Kabanata 5

28 8 0
                                    

Vincent's Pov

Naging payapa ang pakiramdam ko ng mapansin ko na medyo maayos na ang pakiramdam ng bestfriend kong si Kia. Masaya kaming nagku-kwentuhan at kahit papaano ay saglit naming nalimutan ang mga masasamang nangyari sa amin sa mga nakalipas na oras.

"Guys hiramin ko muna si babe ah, may sasabihin lang ako saglit." Nakangiting paalam ni Daniel. Kinuha niya ang kamay ko dahilan para mapatayo ako sa aking kina-uupuan, kumindat pa ito sa mga kasamahan ko at ngumisi ng nakakaloko.

"Oyy ang daya huh! Bakit ba kailangan ninyo pang lumayo. Dito mo nalang sabihin para marinig namin," Pabirong sabi ni May.

"Oo nga naman Daniel..Tingnan mo sina Topher at Andrei Oh mas gusto nilang may nakakarinig ng paglalandian nila haha." Ani ni May na nakatingin sa magkasintahang nag-uusap, tumingin pa ito sa kanila at ngumiti. Napatawa naman si Daniel sa pangungulit ni Kia at May pagkatapos ay nagumpisa na kaming maglakad.

Tinakpan niya ang mga mata ko gamit ang kanyang palad. Hinayaan ko nalang iyon at nang tanggalin niya ang pagkakatakip ng aking mga mata ay namangha ako sa aking nakita.

Napanganga na lamang ako at hindi agad makapagsalita ng masulyapan ang mga nag gagandang bulaklak na nagkalat sa kapaligiran. Mamula-mula ang kulay nito at parang tila alaga ito sa dilig dahil kahit mga dahon nito ay wala akong nakikitang tuyo. Luminga-linga ako sa paligid at kasabay ng pagkamangha ko sa napakagandang paligid ay napukaw ang aking atensyon ng isang lalaking nakaluhod sa aking harapan at ang kumikinang na singsing na tangan nito na mas lalong nagpaurong ng dila ko.

"Babe, alam kong hindi ito ang tamang pagkakataon para ibigay ito sayo pero hindi ako mapakali hehe. Marami pa tayong pagdadaanan sa buhay pero gusto ko itong harapin ng kasama ka. Gusto kitang pagsilbihan sa abot ng aking makakaya, gusto kong matulog at gumising na katabi ka" Anito.

Nagsimulang pumatak ang mga luha ko habang pinakikinggan ang matatamis na salitang nanggagaling sa lalaking minamahal ko.

"Marry me Mr. Vincent Aquino Montemayor! wala kanang choice..Oo lang dapat ang isasagot mo dahil planado na lahat." nakangiti nitong sabi.

Tumango lang ako at inilahad ang aking palasinsingan, sapat na ito para ipaalam na pumapayag akong magpakasal sa kanya. Masuyo nya akong hinalikan sa labi pagkatapos ay niyakap niya ako ng mahigpit.

"Thankyou, Baby pinapangako kong magiging mabuti akong asawa kapag ikinasal na tayo. Hinding hindi ko hahayaang masaktan ka dahil ikamamatay ko iyon Baby.. Mahal na mahal kita."

"I should be the one thanking you Baby, napakaswerte ko sayo at nagpapasalamat ako sa diyos dahil ibinigay ka niya sa akin. Ikaw ang dahilan ng mga ngiti ko sa araw-araw. Ipinapangako ko rin na hinding hindi ako mawawala sa tabi mo..Mahal na mahal kita sobra." Sambit ko matapos ay mas hinigpitan kopa ang pagkakayakap sa kanya.

"Teka ano nga pala yung sinabi mo kanina na planado na lahat." nagugulungan kong tanong. Kumalas ito sa pagkakayakap, pinagdikit niya ang mga tungki ng ilong namin pagkatapos ay muli siyang nagsalita.

"Alam ni tita at ng mga parents ko ang plano kong pag po- propose sayo baby, pumayag sila at si Dady mismo ang nag-alok na sa New York tayo ikasal. Si Tito Alvin na kapatid ni Dady mismo ang magkakasal sa atin. Pagka-graduate natin ay Papakasalan na agad kita," Paliwanag nito. Magsasalita pa sana siya pero hindi na nya nasambit dahil pinigil ko ito gamit ang masuyo kong paghalik sa kanyang labi.

Hindi ko lubos maisip kung bakit puro magagandang bagay ang nangyayari sa buhay ko. Parehas kaming tinanggap ng mga magulang namin kasabay ng pagtanggap nila sa relasyon namin ni Daniel.

Wala na akong mahihiling pa kundi ang makabalik kaming ligtas kasama ang mga kaibigan ko.

Bigla akong nalungkot nang maalala ang pagkamatay ni Eroll at ang taong may kagagawan nito. Kung meron mang nangyaring masama sa buhay ko, iyon ay ang pagpunta namin dito. Patay na si Eroll at batid kong hindi kami ligtas sa lugar na ito dahil sa pesteng killer na iyon.

CRAVE (bxb horror)Where stories live. Discover now