Endlessly

By ladyvengeance23

31.8K 978 691

Kung ang pag-ibig ay puno ng kasinungalingan, maniniwala ka pa ba? Kung puno ito ng mga hindi natupad na pang... More

Two
Three
Four
Five
Six
Seven
Eight
Nine
Ten
Eleven
Twelve
Thirteen
Fourteen
Fifteen
Sixteen
Seventeen
Eighteen
Nineteen
Twenty
Twenty One
Twenty Two
Twenty Three
Twenty Four
Twenty-Five
Twenty Six
Twenty Seven
Twenty Eight
Twenty Nine
Thirty
Thirty One
Thirty Two
Thirty Three
Thirty Four
Thirty Five
Thirty Six
Thirty Seven
Last Chapter
To my readers/friends
Our perfect time

One

3.4K 47 19
By ladyvengeance23

ADAM

Nagising ako mula sa pagkakatulog dahil sa sikat ng araw na tumama sa aking mukha. Idinilat ko ang aking mga mata at tinignan mabuti ang tanawin sa labas. Ah, I'm finally back.

Kinuha ko ang aking bag pack at naglakad papunta sa harapan kung nasaan ang labasan ng eroplano.

"Thank you for flying with us, sir." Bati ng stewardess sa akin bago ako tuluyang makalabas at bumaba. Tumigil ako saglit at huminga ng malalim. I missed Manila, actually.

Pagbaba ko ng eroplano ay agad kong kinuha ang aking telepono at binuksan ito. Ngayon ko nalang ulit ata ito magagamit. Idi-nial ko kaagad ang number ng kapatid ko.

"Hello, Kuya!" nakaka-dalawang ring palang pero agad nya na itong sinagot. "Will you shut up, mahal. You're too noisy, I'm talking to Kuya!" natahimik mula sa pagtawa si Daryl dahil sa pagalit na tono ni Cheska. My sister is really a monster. "Kuya?Kuya, still there?sorry. Daryl is kinda annoying."

"Hi, Cheska. I miss you." Kinuha ko ang aking luggage at dumiretso papalabas ng airport.

"Where are you?Where the hell are you?." This time, malungkot na ang kanyang boses. Hindi ko mapigilan isipin ang pagkunot ng kanyang noo at kagustuhan na bugbugin ako dahil sa hindi ko pagpaparamdam. I've been to Bohol and Cebu for the last couple of months. I tried to divert my attention through traveling but I guess, months won't work.

"I'm still in the Philippines, Cheska. Don't worry." Sumakay ako ng cab at nagpahatid sa condo. Tinakpan ko ang mouth piece bago sabihin sa driver kung saan ako ihahatid. Panigurado ay pupuntahan ako ng kapatid ko.

"We're so worried. Saan ka bang lupalop ng soul searching?'di ba pwedeng kasama ako?O kaya kahit man lang si Daryl para mahiwalay naman sa akin kahit kaunti?." Seryoso ang kanyang boses kaya nangiti ako.

"Ano, mahal?ipapasama mo ako sa kanya?come on, you can't live without me." Rinig kong sabi ni Daryl mula sa kabilang linya.

"Oh you shut your mouth, Macalalad. Mas gugustuhin ko pang ikaw ang nag soul searching kaysa kay Kuya." Sigaw ni Cheska. Kung ako kay Daryl, baka matagal ko nang iniwan si Cheska. Mabuti nalang talaga ang nakakatagal sya sa kapatid ko.

What Cheska didn't know is that I have a constant communication with my friends, including Daryl of course. Alam nila araw araw kung nasaan ako at kung saan ako tumutuloy. Sa kanila din ako nagtatanong sa kung ano na ang balita sa pamilya ko. Hindi naman ako basta nalang aalis ng hindi sila iniisip. Kailangan ko lang talaga magpakalayo-layo.

"Cheska, I have to go now." Paalam ko sa kapatid ko ng matanaw ko na ang building ng condo kung saan ako tutuloy. Kinuha ko ang aking wallet at iniabot ang bayad sa driver nang tuluyan na kaming makarating sa building. "I'll call you again. I promise."

"Pwede ba mag-usap muna tayo?Wala pang halos ten minutes tayo nag-uusap, Kuya. Don't be so harsh to me." Rinig ko ang pag hikbi niya. Damn, I miss her too. But right now, everything in my life is fcked up! And I don't want her to pity me.

"I love you, Cheska." I finally said then ended the call and turn off my phone.

I really don't know what I am doing with my life. I quit my job and went to different places. I'm so fcked up...my life is all fcked up just because I loved too much. I loved her too much.

Tumunog ang elevator at tumigil sa floor kung nasaan ang aking unit. Kinuha ko ang susi ng unit sa aking bulsa at binuksan ang pintuan. Halatang hindi din ito binibisita nila Mommy. Kung paano ko noon basta nalang iniwan ang mga gamit ay ganon pa din ang pwesto ng mga ito. Kahit ang mga iilan na bote ng alak na binili ko ay narito pa din gilid ng sofa.

Ipinikit ko ang aking mga mata. Bakit s'ya pa din ang iniisip ko?. Kahit saan ata ako pumunta o kahit anong gawin ko, hindi na sya maalis sa sistema ko.

Lahat...yung paghawak nya sa kamay ko, bawat pag ngiti nya sa akin, bawat akap at halik nya ...para bang parte na 'yon ng buhay ko. Para bang parte na ng pagkatao ko na mahirap ng alisin. Kahit ang mga simpleng pagsasabi nya ng "good morning" tuwing magkikita kami ng umaga at paghalik sa pisngi ko tuwing nanggigigil sya sa 'kin, hinahanap-hanap ko 'yon. Hindi ko na nga alam kung paano ba ako pag wala sya. Sa loob ng limang taon, sa kanya umikot ang mundo ko. Sa kanya lang at wala ng iba..

Umupo ako sa sofa at tumingala. Ilang buwan palang ang lumipas simula ng kasal niya. Simula 'nong tanggapin ko nalang ang katotohan na hindi talaga sya para sa'kin.

Nagulat ako ng biglang tumunog ang landline na nandito sa condo. The fck?sino ang naka-alam agad na nakabalik na ako?.

Ilang sandali ko pang pinakinggan lang ang pag-ring nito bago ko tuluyan nang sagutin.

"Hello."

"Heard that you're back." ahhh, luckily it's just Sean. Nawala ang kaba ko at naupo ulit ng maayos sa sofa.

"Yep,ngayon lang. Sino nagsabi sa'yo?."

"Daryl. Sabi niya kamustahin daw kita. So, how are you now?okay na?."

Nangiti ako ng pilit. "I think this will take a lot of time." tinignan ko ang singsing na suot ko. Yes, i'm still wearing our engagement ring. And im still finding the courage to throw it away.

"Tsk tsk, i don't know what to say. Wala akong maipayo dahil alam kong hindi ako ang nasa posisyon mo at nasasaktan."

"It's okay.I just need more time,I guess. Anyway, where are you?." pag-iiba ko ng usapan.

"Bahay. Magpi-picnic kaming pamilya. We're just waiting for Yannie. To think katabi ko ngayon dito ang tatlo,tsk." natawa ako. He's referring to his triplets, Gian, Hail, and Ace. Sharp shooter talaga.

"My King, let's go. Sino kausap mo?." rinig kong sabi ni Yannie.

Parang ibinaba ni Sean saglit ang phone sa upuan. "Wala My Queen, and will you take Hail first. I'll go pee." ilang saglit pa bago muling nagsalita si Sean."Call you later,pare." paalam nito.

"Thanks. Ingat din." bababa ko na sana ang telepono pero may hinabol pa si Sean.

"By the way, she's fine. Don't worry." at saka nito ibinaba ng tuluyan ang telepono. Napangiti ako, hindi niya palaging kinakalimutan yon.

Oo, sa tuwing tatawag at kakamustahin ko sila, palagi pa din akong nagtatanong sa kung ano na ang balita sa kanya. Kung masaya ba s'ya o inaalagaan syang mabuti ni Kris. Damn, I know I'm so stupid. Na para bang balewala ang paglayo ko.

Ilang saglit ang lumipas ng muling tumunog ang telepono. Agad ko yong sinagot sa pag-aakalang si Sean lang ang tumatawag.

"Adam!" narinig ko palang ang boses nya,awtomatiko na akong napangiti ng wala sa oras. Para bang kahit anong sabihin at gawin nya sa'kin, ayos lang. Para bang kuhang kuha na nya ang buong pagkatao ko. Fck,Melody what have you done to me?

"Hey..." parang naputol ang dila ko. Nawala ako sa sarili.ko.at hindi ko na alam ang sasabihin. Pagkatapos ng ilang buwan,ito nanaman ako.

Tinawag lang nya ang pangalan ko,gusto ko na agad tumakbo pabalik sa kanya. Kalimutan ang lahat ng nangyari at magmaka awa na mahalin nalang ulit ako. Na sana ako nalang ulit. Pero alam ko nang bawal...may nagma-may-ari na sa kanya at hindi ako 'yon.

"Cheska called me. Naka-on na daw ang phone mo pero 'nong tinawagan naman kita,mukhang pinatay mo ulit. Kaya sinubukan ko itong landline. Nag-alala kami sa'yo." malungkot ang boses nya. Napakagat ako ng labi.

Gusto ko syang makita. Gusto ko syang akapin ngayon at sabihin na wag nya akong alalahanin. Kasi hindi ako makalayo lalo. Hindi ako lalong makatakas sa kanya.

"I'm...i'm doing good. Don't worry about me." pilit kong tinapangan ang boses ko. Kahit na sa totoo lang ay nanghihina na ako. Kahit ang mga tuhod ko ay nanginginig ngayon dahil sa hindi ko malamang dahilan.

"Please take care of yourself,Adam. Wag mo kaming pag-alalahin. I'm really sorry If I called you. I just want to make sure that you're safe. I know you're mad at me---

"No. I'm not mad at you. I can't be mad at you." hindi ko na napigilan pang sabihin. Totoo naman,hindi ko atang magawang maramdaman yon sa kanya.

Nakakatawa,para bang wala na akong natitirang pagmamahal sa sarili ko. Para bang kahit pride man lang ay nawala na sa akin. I changed a lot.

"Okay,okay. Sasabihin ko nalang kay Cheska na nakausap na kita." tumigil sya saglit. "Magpakita ka sa amin,ha?Ingat ka,Adam. Salamat."tsaka nya ibinaba ang telepono.

Ramdam kong naawa sya sa akin. Boses palang nya,alam ko,kilala ko sya, nagui-guilty sya ngayon. Ramdam kong naiilang syang kausapin ako dahil sa nangyari. Ako din naman,kung maari lang wag ko na sya kausapin. Kasi yun naman talaga ang dapat.

Nakaabot na kami sa 'dead-end'. At kapag nasa dead-end na ng isang relasyon,wala ng ibang daan. Wala ng ibang pwedeng puntahan o takbuhan. Kailangan nalang tumigil. Kailangan ng tanggapin na tapos na at hanggang doon nalang.

Kaso alam ko sa sarili konh hindi ko pa kaya. Ang hirap nyang alisin sa sistema ko,ang hirap nyang layuan. Na para syang may magnet at kayang kaya nya akong hilahin pabalik sa kanya. Nabigay ko na sa kanya ang lahat...pero.kahit kailan hindi ko pinagsisihan yon.

Give your best. Do anything and everything you can for love. Not everyone had experience the true meaning of it . For love is a once in a lifetime opportunity a person should take chance.

I took every risk and played every game just to win her. But in the end?i lost myself. I was ruined by my decisions in life.

How can I forget someone who gave me so much memories to remember?

Continue Reading

You'll Also Like

4M 88K 58
Evangeline Yu went back to the Philippines only to find out that her house was sold, her sister had ran away with her money and her mother was in com...