Kabanata 7

35 9 0
                                    

Vincent's Pov

"Teka! Ang ibig mo bang sabihin ay mali ang tinahak nating daan palabas ng kweba.? Paanong nangyari iyon..Hindi ba't sinunod naman natin ang nakasulat sa mapa?" Tanong ni Daniel kay Andrei habang nakatutok ang kaniyang mata sa mapa.

"Hindi ko namansin ang maliit na babalang nakalakip sa mapa. Ang nakasulat doon ay matatagpuan ang tamang daan sa likod ng ikasampung bilang ng madadaanan nating rebulto ng malaking ibon. Hindi ko ito napansin dahil halos tuldok lang ang sulat nito..Tingnan ninyong mabuti." Paliwanag ni Andrei. Ginamit niya ang kaniyang hintuturo at saka itururo ang maliliit na letrang nakasulat sa mapa.

"Mukang sinadya ito para lituhin tayo." Ani naman ni Christopher na nakasalumbaba pa.

"Sinadya..? Ngunit nino?" Tanong ko.

"Hindi ko alam. Makakabuti sa atin kung makababalik tayo sa kweba para hanapin ang daan pabalik, iyon lamang ang tanging paraan para makaalis tayo at makauwing ligtas." Ani ni Andrei.

"Hindi! Ayoko! Nababaliw naba kayo..? Mamamatay tayo kapag bumalik doon, dahil nasa tabi-tabi lamang sila..Ang kailangan nating gawin ay manatili dito habang naghihintay ng mga tutulong sa atin!" Pasigaw na sambit ni May.

"Ngunit paano kung walang dumating na tulong May? Mas manganganib ang buhay natin kung wala tayong gagawin. Sabi mo nga hindi ba nasa tabi-tabi lamang sila. Kailangan nating sumugal para sa ikakabuti natin. Walang ligtas na lugar dito May, Mapanganib man ang pag balik sa kweba ay iyon lang ang natatanging paraan para makauwi tayo." Ani ni Daniel.

"Kung ganoon ay kailangan na nating paghandaan ang pagpunta duon. Hindi biro ang panganib na naghihintay saatin, teka nasaan si Kia.? Tanong ko nang mapansin na kanina panga pala wala dito ang bestfriend ko.

"Marahil ay tulog pa iyon. Para nga siyang ewan eh, kanina sinilip ko siya, aba't nakatalukbong pa ng kumot eh ang init-init naman sa kwarto." Natatawang sambit ni Topher.

"Teka, gigisingin ko nalang." Tumayo ako at naglakad patungo sa kwartong tinulugan ni Kia at May. Tinapik ko ang nakatalukbong na si Kia ngunit hindi ito gumalaw kaya naman dahan-dahan kong inalis ang pagkakatalukbong niya sa kumot ngunit wala akong Kia na nakita. Tumambad sa akin ang patong patong na unan na ginamit niya para siguro ay isipin na naroon lang sya at natutulog. Naguguluhan akong lumabas at bumalik sa kinaroroonan ng mga kaibigan ko.

"Wala si Kia sa kwarto." Sambit ko sa nagaalalang tinig.

"Paanong wala babe?" Tanong naman ni Daniel.

"Kung ganoon ay umalis siya ng hindi natin al.." Naputol ang pag sasalita ni May ng makarinig kami ng sunod-sunod na pagkatok sa pinto.

"Teka silipin kolang." Lumapit ako ng bubuksan na sana ang pinto ngunit hinarang ako ni Daniel. "Babe! Hindi natin alam kung sinong nanjan baka iyan ang killer" Sambit ni Daniel na pinandilatan pa ako ng mata. Sinilip niya ang siwang ng pinto at nagulat sa kaniyang nakita. "Si Dave..Buhay pa si Dave," masayang sambit ni Daniel at tuluyan na nga niyang binuksan ang pinto.

"Dave..? Kennedy?" Nagulat ako nang masilayaan ang mukha ng lalaking una kong minahal.

"Vincent.. We've found you," Mas nagulat pa ako ng bigla niya akong niyakap ng mahigpit. Hinayaan ko nalang iyon dahil masaya ako na muli siyang makita. Matagal narin kase buhat ng huli kaming nagkita kaya medyo namiss ko ang gagong ito.

"Kamusta kana? Akala ko hindi na kita makikita," Dagdag pa nito.

"A-anong ginagawa mo dito? Paano mo nalaman na nandito kami?" Naguguluhang tanong ko.

"Ehem!" Bahagya kong naitulak si Kennedy nang aking marinig ang makahulugang pagtikhim ni Daniel.

"Ah eh mahabang kwento, ang mabuti pa ay papasukin mo muna kami," Sagot ni Dave nilingon ko siya at saka ko palang nakita ang duguan niyang suot, hindi narin maganda ang amoy niya dahil siguro sa mga natuyong dugo roon, mukang namumutla rin siya at halatang nanghihina kaya inalalayan ko siya papasok.

"Dave..ikaw yan..? We've thought you're already dead..? Masayang sambit ni Christopher. Habang si Andrei naman ay masama ang tingin sa kakaupo lang na si Kennedy.

"Bakit nandito iyang si Kennedy..?" Malamig na tugon naman ni May.

__________

Kasalukuyan kaming kumakain habang patuloy na ikinukwento ni Kennedy kung bakit siya nakararing dito. Kung paano niya nalaman ang kataksilan ni Joice at ang panganib na naghihintay sa aming lahat. Ganun din si Dave na halos mangatal-ngatal sa pagsasalaysay sa sinapit niya sa kamay ng magkapatid na demonyo. Nawalan ako ng ganang kumain sa napakaraming rebelasyon na aking narinig. Mula sa trahedyang naganap sa pamilya ni Kia, sa muling pagkabuhay ng kaniyang ama, sa pagpatay at pagkain nila sa bawat taong kanilang nabibiktima, sa panto-torture ng magkapatid kina Dave at Jeffrey hanggang sa kung paano nakatakas si Dave ay malinaw niyang naipaliwag.

Sa lahat ng mga kaibigan ko ay kay Kia ako mas napalapit. Tiruring ko na siya bilang nakatatandang kapatid ko at minsan nga ay kami pa ang napagkakamalang magkasintahan dahil sa malalim naming pagkakaibigan. Siya ang mas nasaktan noon ng iniwan ako ni Kennedy matapos kong sabihin dito ang tunay kong nararamdaman. Siya rin ang nagtulak sa akin para mapalapit kay Daniel, hindi ko yata kayang tanggapin na siya din pala ang magdadala sa amin sa kamatayan. Ang isa kopang ipinig-aalala ay kung ano na ang nangyari kay Jeff, sana hanggang ngayon ay maayos parin ang kalagayan niya.

"Kung ganoon ay hindi rin pala tayo ligtas sa bahay na ito, dahil sabi nga ni Kennedy ay nahulog daw tayo sa patibong sa pagtuloy natin dito.?" Sambit ni Daniel na maayos na ang tingin kay Kennedy, hindi katulad kanina na halos kainin niya ito ng buhay.

"Mukang kailangan nanga nating umalis dito," Pagsangayon naman ni Andrei.

"Pero paano si Dave..? Hindi pa niya kayang maglakad dahil sa mga natamo niyang pinsala." Ani ni May na may bahid ng pag-aalala sa tinig.

"Siguro ay magpalipas muna tayo kahit isang araw pa rito, bukas ay magiging maayos na ang pakiramdam ko..Pangako!" Sambit ni Dave.

"Akong bahala diyan kay Dave.. Remember, registered nurse ako" Si Kennedy naman ang nagsalita na may halong pagmamalaki.

"Sus! Nurse na hindi kayang gumamot ng sakit sa puso!" Pangaasar naman ni Christopher kaya siniko ko ito ng malakas. Napatingin naman si Daniel sa akin na nakakunot ang noo.

"Sige na ako nang magliligpit ng kinainan natin.. Samahan nyo na lang si Dave sa kwarto para makapagpahinga." Suggestion ni May.

Matapos naming kumain ay inihatid namin si Dave at Kennedy sa isang bakanteng kwarto para makapagpahinga na sila, ngunit napasarap ang aming kwentuhan at hindi na namin namalayan ang tumatakbong oras.

_______

May's Pov

Lumabas ako para kumuha ng tubig sa de tunggang gripo na aking gagamitin sa pagbabanlaw nang pinggan. Habang tinutungga ko ang gripo ay napansin ko ang isang pack ng Dairy milk chocolate na aking paborito di kalayuan sa aking kinaroroonan, luminga ako sa paligid para siguraduhin kung may tao ngunit wala akong nakita bukod sa mga puno at nagtataasang mga damo. Nilapitan ko ang kinaroroon ng chocolate at masayang dinampot ito at ng aking binuksan ay mabilis ko itong nilantakan. Ilang araw nanga ba akong hindi nakakain nito , hindi ko na matandaan kaya muli kong nilantakan ang pangalawang bar ng chocolate ngunit nang akin itong maubos ay bigla akong nakaramdam nang pagkahilo. Kahit pa umiikot na ang aking paningin sa paligid at medyo nanlalabo narin ay pilit kong imilulaga ang aking mga mata, nakita ko pa ang dalawang bulto ng tao bago ako tuluyang nawalan ng malay.

Itutuloy...

CRAVE (bxb horror)Where stories live. Discover now