She's into Drummers

By kissthegurl_

23.9K 605 138

Effy Montaya is always been in love to George Santayana, the drummer of the famous band TALKHOUSE More

Prologue
First
Second
Fourth
Fifth
Sixth
Seventh
Eight
Ninth
Tenth
Eleventh
Twelvth
Thirteenth
Fourtheenth
Fifteenth
Sixteenth
Seventeenth
Eighteenth
Nineteenth
Twentieth
Twenty First
Twenty Second
Twenty Third
Twenty Fourth
Twenty Fifth
Twenty Sixth
Twenty Seventh
Twenty Eight
Twenty Ninth
Thirthieth
Thirty First
Thirty Second
Thirty Third
Thirty Fourth
Thirty Fifth
Thirty Sixth
Thirty Seventh
Thirty Eight

Third

944 24 5
By kissthegurl_

Past

"Anak, okay ka lang ba?" Agad akong napatingin kay mama na ngayon ay malungkot na nakatingin saakin.

"Opo naman, ma. Mukhang ikaw po ang dapat kong itanong kung okay ka lang po ba?" Tanong ko. Nandito kami ngayon sa bus station at naghihintay ng bus na papuntang Cagayan De Oro. Ngayong araw, na kasi na ito lilipat na kami sa probinsya ni mama, doon na kami permanenteng titira dahil nawalan kami ng tirahan sa Zamboanga. Si mama ay isang waitress sa isang fastfood ngunit mga ilang buwan pa lamang ay tinanggal na agad siya dahil sa ilang beses niyang pagkakamali sa trabaho. Baon rin kami ni mama sa utang kaya kinuha ang mga gamit namin pati na ang buong bahay kaya ngayon ay walang-wala kami. Kaya ngayon, naisipan ni mama na bumalik na kami sa probinsya niya para doon na manirahan.

Okay na okay saakin iyon dahil simula bata pa lamang ako na ikw-kwento na ni mama saakin ang bahay nila sa probinsya. Maaliwalas daw ang hangin. Tapos maraming puno kaya mahangin ang lungsod. Dati ko pa gustong pumunta sa probinsya ni mama kaso hindi kami nakakapunta dahil nga sa trabaho ni mama pero ngayon, makakapunta na kami at doon na nga titira.

"Sorry anak kung kailangan nating lumipat ng tirahan ah. Walang-wala na kasi tayo rito eh. Hindi gaya sa CDO mayroon tayong bahay roon at may mga kaibigan pa akong pwedeng mahingian natin ng tulong." Pagsisimula ni mama. "Sorry kung kailangan mong iwanan ang mga kaibigan mo ha? Di bali, kapag may kaunti na tayong pera, papayagan kitang bisitahin ang mga kaibigan mong nandito sa Zamboanga." Pagpapatuloy pa nito.

"Ano ka ba naman, ma. Okay na okay saakin ang paglipat natin no'! Dati ko pa kayang gustong pumunta sa probinsya mo. Tuwang-tuwa nga ako nang ipinamalita mo iyan saakin eh." Ngiting saad ko sakaniya.

"Sigurado ka ba anak? O baka sinasabi mo lang iyan para mapagaan ang loob ko? Anak, hindi mo na--"

Pinutol ko na ang sasabihin niya sa pamamagitan ng pagyakap sakaniya ng mahigpit. "Ma, sinasabi ko po ang totoo. Hindi po ako nagsisinungaling, okay?" Tumango siya at niyakap rin ako ng mahigpit.

"Oh, nandiyan na pala ang bus na sasakyan natin. Tama na ang drama, nakakasira ng beauty." Natawa ako sa sinabi ni mama. "Oo nga. Hay nako, baka masira pa ang beauty ko at baka wala nang magkagusto saakin." Sabay kaming natawa ni mama at nagsimula nang umakyat nang bus.

Habang papaalis pa lamang ang bus na sinasakyan namin, pinagmasdan ko ang Zamboanga nang huling beses. Siguradong mamimiss ko ang Zamboanga, balang-araw babalik rin ako rito. Napatingin ako sa kamay ko nang may maramdaman akong humaplos roon. Tinignan ko si mama na nakangiting nakatingin saakin habang patuloy na hinahaplos ang aking kamay.

Nginitian ko siya pabalik at sumandal na sa balikat niya.

"Ma, bakit iniwan tayo ni papa?" Naramdaman kong nagulat si mama sa tanong ko.

"B-Bakit mo naman natanong iyan?"

"Noon ko pa po gustong itanong iyan, wala nga lang pong time para magtanong ako sayo dahil parati po kayong nasa trabaho." Kagat labing saad ko. Dati'y pa gumugulo sa isip ko kung paano nagawang iwanan ni papa si mama. Kahit mahirap lamang si mama, nakapagtapos siya nang pagaaral, hindi pa mapagkakailang maganda siya, may mabait rin siyang puso, at marami pang iba. Kaya ipinagtataka ko kung bakit nagawa niya ang bagay na iyon?

"Anak, sorry kung lumaki ka na walang ama ha. Kasalanan ito nang, ama mo eh! Kung hindi niya ako ipinagpalit sa babaeng iyon. Hindi ka sana lumaking walang ama. Hay nako!" Napaangat ako ng tingin kay mama at hindi ko mapigilang matawa sa sinabi nito.

"Ma, hindi mo na po ba mahal si papa?" Nakita kong napatigil siya dahil sa tanong ko.

"Sorry ma, baka--"

"Mahal ko parin ang ama mo." Nagulat ako nang makita kong may tumulong luha sa mga mata nang nanay ko. "Kahit gago siya dahil iniwan at ipinagpalit niya ako sa ibang babae, mahal ko parin siya. Kahit ilang beses ko nang sinabi sa sarili ko na, 'masasaktan ka lang ng paulit-ulit kapag ipinagpatuloy mo pa ang pagmamahal mo sakaniya', ayaw parin tumigil nang puso ko na mahalin siya. Mahal na mahal ko ang ama mo, Effy. Mahal na mahal na pwedeng umabot sa puntong kung bumalik man siya at humingi nang tawad saakin, tatanggapin ko siya sa pamilya natin at mamahalin siya nang walang hanggan." Tinitigan niya lamang ako habang binabanggit ang mga salitang iyon.

"Ma, mahal ko po kayo."Ani ko sabay niyakap ko siya nang mahigpit. "Hinding-hindi ko po kayo iiwan. Tayong dalawa ang magkakampi, remember?" Tinaas-baba ko ang dalawang kilay ko kay mama, dahilan nang pagtawa niya.

"Oo naman, partners in crime kaya tayo! Wait nga, bakit ba ang drama natin ngayon? Hay nako talaga! Matulog ka na nga lang diyan at gigisingin na lamang kita kapag malapit na tayo sa CDO, okay?" Itinaas ko ang dalawang thumbs ko at nag-'ok' sign sakaniya. Muli akong sumandal sa balikat niya at pagkatapos nun, nakaramdam agad ako ng antok.

___

"Anak...Gising na, anak."

Idinilat ko ang aking mga mata at napatingin sa paligid. Naririto parin kami sa bus at madilim na sa labas. Sa tingin ko mga 8 PM na yata. Nakita kong kinukuha na ni mama ang mga gamit namin sa compartment. Madali ko siyang tinulungan sa pagalis nang mga bag namin roon at pagkatapos ay agad na lumabas sa bus. Nagpaalam kami sa bus driver pagkatapos nun ay nagsimula na kaming maglakad.

"Welcome to Cagayan De Oro, anak. Sabi ko sayo, isang singhap mo pa lamang, fresh air agad masisinghap mo diba?" Ginulo nito ang buhok ko pagkatapos.

"Ma, kailangan talaga guluhin ang buhok ko? Tama po kayo, Fresh air nga talaga ang mga probinsya at malamig rin ang simoy nang hangin dahil narin sa mga puno. Parang gusto ko na tuloy tumira rito habang buhay." Tumawa lamang ito at ipinagpatuloy ang paglalakad.

"Anak, mag Jollibee muna tayo. Alam ko may malapit dito e. At alam kong nagugutom ka na kaya kakain mo na tayo, okay?" Tumango lamang ako rito. Hindi nagtagal ay nakarating rin kami sa Jollibee.

"O-order na ako." Ani mama.

"Sige ma, maghahanap lang ako nang upuan nating dalawa." Paalam ko bago umalis at maghanap nang upuan.

Isinakbit ko ang dalawa kong earphone sa tainga habang naghahanap nang upuan. Nang makakita ako nang pwesto, agad na akong lumapit roon. Akmang uupo na ako nang may biglang naunang umupo sa uupuan ko.

"Saglit, Ako nauna dito." Agad kong sinabi sa lalaki umupo sa upuan ko. Naramdaman kong tumaas ang mga balahibo ko nang tinitigan niya ako nang malamig. Hala. Ang gwapo naman ng lalaking ito!

"What?"

"I-I mean, I'm the first one who saw this table so this is mine." Kumunot lamang ang noo nito pagkatapos ay inirapan ako.

Luh bakla yata ito ha! Nang-iirap nang babae! Sayang gwapo pa naman.

"Hoy, I told you this table is mine. So, can you please get out on my table?" Naiinis kong saad rito. Hindi porket gwapo ka, papayagan na kitang kunin ang mesa ko! Ako naunang nakakita rito kaya dapat saaakin ito. Walang hiya lamang ang lalaking ito dahil sumisingit.

"I said--"

"Pwede ba, tumigil ka sa kakadada mo riyan? Nakakainis kasi sa tainga iyang boses mo eh." Ani nito sa iritableng boses.

"Hoy! Huwag mo akong mautos-utusan na tumigil ako sa pagsasalita dahil hindi naman kita magulang para sundin ko ang mga utos mo. Atsaka, Ako naman talaga ang nauna rito sa table na ito kaya dapat ay umalis-alis ka rito. Atsaka, marunong ka palang magtagalog, hindi mo man lang sinabi saakin!" Inis na saad ko rito.

"Can you please just shut up?"

"Ayaw ko! Nakakainis ka nang lalaki ka ha!"

"Tatahimik ka o hahalikan kita?" Ani nito sabay tayo at lapit saakin.

"Ayun, umalis ka din sa upuan ko! Akala--" Napatigil ako sa pagsasalita nang may maramdaman akong malambot na labi na nakalapat ngayon sa labi ko. Oh my god, is this r-real?

Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Sasampalin ko ba siya? o Sisipain sa ano niya? Di ko alam!

"Gusto mo lang yata, mahalikan kaya ka nag-iingay diyan eh." Ani nito. Nginisian niya ako pagkatapos ay hinawakan ang mga labi ko.

"Masarap. Salamat sa maagang dessert, binibini." Muli niyang inilapit ang mukha niya saakin pero natigilan siya ng may tumawag sakanya.

"George!" Saad nang isang lalaki mula sa malayo.

Lumayo siya saakin pagkatapos ay walang sabi-sabing umalis.

W-What did just happen? Did that boy just stole my first kiss? Shit.

____

"Anak, okay ka lang? Umagang-umaga, tulala ka na naman. Ano ba nangyari kagabi? Bakit hindi mo sabihin saakin?" Himig ang pag-aalala sa boses ni mama nang itanong niya saakin iyan. Simula nang halikan ako nang lalaking iyon na tawagin na lang natin sa pangalang 'George', hindi ko na namamalayang tulala na ako at muling magfla-flashback sa isip ko ang paghalik niya sa inosente kong mga labi. Nakakainis! Anong karapatan niyang halikan ang labi ko?! Sabi ko nga isa-save ko ang first kiss ko sa first boyfriend ko eh! Pero, alam kong hindi na iyon pwedeng matupad dahil wala na ang first kiss ko, kinuha na nang stranger na iyon!

"Anak, ano bang problema?" Nabalik ako sa huwisyo at tinignan si mama.

"Okay lang po ako, mama. Iniisip ko lang po kung anong itsura nang magiging school ko." Peke ko siyang nginitian.

"Ganun ba? Di siya kalakihan pero maganda naman ang pamamalakad roon. Buti talaga at kaibigan ko ang principal roon. Nasabihan ko na utang muna ang patuition fee." Saad nito.

"Kaya, pagkatapos nating mag-agahan maligo ka na para makita mo na ang magiging school mo, okay? Maliligo muna ako habang kumakain ka para mabilis tayo." Ani ni mama pagkatapos ay pumunta nang c.r. Napatingin ako sa paligid habang kumakain nang almusal. Ang bahay ni mama rito ay isang maliit na bungalow house lamang, pero sapat na para sa aming dalawa. Maraming pumapasok na hangin dahil narin sa malaking bintana na nakabukas. Pwedeng hindi ka na gumamit nang electric fan dahil sa lamig.

Mukhang magugustuhan ko talaga tumira dito.

____

"Anak kung gusto mo maghintay ka muna sa labas dahil maguusap muna kami ni Tessa." Ani ni mama. Si Tessa ay yung principal namin.

"Sige po ma, tita Tessa." Kumaway lamang ako pagkatapos ay lumabas na sa office ng principal.

Maliit nga ang school pero may karapatan pa ba ako magreklamo? Baon kami sa utang kaya di pw-pwede ang magreklamo.

"AAAAAH! Ang gwapo mo talaga!" Nagulat ako sa sumigaw na babae. Ang lakas nun ah! Ano nangyayari?

May nakita akong mga taong nakakumpol sa gitna ng field. At dahil sa kuryosidad, lumapit ako.

"Ano ba gusto niyo kantahin ko?" Rinig kong saad ng isang lalaki.

"Excuse me." Sabi ko sa babae na nasa harapan ko. Nang makalapit ako, may grupo ng babae at lalaki ang nakaupo sa gitna ng field. Pero agaw atensyon ang apat na amerikanong mga lalaki na pinapalibutan ng mga tao.

Takte ba't ang gw-gwapo naman ng mga ito. Dito rin ba sila magaaral? Inisa-isa ko ang pagtingin sakanila.

Teka. Parang pamilyar ang lalaking nasa dulo ah. Tinitigan ko ang magulo niyang buhok papunta sa braso niyang madaming tattoo. Shit, di ako nagkakamali.

"Masarap. Salamat sa maagang dessert, binibini."

Damn! Ang lalaking iyon ang nagnakaw nang first kiss ko!

Continue Reading

You'll Also Like

4M 88.2K 58
Evangeline Yu went back to the Philippines only to find out that her house was sold, her sister had ran away with her money and her mother was in com...