Kabanata 3

49 9 0
                                    

Third Person's Point Of View

Dalawang lata palang ng beer ang naiinom ng baklang si jeffrey ay tila lasing na lasing na ito.Kasalukuyan siyang nagtatatalon habang sumasayaw na animoy bulate sa tugtog na nanggagaling sa inilabas nyang wireless bluetooth speaker kanina, habang ang lahat ng kaniyang mga kaibigan ay halos mabaliw-baliw na sa katatawa at matapos nito ay hingal s'yang napaupo.

"Bro, dinala mo ba iyang gitara mo dito para i display lang haha sample naman dyan," panunukso ni Topher kay Daniel na hawak ang gitara nito. Sa buong barkada,alam ng lahat na si Daniel ang pinakatalentado dahil bukod sa napakagaling nito sa larangan ng basketball ay biniyayaan din ito ng magandang boses.

"Oo nga naman Bro, Sample! Sample! Sample" pagsangayon naman ni Andrei habang pumapalakpak na agad ding ginawa ng iba nilang kasamahan.

"Tsk ! kumanta kana kase babe daming arte neto haha, para madali..Yung *Sa aking Puso* nalang ang kantahin mo  paboritong kanta mo yon diba?" mungkahi naman ni Vincent sa kasintahan.

" Sample! Sample! Sample! " sabay sabay na sigaw ng buong barkada habang pumapalakpak.

"Sige na nga hehe,"pag sangayon naman nito kaya naman habang inuumpisahan na niyang laruin ang kanyang hawak na gitara ay nagumpisa na syang kumanta.

Uulit ulitin ko sayo....

ang nadarama ng aking puso

Ang pagibig koy para lang sayo

Matatagpuan Larawan mo...

Habang kumakanta ito ay tila sa kanya ito nakatingin at sa bawat pagbigkas ng lyrics ng kantang iyon ay nakikita ni Vincent sa mga mata niya na punong puno ito ng sinseridad at pagmamahal para sa kanya.

Ikaw ang laging hanap-hanap sa gabit- araw,

Ikaw ang nais ko sa tuwina ay natatanaw.

Pumikit si Vincent at nagbalik sa kanya ang mga panahon noong una silang magkakilala...at ngayon ay naisip niya kung gaano siya kaswerte dahil siya ang pinili nitong mahalin, ramdam na ramdam niya na kung gaano s'yang kamahal ni Daniel,kaya naman ipinangako niya sa sarili na hinding hindi siya mawawala sa tabi nito, na mamahalin niya ito hanggang kamatayan.

Ikaw ang tunay na pag-ibig wala nangang iba,

Sa aking puso'y tunay kang nag-iisa...

Pagtatapos nito sa kanta habang nakatingin kay Vincent, ang mga mata nito ay tila may namumuong luha kaya naman hinalikan niya ito sa labi.
"I love you babe"anito
"hhmmm I love you more Mr. Daniel De Chavez Gonzales" Aniya at binigyan niya ulit ito ng masuyong halik sa labi.

CRAVE (bxb horror)Where stories live. Discover now