Zalpha Bri 1: Red Spider's Se...

By iamyourlovelywriter

2.3M 50.2K 2.8K

Teaser: Masyadongmaganda.com is typing..... Masyadongmaganda.com: Hi, pogee. HeinzChua: Get lost Zyrene. ... More

Teaser:
Prologue
Chapter One
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Eight
Chapter Nine-A
Chapter Nine-B
Chapter Nine-C
Chapter Ten-A
Chapter Ten-B
Chapter Ten-C
Epilogue (SPG)
Extra #1: MasterH's letter
Extra #2: Heinz's red hero

Chapter Seven

109K 2.5K 149
By iamyourlovelywriter

Chapter Seven

            “ATE, okay lang ba talaga na maiwan ka dito?”

            Tinitigan niya ang si Koy na may bitbit na cake, pupunta kasi ang mga ito sa bahay ng lola niya na nasa probinsya sa kasamaang palad tinamad siyang kumilos. Dapat ay kasama siya nakaligo na nga siya kaso paglabas niya sa banyo ay bigla siyang nakaramdam ng pagkatamad kaya ayun nagbago ang isip niya.

            “Okay lang ako Koy matutulog nalang si ate.”

            Nakahiga na siya sa sahig nila habang yakap-yakap ang mahabang unan na paborito niyang yakapin sa gabi at kapag natutulog siya ng maaga.

            “Siguraduhin mo lang na kaya ka hindi sasama dahil tinatamad ka kapag naabutan kitang may lalaking kasama dito ipapakasal ko agad kayo.” May halong biro ng tatay niya. Simula kasi ng abutan nito si Heinz sa bahay nila ay pabigla-bigla nalang itong umuuwi sa bahay nila na para bang may gustong abutan. Kapag nakikita nitong nag-iisa lang siya doon kasama si Kora ay sumisimangot ito. Mapang-asar na tatay lang talaga.

            Hindi pa niya nasisimulan ang operation ‘Make Heinz fall for her’ kasi pagkatapos ng meeting nila with the sisters ay tumawag ito kay C para ipaalam na kailangan muna nitong umuwi sa Davao dahil nagkaproblema ang isang business nito doon. She isn’t really expecting him to text her about his whereabouts pero naiinis pa rin siya dito. Eversince na inilabas niya ang madlang friends niya ang malaking pagkagusto niya kay Heinz ay biglang umurong ang tapang niya. Kapag nakikita niyang online ito ay gusto niyang magtype ng message kaya lang bigla nalang niyang idedelete kaya heto siya nababagot sa mundo.

            Bigla siyang nawalan ng gana na kumilos at bigla-bigla nalang niya itong maiisip. Iniisip niya ang ngiti nito, iyong nawawala ang mga mata nito kapag ngumingiti na nakakasira lang ng bait. Matagal na niyang crush si Heinz ever since na nakilala niya ito noong nagpunta siya sa bahay ni C. It wasn’t love at first sight, it’s more on attraction at first sight. Hindi naman siya ipokrita kung sasabihin niya na hindi niya ito nagustuhan kahit na masungit ito dahil unang-una normal na babae lang naman siya, mabilis siyang nakaka-crush sa gwapo at lalo na sa type niyang masungit. He fits it all, hanggang sa nalaman niya kung ano ang hirap na pinagdaanan nito ng mamatay ng maaga ang mga magulang ng dalawang magkapatid. Kagagraduate lang ni Heinz sa college ng mga panahon na iyon at sa halip na mag-enjoy gaya ng iba agad na sumabak ang binata sa pagpapalakad ng maliit na negosyong naipundar ng mga magulang nito hanggang sa sipag at tiyaga ay lumago iyon ng husto.

            Agad na nakuha nito ang respeto niya pero inilihim lang naman niya ang lihim na paghanga niya dito dahil nakakahiya nga naman. Dinanaan nalang niya sa pang-aasar dito hanggang sa kalaunan ay nakasanayan na rin niya na simpleng feelings lang iyon, natabunan ng inis niya dito ang nararamdaman niya hanggang sa recently nga lang… unti-unting nagbabalik ang secret crush niya dito and worst, her feelings for him is getting bigger.

            “Atiiii!” kusang gumalaw ang braso niya at ibinato ang maliit na unan na nakapa niya sa may-ari ng napakatigas  na dila na iyon. “Aruch naman ati ih.”

            “Ayusin mo nga iyang dila mo – ang pangit mo!” nahintakutan niyang tili ng makita ang hitsura ni Kora. Naka-red midrib ito at kitang-kita ang tiyan nitong may muscles, naka-leggings din ito mabuti nalang at hindi bakat ang dapat bakat, marunong magtago. Pero bakat ang mga muscles nito sa binti at nakaheels pa ang bruha na nag-uumalpas naman sa heels nito. At hindi lang iyon ang nakakatakot, may suot itong wig na blonde at sobrang makulay ang buhay ng mukha nito.

            “Ang sakit mo talagang magsalita ate ang effort ko kayang magpaganda.” Hindi nalang siya nagsalita dahil ayaw niyang ma-offend ito pero hindi talaga niya kinaya eh kasi ayaw niyang mapahiya ito.

            “Hindi ka nag-effort sa pagpapaganda Kardo nakakatakot ang hitsura mo.”

            “Ang ganda ko kaya.”

            “Anong maganda sobrang kapal ng make up mo dapat light lang.”

            “Ay, kina Maring nalang ako magpapaganda ng husto kailangan makita ni Jose Maria ang kagandahan ko. Ateng pwede ba akong magliwaliw?”

            “Oo pwede, pakisara nalang iyong tindahan.”

            “Okay I love you ateng.” At nagmamadali na itong lumabas na bahay, she even heard some slamming noises and squeaking of their gate before the place finally get its silence. Nasa sahig pa rin siya ng mamataan niya ang remote control at dahil nga sa tinamad siyang bumangon kaya nagpagulong-gulong nalang siya hanggang sa maabot na niya ang remote at bumalik sa unang posisyon niya.

            She scan the TV channels and settled herself by watching her favorite Phineas and Ferbs again, kaso nainip na siya kaya pinalitan uli niya ang channel and saw a teen flick titled ‘Flipped’, napasimangot siya dahil sa lovestory na naman iyon. Nagchange ulit siya ng channels and she almost cursed when she realized na pawang lovestories ang mga pinapalabas kaya bumalik ulit siya sa panonood ng Phineas and Ferbs.

            Napahikab siya at tiningnan ang cellphone niya, she opened her facebook account and look for her online friends. Kaso offline lahat… natuon ang mga mata niya sa nag-iisang naka-online doon… si Heinz.

            “Ano ba naman ito? Bakit ngayon pa ako tinamaan ng hiya nakakainis talaga.” Ibinato niya ang cellphone niya sa ibabaw ng sofa at saka humilata ulit. Narinig niya ang pagbukas ng gate ng kanilang bahay sa isip niya baka si Kora lang iyon kaya hindi na siya nag-abala pa na alamin kung sino iyon hanggang sa may kumatok ng pinto. Nainis pa nga siya.

            “Kardo ano ka ba-.” Mas lalo pang linakasan ng kumakatok ang pagkatok nito. She curse silently as she stood up lazily wanting to strangle that neck of his. Papaulanan sana niya ng mura ito kaso ay bigla nalang lumakas ang tibok ng puso niya ng mapagsino ang lalaking nasa harap na niya.

            “Hi!” kiming bati nito, napakurap siya ng ilang beses at saka wala sa sariling itinaas ang mga daliri at sinundot ang pisngi nito. “I’m real.” Natatawang hinawakan nito ang palad niya and she could feel the heat of his skin sending shivers throughout her entire body. “See.”

            “You are real?” tila hindi makapaniwalang tanong niya. “You are real!” this time napapikit na ito sa pagsigaw niya. “Oopps, sorry.” Her heart become giddy and her day suddenly brighten up kakaiba talaga kapag crush mo ang nakita mo nagiging happy na ang mundo mo, mas makulay pa sa mukha ni Kora.

            Narinig niya ang paghinang pagtawa nito. “I missed you Zyrene.” At sa isang iglap lang ay natagpuan na niya itong hinahalikan siya, sa pisngi. “I’ve been to Davao and here I brought you some durian candies.” Hindi siya nakaimik agad dito.

            “Th-thanks.” Sa kadaldalan niya iyon lang ang nasabi niya, nakakatameme ng utak.

            “You’re welcome are you alone?”

            Muntik na niyang masapok ang ulo niya ng mapagtantong nakatayo lang ito sa labas ng pintuan niya. “Pasok ka muna Heinz sorry.” At agad naman itong pumasok at nakasunod lang sa kanya kaya ng bigla siyang huminto ay bumangga ito sa katawan niya at muntik na siyang tumilapon kung hindi lang siya nito nayakap. Nang maamoy niya ang mabangong katawan nito ay bigla siyang nakaramdam ng init na hindi niya maintindihan. This is really bad as she thought so.

            “Are you okay?” nag-aalalang inilapag nito ang mga dala nito at saka hinarap siya dito. Gusto na talaga niyang umiyak ng mga oras na iyon sa hindi malaman na dahilan basta masaya lang siya. Namiss lang siguro niya ito ng sobra.

            “I-I think I am fine.” Aniya na hindi gumagawa ng unang kilos upang umalis sa bisig nito dahil kung siya ang papipiliin ay gusto niyang manatili sa tabi nito.

            “I think you aren’t fine namumula na ang mukha mo.” Anitong dinama pa talaga ang pisngi niya kaya ang nangyari talagang pulang-pula na ang mukha niya. “Hindi ka naman mainit mukhang kailangan ko ng tumawag ng doctor.”

            “Ha? Hindi pwede!” tili niya. Hindi siya pwedeng mapatingnan ng doctor dahil baka pati sa mga pagsusuri ng doctor ay lumabas ang tunay na sakit niya… ang sakit niya sa puso… dahil sa lalaking ito. “I mean okay lang ako medyo naiinitan lang siguro.”

            “Oh? I need to fix you something cold.”

            “Hindi na talaga Heinz.” Pero mukhang hindi na nito pinakinggan ang pagpigil niya dahil inupo na siya nito sa sofa at saka binuksan ang nakapatay na electric fan at pinaharap sa kanya. Hinanap nito ang kusina nila bitbit ang isang asul na box na may tatak ng café nito, para siyang tuod lang na naghihintay sa muling pagbabalik nito. Pagbalik nito ay may dala na itong juice at ilang slice ng cake. Pagkaraan ay tumabi na ito sa kanya at pinaimom siya ng juice.

            “Are you okay now?”

            Sunod-sunod na tumango siya. “I am okay now.” She needs to calm herself dahil baka ano na naman ang lumabas sa bibig niya at may gawin na naman itong ikakahulog na ng tuluyan ng puso niya.

            “Bumabalik na sa normal ang kulay ng mukha mo kanina kakulay na ng mukha mo ang buhok mo.” May halomg birong wika ng kaharap niya. Pabirong hinampas niya ito.

            “Sikuhin kaya kita.” Tumawa lang ito sa sinabi niya and how she loves hearing his laiugh, it sounds so good. “A-ano nga pala ang ginagawa mo dito?” sa wakas ay naayos na rin niya ang takbo ng isip niya.

            “Hindi ko kasi naibalik kaagad ang bike mo na naiwan natin sa park noong huli tayong magkita, naiwan mo rin ang laptop mo sa opisina ko. And I left my cellphone inside my car I forgot to bring it, tinawagan ko si Crischel using a landline phone.” Paliwanag nito.

            “You don’t have to explain.” Tiningnan niya ang mga bitbit nito. “Mabuti at hindi nawala ang bike ko.”

            “Reeze Business Park is a safe place, I can assure you that.”

            “Sabi mo eh.”

            “Where are your parents?”

            “Nagpunta sila sa bahay ng lola ko hindi ako sumama kasi may ginagawa ako kanina.”

            “Wow, how lucky am I.” he joked.

            Tinitigan niya ang binata dahil pakiramdam niya kahit nakangiti ito ay pagod na pagod ang hitsura nito.

            “Kailan ka nakabalik from Davao?”

            Naglikod bigla ang mga mata nito at ngumiti lang sa kanya. “Gusto mo pa ng cake?”

            “Heinz, kailan ka bumalik?” seryosong tanong niya.

            He sigh, “An hour ago.”

            “An hour ago at dito ka agad pumunta? Paano kung wala pala ako dito? Did you drive?” tumango lang ito. “Aren’t you tired?”

            “Kanina pero ng makita kita hindi na.” bulong nito, sa sobrang hina hindi niya halos narinig niya iyon.

            “Ano iyon?”

            “Hindi naman ako masyadong pagod.” Umusod siya sa pinaka-edge ng sofa at saka hinila ito. “Zy!”

            “Higa ka, umidlip ka muna.”

            “Pero-.”

            “Heinrich Chua huwag ng matigas ang ulo okay? Humiga ka dito.” She even tap her lap, he looks at her lap as if it was a dream place. “Halika nab ago pa magbago ang isip ko at sa sahig kita patulugin.”

            Tinitigan muli nito ang sahig na kanina lang ay ginugulungan niya. Napatili siya ng bigla siya nitong hilahin doon at kinuha ang mga unan na nasa ibabaw ng sofa nila, inilatag nito iyon doon saka ito nahiga at sa kasamaan—no—sa kabutihang palad ay sinama siya nito sa paghiga. Nakahiga na ito habang ang isang braso nito ay nakawrap sa katawan niya at ang mukha niya ay nakasubsob sa mabangong dibdib nito. Gusto yata nitong matulog silang dalawa ng magkayakap as if naman tatanggi siya. Idinantay niya ang braso sa dibdib nito she can even feel those eratic heartbeats of his slowing down. Tinitigan niya ito, mukhang nakatulog na si Heinz napagod yata talaga ito. Napangiti nalang siya sa kanyang sarili habang tinititigan ito. She closes her eyes and pressed her body to his body, he shifted and now both of his arms are wounded around her body. This is the best nap ever!

           

            “OH GOD!” Bulalas niya ng pagmulat niya ng mga mata ay mukha ni Heinz ang namulatan niya na nakamasid lang sa kanya. Naikurap niya ng ilang beses ang kanyang mga mata upang alamin kung totoo ba ang nakikita niya or naghahallucinate lang siya.

            “Good no—afternoon?” nakangising bati nito sa kanya.

            “Kanina ka pa ba gising?”

            “Yup.”

            “Bakit hindi mo ako ginising? Nakakahiya!” naiinis na saad niya sabay hampas dito. He chuckled and she could feel his laughter’s vibration throughout her body.

            “You shouldn’t be ashame of something you look really cute when you are sleeping and pretty when you are awake.” Pinamulahan siya ng mukha sa sinabi nito kung makapagsalita kasi ito para bang ni minsan sa buhay nila ay hindi sila nagbabangayan at nagpipisikalan. Natawa nalang tuloy siyang bigla. “Is there something funny?”

            “Oo nakakatawa kasi tayo para bang hindi tayo nagbabangayan dati, I can still remember that day when I kicked your foot. Does it hurt?”

            He groaned. “Does it hurt? It leaves me some bruise lady.”

            Lumabi siya, “It isn’t my fault you know kasalanan mo kaya iyon because you are such a jerk.”

            “Jerk pala ha, ikaw naman sobrang kulit. Wala ka na yatang ibang ginawa dati kundi kulitin ako.” Bigla itong kumilos and now he is towering over her. Muntik na siyang mapatili ng dumagan ito sa katawan niya pero tinakpan naman nito ang kanyang mga labi upang hindi siya makagawa ng ingay. “No noise babe.” She still mumbles something kahit na nakatakip ang palad nito sa bibig niya. “So cute, I like that.” She wriggled out from his grasps masyado na siyang naiinitan sa pagdagan nito sa katawan niya at kapag nagkataon ay may magagahasa sa loob ng bahay nila. But the more she wriggled out the more he pressed his body into hers making her feel that prominent part of his body.

            “Heinz ano ba?” namumulang hinampas niya ito ng sa wakas ay pakawalan na siya nito. Tumawa lang ito ng malakas making her anger vanish just like that. Tinulungan siya nitong tumayo and she groaned when she felt her muscles stiffing for a while.

            “Bakit baa ng gaan-gaan mo? Kumakain ka ba?” magkadugtong na ang mga kilay ng binata habang minamasahe ang masakit na likod niya.

            “Of course I eat at saka hindi ako magaan masyado ka lang malakas.”

            “I need to be strong.”

            “Male ego ha?”

            “Masusubukan mo rin ang lakas ko Zy soon.” Nanunuksong tanong nito sinamaan lang niya ito ng tingin. Napatingin siya sa wall clock apat na oras na rin pala silang natutulog mukhang napagod talaga ito at siya naman ay napagod sa pag-iisip dito recently.

            “Speaking of foods are you hungry Heinz?”

            “Sort of ipagluluto mo ako?”

            Ngumiti siya dito. “Sure. Pupunta lang ako sa kusina.” Paalam niya dito, kailangan muna niyang makalayo mula dito pansamantala she needs to save her remaining self for herself. Pagpasok niya sa kusina ay agad siyang nagluto ng kanin sa rice cooker habang hinahanda ang mga lulutuin niyang adobo.

            “Zyrene.”

            “Ay shit--.”

            “Sorry nagulat na naman yata kita.” Naman Heinz maawa ka naman sa puso kong mahina sa panggulat mo.

            “Hiwain kaya kita nitong kutsilyo.” Inis na sabi niya.

            “I don’t mind.”

            “Sabi ko hindi ba doon ka lang sa sala.”

            “Naiinip ako doon gusto ko ng kausap.”

            “Akala ko ba sanay ka ng tahimik naglalagi ka nga sa opisina mo.”

            “Bakit ko naman pipiliin manahimik lang kung ikaw ang kasama ko mas masarap kang kausap keysa sa mga papel na nasa harapan ko. Sumasagot ka kasi kahit pinapasakit mo ang ulo ko.”

            “Ganoon? Sakit lang pala ako sa ulo ang sama mo talaga.”

            Lumapit ito sa kanya at saka hinapit ang beywang niya upang magkadikit ang katawan nila.

            “You are the best headache I wouldn’t mind having Zyrene.”

            “Tabi ka nga diyan nagluluto ako.” Shit talaga, ang lalaking ito sobrang pinapakilig na siya. Nasaan na ang justice sa mundo, dyusko!

            “Nope, I love it here. Ang bango mo pala.”

            “Heinz ano ba ang nakain mo?”

            “None so far.”

            “May jetlag ka pa ano kung anu-ano na iyang pinagsasabi mo.”

            “Jetlag? Maybe analog lang ang ulo ko at naisip kong hindi na ako dapat magpatumpik-tumpik pa I don’t want to waste my time.”

            Bigla na naman siyang kinabahan sa sinabi nito, she is a hopeless romantic in nature at saka ayaw muna niyang mag-assume hangga’t wala pa itong sinasabi.

            “Ano bang lulutuin mo?”

            “Adobo, kumakain ka ba ng adobo?”

            “Kung luto mo bakit hindi?”

            “Kung gusto mong makakakain pwede mo naman siguro akong bitiwan hindi ba?”

            “Oh?” may tono ng panghihinayang sa boses nito at halata sa bawat galaw nito na naghehesitate ito. “Okay.” Iyon lang at umupo na ito sa may kitchen table.  There’s a long silence between the two of them until she remembered something.

            “Pakitingnan lang ang niluluto ko may kukunin lang ako sandali.” Paalam niya dito hindi na niya ito pinagsalita dahil mabilis siyang pumunta sa silid niya. Agad niyang kinuha ang puti na sobre na matagal na niyang gustong ibigay dito. Pagbalik niya ay hininaan nito ang stove at saka humarap sa kanya.

            “Here.” Abot niya sa puting sobre. Kunot-noong kinuha naman nito ang sobre para tingnan at mas lalong nagdugtong ang kilay nito ng Makita ang laman ng sobre.

            “What’s this?”

            “Hindi ko pa napapa-in cash ang cheque na iyan pero sure akong hindi tatalbog iyan. Bayad ko sa laptop na ibinigay mo sa akin hindi ko agad naibigay kasi naging busy ako at umalis ka rin papuntang Davao.” Ibinalik nito ang cheque sa sobre at ibinalik ulit sa kanya.

            “I can’t accept the money.”

            “Bakit? Kulang pa ba?”

            “I don’t need it-.”

            “Pera mo ang ginamit sa pagbili niyan kaya binabayaran ko lang.” hindi na niya ito hinayaan pang magreason out dahil alam niyang hindi din nito iyon tatanggapin. “It doesn’t mean na hindi ako bumibili ng mga mahal na bagay ay wala na akong pera. Hindi man ako kasing yaman mo Heinz o ng mga kaibigan ko pero kumikita din naman ako. I am working kahit na parang hindi rin and besides ayokong magkautang sa iyo, I don’t want to offend you Heinz I really appreciate the thoughts but I don’t need something extravagant. Hindi naman kami ganyang pinalaki ng mga magulang ko, simpleng tao lang naman ako. It might be expensive pero minsan lang naman iyon, iisipin ko nalang na gift koi yon sa sarili ko sa hardwork ko for the past years of working. Take the money please kung kulang pa just tell me babayaran ko hindi nga lang muna buo baka installment basis lang muna.”

            Narinig niya ang pagbuntong-hininga nito and before she can make a move ay inisang hakbang na nito ang distansya nila. He grab the back of her head and pressed his lips into hers, she was stunned for a while and then suddenly she felt her own body betraying her. Kusang yumakap ang mga braso niya sa leeg nito and opened up her lips for him to deeper the kiss. Hinapit nito ang beywang niya at mas lalong humigpit ang pagkakayakap nito sa kanya. If this kiss can only last for a lifetime she would be more than willing to stay.

<<3 <<3 <<3

a/n:

Habang sinusulat ko ang zbs isa lang ang nasabi ko sa sarili ko, this is indeed one of the lightest story I had so far.. pahinga muna tayo sa mga iyakan and churva, at masasabi ko rin na isa ito sa mga naiiba, first time akong susulat ng may ganito, ganyan. Experimental kung baga, kung hindi niyo gaanong magustuhan don’t worry babawi nalang ako sa next books. The same lang kasi ang trend nito, from light to dark to lght to dark, the usual.

Naiinis lang ako dahil nga sa pakiramdam ko ay nawawalan na ako ng time na magsulat dahil sa six days na palagi ang class. Kailan ba matatapos ang mga make-up classes na itey, gusto ko ng bumalik sa dating takbo ang buhay ko. Nakakaasar lang. Class na naman later, two Saturdays na akong absent sa masteral class ko buhay nga naman… kaya ito… makakapasa talaga ako by hook or by crook.

Teaching and studying with demands pa, pakiramdam ko gusto ko ng sumuko. Kaya lang kapag naiisip kong nagagawa ko naman bakit ko susukuan… iniisip ko nalang na malapit na rin naman akong matapos sa masters ko ilang kembot nalang. Malapit na rin ang bakasyon kaya makaka-focus na rin ako. Maaga ang graduation sa amin, March 26 kaya mabilisan ang pagtakle ng mga topics. Iyon lang, thank you for waiting for this update.

STATUS UPDATE: Nakaka-feb-ebeg si Heinz, makahanap din ng Heinz.

Continue Reading

You'll Also Like

2.9M 48.5K 16
CATCHLINE: I dont know what to do anymore, all I know is I am madly inlove with you that it hurts... so much. TEASER: Loving someone who does...
2.2M 48.5K 21
Teaser: Nasanay na si Karylle na mama lang niya ang kasama niya, nasanay siya na nakikita niya na puro babae ang nakapaligid sa kanya. At nasanay na...
2.8M 48.2K 46
R-18,Mature Content inside,not suited for readers below 18, ranked 21 in #forever Completed// Enrieka Rosales got blind at the age of twenty due to...
2.5M 52.8K 35
Paalala: May mga eksenang hindi pwede sa mga bata, read responsibly. Teaser: What goes around comes around... Monica's biggest mistake happened fo...