linya bago siya sinagot. "Sir, Ms. Kai Dimaano, as what you have said, is in the hospital right now. Kamag-anak ka ba niya? Nang buksan ko kasi ang sim card ni Ms. Kai ay puro texts mo ang pumasok. Kaya ikaw ang una kong tinawagan."


Sa dami ng sinabi nung lalaki ay tanging 'hospital' at 'Kai' lang ang narinig niya. "Ano'ng sabi mo? Nasaan si Kai?! Ano'ng nangyari sakanya?!"

He was panicking. A sudden fear entered his being. Bakit nasa ospital ito? Sana naman walang masamang nangyari sa babaeng 'yun.


"I can't tell you since I don't know you if you're related to Ms. Dimaano. I suppose 'Malanding Haliparot' is not your name."


Huminga ng malalim si Isaac para pakalmahin ang sarili. He needs to clear his mind for him to not panic.


"Johannes Isaac Ford. Kilala ko si Kai. Girlfriend ko siya." sabi niya. "Kaya please, tell me...what happened to her?" halos pabulong na ang pagkakasabi niya sa mga nahuling salita dahil tila ba'y nanghihina siya. He can also feel his hand trembling.

"St. Lukes Medical Hospital. Room 211." Iyon lang ang sinabi at agad na nawala na ang kabilang linya.

Mabilis ang kilos niya at kung ano nalang ang makuha sa cabinet niya ang sinuot. Kipkip ang wallet,phone at susi, mabilis na lumabas siya sa kwarto niya. Nasalubong pa niya ang kambal niyang si Dami.


"Hating gabi na ah. Saan ka pupunta?" tanong sakanya ni Dami.


Imbis na sagutin ay mabilis na nilagpasan niya lang ito at bumaba para sumakay sa kotse niya at pinasibad papunta sa ospital kung nasaan naka-confine si Kai.

Agad na pinuntahan niya ang room 211 ngunit dalawang lalaki ang naroon at hindi si Kai. Napatingin sakanila ang dalawang lalaki. Nilapitan siya nung nakatayo at inilahad ang kamay.

"Isaac?" tanong nito.

Tumango siya at inabot ang kamay nito. Tinapunan niya rin ng tingin ang lalaking nasa hospital bed at naka-sling ang kamay at may benda sa balikat.

"Nasaan si Kai?" tanong niya.

"She's in the next room." sagot nung lalaking nasa hospital bed.

"This is Mr. Reynolds, siya ang nagdala kay Ms. Dimaano dito." sabi nung lalaking kausap niya sa phone kanina. "Arthur." pakilala nito.


"Ano'ng nangyari? Fuck! I've been asking that question since you called, and you never answered me!"


"Maupo ka, Isaac." sabi ni Mr. Reynolds. Tinitigan niya ito at sigurado siyang pamilyar sakanya ang mukha nito. Hindi niya lang sigurado kung saan niya ito nakita na.


"Nasangkot sa sindikato si Ms.Dimaano at ang bahay ko ang nilooban nila. To make the story short, nahuli ko sila at nagkaputukan. She saved me when I was about to get hit. I owe my life to Kai." paliwanag ni Mr. Reynolds. Hindi nakaligtas sa tingin niya ang pag-amo ng mukha nito nang banggitin ang pangalan ni Kai.


He can't help but to be pissed knowing that. "Can I see her?" tanong niya.

Tumango ito at tinignan si Arthur. "Take him to Kai."

Nang makapasok siya sa silid ni Kai, malalaking hakbang ang ginawa niya at lumuhod sa gilid nito. Hinaplos niya ang mukha nito at tinignan ang estado nito.

What happened to her? Bakit nasangkot ito sa ganitong gulo?


"How did this happen?" bulong niya.


"Wake up, Kai." dagdag niya pa.


"She's fine. Bukas pa daw siya magigising dahil kagagaling niya lang sa operasyon at sinalinan rin siya ng dugo." paliwanag ni Arthur.


Hindi niya ito pinansin at nanatiling nakatitig kay Kai. He held her and tightly, iniisip na doon kukuha ng lakas si Kai. Hindi siya sanay na makita sa ganitong estado ang babae. She's fierce and brave. But now, she looks helpless and vulnerable. Sa maikling panahon na nakilala niya si Kai, he already saw differenf side of her. Pero hindi niya alam kung sino si Kai sa mga iyon.


"Sino ka nga ba talaga Duchess Kai  Dimaano?"

--------------

VOTE AND COMMENT. ;)
Follow me @kendeyss

Continue lendo

Você também vai gostar

3M 78.9K 37
Ayaw mong mag-asawa pero gusto mo ng anak. Galit ka sa mga lalaki pero ayaw mong tumandang mag-isa. Anong pwedeng solusyon sa ganyang problema? A. Hu...
23.9K 904 32
[Los Herederos Series: Eleov Montez] But I got nothing here without you. [January 2020-]
Intoxicated De Ysa

Ficção Geral

12.5M 229K 67
Choices. Decisions. Sacrifices. Betrayal. Consequences. Circumstances. They say first love never dies. Tyrone Kean Feledrico and Yvette Gaile Arteta...
255K 14.1K 33
Ang sabi nila, ang mayaman ay para lang sa mga mayayaman. Bago ka pa ipinanganak dito sa mundo ay nakasulat na ang kapalaran mo. Kung ipinanganak kan...