Meet My Boyfriend: Ana's Ace...

By Lyfavie

102K 1.7K 353

[ONGOING STORY] [Cliche story coz life is cliche] Dala ng pagkakamali at pagsisinungaling, ay naituro ni Ana... More

Meet My Boyfriend: Ana's Ace
Chapter 1
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17 - Part one
Chapter 17 - Part two
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26

Chapter 2

3.3K 65 16
By Lyfavie

Chapter TWO

"It sucks when no one believes you when you are speaking the truth."

                                                                                                   -LYFAVIE  :)

“OMG! Is this really true?! Boyfriend mo si Ace?!” exclaimed ni Kelly.

“Hindi ko alam na kilala mo pala si Ace Ana?”  doubtful na sabi naman ni Owen.

Ano bang isasagot niya?!

Pinili na lang ni Anang tumahimik. Nahihiya siyang umamin. Baka kasi kung anong isipin nina Kelly at Owen.

“Ba’t di ka makasagot Ana?” tanong ni Owen.

“K-kasi…” napalunok siya. Bakit ba kasi mas mahirap magsabi ng totoo kaysa magsinungaling?

“I get it!” napapitik sa hanging sabat ni Kelly. “She’s lying to us hon!”

“Anong ibig mong sabihin Kelly?” di maintindihang tanong ni Owen kay Kelly.

“Hindi niya talaga boyfriend si Ace! There’s no way Ana and Ace are together! She’s lying Owen!”

“Ana, tama bang sinasabi ni Kelly?” Owen searched for Ana's eyes but she avoided him. Tungo ang ulong nanatili itong tahimik.

“See, she can’t answer because Ace is in fact not her boyfriend.”

“Ana…”

Hindi naman siguro nakamamatay ang umamin di ba? Huminga siya ng malalim saka inihanda ang sarili. Aaminin na nga lang niya.

“Oo –”

“Ana baby…”

Baby?!

Tatlong pares ng mata ang dumako sa lalaking nagyoyosi. Bawat isa ay naglalaman ng iba’t ibang emosyon. Pagtataka. Gulat. Doubt.

Si Ana ang unang nakabawi. Anong pinagsasabi ng tukmol na ito?! Bakit biglang naisipang makisawsaw?!  “Uhm…Sorry, pero may misunderstanding lang.” Pagpapaumanhin niya kay Ace. Tapos ay tumingin siya kina Owen at Kelly. “Di ko talaga siya boyfriend.”

“What are you talking about baby?” confused na tanong ni Ace. Tapos biglang nagliwanag mukha nito na tila ba may naalala. “Tsk…Baby, hanggang ngayon ba galit ka pa rin sa akin?” madamdaming tanong ni Ace sa kanya. Tinapon nito ang paubos ng yosi sa daan saka tinapakan.

“Nakadrugs ka ba?” maang na tanong niya dito. Baka nakahigh pala ito at kung anu-ano ng pinagsasabi. Bakit nagkukunwari pa rin itong boyfriend niya. Tinutulungan ba siya nito? Eh in the first place, hindi naman na niya kailangan tulong nito. Lalo lang nitong pinapalala ang sitwasyon eh.

Nagulat silang lahat ng biglang humalakhak ng malakas si Ace.

“Si Baby talaga. Can’t you forgive me? I swear. Sila ang lumalapit sa akin. Ni hindi ko nga sila pinapansin eh.”

“Ano bang pinagsasabi mo!” Tumaas na tono ng boses niya. “Hindi nga sabi kita boyfriend eh. Nagkamali lang ako ng tinuro kita sa kanila. Hindi ba maliwanag iyon?!”

“Hindi mo pa ako brineak kaya tayo pa rin.” Ngumiti ito kay Kelly at Owen. “Pasensiya na kayo kay Ana, bad mood siya kanina pa.” Saka siya nito inakbayan.

Nagpupumiglas siya pero hinigpitan nito lalo ang pagkakaakbay sa akin. Tinignan niya ito ng matalim. Yung singtalim ng bagong hasang kutsilyo. Ngunit parang balewala lang iyon dito.

“Ana baby, why don’t you introduce me to your…friends?”

Kanina pa ito Ana ng Ana. Feeling close! At pababy-baby pa ito?! Parang sumama pakiramdam niya at kinikilabutan din siya.

“Why would I introduce you? Ni hindi nga kita boyfriend or friend ma lang.” nakasimangot niyang sagot.  “At huwag mo nga akong mababy-baby. And don’t even call me Ana. Di tayo magkakakilala, okay?!” Masungit niyang wika. Tumingin siya kapagkuwan sa naguguluhang magkasintahan. “Kelly, Owen, I lied kanina. Wala talaga akong boyfriend. Sorry about that.” See, hindi talaga nakamamatay ang pagsasabi ng totoo.

“Ana, kaya ba ayaw mo kaming ipakilala kay Ace kanina dahil may LQ pala kayo?” tukso ni Kelly. “But I can’t still believe you and Ace are really together! No one knows!”

“Kelly, uulitin ko lang. Hindi ko nga boyfriend itong si Ace na ito. I lied when I told you and Owen that I already have a boyfriend.”

“Don’t believe her. I am her boyfriend.” Insists naman nitong si Ace na nakaakbay pa rin sa kanya.

“NO! Huwag kayong maniwala sa kanya. HINDI KO SIYA BOYFRIEND!” halos sumigaw na si Ana sa pagdedeny. Naiinis na siniko niya si Ace gamit ang braso. Wala siyang pakialam kahit nasaktan ito. Buti nga dito.

“I’m Kelly by the way.” Parang walang narinig si Kelly at nagpacute pa ito sa harap ni Ace.  “And this is Owen. Boyfriend ko na ex naman ni Ana.”­­­­ What? Kailangan pa bang iintroduce si Owen as ex ko?!

“I’m Ace.” Pakilala naman ni Ace sa sarili.

“We know who you are.” Kelly giggled. Di nito itinago ang admiration kay Ace kahit katabi lang nito si Owen.

“I have to thank both of you then," wika nito kay Owen at Kelly.

“What for?” nagtatakang balik ni Owen.

“For leaving Ana. Kung hindi dahil sa inyo, I wouldn’t be with Ana.” Cool na cool na salaysay nito.

Tumiim ang bagang ni Owen sa narinig. Si Ana naman ay nakaramdam ng tuwa sa narinig. Parang gusto niyang ibulalas kay Owen na: “SEE!” Pero kinimkim na lang niya dahil wala namang katotohanan mga pinagsasabi ng tukmol na Ace na ito eh.

“Hey, that's not nice for you to say!”  alboroto kaagad ni Kelly.

“But it's the truth.” Balewalang tugon nito. “Anyway, Ana and I are going. Nice meeting the two of you!”

Yun lang at sapilitan siyang sinama ni Ace. Sapilitan, dahil labag sa kagustuhan niya iyon. At sa kabila ng pagpupumiglas niya ay nadala pa rin siya ni Ace.

Nakarating silang dalawa sa tabi ng isang nakapark na kotse. Around Paradise pa rin iyon. Himalang walang mga tao at sila lang ni Ace ang nandun.

Ibinuhos niya ang lahat ng lakas saka marahas na inalis ang pagkakaakbay nito sa kanya.

“SINO KA PARA SABIHIN ANG MGA IYON SA KANILA!?” galit niyang kastigo dito.

“I’m ACE.” He answered casually.

She rolled her eyes. What if he’s ACE?

“So?! Ano ngayon kung ikaw si Ace?! Hindi ka nun binigyan ng karapatang sabihin ang lahat ng iyon sa kanila.”

Napasipol ito. “You’re feisty. I like that to my girl.”

“HINDI.KITA.BOYFRIEND.” bawat pagbigkas niya nun ay may diin para maintindihan nito.

“You started this, don’t you? I’m just playing my part.”

“But I took back everything I said.” She argued. “It’s just a mistake when I pointed you to them.” She explained. “And I didn’t even ask you to help me!” she defended.

“Too late baby. Whether you like it or not, you are my girl now...Ana.”

"Bakit mo ginagawa ito?! What’s your motive?”  For goodness sake, ayaw niyang ma-associate man lang kay Ace. Alam niyang ang tahimik niyang buhay ay magugulo kapag biglang sinama doon si Ace. And she will not let that happen.  

“Hidden agenda? Do I need a reason like that?”

“Well in your case, OO.” She bluntly said. “I’m very sure; I’m not even your type.” Sigurado siya dahil kahit ayaw man niya, alam niya kung sinu-sino ang typical na nalilink dito. They are the typical Barbie or model type women. What’s new? All that information is thanks sa kanyang ever updated na bestfriend na si Chichi. Ito ang madalas magkuwento ng mga nangyayari sa Saint Bernadette University or mas kilala bilang SBU.

Pinasadahan ako ng tingin ni Ace. “Well, yes, you are not my type.”

Di naman siya nasaktan sa narinig. That made her happy instead. Because it means, malaki ang pag-asa niyang makawala kay Ace.

“BUT…”

“But?” maagap niyang ulit. She doesn’t like the sound of it.

“But I want something different. Sawa na ako sa mga babaeng laging umaaligid sa akin. I want something new.” He smiled. “And that’s YOU.”

“WHAT! Hindi ako isang laruan na puwede mo na lang bilhin sa isang toystore at ‘tsaraaannn’ sa iyo na! I don’t consent to this!” she protested.

“Did I ask for your consent?”

She realized, she’s talking to the devil.

Shit! Ano ba itong napasukan ko?!

“So you will be my girl until I want you to be.”

“This is unfair! Ni hindi nga kita gusto eh.” And she knows that being Ace’s girl is like being the slave to a devil already. Kahit libo-libo ang may gustong maging slave ng tukmol na ito, hindi niya kailanman pinangarap iyon. Kahit ora mismo ay pumalit na sila sa puwesto niya ngayon eh.

“The feeling is mutual.” Ngumisi ito. “But you don’t bore me unlike the others. So you will do.”

Talking to Ace is useless. Napagtanto niya iyon.

Tumingin siya sa paligid niya. Mula sa malayo natanaw niya ang isang taxing paparating.

“Kilala mo ba ako?” tanong niya kay Ace.

“You are my girl. Ana.”

Itinago niya ang saya sa narinig. Ana lang. Walang surname. That means….hindi pa talaga niya ako kilala!

Yay! This is her chance! Bwahaha!

“Then, GOODBYE Mr. Renz Vincent Tolentino. It’s NOT nice meeting you.” She said at bago pa siya mahawakan ni Ace ay kumaripas na siya ng takbo at pinara kaagad ang taxing paparating. Buti na lang at wala iyong sakay at tumigil kaagad.

“Manong paandarin niyo na…Bilis po!!!” utos niya sa driver pagkasakay.

Sumunod naman kaagad yung driver.

Habol ang hininga niya habang nasa loob ng taxi. Nang makatiyak na malayo na siya kay Ace, saka pa lang niya sinabi kay Manong na dalhin siya sa SM Baguio. Doon na lang siya bababa at muling sasakay ng taxi pauwi. Call her paranoid, pero naninigurado lang siyang hindi siya masusundan ng Ace na iyon.

“Hahahahaha!” tumawa siya ng malakas habang inaalala ang nangyari. Nautakan niya si Ace. Hindi nito alam ang buong pangalan niya. Kaya mahihirapan itong hanapin siya. At malabong magkita pa sila dahil mula sila sa magkaibang campus kahit parehong sa Saint Bernadette University (SBU) sila nag-aaral. Si Ace ay sa main campus ng SBU at siya naman ay sa Anne Heights Campus naman ng SBU.

Imposible naman sigurong umeffort talaga ito para hanapin siya. Iisipin niyang may galit talaga ito sa kanya kapag ginawa pa nito iyon.

Inayos niya ang pagkakaupo at ipinikit ang mga mata saka hinilot ang sentido. Pagod na pagod ang pakiramdam niya. Ilang oras lang siyang naroon sa Paradise at ang dami ng nangyari.

Isa lang masasabi niya, hinding-hindi na ulit siya tatapak pa sa Paradise.

 ========================================

A/N: Hmmm, gagawin kong sa Baguio setting ng story na ito. Walang Paradise na bar sa Baguio. Hehe... gawa-gawa ko lang yan. Wala ding SBU na school sa Baguio. Pero I based SBU from an actual school in Baguio. :)

Continue Reading

You'll Also Like

108K 4.6K 53
The Madrid-Esquival siblings Nora, Fort, and Ansel, find love through their phones...and go from there. *** Nora's crush on her older brother's teamm...