Zalpha Bri 1: Red Spider's Se...

By iamyourlovelywriter

2.3M 50.2K 2.8K

Teaser: Masyadongmaganda.com is typing..... Masyadongmaganda.com: Hi, pogee. HeinzChua: Get lost Zyrene. ... More

Teaser:
Prologue
Chapter One
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Nine-A
Chapter Nine-B
Chapter Nine-C
Chapter Ten-A
Chapter Ten-B
Chapter Ten-C
Epilogue (SPG)
Extra #1: MasterH's letter
Extra #2: Heinz's red hero

Chapter Eight

108K 2.4K 106
By iamyourlovelywriter

Chapter Eight

            “Are you really serious about declining my proposition Ms. Florida?” seryosong tanong ng babaeng kaharap niya. Nakatanggap siya ng tawag mula sa isang Miverva Rosales isang editor-in-chief ng sikat na lifestyle and fashion magazine. Kilala niya ito dahil naging resource speaker ito ng university noong minsang may seminar ang kanilang major. Namangha siya ng makilala niya ito, dalaga pa ito dati pero ngayon ay may asawa na but she didn’t changed a bit.

            “Mukha po kasing hindi ako bagay sa posisyon na ibibigay niyo sa akin, I know you can find someone better.”

            Umiling ito. “I’ve been looking for that someone better unfortunately ikaw talaga iyon. We’ve been waiting for you ever since you graduated Zyrene.” Sumimsim ito ng tea bago humarap sa kanya. “You got me surprised when you entered the function hall late, sa totoo lang ayoko sa mga late that’s why I had an eye on you. And you don’t like someone who will do good no offense meant Zyrene but it wasn’t an everyday na nakakakita ako ng isang estudyante na pula ang buhok, naka-spaghetti at jogging pants at sneakers.” Tumawa pa ito. “Akala ko nga dati ay naligaw ka lang but you were there, so confident and so smart kahit hindi ka pa magsalita. You have this aura around you telling everyone that you are not someone we should messed up.”

            Hindi niya alam kung ano ang sasabihin niya ng mga oras na iyon, everything is just so fast and so unbelievable.

            “And then someone from the crowd ask me a question, that question left me speechless for a while at ngumiti lang ako. You answered it for me, you simply answered it for me when you noticed that I didn’t know the answer. And the way you answer it para bang ginawa ang tanong na iyon para lamang sa iyo and that amazed me more. You changed my views towards you tapos bigla kang nawala bago ako makapagpasalamat sa iyo.” Naalala niya iyon may biglang meeting kasi sa sorority nila at saka malay ba niya na kakausapin siya ng isang tulad ni Miverva Rosales. “I was there during your graduation, you amazed me more ng sabihin nila na magna cum laude ka pala and I wasn’t even surprise when someone from the crowd said na sayang daw at may namiss kang isang project kaya medyo bumaba ang grade mo sa isang subject mo or else you’ll be Summa cum Laude. Pakiramdam ko sa iyo ng mga oras na iyon isa kang ginto, we sent you an invitation letter but you reject them. Sabi mo hindi mo na kailangan ng trabaho dahil may trabaho ka na at mas gusto mo iyon. Hinayang na hinayang talaga ako sa iyo at medyo nainis din kaya hindi na ako muling kumontak sa iyo, call it pride.” Muli itong tumawa.

            “But then suddenly even after few years nagbrowse ako sa internet, I typed your name and found your blog. And I may say you amazed me even more, nakakahiya mang aminin pero parang nagkaroon ka ng isang magazine sa loob ng isang internet site and the author is still you. And that tempt me call you and have this meeting, I want you to be CUP’s writer your potential is unmeasurable.”

            “Nilulunod niyo na po ako sa mga papuri madam, pero sabi ko nga po masaya nap o talaga ako sa trabaho ko ngayon. I am no one’s employee, myself is my boss no one is telling me what to do.”

            “Hindi naman kita pinipigilan na gawin ang trabaho mo Zyrene, I don’t want to ask your full time sa CUPS. You can be a contributor a freelance writer at kapag magbabago ang isip mo ay iha-hire kita bilang full time writer ng CUPS.”

            Seryoso ba talaga ang babaeng kaharap niya? All these time ang alam lang niya ay normal at ordinary lang siya especially when it compares to her friends. Karylle is a policewoman, Chloe is a famous designer pero doctor din iyon, a dentist and the only daughter of ZBS a huge and famous clothing line company. Crischel is a pattisierre at kahit na hindi na ito magtrabaho ay hindi na nito kailangan pang mamroblema pa, Diana Rose is a call center supervisor an indemand one. Georgette is a chemist at kung matalino siya genius naman ito. Si Ainsley ay unica hija din ng mga Libiran a very rich clan, Monique is a well-known director while Monica even if she chooses to be a teacher she is a mathematician, kinakain lang yata nito ang mga numero na sinusuka lang niya. Si Hexel naman, she is an architect na may sarili ng firm sa ibang bansa na hindi nito pinapaalam, habang siya ay isang hamak na freelance writer lang at para bang wala lang. Minsan ay palaging tinatanong ng nanay niya kung ano ba talaga ang balak niya sa buhay niya kung sasayangin lang ba daw niya ang kanyang pinag-aralan at kung ano ba talaga ang gusto niyang marating.

            Sa totoo lang noong kinuha niya ang kursong Mass Communication hindi ibig sabihin ay iyon na talaga ang gusto niya. Wala lang siyang maisip, ayaw kasi niyang maging teacher, but it doesn’t mean na minamaliit na niya ang propesyon na bumuhay sa kanya, it’s just that ayaw niya ng paulit-ulit ang mga ginagawa niya. She wants everything to be free and especially to her life.

            “Pag-isipan mo Zyrene my company is always welcome for you, huwag mong sayangin ang pagkakataon. Hindi ko sasabihin na ibahin mo ang kulay ng buhok mo, your hair reminds me of fire and you are one spitfire I always admire. Maybe we can change something like your wardrobe—but not to the extent na masasakal ka na.” agad na bawi nito.

            “Hindi ko pa kayang magdecide sa ngayon Madam.” Pag-amin niya, with opportunities like this alam niyang mahihirapan siyang hindian ito. Marami ang tulad niya na gustong makuha ang posisyon na iniooffer nito and everything is according to her wants and desires sino ba ang tatanggi sa offer nito.

            “I know Zyrene, but I really want you to take the challenge.” Napatingin siya sa huling salitang sinabi nito. “Yes, it’s a challenge. I will retire really soon Zyrene.”

            “Ha? Why? You are still young.”

            Tumawa ito sa kanya. “I may and so are my children.” Hinimas nito ang tiyan nito na may kalakihan na rin. “I actually wants you to be my new replacement, your credentials and your credibility are enough for me para ikaw ang gusto kong ipalit. But knowing you, alam kong hindi mo tatanggapin agad iyon ng ganoon lang. Gusto mong paghirapan iyon, do you want my position.”

            Para na rin nitong sinabi kung gusto ba niyang uminom ng tubig after six days of travelling in a dessert. It’s so tempting pero marami pa siyang dapat iconsider kung tatanggapin ba niya ang offer nito. 

            “Can I think about it?”

           Isang malawak na ngiti ang ibinigay nito sa kanya. “I am really glad for considering about this, don’t worry if ever you decided to join me hindi malalaman ng mga empleyado na may backside entrance ka. Papasok ka pa rin sa company as regular employee, may entrance test and series of interviews, I want everyone to notice Zyrene Kate Florida the way I notice her before.”

            Tumango siya dito, this is indeed an offer she can’t just disregard. Pagkatapos ng meeting nila ay agad din siyang pumunta sa presinto, gusto niyang makausap si Karylle.

            “K,” tawag niya sa kaibigan na abala sa pagpapaganda kung siya ang head nito matagal na niyang kinulong sa bartolina ang babaeng ito wala na yata itong ibang gawin kundi magpaganda. So vain eh. Pero kung siya ang head nito magdadalawang isip din siya kung ikukulong ito sa bartolina, kahit kasi wala yata itong ibang gawin kundi magpaganda ay sigurado naman siya sa kakayahan ng kaibigan niya. She knew how to point gun and she knew how to kill people if she wants to. Huwag kang matakot sa taong matapang dahil minsan nagtatapang-tapangan lang sila, matakot ka sa taong painosente dahil mas matindi ang kamandag ng mga iyan.

            “Uy, babaeng hindi nangangalahati sa ganda ko--- joke lang sis so what brought you here in my humble abode? Is it due to my pretty and very gorgeous face or due to my-.”

            “Due to your distracting face sis.”

            “What kind of distraction, I only accept good distraction pero kung iba ang sagot mo.” Hinawakan nito ang baril na nakasabit sa beywang nito. “Pwede rin natin iyang pag-usapan.”

            “Gaga, huwag mo akong takutin sab aril mo dahil kung nakakalimutan mo pulis din ang tatay ko at marunong akong humawak ng baril.” Nagflip lang ito ng hair as if naman may mafiflip kung tuusin ay nakabun ang buhok nito.

            “I know right? So, hindi nga what brings you here my dear friendship?”

            “I need someone to talk to.”

            “Alright I am always here for you friendship.” At hinila siya nito papasok ng pantry, may mga bagitong pulis na napapatingin sa kanila si K naman ay nginingitian lang ito. “Anong pag-uusapan natin, is it about the kiss rendevouz that happened inside your kitchen?” excited na tanong nito na pinipigilan ang pagtili. Bigla siyang namula sa tanong nito hanggang ngayon ay naaalala pa rin niya kung ano ang nangyari sa kanya after the kiss, it leaves her breathless at iyon ang nasaksihan ni Karylle at ni Diana ng pumunta ito sa bahay niya. Nakalimutan niyang may plano nga pala silang magshopping ng mismong araw na iyon, nagkunwari naman ang dalawa na para bang walang nakita pero ng makaalis si Heinz ay ipinakita ng mga ito ang video ng halikan nila na halos ikasabog na ng ulo niya.       

            Pero humingi pa rin siya ng copy dahil iyon ang first kiss nila and she wants to treasure it forever for the rest of her life. At sa tingin niya sa video ang galing niyang kisser at least hindi siya napahiya kay Heinz, ang galing kaya ni Heinz sa halikan nakakawala ng ulirat pero ayaw niyang mawalan ng ulirat dahil masyadong masarap ang halik nito para lang hidni niya maalala.

            “Hindi iyan ano ka ba.”

            “Nagmamalinis pa ang bruhang ito naku sayang talaga at wala si Diana kaya ako nalang ang magsasabi nito.” Tumikhim pa ito. “Sis, ang hot ng eksena nakaka-arouse lang ang peg. Sana pala umalis kami kaagad at ng magkaroon na rin ng apo si SPO-.”

            Isang tikhim ang pumukaw sa kanilang dalawa.

            “Magkakapo? Sino?”

            “Tay!” bigla siyang napatayo. “A-nong ginagawa niyo dito?”

            “Pulis ako.” Nagmano siya sa ama. “Kaya nandito ako sa presinto.”

            “Hindi naman ito ang presinto niyo eh.”

            “Ah may pinag-usapan lang kami ni Police inspector Garcia kaya ako napunta dito. Ikaw anong ginagawa mo dito?”

            “May pag-uusapan lang po sana kami ni Karylle tay.” Kumaway ang kaibigan niya sa tatay niya habang sinisensyasan itong manahimik.

            “Bakit may naririnig akong apo?” biglang nagningning ang mga mata ng tatay niya. “Kailangan ko na bang tawagan ang nanay mo para sabihin na magkakaapo na kami.”

            “Si tatay masyadong excited hindi pa no, maghahanap pa lang po ako ng tatay ng magiging anak ko.”

            Ngumisi ang tatay niya. “Aba, bakit hindi nalang si Police Chief Inspector Hendrix Anderson?” turo nito sa paparating na chief inspector na head ng tatay niya at head din ni Karylle.

            “Good morning chief pogi.” Sumaludo si K sa gwapong chief inspector. Ngumiti naman ito sa kanila and salute back.

            “Anong meron dito mukhang nagkakasiyahan na kayo dito.” Kung titingnan mo ang chief inspector ay parang hindi makabasag pinggan pero kung pagbabasehan ang mga sinuong nito ay hindi mo maiisip iyon.

            “May girlfriend ka na chief?” tanong ni K na nagbat pa ng mga eyelashes nito.

            “Nope, why?”

            “Mag-aapply po ako.” Natawa siya sa sinabi ni K, kahit kasi na sabihin nitong type nito ang chief nito alam niya na may nakaraan pa itong gustong balikan… at parusahan.

            “Ayokong makipagrelasyon sa nasa serbisyo.”

            “Basted na agad ako ang saklap, eh si Zyrene po?” tiningnan siya nito at dahil alam niyang hindi naman seryoso ang usapan nila kaya nagpeace sign siya and flash her stupidiest smile. Siniko siya ng tatay niya.

            “Why not?”

            “Uy, Zy ipagkakatiwala ko sa iyo si chief ha.”

            “Gaga! Meron na ako ---…” she freezes when her father eyed her intently mas lalong nagningning ang mga mata nito sa kanya. “I mean-.”

            “Ay tatay tito may nilalandi na po si Zyrene si Heinz po.”

            “Kilala ko ang batang iyon marunong kang pumili anak pero kung gusto mong magbago ng isip ay okay pa rin ako kay chief.”

            “Tatay talaga nakakahiya kay Chief.”

            Tumawa naman si Karylle sa inasta niya. “Hala nahiya siya tatay-tito samantalang nakipaghal-.” Kaagad niyang tinakpan ang bibig ni Karylle dahil kapag nalaman ng tatay niya ang ginawang pakikipaghalikan kay Heinz for sure maikakasal sila ng hindi pa nito nasasabi na mahal din siya nito.

            Yup, mahal niya ito and she is proud of it. Right now hindi lang niya ito secret crush, pwede ring secret love na niya ito and again she is proud of it. Para siyang nasa kanyang sariling fairytale and she is loving it ang kulang nalang ay ang kanyang sariling happy ever after… FOREVER. Sa fairytale lang kasi merong forever kaya  gagawa siya ng kanyang sariling fairytale. Ang title ay Little Red Hair’s prince charming…. Ay pangit, iba nalang how about ‘The Red Hair’s little Devil’ pwede iyon ang cute pakinggan.

            “Tay and chief pwede ko po bang hiramin si Karylle may kailangan lang talaga kaming pag-usapan na napaka-importante.” Aniya sa dalawa.

            “Sure, pakibalik lang kapag kailangan na namin siya.” Natatawang ani ng chief, nagmano siya sa tatay niya saka hinila palabas si Karylle.

            “Ano na naman ba ito girl?”

            “Naalala mo iyong resource speaker noong fourth year college tayo?” excited na tanong niya. Tinitigan lang siya nito at ska tumawa ng malakas.

            “Girl, iyang sinasabi mong fourth year college tayo anong milenyo na ba? Six years na kaya since nakagraduate tayo. Hindi ko na nga maalala ang mga nadakip ko two years ago iyong six years ago pa kaya.”           

            “Hindi eh alam kong kilala mo iyon si Minerva Rosales.”

            Nanlaki ang mga mata nito, “Iyong babaeng tinanong ko ng question na sinagot mo? Oh my Gosh, iyong sikat na editor-in-chief ng CUP’s magazine the world renowned fashion magazine na kino-collect ko? Yes, I remember her so what about her?”

            “Nagkita kami kanina.”

            “Humingi k aba ng autograph? Saan mo siya nakita?”

            “She called me K, tinawagan niya ako. Gusto niya akong maging writer ng CUPS.” Tumitig ito sa kanya pero ang laki-laki ng mga mata nito na para bang babagsak na sa earth.

            “Tanggapin mo bruha huwag kang maging bobo.” Excited na nagtitili ito.

            “Ang ouch ha, bobo talaga?”

            “Bobo at tang aka na talaga kapag bibitawan mo pa ang ganyan kalaking opportunity. It’s not everyday na makakatanggap ka ng ganyan kalaging bagay.”

            Sabi na nga ba at iyon ang sasabihin nito.

            “I’m scared.”

            “Palagi naman eh, alam ko kaya ang reason kung bakit nagstick ka sa napakaboring mong trabaho ngayon. Takot ka kasi na mag-apply ng trabaho dahil natatakot kang magreject. Sinong bang employer na tatanggi sa isang tulad mo, your credentials are more than enough to describe you mah-friend.”

            Napangiti siya sa kaibigan, madalas silang nagbabangayan but it doesn’t mean they aren’t proud of their achievements, they are more than proud of each other.

            “Thanks Karylle, nagdadalawang isip lang talaga ako. I really want to grab the opportunity kaya nga lang natatakot ako paano kung mabore ako. Alam mo naman ang sakit ko, madalas ay mabilis akong mabore.”

            “I know right pero I swear hindi ka mabobore sa trabahong iyan kapag mabore ka man gagawan natin iyan ng paraan. Isn’t it nice everything in your life is falling into the right places. May magandang trabaho na naghihintay sa iyo tapos may love life ka pa.” tukso nito sa kanya. Isang tipid na ngiti lang ang ibinigay niya kay Karylle. “Hindi na naman pala natin kailangang iseduce si ketchup eh dahil ayan na mukhang matagal na siyang nahumaling sa kagandahan mo.”

            Natawa nalang siyang bigla sa sinabi nito.

            “Pero nakakatakot mah-friend no?”

            “What do you mean?”

            “Hindi ba sabi nila kapag maganda ang career mo pangit ang lovelife?” tumaas ang kilay niya sa sinabi nito. “I don’t want to say this pero napapansin ko lang iyan ayoko ngang isipin, hindi ba sa mga artista kapag maganda ang work nila ay pumapangit ang kanilang lovelife.” K’s words brought her shivers, kakaibang kaba nga lang.

            “Karylle.”

            “Huwag mo ng isipin ang sinabi ko alam mo naman na mahilig lang talaga akong manakot. Just relax okay walang masamang mangyayari sa best of both worlds mo. Kung mangyayari man iyon I will make sure that we are always here for you. Ikaw ang unang sister na may gumagandang lovelife and I don’t want it to mess up.” Determinadong wika nito.

            “Gumaganda talaga?”

            Sunod-sunod na itong tumango at hinila ang mahabang buhok niya. “Magpakulay na kaya ako ng buhok what do you think? How about orange?”

            “Gaga eh di nagmukha kang malaking orange kapag ganun.”

            Tumawa nalang ito. “Ew, nakakawala ng gana kapag naging malaking dalandan ako.” At inimagine pa talaga nito ang sarili nito sa ganoon kaya sabay silang nagtawanan. They are in the middle of their happy bonding when someone stop infront of them. Nanlaki ang mga mata niya ng makilala ang matangkad na lalaki na nakatingin lang na nakakaloko kay Karylle. Nakatalikod kasi si K dito dahil sa kanya ito nakaharap kaya hindi ito nakita ng kanyang kaibigan.

            “What? Para kang nakakita ng pangit.” Napangisi siya ng makitang nag-sign ang lalaking nakalapit na sa kanila ng silence sign.

            “Baboy.” Muntik na siyang pumalatak at tumawa ng malakas ng kulang nalang ay mabali ang leeg ng kaibigan ng marahas itong lumingon sa tumawag dito.

            “At sino ang tinawag mo na baboy--- you sheep!” kung hindi lang niya nahila si Karylle ay baka nakasuhan na ito ng police brutality.

            “You are still in your uniform girl gusto mong masuspend?” Mukhang narealized naman nito ang sinabi niya. Sasagot pa sana ito kaya lang ay nagring ang cellphone niya. Agad niya iyong sinagot lalo pa nakita niyang number ni Heinz ang nakaregister.

            “Hello?”

            “Punta ka sa Devil’s, may ipapatikim ako sa iyo.” Ohlala, kung anuman ang ipatikim mo sa akin kahit walang nguyaan ay lulunukin niya. Pero ano kaya ang ipapatikim nito sa kanya?

<<3 <<3 <<3

a/n: nakalimutan ko, nag-update ba ako kahapon? Hahahaha.. hindi naman ako masyadong busy kahapon pero wala lang talaga akong ginawa. Nakakabaliw lang talaga ang mga pangyayari. And by the way salamat sa mga nag-greet kaninang madaling araw up to now. Thank you so much, sabi nila Knowledge comes with age.. pero feeling ko natatrap ako sa isang time zone kung saan edad lang ang tumatanda, hindi pa naman ako kalabaw meaning tumatnda talaga ang edad ko. Pati ang mga belsbels ko sa katawan ay nagsisitandaan na rin, baby fats pa rin ang tawag ko sa kanila huwag echos kasi ako ang may-ari ng mga bebe fats ko.

Kung anong handa ko? Pwede bang ang sarili ko? hahahahha, ay hindi pwede. Hindi ko rin pwedeng kainin ang sarili ko nakakaumay. Hindi nga ewan ko kung sino ang pupunta dito sa bahay basta ako matutulog tapos magigising lang bukas kapag tapos na araw na ito. Hayyyzt... nagugutom na ako, nanonood ako ng Nanny McPhee... huuuu... wala lang share ko lang

Happy morning babies and wish you all a happy day!

STATUS UPDATE: I am hungry!

Continue Reading

You'll Also Like

460K 3.3K 7
If you want to read the whole story, you can read it on Dreame (@yourhope15) or Goodnovel (Hope Castillana) or purchase a book on Immac Printing and...
563K 14.1K 22
Teaser: Paano kung isang araw ay may magbalik mula sa nakaraan ang twist lang ay hindi nakaraan mo kundi nakaraan nang kaibigan mo? At bago mo pala n...
163K 3.8K 28
GXG
2.7M 50.6K 21
"Just like that I fell for you, and just like that you failed to catch me." All Naome wants is to get away from her hell-Allyxander Miguel Ventura...