The Kiss Next Door (Unang Pin...

By AkiHaru14

27.9K 2.9K 1.7K

"Maybe the kiss was a mistake to you. But it felt right to me," he says with eyes piercing right through me. ... More

PAGBATI
Chapter 0
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
THANK YOU!
Ikalawang Pinto

Chapter 3

595 61 24
By AkiHaru14

OH MY GOSH!

Napadilat ang dalawang mata ko habang nakatingin sa notification.

Mukhang narinig ng dalawang bruha ang internal tili ko kasi napatingin silang dalawa sa akin habang nasa gate kami. Napahinto ako dahil nga sa nakasulat.

Raphael Villareal sent you a friend request.

Binasa ko ito nang paulit-ulit.

"Anyare sa'yo?" Mitch asked.

"Guess who sent me a friend request?" pangiti kong sabi. Parang lalabas na ang gilagid ko sa laki nang ngisi ko.

"Si hot-and-dashing-"

"HINDE!" pagtitigil ko sa kanilang dalawa. "Sa tingin niyo matutuwa ako nang ganito kung siya nga?"

"Ay, so....oh my gosh! Si Raphael as in your crush Raphael Villareal?!" Sigaw ni Jaz.

"Oh sige! Lakasan mo pa!" sarkastiko kong tugon.

"Oops, sorry," sabi niya at itinikom ang bibig. "Accept it na, dali!" mahina pero atat niyang sabi.

"Oo nga, ano pang hinihintay mo?" segundo naman ni Mitch.

"Eh kasi baka napindot niya lang?"

"Who cares?!" They both exclaim. Grabe ang supportive!

"But wait. Tiningnan mo na ba profile? Baka Villareal din yung isa? Malay natin di ba?"

Shoot, Mitch has a point. Talino talaga.

Agad ko namang pinuntahan ang profile at bumungad sa akin ang smiling face at dimple ng long-time crush ko.

Gosh, kinikilig ang lola niyo.

"It's him. My crush Raphael."

"Talaga? Dali na, accept na!"

"No, wait!" angal ni Jaz. "Mamaya na. Dapat di ka magmukhang too excited or atat. Give it an hour or two."

"Eh paano kung i-cancel niya? Paano kung napindot nga lang? Take advantage of the situation. Accept mo na!" pagdedebate naman ni Mitch.

Nalilito na tuloy ako kung kaninong advice ang susundin ko.

"Mamaya na lang," sabi ko. "Kung napindot nga at icancel niya. Edi, don't."

Natawa ang dalawa.

"Sige go. Basta wag mo kalimutan i-accept mamaya pag andiyan pa nga."

"Of course, Mitch. Duh? Crush ko kaya 'to."

Inirapan lang ako ng bruha at nagpatuloy na kami sa paglalakad papuntang canteen.

Ang sama nang tingin ni kuya guard sa amin. Palibhasa kanina pa kami nakaharang doon sa gate. Wala namang ibang pumasok, kuya. Chill lang.

Pilit kong kinakalma ang puso ko habang kumakain. Hindi lang talaga ako makapaniwala na nag-friend request sa akin si Raphael.

Maya't mayay chinecheck ko ang requests list ko para tingnan kung andoon pa ba ang pangalan niya. And yes, it's still there. Yie.

Gustong-gusto ko nang pindutin ang confirm button pero pinigilan ko ang sarili ko.

Pagtingala ko mula sa phone, nakita kong paparating sa canteen si the other Raphael. Agad ko naman itinakip ang sling bag ko sa mukha ko.

Dammit, bakit dito siya kumakain? Dun kaya siya sa karenderia sa labas. Marami namang masasarap doon. Bakit dito?

Wow, may-ari ng canteen, Rain?

"Huy, anong nangyayari sayo?" Napansin ako ni Jaz na nasa tabi ko.

Ngumuso ako sa direksyon ni the other Raphael na pinagtitinginan ng ibang babae sa canteen.

"Yan si the other Raphael," sabi ko kay Jaz.

"Ano raw?" pag-uusisa ni Mitch.

"Yan daw yung kiniss niya."

Pinalo ko ang braso ni Jaz.

"Ouch."

"Anong kiniss? Hindi pa nga natin alam!"

Bumalik na naman ako sa pagyuko at tumago sa likod ng bag ko na nasa mesa.

"Oh my gosh! Si hot-and-dashing-Engineering guy nga yan!" bulong ni Mitch with excitement.

"Alis na tayo," sabi ko at akmang tatayo pero hinigit ako ni Jaz pabalik sa pag-upo.

"Masyado kang obvious eh. Go with the flow lang. Kunwari di mo siya nakita. Kunwari wala kang pake."

"Eh may pake ako!" bulong ko. "Nakakahiya kaya."

"Kaya nga di ba? Kung tatago-tago ka diyan at nakita ka niyang ganyan, iisipin niyang pinagtataguan mo talaga siya. You would look so guilty hiding your guilty face."

"Oo nga. Keep your chin up. We got your back, sabi nga ng ITZY. Masyado kang maganda para mahiya sa isang kiss."

Wow. Lakas makahanap ng silver lining ng tropa ko. Nagcredits pa si Mitch sa bias niyang kpop group.

"Umupo na siya. Nakatalikod sa atin. Okay na," anunsyo ni Mitch.

Sumilip ako. At totoo nga, nakatalikod na nga ang loko.

"Bilisan mo kumain," atat kong sabi kay Jaz. Siya na lang kasi ang di pa tapos kumain sa amin.

"So, ako mag-aadjust?"

Tumango ako. "Please?" pabebe kong sabi.

"Hays. Pag ako mabulunan, sa'yo ko isusuka lahat."

"Tatanggapin ko."

Sana wag siyang mabulunan.

Fortunately, naging maayos ang mabilisang pagkain ni Jaz. At nakalabas na kami ng canteen nang di nakikita ni the other Raphael.

Geez, wala ba talaga siyang second name? Kapagod kaya tawagin siyang the other Raphael palagi. Anim na syllables din yun ha.

"Punta na ako sa class ko," sabi ni Mitch.

"Okay! Bye. See you later."

Nagpunta na si Mitch sa ChE Department na di lang din kalayuan mula sa canteen.

Kaming dalawa ni Jaz ay naglalakad papuntang next subject nang bigla-bigla siyang nag-U turn. Kapag ganyan, alam ko na ang nangyayari. Sumunod na lang din ako sa kaniya and we took a different route towards our room.

Hindi ako umimik kasi alam kong ayaw niyang pinag-uusapan ito.

Nang makarating kami sa room, wala pa masyadong tao. Kaya nakapili agad kami ng upuan. Classmates kami sa major subject na ito.

Halatang wala sa mood si Jaz. Kaya kahit na feeling ko ayaw muna niyang kausapin ko siya, kinausap ko pa rin.

"You okay?"

Tumingin siya sa akin at ngumiti.

"Yeah," she says pero wari kong hindi siya okay.

Hindi na ako nagpatuloy sa pagtatanong. Pero nagsalita siya.

"I guess I'm just...I'm still not over him."

Sabi na nga ba. Nakita na naman niya si Drake kanina.

Hinawakan ko ang kamay niya para icomfort siya.

"That's okay. That's normal. Three months pa lang naman ang nakakaraan. Siya ang abnoy kasi nakahanap agad siya ng iba after a week."

Tumikhim lang si Jaz kaya pinisil ko ang kamay niya.

"Sorry, pinaalala ko pa."

Tanga, Rain.

"It's okay. Totoo din naman. Abnoy siya. Jerk."

"Basta we're always here for you. Kung gusto mong bugbugin namin ni Mitch 'yang Drake na 'yan...magha-hire kami ng bubugbog. Syempre hindi namin kaya ni Mitch 'pag kami lang."

Napatawa nang bahagya si Jaz. Hay, salamat at ngumisi na siya. Yung hindi pilit.

Naalala ko kung paano nawasak ang mundo ni Jaz nung iniwan siya ng walangyang Drake na yun.

"I'm so lucky I have you, guys."

I smiled back at her. "Ganun di ako."

Panira ng best friend moment ang prof. Dumating na siya dala-dala ang maraming naka-roll na drawing papers.

Tokwa. Ito na ba 'to? Start na ba ng stressful days?

Don't get me wrong. Mahal ko ang kurso ko. I love drawing. Pero wag naman sana on the first day of school.

"Wag kayong mag-alala. Mga ichecheck ko lang 'to from summer classes na INC."

Narinig ko naman ang reaksyon ng mga classmates ko. Katulad ko, nakahinga din sila nang maluwag. Salamat naman.

"For now, chill lang kayo diyan. Ipasa niyo lang itong paper for attendance. Fill your names and then in about 15 minutes, you can go."

Wow, candidate for fave teacher this sem!

"She's so cool," bulong ni Jaz.

"I know, right? So may two hours vacant tayo including this. Saan tayo tatambay?" tanong ko.

"Sa BH niyo syempre. Pagkaabalahan natin yung Raphael fiasco mo."

"Naman, pinaalala mo pa."

"Oh, bakit malungkot ka? Don't tell me akala mo si Engineer Raphael ang tinutukoy ko?"

"Eh sino ba? Yun naman yung pinag-usapan kanina."

"Si architect ang ibig sabihin ko, bruha. Nagfriend request sa'yo, remember?"

Nakarating na sa amin ang paper for attendance. So sinulat ko name ko at pumirma.

"Syempre naman. Kanina pa yan nasa isip ko. So anong pagkakaabalahan natin dun?"

Binigay ko sa kaniya ang papel.

"Icha-chat natin."

"What?! No way. Kanina sabi mo wag kong i-accept agad para di ako magmukhang atat tapos ngayon, icha-chat ko?"

Minsan talaga magulo itong si Jaz.

"Hindi ko naman sinabing ikaw magpasimula. Kapag magchat lang siya first."

"Eh paano kung hindi?"

Ipinasa muna ni Jaz sa likod ang papel bago nagpatuloy.

"Eh di matulog tayo."

"Tch. Nice plan."

~~***~~

So yun nga. Tulog si Jaz sa bed ni Mitch. At ako naman nakahiga lang din sa sarili kong bed.

Na-accept ko na friend request ni Raphael. Pero walang chat na nangyari. Kanina pa ako tingin nang tingin sa Messenger ko. Active naman siya. Baka nga napindot niya lang yung add friend button.

Hays. Ayan, assume pa more!

Makatulog na nga lang.

Nabuhayan ang diwa ko nang tumunog ang phone ko.

Raphael sent you a message.

AAAAAAAH!

Internal screaming at its finest.

Agad ko namang in-open ang Messenger. Kaso walang new message sa chats ko. Reload nga. Tokwa, ba't wala?

Tiningnan ko sa message requests. At nandoon nga ang message. From Raphael...pero ibang Raphael.

Raphael Manalo:
You can hide, but you can't run.

Tapos may emoticon pa ng bag sa huli.

Putek. Nakita niya ako kanina?

Continue Reading

You'll Also Like

23.5K 4.1K 64
Everything seem so perfect. Pero bakit gano'n? Parang may kulang pa din. Is it What or Who? Eurica Vannesa San Diego, the heiress of one of the bigge...
33.2K 1.2K 49
' ! | C O M P L E T E D | ! ' Ang oras at ang panahon ang madalas na humahadlang sa mga bagay na nais mong mangyari. Ang mga panahong hindi mo na mai...
450K 20.5K 42
Raising a kid is a difficult task for Sandro, especially if the child is not his own. When adoption is the only way for him to have the right for his...
10.6K 642 63
Amoureux Series #1 A life full of love and happiness that's the life of Elijah Manalo, a life that everyone wants to get, a life with a solid squad a...