The Art of Stars (Celestial S...

By missyoogurl

3K 904 88

Akira Pascual is an average kid and she's perfectly fine with it. She doesn't want attention like any other k... More

Prologue
2
3
4
5
6
7
8
9
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
24
25
26
27
28
29
30
31
32
33
34
35
Epilogue
Author's Note

1

251 75 10
By missyoogurl


June 18 20XX


Umaga na at hindi pa ako bumabangon sa kama ko kahit na nakalagay sa planner ko na may morning assembly ang mga incoming freshman man ngayon.


"Anong oras na akira? Hindi ka ba mag aasikaso? Malelate ka nyan eh."


Nakatayo si mama sa tabi ko habang nakapamewang pa habang kakatayo ko lang sa pagkakahiga. Kinuha ni mama ang bagong uniform ko sa aparador at nilagay na sa kama.


"Magasikaso ka na!"


Sigaw ni mama bago nya isara ang pinto. Tumayo na ako at nagsimulang magunat unat para magising ang diwa ko. Tinignan ko ang bagong uniform ko, uniform ng Montessori High. 


Palda na kulay blue na hindi lumalagpas sa tuhod, blouse na may blue lining sa mga dulo nito at ternong necktie. Sa necktie nakalagay ang logo ng school at may isang circle na nakalagay sa taas ng logo na ang ibig sabihin ay freshman ka.


Sinigurado ko muna na maayos at presentable ang itsura ko bago ko kinuha ang mga gamit ko at bumaba. Nasa kusina si mama at naghahanda ng pagkain pang almusal. 


Umupo ako sa pwesto ko at kumuha ng hotdog na nakahanda sa lamesa.


"Ito ang baon mo oh." nilapag nya ang lunchbox ko. "wag mo kakalimutan kumain, iba pa naman ang high school lalo na sa montessori high ka pa pumapasok."


"Salamat po." kinuha ko ang lunchbox at sinilid sa loob ng bag.


Excited si mama dahil unang araw ko bilang isang freshman sa montessori. Isang sikat na private school at mga mayayaman lamang ang may kakayahan na makapag aral dito. 


Buti na lang at kinuha ako ni tita para maging isang scholar nya kaya di na namin pinoproblema ang tuition dahil hindi talaga namin afford dito. Hindi naman kasi kami mayaman may kaya lang. 


Si tita ang mayaman, magkatulong sila ng asawa nya kaya napalago nila ang kanilang business.


Pero kahit yumaman si tita nanatili parin ang pagiging mabait nya at asawa nya. Sabi nya sakin sya na ang magsasagot ng tuition ko hanggang college basta wala akong ibabagsak na mga subjects. 


Anak anakan nya kasi ako since hindi sila biniyayaan ng anak kaya ganyan sila kabait sakin.


Nagpaalam na ako kay mama para makasakay na agad sa jeep. Pagkasakay ko ay nagbayad muna ako bago ako naglagay ng earphone para makapakinig muna saglit ng music.


"Para po." nilakasan ko ang boses ko para marinig ng driver  nung malapit na ako sa school.


Bumababa ako sa tapat ng gate. Nakabukas ang gate at maraming nagsisipasok na mga estudyante. 


Malaki ang loob ng school kaysa titignan mo sa labas, may pwesto sila para pagtambayan, maganda ang mga building at classroom, maraming mga puno at halaman kaya naman di masyado mainit kahit sa labas ka tumambay. Malaki ang ground nila at nakaseperate sa court.


"Aray."


Sa sobrang pagkamangha ko hindi ko namalayan na may nabunggo na pala ako. Naka black slacks at shoes ito. Yung polo nyo ay may blue lining na gaya sa uniform ko at necktie na may one dot rin. So freshman rin to?


Tinignan ko kung sino sya. "Sorry."


Tinitignan nya muna ako bago sya nagsalita "Okay lang."


Pinagmasdan ko ang itsura nya. May pagkamestiso sya at itim na itim ang buhok. Ngayon lang ako nakakita ng ganito kalakas ang dating ah! 


Model ata to eh, may lahi kaya sya? Walang ganito sa dati kong school. Seryoso nya kong tinitignan habang nakasukbit sa balikat ang bag nya.


"Ay sorry."


Tumabi ako para makadaan sya. Hindi ko namalayan na nakaharang na pala ako sa daan sa sobrang titig ko jusko nakakahiya. Tinitignan nya ulit ako at tumango lang bago sya ulit umalis.


"Nakita mo yon?! Grabe ang pogi ni claude.


Narinig ko yung dalawang babae sa gilid na kilig na kilig at sinusundan ng tingin si claude habang naglalakad. Hindi lang atensyon ng mga babae ang nakuha nya pati na narin ang mga lalaki. 


So Claude yung name nya?


Pumunta na ako sa classroom ko pagkatapos ko makita kung ano section ko sa bulletin board. May mga iilan ng nakaupo at may mga kausap na sila wala naman may tumingin sakin nung pumasok ako sa room kaya umupo ako sa pinaka dulong upuuan sa pinaka sulok.


Ok na dito. Nakakahiya naman kung uupo ako sa tabi nila bigla bigla. Inayos ko ang mga gamit ko para pag dumating na yung teacher ay hindi na ako maghahalungkat pa. Unti unti na nagsisidatingan ang mga kaklase ko habang ako ay busy sa pag aayos.


"Hi, may nakaupo na ba dyan sa tabi mo?"


Tinignan ko sya habang nakangiti syang inaantay ang sagot ko. Mahaba ang buhok nito na di lagpas sa kanyang bewang. Amoy na amoy ko ang pabango nya na amoy baby at napaka fresh nya. 


Na bother ako kase nakatingin na ang mga kaklase ko samin.



"Wala" tuwang tuwa sya na umupo sa tabi ko habang ako nagpatuloy mag ayos ng gamit ko sa arm chair. Ganito ba talaga mga estudyante dito?


Ibang level ang mga aura nila kaysa sa dati kong school na pinapasukan. As expected sa Montessori high.


"Ako si naomi, naomi vergara"


Hindi ko alam kung ano irereact. Nakikipagkaybigan ba sya sa akin? Nakangiti parin sya sa akin hinahantay sabihin ang pangalan ko.


"Akira."


May sasabihin pa sana sya pero natigil dahil pumasok na ang homeroom teacher namin.


"Ok class since first day palang naman ay wala muna papagawin activities maging pamilyar muna kayo sa isa't isa dahil kayo kayo ang magkakasama hanggang graduation nyo."


Kinuha nya ang attendance sheet at nagsimula ng magtawag ng mga pangalan. Either nagsasabi ng present o tinataas nila ang kamay nila para masabi na sila ay natawag nga ang pangalan


"Sison, Claude"


Napatingin ako sa kabilang dulo dahil may nagtaas ng kanyang kamay. Yung gwapong lalaki kanina?! Kaklase ko pala sya?


Wala syang pakialam kahit na maraming nakatingin sa kanya sa klase kahit tapos na sya tawagin.


"Mukhang magiging memorable high school life ko!" rinig kong sabi ng kaklase ko sa harap.


"Oo nga ang swerte natin kaklase natin yung apat na sikat dito sa montessori!"


Hindi ko na pinakinggan kung ano pa pinagusapan nila. Baka mamaya sabihin nila chismosa ako. Pagkatapos mag attendance ay may ina-assign si ma'am na representative habang wala pang na select na president sa klase. 


Pag alis nya doon nag ingay na ulit ang klase para makipagkilala. Umayos lang ako ng upo.


"Akira gusto mo pumuntang canteen?"


Tinignan ko si naomi na nakatayo na sa gilid ko at hinihintay na sumama ako sa kanya. Wala rin naman na akong gagawin pa sa loob kaya tumayo ako at sumama sa kanya.


Palabas na kami ng pinto ng may humarang sa amin na isang lalaki


"Ikaw si Naomi, diba?"


Tinitignan sya ni naomi bago magsalita. "Oo."


Nakatingin lahat samin habang ang dalawa ay seryosong nagpapalit ng masasamang tingin.


"Ikaw ang nakakuha ng perfect score sa entrance exam tama ba?" Masama parin ang tingin.


"Ano naman kung ako?" sagot ni naomi.


Nagsisimula na sila pagbulungan dahil sa mga sagutan nila. Nasa likod ako ni naomi at walang idea ano gagawin. 

Dapat pala hindi na lang ako sumama kung ganito mangyayari mukhang madadamay pa ako sa away.


"So, ikaw pala si Naomi? Wag mong pansinin si Jonas."


Ngayon ko lang napansin na may isa pa palang tao na kasama namin nakatayo.


"Jonas?" Nagtatakang tanong ni Naomi.


"Yep, Jonas javier. Ako naman si anthony."


"Malakas ba tama non sa utak?"


Nagulat si anthony sa tanong ni naomi. Maya maya mangiyak ngiyak na sya sa katatawa habang hawak ang tyan nya. Anong nakakatawa?


Mukhang ganon din ang tanong ni naomi dahil parehas kami ng mukha na pinapakita.


"Sorry natawa lang ako ngayon lang kase may nagsabi kay jonas ng ganyan. Ganyan lang yan dahil first time nyang naging pangalawa." habang pinupunasan yung luha nya.


Tinitignan namin si jonas na nakatingin parin samin.


"Tignan natin sa sunod na exam kung perfect parin makuha mo" nakapamulsa sya bago bumalik sa upuan nya. 


Nakatingin samin ang buong klase kasama sila claude tyaka yung katabi nya na class representative namin.


"Ingat kayo!"


Nakalabas na kami ni naomi sa room pero nag bababye parin samin si anthony.


"Bye Naomi! bye, akira!"


Nagulat ako dahil natatandaan nya pala pangalan ko. Sumulyap ulit ako at nakitang magkakasama sila claude, felix, jonas at yung class representative namin. Tinignan ko si naomi na mukhang wala naman nangyari kanina.


Parang may idea na ako kung anong mangyayati sa buong school year ko dito sa montessori. Mukhang paglalaruan ako ng tadhana..

Continue Reading

You'll Also Like

136M 5.3M 131
Masarap mapunta sa Section na may pagkaka-isa. Meron mang hnd pagkaka-unawaan, napag-uusapan naman. Panu kung mapunta ka sa Section na ikaw lang ang...
124M 2.6M 56
Si Carmelita Montecarlos ay ang bunsong anak ng pinakamayamang angkan sa San Alfonso. Habang si Juanito Alfonso naman ay ang anak ng pinakamaimpluwen...
52.8M 2.2M 172
Ever since Sari's sister married the seemingly perfect man, she had dreamt of her own happily ever after. Gusto niya rin ng gwapo, mayaman, at gwapo...
154K 11.5K 169
Si Austin Louis Vermilion, ang main character na ipinanganak na maganda,sexy, matalino-pero syempre charot lang yun! Walang ganun sa story na 'to! OK...